Monday, June 18, 2012

Riot Love Game : Chapter 27

CHAPTER 27
(Richelle POV)



RICHELLE: AT SAANG BANGA NAMAN NILA NAPULOT ANG STUPID IDEA NA BABALIKAN PA NAMIN SILA?



REGINE: PAGKATAPOS NILA KAMING PALUHAIN NG BALDE-BALDE BABALIK SILA!!!



MAMA: MGA BRUHA KAYO! PARANG KAGABI LANG NUNG NAGKU-KWENTO KAYO EH GUSTONG-GUSTO NYO NA KAYO NA LANG ANG MANLIGAW MAIBALIK LANG SILA SA INYO.



RICHELLE: EH MAMA AKO MAY SAKIT PA AKO, KANINA LANG AKO NAKA-RECOVER NG BONGGA KAYA HINDI KO ALAM MGA SINASABI KO KAGABI AND I’M UNDER THE INFLUENCE OF DRUGS LAST NIGHT.



MOMMY: OH IKAW REGINA, ANONG PALUSOT ANG IBIBIGAY MO SA AKIN?



REGINE: PAGOD PO AKO KAGABI DAHIL ILANG ARAW KO RIN NA INALAGAAN SI RICHELLE AT NGAYON LANG DIN PO AKO NAKA-RECOVER!



        Hehehe!!! Sa mga palusot naman kami, akala mo makakalusot talaga. Pero naiinis talaga ako sa Hayashi na yon, tama bang ibunyag yung pinaka-tatago naming sikreto ni Regine? Baka mamaya magulat na lang kami paggising namin nasa bahay na rin si Papa at si Tito.



RICHELLE: MA UMUWI NA NGA PO KAYO NI TITA AT NAKAKA-ABALA NA KAYO SA PAG-UNLAD NG KAALAMAN NAMIN NI REGINE.



PAUL: AKALA MO NAMAN NAG-AARAL, LAGI KA KAYA NASA GYM AT HINAHAMBALOS YUNG BOLA NG VOLLEYBALL.



RICHELLE: EH KUNG IHAMBALOS KO KAYA YANG PAGMUMUKA MO JAN SA BASURAHAN?! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN MAMAYA.



MOMMY: OH SYA SIGE, AALIS NA KAMI NG TITA MO RICHELLE. MAG-IINGAT KAYO HA. (tapos humarap si Tita dun sa may SC office.) KAYONG DALAWA, LUMABAS NA KAYO JAN. (at lumabas na nga yung dalawa.)



REGINE: TARA NA ESPREN, MALAPIT NA MAG-START ANG NEXT CLASS NATIN.



        At talagang hinila na nya ako palayo dun sa dalawa, at walang sabi-sabi na iniwan sina Paul, Mama at Tita. Affected much pa rin ang luka sa prisensya ni Rayce.



RICHELLE: ESPREN, DIBA WALA KA NAMAN KLASE PA? SA PAGKAKATANDA KO AKO LANG ANG MAY KLASE SA GANITONG ORAS, PERO DAHIL MASIPAG KA NAMAN MAKI SEAT-IN KA NA LANG SA KLASE KO.



REGINE: NAKAKA-INIS TALAGA!!! (at sinabunutan ni Regine ang sarili nya.)



RICHELLE: BRU NAKAKATAKOT KA NA HA, TULUYAN NA BANG BUMIGAY ANG MGA TURNILYO MO SA UTAK? ANO NA NAMAN BA KASI ANG IKINA-KAINIS MO?



REGINE: NAIINIS AKO SA SARILI ESPREN EE. SABI KO KAKALIMUTAN KO NA SI RAYCE PERO LAGI KO PA RIN SYANG NAIISIP, ISA SYANG MALAKING PULGAS SA ULO NA AYAW MAALIS.



RICHELLE: ANG GANDA NG NAPILI MONG POINT OF COMPARISON HA, PULGAS. I CAN’T BLAME YOU IF YOU STILL LOVE HIM AFTER ALL ANG DAMI NYO RING KALANDIAN NA PINAG-DAANAN.



REGINE: (so kailangan pa talaga akong batukan?) NAGSALITA KA NAMAN JAN, AKALA MO BA HINDI KO NAPAPANSIN NA AFFECTED SO MUCH KA PA RIN SA RYE NA YON? MAY NALALAMAN KA PA JAN NA YOU’RE UNDER THE INFLUENCE OF DRUGS JAN. (halata ba talaga na mahal ko pa rin si Rye? Parang hindi naman.)



RICHELLE: AYOKO PUMASOK SA NEXT SUBJECT KO, TARA SA DUG-OUT NA LANG TAYO TUMAMBAY.



