Monday, June 4, 2012

Kissing Bandit : Chapter 13

CHAPTER 13
(ATASHA ORELLANA POV)



Pinahiram din ako ng high heels ni Ate Diva. Nagpasalamat na kami, lalo na ako at saka kami umalis dun sa shop niya. 9 pm na kasi eh! Ganun katagal ang pag-aayos saakin, at late na kami ng one hour!



Habang naglalakad, may kausap naman si Laris sa phone. “Talaga? Haha! Eh ano pang aasahan mo sa mga yun! Yeah-yeah… I’m on my way.”



“Si Zack ba yang kausap mo?”



Tapos tinignan niya ako at naghand-signal na, “Sheesh…” Si Zack nga kausap niya!


“Sige na Zack. Malapit na ako sa sakayan. Kita na lang tayo jan.” At pinatay na niya ang cellphone niya. “Nagkagulo daw.”



“ANO???”



“Fans! Mga taong nagpipilit na pumasok dun sa bar.”



“Fans? Bakit? May artista din bang invited?”



“Nope. Walang artista. Ang meron lang, kaming mga pinakasikat sa TMU.” Napailing-iling pa siya sa kayabangan niya! Ang hangin!



“Eh gaano naman katagal ang byahe papunta dun sa bar mula dito?”



“Isang oras.”



“What!?!” Isang oras??? Eh di 10 na kami makakarating dun??? Maygawd!!! Speaking of super duper late! “Hala! Bilisan na natin!”



Nag-aabang na kami ng masasakyang taxi and thank goodness naman at may dumating agad! Nauna na akong sumakay dun sa taxi pero… “Hoy! Anong pang tinatayo-tayo mo jan? Patagal ka!”



“Hindi tayo pwedeng magsabay. Makikita ng maraming tao. Gusto mo bang ma-issue ha?” Ay oo nga pala! Nawala sa isip ko yun ha! Na kapag nagsabay kami, big deal yun sa lahat! Hindi pwedeng malaman na higit pa kami sa magkakilala ni Laris.



Oh wag kayong mag-isip ng kung ano tungkol dun! Eh diba nga bukod sa pagiging  dormmates, ako ang photographer niya na may-ari din ng Anti_KB account… pero higit sa lahat… basta ANTI  niya ako. “Oh… sige. Um… eh paano ka?”



Nakangiting parang timang si Ate Ganda. “Mag-aabang ako ng next taxi.” Tapos sinarado na niya yung pinto kaya nagpaandar na si manong driver at iniwan na namin siya.



Okay lang yan, Atasha! Wag kang ma-guilty sa pag-iwan sa kanya! Siya naman ang may gustong wag nang sumabay!



At isa pa, yung good deed na pagtulong niya saakin ngayon, kabayaran lang yun sa lahat ng pambubwiset na ginawa niya saakin. Kumbaga, quits na lang kami!



Ang isipin mo, pupunta ka na sa party at makikita mo na ulit sina tito at tita na soon-to-be parents-in-law mo! Yan ganyan nga, kapalan mo lang mukha mo! At magmaganda ka para mabighani na nang tuluyan sayo si Zack!















Nasa harap na ako ng bar! Powtek! Parang nakakahiya na ngang pumasok lalo pa at late ako ng pagkatagal-tagal!



Pero ang nakakagulat jan, may mga kumpol nga ng tao na nasa labas lang at nakadungaw lang sila. Mukha silang mga paparazzi na naghihintay ng artista. Pero napagisip-isip ko, sila yung mga fans na tinutukoy ni Laris kanina. Gurabeh lang! Sa libo-libong fans at followers nga naman ng mga sikat sa TMU, aakalain mo talagang mga celebrities sila!



Naglalakad na ako dun sa hallway at syempre nagbulungan agad yung mga hindi invited!



“Sino yan?”



“Taga-TMU rin ba yan?”



“Invited kaya siya ng mga Guiller?”



“Wait, kamukha niya yung girl na ni-follow ni Kissing Bandit diba?”



