Friday, May 18, 2012

Memories : Because He Loves Me - Chapter 5


FIVE : First Date

(Guiella Jean Bronilla)





Ang ingay!!! Nagising ako... Ang ingay kasi.





Ansakit ng katawan ko.

Stress naman ohh...





"Hmmmmm..." kunwari'y nagising, pero totoo naman, para tumahimik naman sila.





"Guiella? I'm here now.. I won't leave you again. I love you...." hindi pamilyar yung boses. Echoserang lalaki 'to!







Minulat ko ung mga mata ko para malaman kung sino ang echoserong lalaki na feeling close ang naga-iloveyou sakin.





O_______O





Hanggwapo neman! Sino ba 'to???







Syempre hindi ako nagpahalata na nagulat ako.







"May kamuka ka! Pero hindi pwede. Ampanget mo!!" sabi ko, pero totoo naman, kamuka nya si Henry pero imposible! Napako na ata sa ibang bansa ang taong iyon!!





"Guiella naman. Pagaling kanalang muna tsaka tayo mag-usap ok? I love you. *tsup*" at may pahalik-halik pa sa noo huh?





"At sinu ka para halikan ako? *Tingin sa mag-nobyo* sino ba to huh??" iritable kong tanong.





"Edi 'THE MAN OF YOUR DREAMS'" wika ni Elijah.





"Ayy... so natutulog parin pala ako ngayon. Imbyernang panaginip!! Nami-miss ko tuloy ang Big Bro mo! T___T" papa-iyak na sana ako pero kinurot ako nung lalake.





"Araaaaayyyyy!! FC? naggigi--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko... RAMDAM NA RAMDAM KO lang naman!!!!





"So... para pala akong tanga dito? Gising na nga talaga ako? At itong tao na 'to? *Tuto 'dun sa lalaki* ay totoo?" sabi ko habang hinihimas ang braso ko na kinurot nya.





"Guiella.. Ang slow mo!! Ganyan ka parin pala talaga! Kaya mahal kita eeh!!!!" at niyapos nya ako ng mahigpit.





"H-hindi ak-o makahinga" sabi ko.





"Sorry!!! Miss na miss lang talaga kita Pulang pusa!!!" nung sinabi nya ang mga 'yon, natigilan ako at parang umikot ang mundo ko.





"H-henry?" nauutal kong tanong.





"I miss you so much biker!!!" sabi nya.







Sa gulat ko, nilayo ko sya saakin. PLUS masakit nga kasi ang katawan ko.





"Araaaay." sabi ko.





"Bakit? Anong masakit? kain ka muna pusa ko" sabi nya sakin ng may pag-alala.





"Masakit katawan ko. Makayakap ka naman kasi!!"





"Na-miss nga kasi kita! Magagawa ko?"





"Miss mo muka mo!!!! Tsaka anung biker??? Hmmpfft!!"





"Galit ka ba sakin pusa? Sorry naman??"





*EHEM EHEM*







"Kayo ang dapat dalawa nakahilata dito! May sakit ata kayo eeh.." sarcastic na pagkakaturo ko sa hospital bed.





"Eeh kasi naman parang wala kami dito kung maglampungan kayo." nakangising pagbibiro ni Beff.





"Sweet nyo! Parang kami pang dalawa dito ang hindi mag-on." - Jake





"At kasalanan ko pa un? Sumasakit ulo ko senyo!!!" Sabi ko, pero biro lang.





"Tatawag ba ko ng doctor pusa?" sabi nung ugok.





"Shut up Henry! Don't have to." - ako





"Masakit kamo ulo mo?" ay tanga!





"Kain nanga lang tayo! >.<" suko na ko.







Naghanda sila. Lugaw.

Ay bayooowwn!!!





Ramdam ko na may sakit talaga ko. Lalo ako nanghihina pagka-ganitong pinamumuka nila sakin na may sakit ako! Eeh lekat. Anu bang sakit ko? Trangkaso lang naman ata ito kuha nang pagpapa-ulan ko.





O.A ng mga ito. Palibhasang libre!







Napatingin naman ako kay Henry. 

Na-miss ko naman 'tong katabi ko.









Miss na miss.







Pero syempre galit din!!! 10 years?





Graduate na kami'ng lahat at kung anu-ano.

Tsaka lang sya dadating??





Dagukan ko kaya to??







"Ano oras na ba???" tanong ko.





"11:15 to be exact." si Henry ang sumagot.





"Date???"





"Date tayo???" ay tanga talaga!!





"Anong date ngayon kako!!!" urrhhh... the nerv!!





"Ayyy. Galit?! April 2!"





"So, bumalik ka na after 10 years and 2 months!"





"What's up with that tone Guiella?" tanong nya.





"Bakit ngayon ka lang?" cold lng ng tanong ko.





"Ehh nagtapos pa ako ng pag-aaral. Naghanap ng trabaho."





"Anong trabaho?"





"Professional photographer na ko ngayon. Nakatapos ako ng Culinary."





"OK."





"Ang cold naman ng babaeng to. Sorry na!! Babawi ako promise!!! ^___^ *TSUP*" humalik pa sa pisngi ko.





"Magpakilala ka dali." sabi ko.





"Ano? Kilala mo naman ako huh???"





"No more" maikli kong sabi.





"Hayyyysss..." binitawan nya ung pagkain nya at lumuhod sa harap ko.







O______O ~> ung dalawang mag-nobyo yan.







"Anu nanaman trip mo Bru?"