REGINE: APAKA-TAMAD MO TALAGANG MAG-ARAL, KAYA HINDI UMASENSO YANG UTAK MO EH.



RICHELLE: (I rolled my eyes) SABIHIN MO NGA SA AKIN REGINE, YUN BANG MGA TINUTURO SAYO NG MGA PROF NATIN MAY NAA-APPLY KA BA SA PANG ARAW-ARAW MONG PAMUMUHAY? WALA NAMAN DIBA?! HANGGANG NGAYON NGA HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG BAKIT NAGKARON NG MGA THEORIES AND POSTULATES SA GEOMETRY, KUNG BAKIT KAILANGAN MO PANG I-PROVE SA ABSTRACT ALGEBRA ANG SIMPLENG 1+1=2!!! (inhale…exhale!!!) SA DINAMI-RAMI NGA NG TINUTURO SA SCHOOL NA TO WALA MAN LANG MAKATULONG SA ATIN PARA MALAMAN KUNG SINO YUNG MGA LINTIK NA STALKERS NATIN.



REGINE: ANG PUSO MO BAKLA BAKA MALAGLAG, KANING-LAMIG LANG ANG DIKIT NYAN.



RICHELLE: SABIHIN MO REGINAMALI BA ANG MGA SINABI KO?



REGINE: TAMA NAMAN ANG LAHAT NG SINABI MO EH, TAMANG-TAMA PARA SA MGA ESTUJANTE NA KATULAD MO NA TAMAD MAG-ARAL!!! (at talagang may kasama pang pingot ha.) TARA NA NGA, INAANTOK DIN AKO EH, HEHEHE…



RAYCE: BARBIE DOLL!!! (alam na ang susunod na aksyon!)



REGINE: TAKBO RICHELLE!!! ISIPIN MO NA LANG SYA YUNG STALKER NATIN!!!



RYEBEBE LOVE!!!



RICHELLE: MALI KA ESPREN, ISIPIN MO NA LANG NA RAPISTS ANG MGA YAN KAYA BILISAN MO TAKBO!!!



RYE & RAYCE: HEY!!! (nilingon lang namin sila… at balik ang tingin sa harap.)



REGINE & RICHELLE: AY HEY MO YOUR FACE!!!



REGINE: OUCH!!! ANU BA---



RICHELLE: ANAK NG TIPAKLONG NAMAN OH, TITINGIN NAMAN KA---



REGINE: D-DA-DANIEL? (tamang stammer naman ang espren ko oh!!!)



RICHELLE: (at magpapahuli ba naman ako?) D-DENNIS!!! A-ANONG GINAGAWA NYO DITO?



At napatingin lang talaga ako sa paligid dahil baka mamaya bumalandra na naman sa harap namin ang muka ni Mama at ni Tita. Ang lakas pa naman ng mga radar ng mga yon kapag usapang lalake, hindi mga nagpapahuli eh.



RAYCE: AYOS KA LANG BA BARBIE DOLL?



REGINE: IALIS MO YANG PAGMUMUKA MO SA HARAPAN KO!!! NAKAKASIRA NG MAGANDANG ARAW EH.


RAYCE: BARBIE DOLL NAMAN EEE…



DANIEL: IS THERE ANY PROBLEM RHEDJ?



DENNIS: ARE YOU OK NOW RICHELLE? KAYA MO NA BA TALAGANG PUMASOK TODAY?



RICHELLE: (my friend/crush Dennis is so sweet talaga) YEAH, KAYA KO NAMAN NA, SAKA ANG DAMI KO NA RIN NA-MISSED NA LESSONS SO I BADLY NEED TO CATCH UP. (parang tunay ah… sa dug-out nga ang punta namin nito para matulog…hahaha)



REGINE: ANYWAY, BAKIT NANDITO KAYO?


DENNIS: I TOLD DANIEL ABOUT WHAT’S HAPPENING AND HE’S DROP DEAD WORRIED ABOUT YOU, SO HE ASKED ME IF I CAN ACCOMPANY HIM. AND SINCE I ALSO WANTED TO MAKE SURE IF RICH IS FINE, I SAID YES.



RYEGRABE SA MGA SAGOT AH!!!



MOMMY & MAMA: REGIIIIIIIIIINE!!!! RICHEEEEEEEEEEEELLE!!!



        My goodness!!! Akala ko ba aalis na talaga sila, pero ano na naman ang ginagawa nila dito? Jusko, nakakahiya lang talaga dahil bigla silang sumigaw nung pangalan namin na akala mo eh may malaking truck na bubundol sa amin!!!