“I don’t think so… pangit kaya yun.”



Mga hinayupak na ‘to! Mag-uusap na nga lang, kailangan pang ilakas! Ang masaklap pa dun, sinabihan pa akong panget! Mga inggeterang palaka!!! Pero ibig sabihin lang nun, maganda nga ako ngayon dahil hindi nila ako mamukhaan!



Pero buti nga sa kanila! Hindi sila invited! Hwahahahaha!!!



Umakyat na ako dun sa hagdanan palapit sa entrance nung bar pero hinarang ako agad nung mga lalaking macho na mukhang hindi pwedeng biruin. Mga bouncer? “Invited po ba kayo sa opening nitong bar?”



“Ah… opo…”



“Invitation card niyo po?”



“Sandali…” So hinalungkat ko na yung bag ko. Pero anak ng pinagpatong-patong na tinapa naman! “Nasaan na ba yun…” Bakit nawawala? Hindi kaya naiwan ko dun sa stall ni Ate Diva? “Sandali lang po ha…”



Kakahiya! Nakaharang na ako sa daanan, pinagtitinginan pa ako ng lahat! “Um kuya… wala po ba kayong guest list? Sigurado ko naman pong nandun ang name ko. Atasha Orellana po. Kakilala ko po ang may-ari.”



“Hay naku miss, ganyan nga rin ang palusot ng iba jan! Katulad na lang ng mga yan!” Sabay turo dun sa grupo na tinutukoy ko kanina. “Kaya nagkagulo kanina dahil sa mga tulad niyo eh. Kung totoo pong invited kayo, nasabihan naman po siguro kayo na dapat dinala niyo yung invitation card.”



“Eh kuya itanong niyo nga po kina Zack! Kakilala ko talaga yun.”



“Miss, wag na lang kayong manggulo kung wala kayong pruweba na invited talaga kayo.” Maygawd! Sarap kutusan ng mga ‘to!!! Hindi ko naman matawagan si Zack dahil nakalimutan ko rin ang cellphone ko!!! Enebenemen!!! Nandito na nga ako, saka pa ako minamalas!!!



“Kuya sige na naman. Inform niyo po si Zack. Malalagot kayo dun kapag hindi niyo ako pinapasok.”



“Umalis ka na nga dito miss.” Sabay tulak saakin. “Nakakagulo ka lang eh!”



Kakainis! Kung hindi lang nabaling ang atensyon ko sa sumunod na sigawan ng mga tao, nasabunutan ko na siguro yung bouncer na nanulak saakin.



So bakit nga ba nagkakagulo yung mga fans? Tanaw na tanaw na ko dito na kaya pala nagkakandarapa na yung mga babaita ay dahil may dumating na lalaki.



 Si… Si… 



“Laris!!! Hwaaaaaaaah!!!”



“Kissing Bandit We Love You!!!”



“Hwaaaahhh!!!”



“Eeekk!!!”


Hala sige magwala kayo! Hindi naman sila pinapansin ni Ate Ganda. Ni hindi siya lumilingon o ngumingiti habang pinipicturan siya ng mga fans niya. Nakayuko lang ang mokong at snob! Parang eksena ng real-life celebrity! Kulang na lang, sambahin nila siya!



Paglapit ni Laris sa entrance kung saan ako nakatayo sa may gilid… “Invitation card po?” Tapos pinakita lang ni Laris yung invitation card niya. Ang sungit nga ng dating eh! Hindi mo aakalaing adik yan!



Napatingin rin siya saakin. At tamang-tama naman! Pwede niya akong matulungan na makapasok dito sa bar. I gave him a look at wish ko lang makuha niya ang ibig sabihin ng mga tingin ko, “Please naman! Sabihan mo si Zack na nandito na ako. Hindi ako makapasok dahil nawawala yung invitation card ko…”



Tapos ini-snob na ako ni Laris. Na-gets kaya niya na nagmamakaawa ako sa kanya na tulungan akong makapasok sa loob? Sana naman! Alien siya diba? Out-of-this-world ang pag-iisip niya kaya dapat ma-gets niya kung bakit ako nakatayo pa rin dito.



