Monday, May 21, 2012

Your Dream Doll : Chapter 1

 photo 734111_154243621404649_932413188_n_526F672C_zpsf6a6c272.jpg






CHAPTER 1:
(SHIELA POV)






"Shiela, print this files and arrange  my schedule for tomorrow okay"....sabi ng boss ko






"Yes sir", Nakatayo lang ako at hinihintay kung ano pa ang sasabihin niya.





"Pagkatapos mo dyan  pwede ko na umuwi, mauna na ako."




"Sige po sir mag-ingat po kayo sa pag-uwi." At lumabas na siya, kaya sinimulan ko na ang pagpriprint ng mga files, buti na lang konti lang ang mga ito ,maaga ako makakauwi... ang bait talaga ng boss ko kahit kailan!



Kaso biglang  nagring ang cellphone ko.





"Sinu kaya ito?"...tinignan ko ang cellphone ko, bestfriend ko lang pala akala ko kung sino na.




*RING*




*RING*




*RING*............Hmmm, bakit  kaya napatawag ito???......




"Hello sis!!!", Ay! peste ang sakit ng tenga ko dun haa, feel ko parang sasabog na ang buong tenga ko sa lakas ng  boses nya.....





"Oh, Hello bakit ka nga pala napatawag? At hinahinaan mo nga boses mo ang sakit sa tenga....... "




"Kita tayo, sa may Coffee Shop  malapit  lang sa office mo mga 7:00 pm"....






"Huh?, teka-teka lang anu bang meron?"....ano kaya pumasok sa utak ng babaeng ito bigla na lang magyayaya?






"Basta hihintayin na lang kita dun okay^_____^, kung di ka pumunta magtatampo ako sayoT ^ T......sige bye"







"Teka lang wait!!...." Anu  ba yan  pinatayan ako ng phone ! Sira ulo  talaga! Bigla-bigla na lang tatawag tapos papapuntahin ako sa  coffee shop. Buti na lang  may 1 hour pa ako para tapusin ang mga ito....





Yan tuloy nakalimutan ko magpakilala sa inyo.....^_^





Ako nga pala si Shiela, secretary ako sa isang malaking company at alam niyo ba isa ito sa pinakasuccessful na business sa bansa. Akalain ninyo naging secretary ako dito... hahaha!





*Print*




*Print*




*Print*




Sa wakas na tapos ko na rin ,ang pinapagagawa ng boss ko... Sinimulan ko na ayusin  ang mga gamit ko at naglakad na  para sumakay ng elevator papunta sa coffee shop.




Matawagan nga....




*RING*




*RING*




*RING*




"Hello , na saan ka na ba?Nandito na ako sa labas ng coffee shop." Pumasok  na ako sa loob at hinanap-hanap ko na siya, lumingon-lingon ako sa paligid.





"Sis nandito  ako!!!" kinakawayan niya ako. Aba parang ang saya-saya nya ngayon, nginitian ko na lang siya at dumiretso  na ako sa kinauupuan niya.




"Musta na pala work mo at pansin ko ang saya-saya mo ngayon"...sabi ko




"Ayos lang naman, ikaw musta na work mo?"




"Ito ok lang, ganun pa rin. Oo nga pala bakit mo  pala ako  niyayaya pumunta dito?"....Di talaga maalis-alis   ang  umaapaw na kasiyahan sa mukha nya.




"Magcecelebrate tayo ngayon sis, mag-order ka ng kahit  ano dyan sagot ko lahat". Anu kaya  nagyari sa kanya, nacucurious ako.....




"Anu ba meron, may maganda bang nangyari  sayo?"........




"Uu sis, sinagot ko na kasi ang lalaki pinakamamahal ko kaya magcecelebrate tayo!!!"....Grabe  ang saya-saya niya talaga ngayon, ganito pa nga smile niya ^___________^




"Magandang balita yan  masaya ako para sayo^_^"....Buti pa ang bhest ko may boyfriend na.





"Thank you sis,lagi ka nandyan para  sa akin^^"...






"Wala yun bhest, anu pa ang pagkakaibigan kung  hindi tayo magsusuporta sa isa't-isa."