MAMA: WHO’S THIS--- OWMYGOSH MARZ… ETO YUNG---MARE ANG GWAPO, TEKA MARE BAKA YUNG ANO KO EH NALAGLAG NA, PAKI-TINGNAN NGA MARZ!!!



MOMMY: MARZ ANG GWAPO NGA NYAN…ANG HIRAP PUMILI!!!



RICHELLE: MAAAAA!!! KONTING BAWAS NAMAN NG APOG OH, NAKAKAHIYA SA MGA KAIBIGAN NAMIN NI REGINA!!!



REGINE: BAKIT NANDITO NA NAMAN PO KAYO, DIBA SABI NYO UUWI NA KAYO???



MOMMY: ANG ANAK KO NAMAN OH!!!



DANIEL: SHE’S YOUR MOM? PLEASE TO MEET YOU MA’AM, I’M DANIEL CAMPBELL, RICHELLE AND REGINE’S FRIEND.



MOMMY: FRIENDS LANG BA TALAGA? NOTHING MORE, NOTHING LESS?



MAMA: SO, YOU’RE DENNIS CAMPBELL, RICHELLE’S --- (tinakpan ko yung bibig ni Mama dahil baka kung ano pa sabihin nya, mahirap na!)



RICHELLE: MAMA, TITA UWI NA KAYO DAHIL MAY KLASE NA KAMI.



REGINE: PARANG-AWA NYO NA!!!



DENNIS: WE’LL ACCOMPANY YOU MA’AM; IF YOU WANT WE CAN TALK TO THE NEAREST COFFEE SHOP.



MAMA: OHOHOHO!!! I LIKE YOU!!!



RICHELLE: (nilapitan ko si Mama at saka ko binulungan.) MAMA ANG LANDI MO, SUSUMBONG KITA KAY PAPA! SAKA MAMA MASYADO KA NG THUNDERS PARA SA KANYA NOH!!! (at kinurot na naman nya ako sa tagiliran, badtrip)



DANIEL: SO CAN WE GO NOW?



MOMMY: OH SURE… (at nilapitan ni Regine si Tita)



REGINE: MOMMY NAMAN EH, NAKAKAHIYA SA KANILA PARA KAYONG TEENAGER KUNG MAKA-REACT. MOM, PLEASE DON’T DO OR SAY SOMETHING STUPID, HUH?! (hoho, nakurot din sya)



MOMMY & MAMA: LET’S GO BOYS!!!



RAYCE: WE CAN COME WITH YOU TOO?!



RYEMAYBE IT IS MORE BEAUTIFUL IF WE WILL RIDE OUR CRUISE SHIP, SO WE CAN HAVE A MORE INTERESTING CHIT-CHAT.



MAMA: SOME OTHER TIME MR. HAYASHI.



MOMMY: FIRST COME, FIRST ACCOMMODATED. HAHAHA…(baliw lang talaga si Tita)



        My golly! Kinakabahan talaga ako sa kay Mama at kay Tita, baka kung ano-ano ang idaldal at sabihin nila dun sa mag-pinsan.



REGINE: I’M NERVOUS ESPREN!



RICHELLE: WE FEEL THE SAME. TARA NA NGA SA DUG-OUT.



RYE: HINDI KA PAPASOK SA KLASE MO?



RICHELLE: MIND YOUR OWN FUCKIN’ BUSINESS RYE.



RYE: YEAH, MIND MY OWN F*CKING BUSINESS. SORRY TO SAY THIS BUT YOU’RE ONE OF MY F*CKIN BUSINESS, SO YOU BETTER GO TO ATTEND YOUR FIRST CLASS TODAY!



RICHELLE: WHO THE HELL YOU THINK YOU ARE? BAKIT NAMAN KITA PAKIKINGGAN, ANO BA KITA, ANO BA TAYO???!!!



RAYCE: AT IKAW REGINE, KAILAN KA PA NAGING TAMAD?



REGINE: KANINA LANG…BIGLA KASI AKONG TINAMAD MAG-ARAL NG MAKITA KO YANG NAKAKA-BWISIT MONG MUKA!



RAYCE: GO ATTEND YOUR FIRST SUBJECT TOO!



REGINE: HELL NO!!! (tangengot, wala pa namang klase si espren ko.)



RAYCE: KAILANGAN PA BA KITANG BUHATIN PARA LANG PUMASOK KA SA FIRST SUBJECT MO?



