Friday, June 1, 2012

Kissing Bandit : Chapter 12

CHAPTER 12
(ATASHA ORELLANA POV)


Sabado na! Wala pa akong damit! Wag na lang kaya akong umattend?


Kaso inaasahan na ni Zack at parents niya na pupunta ako.



Ayoko namang magmukhang gusgusing bata sa harap nila! 



“ANO NANG GAGAWIN KO?” - T^T



Alas-kwatro na, aligagang ita pa rin ako!


*riiiinggg… riiiiinnnggg…*



“Hello? Sino ‘to?” Malamang, sino nga bang madalas kong kausap sa cellphone?



“Atasha, anak!!!”



“Oh mama, katatawag niyo lang kahapon! Ang dami niyong pan-load ha! Tapos tinitipid niyo ako sa allowance.” Dinirecho ko na talaga!



“Kulang pa ba yun?” Kulang na kulang pambili ng damit para sa party mamaya! “Baka naman ang gastos mo masyado.”



“Hindi naman po. Namamasahe ako pero nga minsan, nilalakad ko lang. Tapos tatlong beses pa rin naman akong kumakain sa isang araw.”



“Hindi ka nagmi-merienda?”



“Minsan… pero not counted yun.”



“Oh kaya naman pala kinukulang ka sa allowance mo. Baka lamon ka ng lamon anak!” Kuripot talaga! “Oo nga pala anak! Tumawag saamin sina Mare! Invited ka daw sa opening ng bar nila.”



“Oo nga po.”




“Oh pumunta ka ha.”



“Pupunta talaga ako pero…”



Sasabihin ko pa sana yung tungkol sa problema ko na wala pa nga akong matinong damit na susuotin! Kaso excited masyado ang nanay ko at nagpaalam agad! “Good! Sige yun lang ang itinawag ko! Sinisiguro lang namin na aattend ka. Babye anak, ingat ka!”



Waaaaaaaaah! Hindi man lang talaga ako nakasubok na makahingi ng dagdag allowance!



Ibig sabihin nun, wala na talaga akong choice! Pagtya-tyagaan ko na lang ‘tong mga damit ko! Siguro naman wala nang papansin sa susuotin ko para sa party na yun noh!



5 o’clock.



6 o’clock.



Eh 8 o’clock yung start nung party…



7 o’clock…



“Okay! Mabuti nang maagang umalis para hindi ma-late!” Pero actually, kaya gusto kong maagang pumunta dun para siguradong konti pa lang ang tao. Baka kasi pag dumating ako nang marami ng tao, maka-agaw pa ako ng atensyon. Kakahiya yun!



But anyway, nakaharap ako sa salamin, no choice but to feel satisfied sa ayos ko ngayon.



“Tama, wala naman akong magagawa eh! At sabi nga ni Zack saken, kung ano ang nagustuhan niya saakin noon, masaya siya na ganun pa rin hanggang ngayon!” Sige Atasha, pampalubag-loob na lang ang magagawa mo!



Hinawi ko yung nagmamaganda kong bangs saka kinuha ang bag ko at syempre yung invitation card. Pero bago yun… “Smile.” ^___^



Ganyan nga! Picture muna at mag-smile! Ang lagay ba, pangit na nga ayos ko tapos magpapakabusangot pa ako?

Pero shetlungs! Ang poga nga ng itchura ko! Wala akong planong ipost ‘to ha! 


Smile pa Atasha! Hindi naman tumitingin sa panlabas na anyo si Zack eh.





Lumabas na ako sa kwarto ko tapos sinugurado kong naka-lock na yung pinto. Pero sakto paglingon ko, saktong lumabas din ng kwarto niya si Ate Ganda.



Ang sama lang ng tingin ko sa kanya. At kung nakakamatay nga lang ang tingin, matagal nang pinaglalamayan ‘tong alien na ‘to eh.



“Yow~!” Sabay salute saakin.



“Yow ka jan! Yowyowin ko mukha mo eh!” Nakalimutan na yata ng tukmol na ‘to na malaki atraso niya saakin nung nakaraang araw! Pero pasalamat siya wala akong panahon sa kanya  ngayon kaya gagantihan ko siya sa ibang araw. “Hmp!” Taray!