Pumasok na si Laris sa loob at naiwan pa rin ako dito sa labas.



Pinababa pa ako nung mga taga-bantay dahil nga paharang-harang daw ako sa entrance! Wala naman akong nagawa kundi sumunod at doon ako lumapit sa mga grupo na hindi rin makapasok.



Kakahiya! Imbes na invited naman sana ako, nasama pa ako sa grupong ‘to! Baka isipin pa ng iba, fan ako ng isa sa mga artista-wannabe ng TMU! Ow well, fan nga naman pala ako ni Zack!



Sana dumating na si Zack! Sana sinabihan siya ni Laris na nandito na ako sa labas at hindi lang makapasok! Please! Please!















Ay grabe! Magi-eleven na, hindi pa rin lumalabas si Zack!!! Nakngputek!!! Hindi nga yata siya sinabihan ng bangaw na Laris na yun! Kakainis!!! Isang oras na ako dito sa labas at sa totoo lang, humuhulas na ang pinaghirapang make-up at ayos saakin kanina.




Napapasama pa ako sa mga kabaliwan ng mga fans na ‘to kasi sa tuwing may lalabas na tao dun sa bar, yung parang sisilip lang o magpapahangin sandali, magsisigawan na sila na parang mga timang!!!



“Miss! Sino ang Idol mo sa TMU? Member ka na ba ang kahit na anong fans club?”



“Hindi po. Invited ako jan sa party.”



“Wehh~!” Pambwiset yung pagkaka-wehh nila ha! “Aber, bakit hindi ka pumasok sa loob?”



“Kasi nawala ang invitation card ko na si Zack pa mismo ang nagbigay.”



“Wehh~! Ayos na palusot yan!!!” Tapos pinagtawanan nila akong lahat! “So si Zack pala ang Idol mo sa kanila!”



Idol ko nga siya pero… “Childhood bestfriend ko po si Zack! At hindi naman sa pagmamayabang noh, kahit i-check niyo pa sa TMU diary niya! Ako yung isa sa mga ni-follow niya!”



“Hwahahahaha! Grabe ka Miss! Mas baliw ka pa pala kesa saamin eh! Kami hindi na nagpapantasya ng ganyan!”



“Oy para sabihin ko rin sa inyo, follower ko nga rin yung Kissing Bandit niyo eh!” At lalo pang lumakas ang tawanan nila! Kakaloka!!! Lumalabas pa tuloy na ako ang mas baliw dito dahil ayaw nilang maniwala saakin. Eh mas malala naman talaga ang mga sayad nila!



Sa bwiset ko at dahil iniisip kong mukhang hindi na rin naman ako makakapasok sa loob ng bar, tumayo na ako at nagsimula nang maglakad papalayo.



“Malas! Malas! Malas ka Atasha! Kung kelan ayos na ayos ka, saka ka pa hindi makapagpakita kay Zack! At saan ba kasi naggala yang lintek na invitation card na yun! Malas! Malas talaga!!!” Hindi ko mapigilang batukan ang sarili ko!



At siguro mga sampung hakbang na nagagawa ko, nagsigawan ulit yung mga baliw na fans! Panigurado may sumilip o nagpahangin na naman na sikat na tao mula sa TMU! Hindi ko na sila nilingon at mabuti nang wala na ako dun para hindi ako mahawa sa mga saltik nila!



Sa ngayon, papara na lang ako ng taxi para makauwi na at itutulog ko na lang itong sama ng loob ko! Kakaimbyerna talaga!!!



“Atasha???”



Oh hallucination ko lang po yan! Yan yung imagination kong boses ni Zack na tinatawag ako!



“Atasha!!!”



Baliwness! Kahit pa ano pang gawin mong imagination, hindi ka na rin makaka-attend sa party na yun! At ayan na ang taxi! Pinara ko na siya!!!



“Atasha, sandali!!!!”