REGINE: GO TO HELL MR. RAYCE HYEUNG!!! (at biglang sumenyas si Rayce kay Rye)



        Oh geezzz!!! Ano bang problema nitong kambal na to, bakit ba binuhat nila kami pareho ni Regine na parang sako??? Jusko naman, hindi naman ako makapag-wala dahil weakness ko nga ang ganitong eksena eh, nalulula ako!!! Pero award lang ang lola Regina nyo, talagang nagpupumiglas!!!



PAPA & DADDY: YOU TWO MORONS!!! PUT THEM DOWN!!!



        T-teka!!! Pa-parang kilala ko ang mga boses na yun ah!!! Pero paano sila mapupunta dito eh diba ang sabi ni Tita at ni Mama busy ang dalawang ugok na yon sa pagpapayaman???



BENJI & KENJI: BABANATAN NA BA NAMIN SILA TITO???



        Hudas, Barabas, Hestas na yan!!! I know those voice too, hindi ako pwedeng magkamali!!! Silang dalawa yung timang kong mga pinsan sa side ni Papa, ano rin ang ginagawa nila dito?



RAYCE: YOU HAVE NOTHING TO DO WITH THIS SIR SO PLEASE, PLEASE LEAVE US ALONE!!!



RYETHIS IS JUST A PETTY LOVERS QUARREL AND WE’RE JUST FIXING IT, JUST STAY AWAY FROM US IF NAIINGAYAN NA KAYO SA SIGAW NA DALAWA NA TO!!!



DADDY: YOU BASTARD!!! DO NOT TOUCH THE BUTT OF THAT BEAUTIFUL GIRL!!!



RICHELLE: AKO, HINDI PO BA AKO MAGANDA SA PANINGIN MO?



DADDY: AND HER TOO, DON’T TOUCH HER BUTT!!!



PAPA: WHY ARE YOU CARRYING THEM?



RYEBECAUSE THEY ARE TOO LAZY, THEY DO NOT WANT TO ATTEND THEIR RESPECTIVE CLASS.



PAPA: KAILAN PA KAYO NAGING TAMAD???



REGINE: DADDYYYYYY!!!



RICHELLE: PAPAAAAAAAA!!! AYMISHU!!!! (at sabay pa talaga kaming kumawala dun sa dalawang hunghang, eh natulala kasi sila bigla eh!)



        Pagkalapit namin sa kanila, isang malupit na power hug ang ibinigay namin sa ama namin ni Regina. At syempre pa, walang kasing higpit yung yakap na ibinalik nila sa amin. Grabe, sobrang miss na miss ko na si Papa, pero grabe lang din dahil sa ganong eksena nya kami naabutan nila Regine at nung kambal!



RICHELLE REGINE: ARAAAAAAAAAAYYYYY!!! (muntik ng mapingas ang tenga naming doon ah!)



DADDY: BAKIT AYAW NYONG PUMASOK SA KLASE NINYO?



RICHELLE: PAPA, TITO… NAGKITA NA BA KAYO NILA MAMA?



PAPA: WAG MONG INIIBA ANG USAPAN RICHELLE, TATAMAAN KA TALAGA SA AKIN.



DADDY: HINDI ALAM NG MGA INA NINYO NA NANDITO NA KAMI, HEHEHE.



REGINE: ISUSUMBONG KITA, NAGLILIHIM KA NA NAMAN KAY MOMMY.



RAYCE: HI DADDY, I’M RAYCE AND I WILL BE YOUR SON-IN-LAW IN THE NEAR FUTURE.



DADDY: BENJI PAKI-GAPOS NGA ANG HUNGHANG NA LALAKE NA TO AH ITALI MO SA PUNO NA MARAMING HANTIK AT IPAKAGAT MO NA RIN SA MGA BUBUYOG.



RAYCE: DADDY NAMAN, MASISIRA ANG MAGANDA KONG KUTIS. (ang kapal lang talaga ng muka, ibang klase.)



PAPA: SINO BA ANG LALAKE NA BUMUHAT SAYO KANINA? HOY IKAW LALAKE, SINO KA BA?



RYEAKO PO SI RYE HAYASHI, ANG LALAKE NA TUNAY NA NAGMAMAHAL SA INYONG ANAK.



RICHELLE: TUNAY NA NAGMAMAHAL MONG GULUGOD MO!!! KAILAN PA PO BA KAYO DUMATING PAPA?



PAPA: KENJI PAKIDALA NGA ANG LALAKE NA TO SA LABORATORY NG UNIVERSITY NA TO AT IHANDA MO YUNG MGA GAMIT PANG-DISSECT NG PUSA, GUSTO KONG BALATAN NG BUHAY ANG ISANG TO EH.



REGINE: HINDI PA RIN TALAGA KAYO NAGBABAGO, PAREHO PA RIN KAYONG BRUTAL. KAILAN BA KAYO TITINO DADDY AT TITO?



