Sunday, May 6, 2012

Love Tutorial : Chapter 4

"hoy babae, Gusmising ka na, tanghali na !!"

"anu ba? inaantok pa ako" grabe naman to ang aga aga pa nambubulabog na kagad ... 
TEKA?!! 

boses ni kumag yun ah ? dumilat ako para icheck kung siya nga .. 
O_O 

whaaa .. siya nga ?!! anung ginagawa nya sa kwarto ko ??

"hoy kumag !! anung ginagawa mo dito sa kwarto ko ???"

"excuse me ? kwarto ? baka naman nakakalimutan mong hindi mo bahay to para angkinin ang kwartong to ?"

ay ou nga pala, hai.. andito nga pala ako kina kumag .. 

"okay fine, pasensya naman, teka bat ang aga aga mo mambulabog ???" 

"pinapagising ka na ni mama, baka kasi nakakalimutan mo, thursday palang ngayon at may pasok ka"

Ayt anu ba yan, dito lang ako nagstay kina Johnny naging makakalimutin na ako . 

"ay ou nga. anung oras na ba ?" 

" 8 na po "

"8 ?!!! 8:30 pasok ko ha ?!!!! " aw gosh malalate na ako ! kelangan ko nang maligo .. 
"baka pwedeng lumabas ka muna ? maliligo lang ako? pwede ?"

"ok " 

dahil late na ako.. mega hurry na ako .. 


"teka Jessie, kain ka muna ." tawag sa akin ni tita Sandra. 

"okay lang po, late na po ako e" sagot ko . 

"Johnny anak, hatid mo na din si Jessie sa school nila, di ba may aayusin ka din sa school na yun ?" utos ni tita Sandra kay Johnny . 
teka teka teka ? si Johnny may aayusin sa school ko ? 
anu ??

"tara na nga !" sabay hila sa akin ni Johnny .. 

bago kmi dumaan sa school, dumaan muna kami sa isang drive tru ng isang fastfood. 

"hoy bakit andito na tayo ? malalate na ako.." sabi ko . 

"hindi ka pa tumitingin sa orasan no ?" 

"bakit ?" nu meron sa orasan ?

"7:30 palang. nung sinabi ko sayo na 8 na, actually 6:45 palang nun ." sabi nya sabay ngiti .. 

"7:30 ???!! " pinagmadali madali mo ako para sa wala ? ang bait mo din e nu?" 

"thanks, mabait talaga ako. oh ayan burger. baka kasi gutom ka e"

"wow thanks ha. kahit konti may konsensya ka padin pala ha ? tss"  dapat lang talaga na pakainin nya ako, matapos nya akong pagmadaliin.. 

"thank you, utang mo yan sa akin ha" 

Utang ?! utang na loob naman !! pinag iinit nya ulo ko ha !!

"utang???  edi sayo na yan" sabi ko sabay balik sa kanya ng burger" 

"ayoko, kinagatan mo na yan e. basta may utang ka sakin" 

so no choice kinain ko na lang yung burger, isa pa gutom na din talaga ako e.. 
badtrip talaga tong kumag na to.. kelan kaya to mawawala sa buhay ko ?!! panira ng araw e. 

3 comments:

  1. ang dami kong tawa ixsha! ang kulit ng update. dahil sa burger na yan! ayiiiee naman!

    ReplyDelete
  2. kilig nmn aq sknila khit away sla ng away.

    ReplyDelete
  3. kelan kya magkksundo itong dlwa! puro nlng away. hahahahahhha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^