At may biglang humablot saakin mula sa likod at paglingon ko…



“Za… Zack…?”



“Aish!!! Buti naabutan kita!!!” Hawak-hawak na niya ang dalawang kamay ko! Walanjo!!! Si Zack nga!!! Akala ko kanina, imagination lang ang naririnig ko!!! “Where are you going? Uuwi ka na nang hindi man lang nagpapakita sa party?”



“Ah… eh… kasi… hindi ako makapasok… hinarang ako… wala akong invitation…”



“Tara, pasok na tayo sa loob…”



At bigla ba namang humawak sa bewang ko si Zack at sabay kaming naglakad! Gulat na gulat ngang nakatingin saamin yung mga nagsisigawan kaninang fans! Hindi makapaniwala na sinundo ako ng isang Zack Guiller dito sa labas!



And just so you know, naglalaway na at mamatay-matay sila sa inggit dahil ubod siya ng gwapo tonight!!! Pahiyaness pa sila ngayon! Hwahahahaha!



Paglapit namin dun sa entrance, “Ikaw ba hindi ang nagpapasok sa kanya?”



“Ah sir… wala po kasi siyang maipakitang invitation card…”



“Didn’t you know she’s my most special guest!!!” Hala pinagalitan niya yung bouncer! Tiklop yung muscles ni kuya sa sigaw ni Zack! “Let’s go inside Atasha.”



Pumasok na kami sa loob at yung kamay ni Zack na kaninang nakakapit sa bewang ko, nakahawak na ng mahigpit ngayon sa kamay ko! Magkaholding-hands na kami at pinagtitinginan kami ng ibang taong nandito sa loob ng bar!!! - (>///<)~



“Saan na tayo pupunta Zack?”



“Sa mga taong pinaka-namimiss ka” Tapos humarap na kami sa dalawang tao. Medyo may katandaan na sila. “Mom… Dad…”



“Oh my!!! Atasha, is that you???”



“Tita???” Mommy ni Zack?



“Iha!!! Naalala mo pa ako!!!” At sabay yakap saakin ang mommy ni Zack na napaka-higpit nung makita niya ako! “You look stunning!!!”



“Dalagang-dalaga ka na Atasha ha!”



“Tito???” Daddy naman ni Zack?



Ganun din ang ginawa ni tito saakin! Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Ang tagal ko rin silang hindi nakita! Bata pa lang ako nung umalis sila ng probinsya namin eh! Kamuntikan ko na talaga silang hindi makilala!!!



“Okay! Mom, dad, tama na yan! Masyado nang naiipit si Atasha! Haha!” At hinila niya ako at nakaakbay naman siya saakin ngayon!



“We really thought hindi ka na makakapunta!



“Magtatampo talaga kami sayo kapag hindi nagpakita…”



Buti na nga lang at naisip kong lumabas kanina! Dun ko siya nakita eh! So walang nagsabi sa kanya na naghihintay ako sa labas?



“Sorry po. Nawala ko po kasi yung invitation card na binigay ni Zack. Eh ang higpit po ng bantay niyo dun sa labas!”



“But thank goodness nakarating ka! Alam mo bang itong si Zack, nagmumukmok lang jan sa tabi dahil wala ka pa!”



“Mommy!!!”



“Hindi na nga rin nakapag-entertain ng mga guest yan dahil kanina ka pa niya kino-contact!”



“Dad!!!” At tinakpan na ni Zack ang tenga ko! “Don’t listen to them Atasha...” At anong nagawa ng pagtatakip sa tenga ko? Naririnig ko pa rin ang lahat! Ahahaha!



“Sus! Nahihiya ka pa anak!”



“Tandaan mo Zack. Walang torpe sa pamilya Guiller!”



Namiss ko talaga ang kakulitan ng family niya! Hindi pa rin naman pala sila nagbabago kahit pa asensado na talaga sila sa buhay! “Anyway, iwan na natin ang mga yan at baka kung ano pang masabi nila.”



“Bakit? Namiss ko rin sila? Gusto kong marinig ang sasabihin nila!” Kakampi ko pa rin sa kilig itong mga magulang niya! Ahehehehe!