DADDY: OO NGA PALA ANAK, NASAAN ANG MOMMY MO? SAANG LUPALOP NA NAMAN NG PILIPINAS SUMUOT ANG ADIK MONG INA? (tapos bigla syang humarap kay Papa) MALAMANG MAGKASAMA NA NAMAN SILA NG ADIK MO RIN NA ASAWA.



RYE: PAPA, PAANO MO PO NAPA-AMO SI MAMA?



RAYCE: DAD, ANO NAMAN PO ANG SIKRETO NYO AT GANYANG KA-GANDA PA RIN PO ANG KATAWAN NINYO?



        Mga masyado namang feeling ang kambal na to, kanina kung tawagin si Mama at si Tita feel na feel ang pagtawag ng Mama at Mommy. Ngayon naman tumodo sa pag-feeling na Papa at Daddy nila talaga ang mga ama namin ni Regine. Sa mga nagtatanong kung ano ang itchura ni Papa at ni Tito after ng tanong nung kambal, ayun. Si Papa at si Tito eh mala ANGRY PARDS NA!!!



PAPA: IKAW DAMUHO KA WAG MO AKO MAUTO-UTO JAN, AKALA MO BA AY NAKALIMUTAN KO NA YUNG NADATNAN NAMING EKSENA NA BUHAT-BUHAT MO ANG ANAK KO AT CHINA-CHANSINGAN. KUNG MAKAHAWAK KA SA PWET (sige Papa, ipagsigawan mo pa!) NG ANAK KO WAGAS!



DADDY: MAY PLEASE LEAVE US ALONE KA PANG NALALAMAN JAN! KUNG CHANSINGAN MO RIN ANG ANAK KO SOBRA. HINDI KO NGA PINADADAPUAN SA LAMOK YAN TAPOS KAMAY MO LANG PALA ANG HAHAWAK, ISASAMA KITA SA KUMAG NA TO SA PAGDA-DISSECT NG PARDS KO EH.



        Well, well,well, wishing well! Sa kanilang dalawa ko lang naman nakuha yung ugali ko na pagiging brutal at palaban, ayoko kasi ng inaapi ako! Hahaha!!!



REGINE: NASA MALAPIT LANG NA COFFEE SHOP YUNG MGA TILILING NYONG ASAWA.



RICHELLE: KASAMA PO NILA YUNG MGA KAIBIGAN NAMIN NI REGINA.



DADDY: MAGAGANDA BA ANG MGA KAIBIGAN NYO, IPAKILALA NYO NAMAN KAMI OH!



REGINE: (kinurot ni espren yung ilong ni Tito, hahaha) PILYO KANG LALAKE KA!!!!



RICHELLE: HINDI SILA MAGAGANDA EH!!!



PAPA: AY PANGIT BA? WAG NA LANG PALA ANAK, WAG NYO NA KAMING IPAKILALA. MASAYA NA KAMI SA MGA INA NINYO.



RICHELLE: HINDI SILA MAGAGANDA KASI MGA GWAPO SILA.



RYE: GWAPO BA YUNG MGA IYON? MGA MUKANG KABUTE!!!



RAYCE: MAS MAGAGANDA PA KAMING LALAKE DUN EH! DIBA BARBIE DOLL?



REGINE: BARBIE DOLL MONG MUKA MO!!!



DADDY: MGA? SO MADAMI SILANG KASAMA NA LALAKE? ANAK NG!!!



REGINE: WAG KANG OA DADDY DAHIL DALAWA LANG ANG KASAMA NILA.



PAPA: TARA NA, SUNDAN NA NATIN ANG MGA MAMA MO AT BAKA KUNG ANO NA NAMANG MGA KALOKOHAN ANG GAWIN NG DALAWANG MAGKUMARE NA YON!



        At hinila na ako ni Papa, at hinila naman ni Tito si Regine. Ano kasi ang meron ngayon sa Pinas at nag-uwian silang apat? Dahil ba it’s more fun in the Philippines? Anong fun dito eh puro kidnap-fun, hold up-fun, lalo na ang kahira-fun, laganap na laganap yan dito ngayon.



REGINE: DAHAN-DAHAN NAMAN DADDY, MALAPIT NA AKONG MASUBSOB EH.



RICHELLE: (bumitaw naman ako sa pagkaka-hawak kay Papa) PAPA WAG KA NGANG PRANING JAN. (hinarap ko naman yung mga pinsan ko) ANO BA KASI ANG GINAGAWA NYO DITO BENJI AT KENJI, KAILAN PA KAYO NAGING ESTUJANTE DITO?