“Hot Pink! Anong tingin mo sa ayos ko ngayon? Ayos ba?”



“Aba malay ko. Ako pa tinanong mo. Mukha kang chimpanzee na binihisan lang ng maayos.”



“Tsss…” Nag-smirk lang siya tapos… “Picturan mo muna ako.”



“Hay naku! Busy ako! May lakad pa ako kaya babu!!!”



“Talaga? May lakad ka ng ganitong oras? Saan ka ba maglalaba?”



“Maglalaba? Party ang pupuntahan ko noh!”



“Ows? Party pero ganyan ang itsura mo?”



“Eh pakelam mo ba?”



“Kung party ang pupuntahan mo, bakit mukha kang maglalaba?”



“Wala ka sabing pake!!!” Pero hindi ko siya masisisi kung nilalait man niya ang ayos ko! Ang pangit ko naman talaga kasi manamit hindi tulad niya na akala mo artista sa ayos niya. “Anyway, wag ka na ngang paharang-harang jan at nagmamadali ako.”



“Picturan mo muna ako. Isa lang, dali!”



Hindi talaga titigil ‘to kung hindi pagbibigyan eh! “Oh siya sige na nga!”



Inabot niya yung hawak niyang camera. “Teka, ayusin ko muna buhok ko.”



“Ang sagwa ng ayos na yan! Try mo kayang iharang sa mukha mo yang buhok mo.” Tinignan niya ako ng masama nun, akala siguro nagbibiro ako. “Seryoso ako ha.” Lumapit ako sa kanya at ako na nag-ayos ng buhok niya para hindi na masayang ang precious time ko.



“Pag ako nagmukhang ewan sa picture ha.”



“Wag ka na ngang maarte.”



*click!*



“Oh yan tapos na!”






Inabot ko sa kanya pabalik yung camera at tinignan niya yung picture niya. “Ayus ha.” Oh diba, photographer na nga ako sabi eh! “Nice! Alam mo naman pala ang salitang ‘style’ pero bakit ang sarili mo hindi mo maayusan?”



“Amin na nga yan, buburahin ko yang picture mo!”



“Pikon? Ibig sabihin totoo! Kung yan ang trip mo, bahala ka na.” At ipinasok na niya sa dala niyang bag yung camera. “Anyway, thanks!” Hwaw! Marunong rin naman pala siyang magpasalamat eh.



Tatalikuran ko na sana siya pero biglang may nahulog na envelop sa gamit niya. Napatingin tuloy ako dun nung pinulot niya. Familiar kasi yung itsura nung papel!



“Teka… invitation ba yan para sa opening ng bar ng parents ni Zack?”



“Ha? Oo, bakit?”



“Invited ka? Pupunta ka rin jan?”



“Oo, pero mamaya pa ako pupunta. Alas-ocho hanggang madaling araw naman yung party eh… teka… ito rin ba yung party na sinasabi mong pupuntahan mo ngayon?”



Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.



Saka lang niya ako tinawanan sa sinagot ko. Whats so funny???



“Putek na yan Hot Pink! Ang lakas ng loob mong umattend dun na ganyan lang ang ayos mo!” Sige pa, manlait pa! “Alam mo kung hindi ka nabansagan as WORST DRESSED nung first day ng class sa TMU, ngayon paniguradong malalait ka ng todo jan sa itchura mo! Paniguradong hindi palalampasin ni TMU_Admin na mai-feature ka at mapahiya sa buong university! Ahahaha!” May kasama pang halakhak!



“Eh bakit??? Paano naman mako-cover nung TMU_Admin ang fashion style sa PRIVATE party ng parents ni Zack, aber?



“At sino namang may sabing private party yun?” Ay bakit? Hindi ba? “Dahil bar yun na pagmamay-ari ng pamilya Guiller, natural lang na maraming influential personalities from TMU ang darating dahil mga kabarkada halos lahat yun ni Zack. Kaya nga kasama din ako eh.”



“Oh? Eh ano naman? So you mean to say na invited na agad yung Admin na yun? Eh wala ngang nakakakilala sa taong yun diba.”