“Now that you’re here, let’s just enjoy the party!” Nakatitig siya saakin at naglakad-lakad na kami palibot sa bar. Iba nga ang ngiti niya ngayon, sarap niyang halikan!!!















Sabi nila, wala daw sa mood si Zack kanina. Pero ngayon, ang kulit-kulit na niya! At syempre, dahil hindi lang naman ako ang bisita niya, iniiwan niya rin ako from time to time para asikasuhin yung iba. Pero binabalikan naman niya ako agad.




Mag-isa ako ulit. Nang makaramdam ako ng uhaw, naisip kong lumapit dun sa drink bar. May isang magandang babae dun na may inorder sa bartender kaya napatingin ako sa kanya. Si kuya bartender nga, halatang nabighani sa beauty nung babae! 


Shetlungs! Hindi naman ako tibo pero hindi ko mapigilan na titigan yung girl! Ang ganda niya kasi eh! At dahil sa malagkit kong titig dahil naiinggit nga ako sa beauty niya, napatingin rin siya saakin.



She looked at me too, sabay ngiti! Napangiti na lang ako sa kanya. Tapos umalis na rin siya agad pagkakuha niya ng drinks.



“Ang ganda naman nun…” At mukhang familiar yung babae! Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita! O pwede ring imagination ko lang nafamiliar ang mukha niya...



“Ano po ang gusto niyo ma’am?” Biglang tanong naman nung bartender saakin!



Um… nauuhaw na ako pero hindi ko naman alam kung anong oorderin ko! “Mamaya na lang kuya kapag dumating na si Zack.” Hintayin ko na lang siyang bumalik para siya ang pa-orderin ko ng masarap na inumin! Baka mamaya kasi pipili ako ng inumin tapos hindi ko rin naman magustuhan ang lasa! Sayang naman!



Humi-headbang na lang ako sa tugtog! Marami ring nagsasayawan sa dancefloor at ang saya ng lahat! Bukod pa roon, lahat yata ng nilalang dito, mga gwapo at magaganda!!! Pero ang hindi ko maiwasan na tignan ay ang kumpol ng mga babae sa may bandang gilid at ang kanilang inaasikaso ay si Ate Ganda!!!



Nagkatinginan kami sandali pero ako na unang umiwas ng tingin at tinalikuran ko na lang siya. Kaso mga ilang sandali lang rin, nakaramdam ako na may lumapit sa pwesto ko at paglingon ko ulit, nakatayo na siya sa gilid ko!



Umorder siya dun sa bartender. “Same cocktail drinks that we ordered a while ago.”



Hindi niya ako pinapansin! Ni hindi rin niya ako tinitignan! Pero hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ‘to para ilabas ang inis ko! Nagparinig lang ako sa kanya, “Isang oras akong naghintay. Bakit hindi mo sinabi kay Zack kanina na nasa labas ako.”



Sumagot din siya nang hindi nagkatingin saakin para nga hindi halatang nag-uusap kami! “Aba, malay ko ba sa trip mo kanina.”



“Hindi ba obvious na hindi ako pinapapasok nung bouncer kasi wala akong invitation? Nawala ko yata dun sa stall. Kaya nga rin kita tinitignan kanina eh!”



“Wala ka namang sinabi na sabihin ko kay Zack na nandun ka na sa entrance. At tsaka ano pa bang inaangal mo jan? Eh nandito ka na rin naman na.”



“Kasi buti na lang naisipang lumabas ni Zack na magpahangin! Kung hindi, eh di hindi rin ako makakapasok dito! Kakainis ‘to!” Napailing na lang siya sa sinabi ko. “Pero hindi na ako maasar sayo dahil hindi mo nga naman kasalanan yun. At dahil malaki rin ang itinulong mo saakin ngayon dahil ikaw ang nagpaayos saakin.”



Napangiti siya nun at tumango na lang, at hindi na ulit kami nagpansinan.