BENJI: NAGPASAMA LANG SINA TITO, HINDI DAW KASI NILA ALAM ANG PAPUNTA DITO SA SCHOOL NYO.



RICHELLE: HINDI ALAM EH MALAPIT LANG NAMAN DITO YUNG KINUHA NILANG CONDO PARA SA AMING DALAWA NG KAIBIGAN KO.



KENJI: HINDI KASI NILA KABISADO TONG ESKWELAHAN NINYO.



RICHELLE: EH PANO MO NAMAN NAKABISADO ANG SCHOOL NAMIN EH HINDI NAMAN KAYO NAG-AARAL DITO?



BENJI: WAG KA NG MARAMING TANONG PINSAN, BASTA NAGPASAMA LANG SINA TITO SA AMIN.



        Duda ako sa dalawa na to eh, parang meron silang itinatago sa akin. Malaman ko lang na meron nga, humanda talaga sila sa akin.



REGINE: ESPREN, AYUN SILA DANIEL AT DENNIS OH!



RICHELLE: OH MY GULAY, JAHE TALAGA SILA MAMA AT TITA KUNG MAKA-HALAKHAK, AKALA MO WALA NG BUKAS. NASAAN NA SI PAPA AT SI DADDY MO?



REGINE: AYUN OH!!! (sabay turo nya dun sa dalawa na kasalukuyang naglalakad palapit dun sa apat.) MY GOODNESS, PARANG AYOKO NG PUMASOK SIMULA BUKAS DAHIL SA KAHIHIYAN!



RICHELLE: DADAMAYAN KITA JAN ESPREN. TARA NA NGA, BAKA KUNG ANO NA NAMANG EKSENA ANG MAGANAP!!!



++++++++++++++++++++


PLACE: BOROUGH CAFÉ


        Hindi na rin talaga kami naka-pasok sa kahit na anong klase namin dahil sa mga pasaway naming magulang. Tama bang hilahin pa kami sa kung saan para lang kumain ng American foods.



RICHELLE: KAKALAYAS NYO LANG SA STATES TAPOS AMERICAN FOOD NA NAMAN ANG KAKAININ NYO, BAKIT PA KAYO PUMUNTA DITO?



REGINE: OO NGA NAMAN, SANA SA NEW YORK NA LANG KAYO NAMASYAL.



DADDY: EH BAKIT BA NANGENGELAM KAYONG DALAWA, KAYO BA MAGBABAYAD NITO?



PAPA: ALAM KO NA ANG IPINUPUTOK NG PWET NYANG DALAWA NA YAN, HINDI KASI SILA SANAY SA MGA AMERICAN FOODS.



MOMMY: MINSAN NAMAN KASI PUPUNTA KAYO SA CLASS NA RESTAURANTS.



MAMA: HINDI MAN LANG BA KAYO NADALA NG MGA EX-BOYFRIENDS NYO SA ISANG CLASS NA RESTAURANTS?



PAPA: YUN BANG DALAWA NA MAY BUHAT-BUHAT SA INYO ANG MGA DATI NYONG BOYFRIENDS?



DADDY: MUKA SILANG TIPAKLONG, MAS OK PA YUNG ITCHURA NUNG MAG-PINSAN NA DENNIS AT DANIEL EH.



MOMMY: EXCUSE ME, MAS MAGAGANDANG LALAKE SINA RYE AT RAYCE, KAYA NGA SILA ANG SINAGOT NG DALAWANG BABAE NA TO EH.



MAMA: TAMA KA JAN MARZ…



PAPA: BAKA KASI KAYA YUNG DALAWANG TIPAKLONG NA YON ANG NASAGOT NILA KASI UNA NILANG NAKILALA YUNG DALAWANG GUNG-GONG NA YON.



RICHELLE: MAS NAUNA NGA PO NAMING NAKILALA YUNG DALAWA.



REGINE: SCHOOLMATES KAMI NUNG GRADE SCHOOL PA LANG.



DADDY: KITA NYO NA, KAYA GANON ANG NANGYARI. MGA ANAK, KUNG MAGBO-BOYFRIEND MAN ULIT KAYO DUN NA KAYO SA MAG-PINSAN.



MOMMY: DADDY WAG KA NGANG SULSOL JAN, BATUKAN KITA EH.



REGINE: EWAN KO SA INYONG APAT, ANG GUGULO NINYO.



+++++++++++++++++++++++++++


PLACE: HOTEL SOFITEL



        Ang kuripot lang talaga ni Papa at ni Tito, bakit dito lang sila nag check-in, bakit hindi man lang sa Shangrila Hotel? Ang yayaman na tao ang babarat, tinalo pa ilocano!



