Tuesday, May 29, 2012

My First Love, True Love and Forever Love: Chapter 22

CHAPTER 22
(Ryuji Francisco)


Yukiko: liligawan ni Clint si Inah? Eh anong sinabi mo? Sana sinabi mo na hindi pwede, sana hindi ka pumayag.


Ryuji: Ma, bakit ko naman sasabihin yon, bakit ko naman gagawin yon eh hindi ko naman kapatid si Inah. Saka buhay naman ni Inah yon.


Eugene: pero diba gusto mo sya? Ang tagal mo syang hinintay, tapos ngayon na nanjan na sya papayag ka na ligawan na lang sya ng iba.

Ryuji: Daddy naman, may sarili namang desisyon si Inah kaya hayaan na lang natin sya. Saka si Clint naman yung nanliligaw sa kanya, kapag sinaktan at pina-iyak nya si Saan, alam natin kung saan sya hahanapin at madali syang mabubugbog.


Amerie: pero diba gusto mo rin si Inah, bakit hindi ka tumutol ng sabihin ni Clint na liligawan nya ang babae na gusto mo?


Ryuji: wala nga kasi akong gusto kay Inah, ang kulit nyo naman eh.


Maki: then why do you keep all of your pictures with her? Why you keep on reminiscing your happy moments together?


Ryuji: isa ka pang bata ka, pipingutin kita jan eh.


Yukiko: seriously Yuji, hindi mo ba talaga gusto si Inah? Kahit konti lang?


Ryuji: Mommy kailangang paulit-ulit? Kaibigan lang po talaga ang tingin ko kay Inah, saka yun naman po ang dapat diba?


Eugene: anak ba talaga kita? Bakit hindi mo ipakita at iparamdam kay Inah kung talagang gusto mo sya, who knows if the feeling is mutual?


Ryuji: nakita nyo naman Daddy kung paano ako paki-tunguhan ni Inah, lagi na lang nya akong ginaganon.


Amerie: because you’re doing the same thing to her, you always bully her. Lagi mo rin naman syang inaaway at iniinis.



            May gusto ba talaga ako kay Inah at hindi ko lang yon maamin sa sarili ko, may gusto ba talaga ako sa kanya pero natatakot lang ako nab aka hindi nya ako gusto? Potek lang, bakit ba kasi nagpakita pa ulit sya eh, bakit ba kasi pinag-dasal ko pa na magkita kami ulit lalo lang tuloy nagulo ang buhay ko. Si Inah naman kasi, kahit kailan puro sakit na lang sa ulo ang dala sa buhay ko.



Ryuji: aakyat lang po muna ako sa kwarto ko para makapag-palit ng damit.


Yukiko: kilala kita Ryuji Francisco, umiiwas ka lang sa usapan.


Eugene: ganyan naman talaga yan kapag malapit ng umamin sa kasalanang nagawa nya, hahaha.


Ryuji: kasi naman po kayo eh, ang kulit ng lahi ninyo!


Aki: Uncle, ganyan po ba talaga si Kuya Yuji kapag broken-hearted?


Maki: saka bakit po ayaw pa nyang aminin na may gusto sya kay Ate Inah? Wala naman po akong balak na agawan sya eh.



            Por dios por santo naman ang kambal na ‘to, ang sarap nilang pag-untugin! Mas marunong pa talaga sila sa akin eh, parang nasa loob sila ng puso ko ah!


(Sabina “Saab” Bernardo)



            Syempre pa nagmamadali na naman ako dahil galing na naman ako sa ‘place-to-be’ ko, ang rooftop! Pero ka-imbyerna lang dahil kadarating ko lang kung maka-tingin ang mga ito akala mo may ginawa na naman akong mali sa kanila. At ang mga classmates ko naman na babae, kung makapag-bulungan at tumingin akala mo gusto na akong patayin.


Menchie: ang ganda mo girl, saan ka ba kasi nagpunta?

Nica: alam mo namana ng sagot sa tanong mo Menchie eh.

Saab: teka nga, ano na naman ba ang problema ng mga babae dito sa classroom natin at bonggacious na naman ang bulungan?

Angela: eh kasi friend ang ganda at ang haba ng hair mo.


            Hindi ko ma-gets eeehhhh! Ang slow ko ba? Langya naman kasi ang mga tao sa paligid ko ngayon eh, lahat na lang parang ang negative vibes. ANO BA KASI TALAGA ANG PROBLEMA NILA???


Nica: eh kasi naman Sabina meron kang admirer, tingnan mo nga yung upuan mo!!!

Angela: nakaka-kilig kaya, ang ganda mo talaga teeehhh!!!