“Even if TMU_Admin is not present on that party, marami siyang sources na mapagkukuhanan ng ipopost niya! And with that outfit of yours, hindi palalampasin yun ng mga schoolmates natin at ishi-share nila kay Admin. For sure, mananalo ka talaga as the WORST DRESSED OF THE NIGHT.”



Magpapadaig ba ako sa sinasabi niya? Baka nananakot lang siya! Eh ano naman kung ma-feature ako ni TMU_Admin na may worst style sa party nila Zack!



“If you are ready to be embarrassed in front of almost a million followers of TMU_Admin, then go ahead! Pumunta ka sa party na ganyan ang ayos mo! Ipahiya mo ang sarili mo hindi lang sa kanila kundi sa harap nila Zack at ng parents niya.”



Okay, this is getting worse! Lalo akong natatakot na pumunta dun sa party! Lalo akong nawawalan ng confidence sa sarili! Bakit ba kasi ganito ako eh?



“But there’s still a lot of time and if you want, I can help you.”



“Help me?” Totoo ba narinig ko? Si Ate Ganda? Tutulungan daw ako?















Kapag ako pinagti-tripan lang nitong kumag na ‘to, papakain ko talaga sa kanya ang sirang swelas nitong sapatos na suot ko! “Saan ba tayo pupunta? Malapit nang mag-eight! Magi-start na ang party!”



“Wala namang problema kahit ma-late ng ilang oras.”



“Eh saan nga tayo pupunta???”



Tapos napatigil kami sa isang stall ng mga damit. Actually, malapit nang mag-close yung stall na yun. “Oy impakto ka! Kung balak mong bumili ng damit, wala akong pera ha! Ayaw ko namang magka-utang sayo.”



“Hindi naman tayo bibili.” Tapos pumasok na lang siya bigla kaya sumunod na lang ako.



Bigla namang may nagsalita na babaeng chubby na busy sa pag-aayos ng mga gamit sa loob ng tindahan niya. Ni-hindi niya kami nakuhang tignan, “Sorry po, close na kami. Bumalik na lang kayo bukas.”



“Ate Diva!”



Biglang napalingon ng bonggang-bongga yung chubby na babae nung marinig niyang tawagin siya ni ET. “Papa Laris!!!” At nagtitili siyang parang ewan! Napatakip na nga lang ako ng tenga kasi makabasag eardrums yung sigaw niya eh. “Bakit naman ganitong oras ka nagpakita? Anong kailangan mo ha?” Tapos napatingin siya saakin from head-to-toe. “At sino yang labanderang kasama mo?”



Mukha ba talaga akong maglalaba sa suot ko? Ang tikas manlait ng mga tao talaga!



“Ahahahahaha!!!” Galak na galak naman ang kumag! Siguro pinag-usapan nilang tawagin akong labandera noh? “Hindi Ate Diva, siya ang photographer ko. Si Hot Pink.”



“Ay ang taray ng name! Hello Hot Pink!”



“Hindi po Hot Pink ang pangalan ko.” Buset na lalaki ‘to! Binyagan daw ba ako ng ibang pangalan! Kung sa bagay, siya nga kung anu-ano ding ka-alienan ang tawag ko sa kanya! “Atasha po ang pangalan ko.”



“At siya naman si Ate Diva, isa sa mga pinaka magaling na fashion designer na kilala ko and also one of my favorite client.”



“Naks, kinilig naman ako dun Papa Laris!”



“Ah, hello po Ate Diva.”



“Eh bakit nga pala kayo nandito?”



“Ate obvious na obvious naman na kailangan ng babaeng ito ang tulong mo.” Sabay akbay si Laris saakin! Feeling close??? “May pupuntahan kasi kaming party. And as you can see, kaawa-awa ang kalagayan ng ayos at pagmumukha ng probinsyanang ‘to.” Sige pa! Ibaon mo ako sa panlalait mo! “Pwede bang pahiramin mo siya ng damit?”



“Hmmmm~ bakit mo naman siya tinutulungan Papa Laris? Ang babaeng yan ba ang bago mong prospect? Yun ang nababalitaan ko sa chismis eh.”



“Hindi po ah!” Tinulak ko na si Laris palayo saakin. “Hindi ako ang bagong prospect niya! Chismis nga lang yun!” At ako ang may gawa ng chismis na yun.