RICHELLE: BILANG SINAMA NYO KAMI DITO, DITO NA LANG KAMI MATUTULOG NGAYON.



REGINE: TAMA, NAKAKA-MISS DIN KASI NA MATULOG SA HOTEL AT MAG-BUHAY DONYA.



DADDY: AT SAAN NYO NAMAN KAMI BALAK PATULUGIN, SA LABAS?



RICHELLE: TITO DUN NA LANG KAYONG APAT NILA TITA, MAMA AT PAPA SA CONDO NAMIN PARA MAKAPAG-CATCH UP KAYONG APAT.



REGINE: TAMA YUN DADDY, ALAM NAMAN NAMIN NA HINDI KAYO TUMATAGAL NA HINDI NAKAKASAMA ANG MGA ASAWA NYO EH. KAYA GORABELLES NA DADDY, TITO.



PAPA: OH SYA SIGE, PERO HINDI NA NAMIN DADALHIN YUNG MGA GAMIT NAMIN. ALAM NAMAN NAMIN NA OVERLOADED NA ANG KALAT SA CONDO NYO.



MAMA: TARA NA, MARAMI PA TAYONG DAPAT PAG-USAPAN.



MOMMY: BILISAN NYO JAN NG MAISALANG NA KAYONG DALAWA SA HOT SEAT.



        Hindi nga nagtagal ay umalis na silang apat. Ipapanalangin namin ni espren na sana ay wala silang gawing milagro, hindi na kami nagre-request ng kapatid. Hahaha!!! At bilang si Regina ay may pagka-pakelamera eh binulatlat agad nya yung luggage bag ni Tito, at bilang may pagka-inggitera naman ako eh nakigaya na rin ako.



REGINE: SANA MARAMING PASALUBONG SI DADDY PARA SA ATIN.



RICHELLE: SANA MARAMING BINILI NA CHOCOLATES SI PAPA, SANA MARAMI RING LATEST GADGETS.



REGINE: ANO BA NAMAN TO, BAKIT PURO PAPEL AT DAMIT LANG, WALA MAN LANG PAGKAIN KO KAYA GADGET.



RICHELLE: ETO RING BAG NI PAPA, PARANG BASURAHAN SA DAMI NG PAPEL. ESPREN, SA LABAS NA LANG TAYO KUMAIN.



REGINE: BAKIT PA TAYO LALABAS KUNG PWEDE NAMAN TAYONG MAGPA-ROOM SERVICE.



RICHELLE: HINDI KO FEEL KAININ ANG MAMAHALING PAGKAIN DITO NA WALA NAMANG LASA.



REGINE: KUNSABAGAY, MAY TAMA KA TALAGA! EH KAYA LANG WALA NAMAN TAYONG DALANG PERA. TEKA, HANAP AKO DITO SA BAG NI DADDY.



RICHELLE: HAHANAP DIN AKO, MAY PAGKA-BALAHURA SI PAPA SA GAMIT NYA SO MALAMANG NA MAY PERA SYANG NAISUKSOK SA MGA BULSA NG BAG NYA.



        Hindi talaga kami tumigil hanggang wala kaming nakikitang pera, hanggang sa may makita ako na isang brown envelop na may kakapalan, sana pera na to. Hahaha!!!



REGINE: ANO KAYANG LAMAN NITONG ENVELOP NA TO?



RICHELLE: MERON DIN SI PAPA NA GANYAN EH. (ipinakita ko kay Regine yung envelop na nakita ko sa loob ng bag ni Papa) ETO OH!



REGINE: HINDI KAYA SILA MAGAGALIT SA ATIN KUNG SISILIPIN NATIN ANG LAMAN NITO?



RICHELLE: HINDI NAMAN NILA MALALAMAN NA PINAKELAMAN NATIN TO EH, SAKA IBABALIK DIN NAMAN NATIN. PERO KUNG PERA ANG LAMAN NITO, BABAWASAN LANG NATIN NG KONTE, AS IN KONTI LANG ANG IBABAWAS NATIN.



REGINE: LUKA MO LANG TALAGA, TINGNAN LANG NATIN AH.



        At unti-unti naming binuksan yung envelop, eh baka kasi masira saka hindi naman kami masyadong excited eh. Laking pagka-dismaya lang ang naramdaman namin ng makita namin na hindi naman pala pera ang laman nung sobre. Paano na ngayon ang tyan namin nito?



RICHELLE: HINDI NAMAN NAKAKA-BUSOG TONG MGA PAPEL NA TO EH, HINDI NAMAN NATIN MAPAPAKINABANGAN ANG MGA TO!