            At tiningnan ko naman yung upuan ko, shockables!!! Kanino naman galing ang pagkalaki-laki na teddy bear na yon, at may kasama pang red and white roses? Kung chocolate na lang sana ang ibinigay ng kung sino man ang nagbigay non, baka nahalikan ko pa sya sa sobrang tuwa. Pero dahil bigay lang naman to sa akin, thank you na rin.


Girl1: sino kaya ang nagbigay nyan sa kanya?

Girl2: oo nga, hindi naman sya maganda pero may nabiktima na agad syang lalake at mukang mayaman pa.

Saab: MANGISAY KAYO SA INGGIT!!! Hmmmp!!!


            Etong mga ‘to kung makapang-lait napaka-wagas, akala mo naman kung sinong magaganda. Nakaka-sira lang talaga sila ng magandang pananaw sa buhay.


Saab: kanino galing ang mga to, umamin kayo?!

Menchie: tamang hinala ka naman bruhilda kang babae ka, wala kaming alam jan noh!

Angela: kahit nga kami nagulat nung makita namin yan ng dumating kami dito.

Saab: ang korni naman kasi ng nagbigay nito, hindi man lang nag-iwan ng card.

Nica: ano ka ba, kaya nga tinawag na SECRET admirer eh!!!

Menchie: at bilang naiingit ako sa natanggap mo at sadyang pakelamera ako, eto kaya ang card oh!


Angela, Nica & Menchie: HAPPY BIRTHDAY SABINA BERNARDO!!! HAVE A BEAUTIFUL DAY!!! SMILE!!! J


            Anu daw??? Happy birthday, birthday ko ba today??? Walanjong buhay to, May 30, 2012 ngayon diba? Birthday ko nga, birthday pala namin ngayon ni Sabrina ang mahal kong kakambal!!! Napaka-walang kwenta ko talagang nilalang, pati sarili kong birthday nakakalimutan ko! Anak ng packing tape naman talaga!!!


Saab: mga kaibigan, mauna na ako sa inyo.

Menchie: hoy babae, saan ka na naman pupunta? Malapit ng magsimula ang next class natin!

Nica: ingat ka teh!!!

Angela: enjoy your day, punta kami mamaya sa inyo ha!

Nica: ano ka ba naman Menchie, hayaan na nating hindi pumasok ngayon si Saab, total it’s her day naman today, she need a break you know!

Menchie: eh kung i-break ko kaya yang leeg mo. Pina-alis nyo si Saab eh hindi pa nya tayo nalilibre, saka hindi natin alam ang new address nya pano natin sya ngayon pupuntahan mamaya?

Nica: luka-luka ka! Bakit hindi mo naman sinabi agad!!!

Angela: hello, wala ng bang bukas???



            Ok lang naman mag-absent ako today sa mga remaining subjects ko, I need to visit ng sister’s grave. Napaka-tanga mo talaga Sabina, sarili mong birthday nakakalimutan mo! Paano pa nyang kapag nagkaron ka na ng jowa, baka pati anniversary nyo ng jowa mo makalimutan mo rin? Paano na lang din kapag may asawa at mga anak ka na, baka yung date ng mga birthday nila kalimutan mo rin.



(Sabrina “Rina” Bernardo)



            Na-miss nyo ako noh, akala nyo nakalimutan ko na kayong dalawin? Pwes nagkakamali kayo, hahaha! Mejo li-low muna ako sa pakikipag-kulitan kay Brother Pete dahil busy rin sya ngayon, kadami naman kasi ang nag a-apply para maka-pasok dito.



St. Gabriel: bakit nag-iisa ka yata dito Rina, nasaan na ang best friend mo na si St. Peter?

Rina: oh St. Gabriel, nadalaw ka sa magulong teritoryo ni Brother Pete?

St. Gabriel: sino naman si Brother Pete?

Rina: si St. Peter po. Teka, bakit nga po pala nandito kayo, may kailangan po ba kayo sa kanya? Naku St. Gabby, hindi po kayo maaasikaso ni Brother Pete bilang dagsa ang nag a-audition para maging talent nya dito sa paraiso.



            Jusmio!!! Kung makatawa naman tong si St. Gabby wagas, akala mo wala ng bukas! May nakakatawa bas a mga sinabi ko? Mukang may katok yata sa ulo ang mga disipulo na napili ni Papa Jesus ah.


St. Gabriel: nakaka-tuwa ka nga palang tunay kagaya ng sabi ni Brother Pete mo, napa-talas nga talaga ng iyong pag-iisip.

Rina: ako po ba ay maaring mag-tanong sa inyo, kung inyo lang naman pong pahihintulutan?

St. Gabriel: yeah sure, what’s that?

Rina: what is the square root of one hundred sixty nine St. Gabby? Hindi, joke lang po yun, kayo naman namutla naman po agad kayo. Araaaaaaayyyyy!!!