“Don’t worry Ate Diva. Bilang kapalit naman ng pagpapahiram mo sa kanya ng damit, magpo-pose ako para sa mga bago mong designs! Kalahati lang ang bayad! At ang kukuha ng shots, syempre itong talented kong photographer na si Hot Pink!”



“Sige na nga! Mahihindian ba kita? Pero kiss muna.” Ay may ganun.



“Sure, ikaw pa!” At walang arteng hinalikan ni Laris ang chubby girl na si Ate Diva!



Smack lang naman yun pero nanlaki pa rin ang mata ko at hindi ko naitago ang gulat!



“What? First time mo lang makakita ng nag-kiss?”



“Po? Hin… hin… hinde!!!” Nakakapanood na rin ako ng kissing scene sa TV  at movies!



“Aha! Mukhang walang alam ang photographer mo sa pagiging kissing legend mo Laris ha!”



“Actually, alam na niya. Hindi lang siya naniniwala.” Tapos nagkagat-labi lang siya sa harap ko! Kaderder! Napaka-flirt at bastusin niya lang tignan! “Oh paano, bihisan mo na yan Ate Diva. Ikaw nang bahala ha.”



“Sureness!” Tapos kumapit na sa braso ko si Ate Diva at kinaladkad ako papasok sa fitting room.














Pagpasok sa loob, pinahubad ako agad ni Ate Diva. Wala naman akong nagawa kasi kakatakot siya eh!



Lalabas siya sandali, tapos papasok ulit na may dala nang damit. Ipapasuot niya saakin yun, titignan kung bagay ba saakin, tapos pahuhubarin ulit.



Siguro naka-apat na balik si Ate Diva. Labas-pasok na may bitbit na iba’t ibang damit. Ako naman, susunod na lang sa kanya para wala nang gulo.



“Hmm… dahil maputla ang pagkaputi mo, sa tingin ko bagay na sayo ang damit na yan.”



“Talaga po?”



Pinaharap niya ako sa salamin at infairness to me! Mukha nga akong sosyalera!



“Oh yan diba? Hindi aakalaing mukhang labandera lang ang beauty mo kanina.” Hanggang ilang beses ba dapat ipagdiinan na mukha akong labandera kanina?



“Okay na po ito. Salamat po…”



Lalabas na sana ako kaso sinabunutan ako ni Ate Diva pabalik. “Anong okay na? Ayos nga yang suot mong damit pero ang pangit mo kaya!”



“Wala naman akong sinabing maganda ako ha!”



“Yun nga! Kaya kailangan, pagandahin pa kita! Party ang pupuntahan niyo diba? Ayoko namang makita ng mga ibang tao na mukhang ewan lang ang may suot sa mga damit na ginawa ko. Teka lang… babalikan kita jan!”



Pasalamat talaga sila inaayusan nila ako! Tatanggapin ko ang mga lait nila! Wala naman din akong karapatang umangal kasi aminin na natin, totoo yung mga sinasabi nila.



Naupo na ako sa upuan at pagbalik ni Ate Diva, may bitbit na siyang pangmake-up at pang-ayos ng buhok. “Hala Ate! Hindi ba tayo matatagalan sa gagawin mo?”



“Actually, kukulangin nga ang isang oras para ayusan ka eh. Pero tumahimik ka na jan and let me do my work.” Oh di shatap na nga ako!



Pinabayaan ko na lang siyang ayusan niya ako at pinabayaan ko na lang rin ang oras na pumapatak. Kapag kasi umangal ako, baka isungalngal niya saakin yung dambuhalang brush na ginagamit niya sa paglalagay ng powder sa mukha ko.



“Ate, wag niyong kapalan ang make-up ha. Hindi ako sanay…”



“Ako na ngang bahala! Gagawin kong bongga ang ayos mo. You’ll see~”



“Ate pwedeng magtanong?”



“Ano yun?”



“Kayo po ba ni Laris?”



“Ay loka ka! How I wish! Pero joke lang!” Tapos parang biglang kinilig na ewan lang si Ate Diva. “Kung iniisip mo yung kiss namin kanina, there’s nothing romantic about that! Yun nga lang, isa lang naman kasi ako sa mga babaeng naging maswerte nang maging prospect ako ni Kissing Bandit! Marami siyang naituro at naitulong saakin! My first kiss with him is my lucky charm! Kitam mo, successful itong shop ko at tsaka isa pa, masaya ako sa boyfriend ko na nakuha ko dahil sa kanya!”



