Sunday, May 13, 2012

Resse In The Wonder Hunk Land : Chapter 3




[A/N] Before you read this watch this video at makikita ninyo ang mukha ng mga prinsepe sa buhay ni Resse kulang pa ng isa...


I was mesmerized with the place. Berdeng kapaligiran, kakaiba ang mga puno, malalaking at iba’t ibang kulay ng mushroom... at may forest trail doon. Sinampal ko ang sarili kung totoo ba ito. Pero totoo nga. Sumunod lang ako sa dalawang lalaki, hindi ako iniimik ni Peter—este ni EST pala at si Lagi naman ay panay kain ng mga matatamis... wala siyang cavities??

Doon kami sa forest trail dumaan. Siguro ay diritso lang kami don. May nadaanan kaming isang maliit na bahay tapos ay narinig ko ang sigawan ng dalawang babae.

“Peste kang maid ka! Matapos kitang pinakain at pinatuloy dito ito ang hihigante mo sa akin!? Layas!!! Peste ka!”

“Mas peste kayo! Pati ang anak mo! Hoy bata! Tumigil ka na sa kakadede dahil hindi ka na bata!!!”

“unggggggggaaaaaaa!”

Gosh. Sobrang ingay nila kung na sa amin palang iyan baka pina-face to face na sila o dinala sa barangay dahil sa sigawan tapos may batuhan pa nagaganap sa loob. Diyos ko! Baka nagpatayan na sila!!!!

“Ehhyyy... can we stop those people inside the house? Nagpapatayan na ata sila!”

Inakbayan ako ni Lagi and I am really not comfortable with that... first time ko kasi na may umakbay sa akin nalalaki pwera sa papa ko.

“Hayaan mo na sila. Ganyan naman talaga sila kahit dalhin mo pa yan sa korte hindi yan titigil kahit ang Queen of Heart hindi sila mapigil sa kakaaway.”

“P-pero..”

“Tama si, Lagi, dapat masanay ka na dito sa ganyan pangyayari. Dahil dito ka na titira.”

(O_O) “Wala akong planong manatili dito!”

“Sorry, pero wala ka ng magagawa doon dahil ayun kay God-Mother na kung sino man makakatongtong dito sa Wonderland na galing sa ibang mundo ay hindi na makakabalik.”

(TT_TT) No... I want to go home. “P-pero baka meron pang paraan.”

Huminto sa paglalakad si Est tapos hinarap ako. At sinalubong ko ang mga titig niya. Pero namula ata ako kasi kakaiba kasi ang titig niya. Ayokong bigyan ng ibang meaning 'yon.

“Kahit meron pang paraan imposible parin na makabalik ka.”

Para bang sinasabi niya na meron pero wala naman. Pinagpatuloy na din namin ang paglakad.
Ilang oras na kami naglalakad at habang tumatagal ay marami na din ako nakitang kakaibang hayop at halaman dito sa Wonderland. Meron Vulture na payong ang katawan. At paru-paru na slice bread!

 “Hey, are we there yet??”

“Mga dalawang araw pa tayo makakarating sa distination natin.” Sagot ni Lagi na kumakain pa din ng mga prutas na pinipitas niya.

“pagod ka na agad??” Pang-susuplado ni Est sa akin. Cute nga pero suplado naman. Tumigil na kami.

“Magpahinga lang tayo ng isang oras, how’s that?”

Binabawi ko na ang sinabi ko. UBOD na suplado pero mabait naman.

“Meron ka bang tubig???” I ask.

Sinulyapan lang ako ni Est tapos nagbuklat ng aklat. San niya kaya nakuha yon?? Doon na lang ako kay Lagi nagtanong.

Hindi pa din ako makapaniwala na ang baby dragon ay isang ubod ng gwapong lalaki.

“Bata, May tubig ka ba? Nauuhaw na ako kanina pa tayo naglalakad.”

Tumugil sya sa kakain.

“Hindi na ako bata.”

“BABY DRAGON KA KANINA.” Paalala ko.

“Isa lang 'yon transformation ko... hindi mo pa nakikita ang totoo kong anyo.”

(O_O) Hindi niya 'yon totoong anyo? ANo kaya?? Hmm...

(O//o///O) HUbad na scene. EH!! ALIS ALIS SA ISIPAN KO!!!

“AT kung naghahanap ka ng tubig parang meron sapa doon.” Turo niya sa masukal na daan. “Diritsuhin mo na lang 'yon.”

“Ah okay. Didiritsuhin ko lang?”

“Ohm..Onm..” He said while munching.

Iniwan ko muna sila para uminom... hindi na din masama kung maligo ako, lagkit kaya ng katawan ko. tsk.
Tama nga si Lagi may ilog doon kaso... naliligo yung vulture na payong ang katawan.

Naliligo sila... anu ba 'yan? Tapos meron pang kakaibang dalawang palaka na naglilikha ng kakaibang ingay.

“Ting! Ting!”

“BOOM BOOM!”

(TT____TT) nakakatakot! Papasama na lang ako nilang dalawa. Umatras ako and turn around kaso... natigilan ako... saan ba ang daan pabalik???

Waaaaaaah... gusto ko ng umuwi kung panaginip 'to na gaya ni Alice dapat ay magising na ako sa madaling panahon.

Kinurot ko ang pisngi kaso hindi talaga... pano ako makaalis man lang dito sa nakakatakot na lugar??? Tss...

“takikirakakkaka” tumatawa ang vulture-payong.

Tinatawanan ba ako??

Nilingon ko siya.

“Kakakakakkakaka.”

*Naputol ang pisi*

Kumuha ako ng bato tapos ay binato siya at natamaan ang ulo kaya hayan! Galit na siya kaya lumipad sya tapos ay tinutuktok niya ang ulo ko. ouch!

Aray! Tumakbo ako pero sinusundan pa din niya ako. Tinutuktok pa din niya ang ulo ko at ako naman ay umiiwas.

“Wahhh! HELP!!! WAAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!!!”

Kung saan saan ako sumusuot para lang makatakas sa kanya at phewew! Tinantanan na niya ako. pero hindi pa din ako ligtas dahil nandito ako sa isang liblib na at dim light...

ToT help!!! The place is really creepy! Nakakakilabot!!! Ang kulay ng lupa ay pink ang puno namn ay kumikinang... waaaaahhh somebody help! Inis naman kasi eh... hindi nila ako sinamahan waaaaaa
Sana hanapin nila ako... ayoko  pa naman mamatay na hindi magkaroon ng lovelife!

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^