St. Gabriel: ikaw talagang bata ka, ang sarap mong kasama.

Rina: yun naman po pala eh, masarap naman po pala ako kasama eh bakit kinonyatan nyo pa po ako?

St. Gabriel: iyan ay dahil sa biro mo, kinabahan talaga ako sa tanong mo na iyon dahil hindi ko alam ang kasagutan.

Rina: sus, kung maka-konyat ka naman po akala ko may malaki akong pagkaka-sala na nagawa. Ay St. Gabby, may itatanong po talaga ako at seryoso na po talaga.

St. Gabriel: bakit St. Gabby ang tawag mo sa akin, hindi ba dapat ay Brother Gabby?

Rina: hindi nyo naman po kasi agad sinabi na Brother ang gusto nyong itawag ko sa inyo eh.

St. Gabriel: eh bakit si St. Peter, Brother Pete ang tawag mo sa kanya samantalang hindi naman nya ibig ang ganong tawag?

Rina: eh kasi po lumalaki yung butas ng ilong ni Bro. Pete kapag tinatawag ko syang Bro. Pete, ang cute po kaya nya. Hahaha!!!

St. Gabriel: napaka-pilya mo nga talagang bata ka. Sandali, ano nga pala iyong nais mong itanong sa akin na seryoso?

Rina: Bro. Gabby, idol mo ba yung Mahal na Hari doon sa Dong Yi? Pareho kasi kayo magsalita eh, tagalong na tagalong, pinoy na pinoy, makatang-makata ang dating eh! Hehehe!!!

St. Gabriel: hindi ko idolo ang isang yon dahil di hamak naman na mas maganda akong lalake kumpara sa kanya, ahahaha!!!

Rina: aha!!! Tumatakas ka rin po pala para makapanood ng Dong Yi, isusumbong kita kay Papa Jesus, lagot ka!!!

St. Gabriel: a-ah…h-hi-hindi ahh, naririnig ko lang ang kwentuhan ng mga binabantayan ko kayak o nasabi na mas maganda akong lalaki kesa sa mahal na hari na pinag-uusapan natin.

Rina: Bro. Gabby… nararamdaman ko na nagsisinungaling ka, lumalaki ang butas ng mga ilong mo na parang si Bro. Pete at yung mahal na hari.

St. Gabriel: hi-hi-hindi ako nagsisinungaling, pangako.


            Bwahahahaha!!! Pati pala tong si Bro. Gabby isang alamat kapag nag-sisinungaling, lumalaki rin ang butas ng ilong! Ahahahaha!!!


Rina: wag kang mangamba Bro. Gabby, wala akong balak na isumbong ka dahil kapag ginawa ko yon ay hindi ko na rin iyon mapapanood, hehehe. Saka kapag sinumbong ko kaya ni best friend ko na si Bro. Pete, hindi na rin nya ako papayagan na makita ang mga nangyayari sa kakambal ko.


St. Gabriel: tinakot mo naman ako doon Rina, akala ko ay hindi ko na masisilayan ang kagandang taglay ni Dong Yi. Teka, anong pangalan ng kakambal mo, pareho ba kayong sakit sa ulo ng mga magulang nyo?

Rina: Sabina po ang pangalan ng kakambal ko, at FYI lang po my new found friend slash Brother, mas sakit sa ulo ang kakambal ko na iyon kesa sa akin. Baka nga po kapag napunta na sya dito mas gustuhin na lang ni Bro. Pete na magpunta sa lupa dahil sa sobrang pasaway ng isang yon. Nakikita mo po ba yung babae na yan na may dalang malaking teddy bear at tumatakbo palabas ng university kahit na may klase pa sya?

St. Gabriel: oo naman, hindi pa naman Malabo ang mata ko bata ka!

Rina: sya po ang kakambal ko, sya si Saab. Kundi pa may nagpadala ng teddy bear at roses sa kanya na may nakalagay na Happy birthday hindi nya maaalala na birthday namin today.

St. Gabriel: ngayon ang araw ng kapanganakan nyo? Maligayang kaarawan sa inyo kung ganon!

Rina: maraming salamat Bro. Gabby, buti ka pa binati na ako, samantalang yung matalik kong kaibigan na si Bro. Pete ay hindi man lang naalala na birthday ko ngayon. MAPAKA-SAKIT BRO. GABBY!!!


Saab: hi Rina, happy birthday sa ating dalawa! Pasensya ka na at nakalimutan ko na birthday pala natin today, kasi naman wala man lang bumati sa akin sa phone thru text or call. Si Yaya nakalimutan din yata na ngayon ang birthday natin, pero hindi naman ako umaasa na babatiin ako ni Mama at Papa eh, us usual busy na naman sila.


