Saturday, June 30, 2012

My Boss : Chapter 3

=Chapter Three : Asaran :) =

(Lee Kyle's POV)


>WHEN : June 15, 2012
>WHERE : Blake's Garden
>WHAT : Inaasar si Black Fallen



"Tigilan mo na nga ako Lee!"Naiinis niyang sabi.


Napatigil ako sa pag-tawa. Tinignan ko siya ng matalim.


"Ano ba! Yuck! Sounds gay! Don't call me Lee! Nakakasuka yan!"Naiirita kong sabi.


Kadiri kaya! Lee? Tss pambakla lang yon!


"Hoy! Anong yuck dun? Ang ganda kaya ng Lee na pangalan! Nakakainggit ka nga eh! Buti ka pa nagkaroon ng pangalan na Lee habang ako wala!" Sagot niya sakin.


AISH!


"Tigilan mo na nga yan! Kyle itawag mo sakin!"Sagot ko sa kanya.


"Sa isang kundisyon..." Tss! May kundisyon pang nalalaman eh!


"Anong kundisyon?!" Tanong ko na naiinip.


"Wag mo na akong asarin." Sagot niya.


Ehh? Ayoko nga! Wala na akong maaasar!


"Sige na nga! Pero ngayong araw lang yon! Bukas wala na!"


"Duga!"


"Ah basta! Kyle lang itatawag mo sakin!"


"Oo na Boss!"


Napatingin yung dalawa naming kasama samin. Kasama kasi namin si Trevor at Key ngayon sa Blake's Garden.


"Tingin kayo dyan?"Loko din 'to eh.


"Ngayon lang kasi may babaeng tumawag na Boss kay Kyle. At isang Leader pa ng pinakamalakas na gang ah? That's great. Nice Kyle!"Panloloko ni Trevor sakin.


"Manahimik ka nga dyan Trevor! Loko ka talaga!"Sabay batok ko kay Trevor.


"Aray oh~ . Ah sige 'to, alis na kami ni Key. Bye Kyle!" Tapos lumakad na sila paalis.


"Tara sa Cafeteria! Gutom na ako eh." Sabay hatak niya sakin papunta sa Cafeteria.


"Gutom ka na naman?! Kakagaling lang natin dun kanina ah?" Tsk! Takaw niya naman!


"Basta! Gutom ako eh! Tumahimik ka na nga lang dyan! Ay! Mauna ka na pala sa table then susunod na lang ako." Huh? Bat naman?


"Eh ayoko! Sama ako sayo!"

"Ang kulet! Dali na! Dun ka na lang sa table!"

Sumunod na lang ako at umupo sa mesa.


Bat kaya ayaw niya ko sumama? Siguro may crush siya na lalaki dun at ayaw niyang makita ako ng lalaki 'no? Tss.. Pagkaka-alam ko hindi ganun si Black Fallen.


"Hui!"


"Ay anak ng tokwang nilagay sa tae!!"Sigaw ko. Pano ba naman kasi! Gulatin ba naman ako? Aish!


"HAHAHAHAHAHA! BWAHAHAHA! Ano ulet? Anak ng tokwang nilagay sa tae? Ano yun? Bago yun ah?"


"Sira! Kumain ka na nga lang dyan! Papasok pa ko sa next class ko eh!"


"Go, You can leave whenever you want." Eeeh? Tampo naman siya?


"Ui! Tampo ka?" Tanong ko at tumabi sa kanya.

She gave my a famous death glare. Then she rolled her eyes.


"Duh~ In your dreams Mr. Arcega . :P Bleh!" Sabi niya sabay subo ng kanin.


Aba't!"Wag mo na ikaila! Nagtatampo ka eh."


Tuloy-tuloy lang siya sa pag-nguya. Sinundot ko nga sa tagiliran.


"Hmp!! *Cough* *Cough*" Nasamid siya kaya pinagpapalo yung braso ko.


"Ow! Aray tama na! Ui! Aray! Araaay~~" Bigla ba namang pinikot tenga ko.


Uminom siya ng tubig sabay sabing, "Malakas kiliti ko sa tagiliran!"


"Nagtatampo ka kasi! Wag na magtampo."


She glared at me again.


"You're only a friend of mine, Fire. Only a friend of mine."


Ouch. May kumurot sa puso ko. Ewan ko kung bakit.


"Ahh."

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^