"Hayaan mo nalang Lil' Sis."  at nagpatuloy sya.





"*EHEM EHEM* Ako nga po pala si Chris Henry Ayala. Best friend na lalaki ni Guiella Jean Bronilla. Nangako nang kasal, at ngayon palang tutupad.....





Nawala ng---"





"10 years and 2 mons." dugtong ko.





"Nawala ng 10 years and 2 months dahil nag-aral ng Culinary sa ibang bansa at ngayon ay professional Photograper na. Bumalik ako dito para simulan ang pangako ko sakanya. Mahal ko siya. Sobra-sobra!!!" at hinagkan ang kamay ko, sabay kiss.







"Ok. Tayo." sabi ko.





"Sorry na diba pusa ko??" ulit nya.





"Ok. Pero galit parin ako huh?"







"YEEEEEEESSSSS!!!" at nagtutumalon sya. O.A rin ng lalaking to eeh ano?







"Hoy!!! Kala mo naman papakasalan na agad!! Tinanggap ko palang sorry mo no!!!" sabi ko.





"Ganun talaga kapag mahal mo."





"Anung konek ha?"





"Kapag labas mo dito, date tayo huh?"





"Ayoko!!" pakipot pako.





"Sige na. Cofee shop huh? Ako magluluto lahat!"





"Anung Coffee Shop tinutukoy mo?" naguguluhan ako eeh. Bakit ba??





"Hindi mo pa alam yun? Kala ko alam mo na un. Ayun ung pinagawa ko na Coffee shop dito sa Pilipinas. Regalo ko sayo un! Hindi mo pa nakikita?" huh?? Anung snasabi ng taong ito??





"Baliw ka ba? Wala nga ako balita sayo tapos gumaganito ka sakin. Baliw ka ba?" naguguluhan kong tanong.





"Ay nako... Ako na lang magpapakita sayo kapag labas mo dito! Effort ko na pagtrabahuhan ang pinangpagawa ko 'non at pinangbayad sa architect, hindi mo pa pala alam!"





"Hayy... ewan!!!"



‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘ * ‘





+ + + Fast Forward + + +





Nakalabas na ko ng hospital.





Ang sweet nya. Grabe! Araw-araw nakabantay! 'dun na nga ata sya tumira.





Magaling na ako. Pati ung sa kompanya, magaling na 'din! :)





*Beep Beep*







Adito ko sa kwarto nang biglang may bumusina sa labas.





Napatingin nalang ako sa veranda ko.





Biglang niluwal ng isang black na mazda ang isang gwapong nilalang.







"Anong ginagawa mo dito?!!" sigaw ko sakanya mula sa taas.





"HOY!!!! MAY DATE TAYO!!! REMEMBER?!"







Ayy.. Oo nga pala!! Ang Coffee shop ko. Este, Coffee shop na tinutukoy nya pala at date na sinasabing babawi daw sya. Hayyysss..







"Pasok ka nalang at anjan naman si Ate Shaly!!"





Binaba ko sya para sabihin na mag-intay at maliligo pa ko. Tanghaling tapat naman kasi. Nakakatamad pa bumangon.





"Asan sila tito? Hindi ka 'man lang nakuhang dalawin sa hospital nila Jake?" bungad na tanong nya, asa hagdan palang ako.





"Asa Korea sila. Duon na sila nakatira. Ako nalang ang nandito. Napapala kasi nang nang-iiwan ano?" pang-iinis ko sknya.



"Ay ganun? Pano ako mamanhikan nyan pag nagkataon??"





"Anung sinasabi mo jan?!"





"Wala. Sabi ko nga, maligo ka na. Baho mo!!!"





"Talaga naman ang kapal ng muka mo nu? 'd kita payagan i-date ako jan eeh!!! Hmmppfft!!!"





"Sabi ko nga hndi na eeh. ^___^" gwapo talaga!! Hahahaha...





"Sapakin kita eehh!!!!"







At after nun, kumaripas nako ng takbo paakyat at naligo. Nagbihis ako ng simpleng light blue shorts at white t-shirt lang and blue shoes na may takong. Talk about F-A-S-H-I-O-N nga naman??



Tinirintas ko ang buhok ko at nagpabango. Nakita kong simple lang naman din ang soot nya, kaya simpleng ambiance nalang din ang ibibigay ko.





Bumaba na ko at nakita ko sya sa couch na nakatuon ang mata sa TV.





"Tara na!!!!" sabi ko na ikinagulat nya.





"WOOOOW!!! Simple but pretty!!! I Love You!!!' sabi nya.





"At kaylangan may I love you pa??"





"Salamat!!!" sabi nya. Ang wierd.





"Tara na nga!! Ang wierd mo!!"





^_______^







Ayan lang ang sinagot nya sakin.







"My car." sabi nya.





"Malamang! ! Alangan naman sakin. May driver pa!"





Lakas ng sapak ng taong ito! Sarap tadtadin ng halik...





"Pinagnanasahan mo nanaman ako sa isip mo." mind reader ba to?





"Hangkapal ng muka mo!!"





"I love you!!!" ayan nanaman sya.





"Whateverrr...."







Nag-drive lang sya ng nag-drive at nakadating na kami sa lugar.





O__________O



ayan ang itsura ko dahil sa nakita ko. 









2 comments:

  1. hahaha! natawa naman ako sa date nila! sapilitan pa talaga!

    pinagnanasaan mo na naman ako sa isip mo. ang wagas lang pre! hahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^