Sakto naman at natapos na ng bartender yung drink mixes na inorder ni Laris. Itchura pa lang ng mga yun, parang tumindi ang uhaw ko!


“Nasaan na ba kasi si Zack? Kanina pa ako nauuhaw…” Ang bulong ko.



Bitbit na ni Laris sa isang tray yung mga drinks para sa mga babae niya dun sa table na pwesto nila pero nung akala kong aalis na siya, umorder siya ulit dun sa bartender.



“And please give this girl a summer mocktail Arnold Palmer drink, please.” At tumingin na siya saakin. “It’s non-alcoholic so maeenjoy mo yun.” At saka siya umalis sa harap ko at bumalik na dun sa table nila.



Inabot na saakin nung bartender yung drink na inorder ni Laris at pagtikim ko… “Hmm~ Masarap nga.” Napatingin ulit ako sa direksyon ni Laris na ngayon ay naglalandi sa mga babae niya.



Kakaiba rin talaga minsan ang kumag na ‘to!



 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 13


7 comments:

  1. ~>angel is luv<~

    ang sweet naman po ni kissing bandit!
    kahit minsan parang hindi siya nagki-care, kakakilig ang mga ginawa! at kahit hindi niya sinabi kay zack na naghihintay si atasha sa labas, keri lang!
    kinilig din ako kay zack! obvious na may gusto talaga siya kay atasha! wag na daw topr sabi ni dad! hahahaha!

    at sino kaya yung girl? hindi maganda ang kutob ko sa kanya! but infairness, she's really beautiful! ang bitchy lang ng smile niya jan!

    ReplyDelete
  2. kyaahh! bkit ang lkas mkkilig nitong si zack! nagmumukmok dhil wla p daw si atasha! hahhhhaa! naiisip q p lng ang kgwapuhan nia tapos gnun pa sia, knikilig na aq!

    ito nmng c laris, tumulong n nga, nag-snob p! peo mei kilig momnt din sila s huli! nkas nmn nde sia magpphuli! go go AtaRis!!!!


    at gosh ung bgong character! kontrabida b yng new girl???

    ReplyDelete
  3. great! whose that girl? even if she's beautiful, she look kind of off... parang mean ang bitchy nga ang dating niya. and i wonder kung yan na ang makakalove triangle ni atasha kay KB. this is getting more interesting! as usual from an author like you. keep it up aegyo!

    ReplyDelete
  4. ang gwapo nga ni zack! para na talaga silang artista noh! biruin mo may mga fans talaga!
    ikaw ba naman thousands ang diary mo! gusto ko tuloy mapasok jan sa tmu na yan.

    and i also think and feel the same way jan sa new girl. feeling ko magiging karibal yan ni atasha. mukhang masungit ang dating oh!

    ReplyDelete
  5. ______97977754767676757755___
    ______66868686849840327946___
    _____________5756546_________
    _____________7634566_________
    _____________5643565_________
    _____________7645487_________
    _____________4863133_________
    _____________4689461_________
    _____________8745879_________
    ______56556789567893789378___
    ______46387354561816181318___
    ______56867893758765987689___
    _____________________________
    _1722545325981_______________
    125445335332588______________
    1353322222221388_____________
    23322222222211246_____________
    233222222222221111222223499____
    12222222222222233555555532508___
    122222222222222222333332332188__
    3122222222222222222222222217288_
    911222222222222222222222221__485
    831122222222222222222222227__388
    58212222222222222222222211___088
    _80172222222222222222227____888_
    __867222222222222221______0888__
    __18512222222211_______488886___
    ___887777__________68888887___
    ____88________508888888______
    _____85488888888885_________



    bkit sobrng ganda! pintitibok tlga ni laris ang puso ko khit simplng bgay lng ang gingwa nia!!!

    ReplyDelete
  6. si zack na ang gusto ko...

    ehhh basta siya ang gusto ko...
    bakit ba?hahahahah

    sya ang type ko eh...

    ReplyDelete
  7. Gosh! Ang cute ni Zack dito hahaha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^