“May boyfriend ka na po tapos nag-kiss pa rin kayo?”



“Ay gaga! Sabi na ngang nothing romantic yun diba? Walang malisya! Pure pampaswerte lang!”



Nawi-weirduhan lang talaga ako sa paniniwala ng lahat tungkol kay Ate Ganda! Napakahirap paniwalaan na dahil sa prospect ka ng perv na yun at sa first kiss na ibibigay niya, nagiging maswerte ang isang babae! Nakakatuluyan pa daw nila yung mga gusto nilang lalaki!



“Oh yan! Tapos na… pero sa lips mo pala hindi ko sure kung anong bagay na kulay ng lipstick...”



“Ate Diva! Tapos na ba kayo? Lagpas one-hour na kayong nanjan.” Ganun na katagal?



“Heto na! lalabas na kami!” At paglabas nga namin… “Meet my new creation Papa Laris. Ipinakikilala ko si Hotter Pink!” Wow! Nag-evolve ang HOT to HOTTER!



Nagpipicture-pictutre lang si Ate ganda nung maabutan namin siya, pero pagkatingin niya saamin, napangiti lang siya. “Tayo ka nga sa banda dun, Hot Pink.”



“Ha? Bakit?” Pero sinunod ko yung sinabi niya.



*click!*



Walanjo! Pinicturan lang ako!



“Ayan! Madadaan rin pala sa bihis at sa pag-aayos ni Ate Diva ang itsura mo! Hindi ka na mukhang labandera!”



Sige ipaalala mo pa! =______=



“But wait… parang may kulang…” Lumapit siya dahan-dahan saakin, tapos nakatitig lang siya ng maigi sa mukha ko.



Susuntukin ko talaga siya kapag lumapit pa siya sa mukha ko!


Tapos maya-maya, may kinuha siya sa make-up kit ni Ate Diva. Isang lipgloss lang pala yung hawak niya at siya ang nag-apply nun sa lips ko. “Yan! A simple lipgloss is perfect for your lips.” Sabay smile.



Dati-rati, naiirita talaga ako kapag ngumingiti ang kumag na ‘to eh! Hindi ko kasi alam kung nampa-peste or lakas-tama lang talaga. But this time, for the very first time, I find that smile on his face really charming.



“Ah… te… thank you…” Yun na lang ang nasabi ko.


 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 12


7 comments:

  1. hwaw! ang bilis ng upd8! aq yta ang 1st!

    ReplyDelete
  2. atasha bkit nmn ksi ppunta ng party, mukha kng labandera! hahhhahah! ntwa nmn aq dun! buti n lng tinulungan xah ni laris! ayiiiiie! npkasweet! at buti p c ate diva, na1st kiss pla c kissing bandit keia swerte!

    sna aq din mahlikan q si laris! khit nde xah 1st kiss q ok lng makiss ko lng xah! malay mu swertihin p rin! excted n aq s next! sbay kya slang pupunta sa party? hmmm!

    ReplyDelete
  3. ang sweet nmn ni laris! tlgang tinulungan nia c atasha ha! hmm~ ayaw nia lng mapahiya c atasha s lhat! uy nagki-care n rin khit papano! at c atasha kinilig s ginwa ni laris! ayiiiiie! ang ganda nia nung naayusan ni ate diva ha!

    sna maka-1st kiss q din si laris pra swertehin din aq buhay at luvlyf! hahhha!

    ReplyDelete
  4. ~>angel is luv<~


    kyaaaaaaaaah~ angs weetness ni KB!

    ReplyDelete
  5. ayiieh! tumulong talaga si laris? bakit kaya?
    kasi ayaw niyang mapahiya si atasha! ayiiieh! kinilig naman ako sa kanila!
    at para saan naman kaya gagamitin ni laris ang kinuha niyang picture ni atasha?
    hala grabe, kinikilig talaga ako!
    pakiss nga KB!!!

    ReplyDelete
  6. Gosh! Fafah Laris! Gimme a kiss! hahahaha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^