Ang aking mga nawalang
pangarap
At pusong sugatan ay
pinipilit kong gamutin.
Nakita kitang kahawak-kamay
siya
At napakalapit niyo sa
isat-isa.
Ako ngayon ay nag-iisa
Hinihiling na ang lahat ng
nararamdaman ay mawala.
Naibigay na ang lahat sa iyo
Wala na akong magagawa pa
Kundi ang lumuha.
Isang huling pagluha pa
Bago ko iwanan ang lahat ng
bagay sa nakaraan
Ngayon ay aalisin na kita sa
aking isipan
Tama nang minsan ako’y
nabuhay sa kasinungalingan
Tatapusin na ang lahat ng
kahibangan
Isang huling pagluha na
lang.
Narito ako, nandyan ka
Sa tingin ko’y hindi talaga
tayo magtutugma
Bakit ang araw ay nasa iyo?
Samantalang ang ulan ay nasa
akin.
Ngayon ako ay nag-iisa
Hinihiling na ang lahat ng
ito ay mawala
Kailangan ko ng magparaya
Iyon na lamang ang tangi
kong magagawa.
Isang huling pagluha pa
Bago ako tuluyang magpaalam
Aalisin na kita sa aking
isipan
Nabuhay ako sa isang
kasinungalingan
Alam kong kailangan kong
maging matatag
Dahil ang pag-ibig at buhay
ay magpapatuloy
Nang magpapatuloy..ng
magpapatuloy..
Isang huling pagluha na
lang.
parang broken-hearted yung author. i can feel the pain too.
ReplyDeletewow...you feel it too??? thanks...BH talaga ako ngayon..kakabreak lang namin ng Fiancee ko kaya maedyo windang ang buhay ko...buti nga nakakapagsulat pa ako eh..haha
Delete