St. Gabriel: parang mas pasaway ka pa kumpara sa kakambal mo eh.

Rina: Sabina… :,(

St. Gabriel: hoy Rina, hindi bagay sayo ang malungkot.

Rina: bakit ganon Brother, bakit parang hindi na mahal ng Mama at Papa namin si Sabina?

St. Gabriel: walang magulang ang hindi mahal ang mga anak nila, kung abala man ang magulang nyo, iyon ay para rin naman sa kinabukasan ng kapatid mo.

Rina: huwaw naman Bro. Gabby, masyadong seryoso! Hahaha! Pero Bro. Gabby, maraming salamat at binate mo ako ngayong birthday ko!!!


Angels & St. Peter: happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday! Happy birthday Rina!!!


            Uwaaaaaahhhh!!! Super kinikilig at nata-touch naman ako sa hinandang surprise ni bestfriend slash Bro. Pete para sa akin. Akala ko kinalimutan nya eh, akala ko wala syang pakelam, mali pala ako!!!


Rina: Brother Pete!!!!

St. Peter: ayan na naman yang Bro. Pete na yan, ok na yung St. Pete. Pero dahil ngayon ang kaarawan mo, papayag ako na tawagin mo na Bro. Pete.

Rina: if I know Bro. Pete, gandang-ganda ka sa tawag ko sayo. Kita mo tong si Bro. Gabby, sya pa mismo ang nag-request na tawagin ko syang Broooooowwww!! Hahaha!! Thank you ng marami talaga Bro. Pete!!! Aylabyow!!! Mga kapwa ko angels, thank you din. May isang sintunado kanina ha.

13 comments:

  1. nang dahil sayo rina and bro. gabby, napagalitan ako na baliw! ahahahahaha! nanonood pa man din kami ng walang hanggan ngayon! tawa ako ng tawa, nakakabwiset daw! ahaha! kung alam lang nila!

    ikaw namang mokong na ryuji ka! humanda ka talaga!!! kaka-deny mo, mapunta sana si saab kay clint!

    anyway, happy bday saab at rina!

    ReplyDelete
    Replies
    1. we're really esprens...hahaha... pareho tayong napagalitan dahil sa update na to! bwahahaha... super tawa ko lang talaga nung ginagawa ko to!!!

      Delete
  2. i almost forgot about this! tagala mo kasi magupdate.
    pero ayos lang pala ang paghihintay! nakakatawa yung post grabe!
    ang dami rin palang kulitan sa langit! kakaloka si rina!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha..pasensya na po...balak ko na talaga syang ipalagay sa mga on-hold stories kaya lang nung makita ko yung stats nung mga previous chapters parang nakakapang-hinayang eh...hehe...

      Salamat at nagustuhan mo... :)

      Delete
  3. wow! nkktwa nmn 2! buti nlng, nde ngalit cna mama sken hbng tumtawa aq n prng aning d2! kkloka nmn ksi cna rina eh! ang riot s langit! hahhhha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha...sayang naman at hindi ka nakutusan ng iyong ina...samantala kaming dalawa ni espren nakatikim ng kutos..ahahaha...

      Delete
  4. bket ryuji! sarap mong suntukn tlga ha! kkdeny mu, susuporthn q tlga s clint pra kei saab! buti p xah sweet at straight4ward! pageslosin mu nga yan ate queen!


    at ang kulit n rina at bro gabby! natwa aq lalo nung lumbas n c bro pete! hahhhahha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wag kang mag-alala anew... akong bahala jan kay ryuji...hehe...

      Delete
  5. ~>angel is luv<~

    ate baket ang galing mong magsulat? sobrang nakakatawa talaga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. aaayyyiiiieeee.... kinilig naman ako sa comment mo na to... I"M BLUSHING TO DEATH!!!

      hindi ko rin alam kung bakit ganyan ang naisusulat ko...siguro kasi puro kalokohan lang talaga ang alam ko...hehe... pero thank you talaga... :)

      Delete
  6. Grabe nman 'to ate.. tawa much talaga.. hahaha.. naku.hahambalusin ko na tlaga si ryugi!.. deny pah kc eh.. sana sagutin na ni inah si clint.. pra ma mamatay sya sa selos.. hahaha.. update na po ate..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  7. hayy nako ate, ang ganda talaga ng story na to!
    Tawa much ako dito sa last chapter eeh! HAHA!
    Si Clint? Hayy mas suportado ko si Maki! Haha. Ang cute nung dalawang kambal :'3
    Update ka na ate, oh :)

    ReplyDelete
  8. i love bro. gabby :) hahahahahahaha :D clap clap for the story :)) HAHAHA

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^