Missing Voice
A Ab E D G#
"Ang
hirap~!" - JR
"Pare
kayanin mo! May plucking at stramming ka pa na aaralin." - Fritz
"Maingay!
Tama na." sigaw ko sa kanila. "Kanina pa kayo nagsasabihan ng
kayanin, JR, 'd ba ikaw nagsabi na gusto mo matuto ng gitara?" sinamaan ko
siya ng tingin, "Ikaw naman Fritz!" baling ko kay Fritz "d ba
gusto mo lagi nagtatatambol? Ikaw tomboy ka! Hampasin mo ng drumstick 'yang mga
sarili 'nyo kapag naiisipan 'nyo mag-give up!"
"Palibhasa
may talent na talaga." bulong ni Fritz at humarap na ulit siya sa drumset.
"At hindi
ako tomboy!" humarap ulit siya sa'kin, sinamaan din ako ng tingin at
humarap ulit sa drumset niya.
Nangiti na lang
ako sa ginawa niya at tinitigan ang organ ko. Hinawakan ko ang isang key na
naging sanhi ng paglikha ng tunog nito.
Bukas, nadating
na siya. Darating na ang basist ng banda. Hihintayin ka namin, Riku.
~ Kinabukasan
Maaga ako'ng
nagising-- o sabihin na na'tin na hindi ako nakatulog ng ayos. Darating na
siya, magkakasama na ulit kami. Mabubuo na 'rin ang banda na pinapangarap
namin. Matutupad na ang pangarap namin ng magkasama.
"Kuya~!
Kuya~!"
Sumilip ako sa
pintuan ng CR ko at nakita ko Mimiko na tumatakbo't hingal na hingal na
naka-akyat na ng hagdan na konektado sa kwarto ko at kwarto niya.
"Problemaa
mo? Exercise?" sabi ko sa kanya habang may subo ako'ng toothbrush at
sinisipilyo ko ang ngipin ko.
"Kuya...
TV... dalian mo..." hingal niya'ng sabi pero siya din ang nagbukas.
Isang plane crush ang naganap kaninang madaling araw. Ang byahe po'ng ito ay
galing ng New York patungo ng Pilipinas. Marami ang namatay sa nasabing
pagbagsak ng eroplano at kaunting bilang ng pasahero ay sugatan.
Ayon sa mga
survivors na nasagip ng ating magigiting na rescue teams, isang sikat na basist
ng Estados Unidos ang lulan ng eroplano. Bago pumanaw dahil sa dami ang sugat
na natamo ng nasabing basist na si Rikka Perez--
"Kuya~"
mangiyak-ngiyak na tawag sa'kin ni Mimiko
"Ayoko na
marinig. Bumaba ka na."
"Pero
Kuya--"
"Ok lang si
Kuya. Bababa din ako, 'wag ka mag-alala." magiyak-ngiyak ko na putol sa
sinasabi niya.
Nilapitan ako ni
Mimiko at niyakap. "Kuya, 'wag na 'wag ka gagawa ng alam mo'ng
ikalulungkot ni Bunso, ugh. Nandito pa kami."
Matapos niya
sabihin 'yon, kumawala na siya sa pagkakayakap sa'kin at bumaba na. Napaluhod
na lang ako sa nalaman.
"Iniwan mo nanaman
ako..."
parang prologue to di epilogue kasi sis ang epilogue sa final chapter na ng story..aus ba??
ReplyDeletemalalaman mo din sis. :)
ReplyDelete