"Hehe,thank you talaga sis, I love you....^__^" Ito nga pala ang bhest ko si Shopia, ang makulit at sira ulo kong kaibigan  pero kahit ganyan siya, lab ko yan. Magbestfriend  na kami simula maliit pa kami kulang na lang nga maging magkapatid  na kami sa sobrang close namin  dalawa.





"Sis,musta na pala  love life mo?"...





"Ito ganun  pa rin, laging turn down"...maniwala kayo sa hindi, wala talaga akong swerte  pagdating  sa mga lalaki dahil lagi nila akong nilalayuan....parang feeling ko, ako na  nanliligaw sa  kanila para lang pansinin  nila. Ganito na yun simula pa nung high school pa ako......






"Okay lang yan sis mahahanap mo rin siya.  Wag kang mag-alala  darating  din yan"





"Sana nga".....


"Kaya samahan mo lang ako at magsaya tayo! Saan mo gustong  pumunta? Nabo-bored  kasi ako dito sa coffee shop ehh".....wow naman  parang  ang dami pera  ng babaeng ito haaa.. Mayaman din  naman  kasi pamilya nila kaya ganyan na lang siya kung gumastos pero natutulungan pa rin nya ang mga  magulang niya kahit ganyan sya.





"Sis, saan  mo gustong pumunta?"...




"hmmmm,  karaoke  na lang tayo"




"Sige"





"Bago tayo pumunta dun  ubusin muna natin ang mga  in-order natin dito."sayang naman kung  hindi  namin uubusin.





Pagkatapos namin magcoffee dumiretso na kami sa  isang karaoke bar pero  bago  kami pumapasok dun may nakita  kami  mga grupo ng mga kalalakihan na pinagtutulungan   ang isang lalaki  na walang kalaban-laban. Di na ako  nagdalawang-isip at pinuntahan ko sila.





"Wait sis!! Wag kang pumunta dyan mapapahamak ka," pero di ko pinansin, patuloy pa rin ako sa paglalakad.





"SIS!!"





"Tumawag ka na ng pwede tutulong sa atin."





"Pero sis?!.."





"Tumawag ka na lang bilis!"





Tumakbo  ang bhest ko para maghanap  ng tulong.




"HOY MGA LALAKI TIGILAN NYO NGA YAN MGA SIRA ULO  KAYO! WALA KAYO MAGAWA SA BUHAY!!!" ang sasama nila pinagtulungan pa naman, wala nga ka laban-laban ang tao tapos.





"Pre sino naman ang babaeng ito kilala mo ba??"...ang kapal  din pala  ng mga mukha ng mga lalaking to nagawa  pang magtanong sa sitwasyon  na 'to.





"Hoy, bitawan  mo nga sya!!!" parang feel ko mapapahamak ako ng wala sa oras haa! Kim bilisan mo huhu....




"Mga pre kung  siniswerte  ka naman  hahaha", nagawa pa nilang tumawa.


"Miss gusto mo ba sumama sa amin kung sasama ka di na namin sasaktan ang lalaki to", sino  inuto ninyo, di ako tanga!





"SINO BALIW ANG SASAMA SA INYO", at bigla kung sinipa ang   toot* niya at hinila ang kamay ng lalaki  para makalayo sa kanila.
   



"SHET!!! ARAY!!! Pagbabayaran  mo ang ginawa mo sa akin!", buti nga sayo xp.... "Bagay lang sayo yan! Sino  niloko mo?" 'Di ako basta-basta mauuto nun, natikman niya tuloy ang super kick ko...





"HABULIN SILA!!!"...hala  lagot!  Bilisan  mo pa ang pag takbo Shiela! Bilis!!!  Habang  hila-hila ko yung lalaki. Buti na lang medyo nakalayo-layo kami, pero  biglang hinila ako ng kasama ko at  nagtago kami sa gilid ng pader.




"Wag ka'ng maingay" nakatingin ako sa kanya pero di ko masyado makita ang  mukha niya. Nakacover kasi ng hood niya  at napansin kong  may parang may dala siya. Ano ka yun??...
   



"Wag ka malikot  nandyan na sila" sabi niya.