        Binalibag ko pabalik sa loob ng bag yung envelop pero bigla akong natigilan nung makita ko yung magandang muka namin ni Regine. Parang nakita ko na ang mga pictures na to ah. Napatingin lang ako kay Regine dahil doon.



REGINE: NATURAL LANG NAMAN DIBA NA MAY PICTURES TAYO SA BAG NILA KASI ANAK NILA TAYO DIBA? PERO BAKIT PARANG MAY MALI ESPREN?



RICHELLE: KILALA KO ANG MGA PICTURES NA YAN. B-BAKIT MERON SILA NITO, DIBA LAST MONTH PA TONG MGA EKSENA NA TO? SAKA DIBA NGAYON LANG SILA DUMATING DITO?!



REGINE: HI-HINDI KAYA---



DADDY & PAPA: REGINE!!! RICHELLE!!!



MOMMY: MGA IMPAKTO KAYO, TAMA BANG PATAKBUHIN NYO KAMI NG GANONG KABILIS!!!



MAMA: MATATAPYAS KO NGA ULO NINYO EH! ANO BA KASING PROBLEMA, WALA NAMANG IBANG TAO DITO SA HOTEL ROOM NINYO AH!!!



RICHELLE: B-BAKIT MERON KAYO NITONG MGA PICTURES NA TO PAPA, S-SAAN NYO NAKUHA ANG MGA TO?



REGINE: IKAW DIN DADDY, BAKIT MERON KA DIN NITO? K-KAYO BA???



BENJI: TITO NANDITO NA PO YUNG MGA KAILANGAN NYONG INFORMATION TUNGKOL DUN SA KAM---BAL.



KENJI: OOPS, SORRY. BABALIK NA LANG PO KAMI MAMAYA…



RICHELLE: BUMALIK KAYONG DALAWA DITO KUNG AYAW NYONG ILIBING KO KAYO NG BUHAY!!!



BENJI: SABI NGA NAMIN DITO LANG KAMI EH.



RICHELLE: SINONG KAMBAL YUNG PINA-IMBESTIGAHAN NYO SA DALAWANG UGOK NA TO, PAPA?



PAPA: H-HA? A-EH, WALA. HINDI NYO KILALA ANG MGA IYON.



MAMA: OH MY GOSH HONEY, KAILAN KA PA NAGING BADING? OH, ANG PUSO KO AY UNTI-UNTING NAPUPUNIT!



MOMMY: SWEETHEART BADING KA RIN BA? OH, ANG KALULUWA KO PARANG GUSTO NG PUMUNTA SA PARAISO.



REGINE: WAG NGA KAYONG OA JAN! DADDY CARE TO EXPLAIN THESE PICTURES INSIDE YOUR BAG?



DADDY: AH-EHHH…



RICHELLE: KAYONG DALAWA, ANONG PAPEL NYO DITO?



KENJI & BENJI: NAPAG-UTUSAN LANG KAMI HUH!!!



MOMMY: MASABI NGA KAYONG DALAWA NG TOTOO, MALAPIT KO NA TALAGANG KA-TAGPUIN SI SAN PEDRO.



MAMA: AT HINDI AKO PAPAYAG NA MAIWAN MAG-ISA DITO, SASAMAHAN KO ANG KUMARA KO. MAGTAPAT NA KAYO, DAHIL KUNG HINDI SISIGURADUHIN NAMIN NA MAUUNA NYONG MAKILALA SI SAN PEDRO.



PAPA: ANO BA KASI ANG GUSTO NYONG MALAMAN? WALA NAMAN SIGURONG MASAMA KUNG MERON KAMING RECENT PICTURES NILA DIBA, AFTERL ALL ANAK NAMAN NAMIN KAYO.



RICHELLE: EH SAAN NYO PO NAKUHA ANG MGA IYAN, KADARATING NYO PA LANG KAMO DIBA?



REGINE: MAGSABI NA LANG KASI KAYO NG TOTOO, WALA NAMANG MAWAWALA SA INYO EH.



DADDY: EH PANO KUNG BIGLA NYO NA LANG KAMING IWAN?



MOMMY: THAT’S THE PRICE YOU NEED TO PAY SA MGA KATARANTADUHAN NA GINAWA NINYO.



PAPA & DADDY: OK, OK!!! AAMININ NA NAMIN!!!



END OF CHAPTER 27



2 comments:

  1. waaaaaaaaaaaah! dito ko na ito binabasa! laftrip much!

    ReplyDelete
  2. can't wait for the next chapter...ate please update na po agad..hahaha....galing nyo po gumawa ng mga stories..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^