"Nasaan na kaya sila? Natakasan yata tayo tignan natin dun!" Haaayy sa wakas wala na sila, nakahinga na ako ng maluwag.




"Okay ka lang? Grabe ang mga  pasa mo" Buti na lang may dala  akong bandage at nilagyan ko ang mga pasa niya sa mukha.





"Maraming salamat, tinulungan mo."




"Wala yun"




"Ito tanggapin mo, Shiela."




"Isang briefcase?" inabot niya sa akin,anu kaya laman nito?..




"Wag na, nakakahiya naman!" Pero bigla na lang siyang  nawala  nang di ko pa natatanong ang pangalan niya. Kaso may narealize ako, ALAM NIYA ANG PANGALAN KO!?!





"Hala sino siya??!!0_0"....


=====




"Sis okay ka lang  di ka ba  nasaktan?? Nahuli na ang mga lalaki kanina."




"Buti naman kung ganun" at bigla  pa naman ako pinalo




"Aray naman!"




"Sa susunod wag mo nang gagawin yun haa~..T  ^  T"




"Oo sige di ko na gagawin yun. Halika  na,  uwi na tayo. Gabi na." Ano kaya  ang laman ng  case na 'to? Kakaiba  kasi ito sa mga  ibang  case na nakikita ko, anu kayang meron sa loob nito??





Nakauwi na ako at pumasok na ako sa loob ng  bahay  namin. Dumirecho ako sa kwarto ko at nilapag  ang  briefcase sa higaan. Na pansin ko na may  kadenang nakakabit sa lock ng case at di ko sinasadyang mahila kaya nabuksan ko at may nakasulat dun DREAM DOLL.





Photobucket





Tinignan ko yung doll, napakagwapo   nga  ng dream doll na yun. Sana  naging tao ka  na lang haha^^.





"Bagay na bagay  sayo yung  outfit", at dahil sa sobrang cute niya,  kiniss ko siya...
  



"Dito ka muna magcocomputer lang ako"




Kaso biglang may bumagsak. Nanlaki na lang ang mga mata ko ng para ganito.. O___O.




Di ako agad nakapagsalita sa nakita ko....... kasi may lalaki  nakahiga sa  sahig ng kwarto ko...





"Sinu ka? bakit ka nandito sa  loob  ng  kwarto ko!!"..pero di siya sumasagot. Napansin ko rin na kamukha niya yung  doll kanina. Dahan-dahan  siyang  tumayo at  lumapit sa akin.




"Teka-Teka lang,wag ka lalapit tatawag ako ng pulis!!!...".patuloy pa rin siya sa paglalakad nya at  kaharap ko na siya, tinitigan niya ako na di ko maintinditan kung anong  gusto niya  ipahiwatig at dahan-dahan pa  syang lumapit sa mukha ako.  Kulang na lang  mag-dikit ang mga labi  namin.




Ohhhhh  nooooooooo!!




" Master..."sabi niya at bigla siyang natumba .  Ano daw?  Master daw?




 Isang doll naging tao!!???, binabawi ko na ang sinabi ko kanina !!!!....O__o






8 comments:

  1. *clap clap*

    sobrang happy ako para sayo len!
    sa wakas nagsulat ka na rin ng sarili mong story!

    PS ang cute ng mga edited pictures! naks! ishare mo na rin ito sa wattpad! ^___^

    ReplyDelete
    Replies
    1. ate paano b sa wattpad>..< di ko maintindihan......
      ate ka sulat ako ng story dhl hndi ako pinacomputer ng isang araw...........

      Delete
    2. hahaha! kaya pala! ituloy mo lang itong chapter! gaano ba kahaba ito sa tingin mo???

      dun sa wattpad, punta ka na lang dito sa bahay. ituturo ko sayo. ahahahahaha! mahrap magturo online eh. hahaha!

      Delete
  2. cute po! nde q alm ngsusult k pla ng story ate.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa totoo lng di ako ng susulat story,kaya na isip ko ehh try ko na bored ksi ako at matagal rin ako kinukulit ni ate aegyo na gumawa ako kaya yun....hndi ako magaling sa mga ganito na ehh try ko lng^^^^... 1st time ko nga po ehh.......

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^