Thursday, May 31, 2012

Kissing Bandit : Chapter 11

CHAPTER 11
(ATASHA ORELLANA POV)


“Sige kain ka lang ng kain, Tasha.” ^__^



“Heto na nga lumalamon na.” Ito namang si Zack, minsan nakakatakot kasabay sa kainan! Ang galante manlibre eh! Para akong patabaing baboy! Nakow kung hindi lang masarap itong kinakain ko.




“Hay naku, buti ka pa talaga! Alam mo kasi kung ibang babae ang kasama ko, ang boring!”



“Paano mo naman nasabi?” Hindi naman ako nagpapatawa habang kumakain ah!



“Yung ibang babae kasi, nag-iiba ang ugali kapag kasabay ko. Lalo na kapag kumakain. Parang nahihiya pa  sila… ikaw kabaligtaran.”




Nabulunan naman ako bigla… “So ibig mong sabihin, wala akong hiya?”



“Ahahahaha!” Sige ang wagas mong tumawa!!! “Tange! Hindi yun ganun. Natutuwa ako dahil hindi ka nagpi-pretend sa harap ko. Well, tama lang naman na ganun ka. Kung ano yung nagustuhan ko sayo noon, masaya ako na ganun pa rin hanggang ngayon.”



Ay jusmio! Nabulunan ulit ako!!! “Na… nagustuhan mo saakin???”




“Oo… yung pagiging makulit mo! Ang cute!” Ay akala ko ano na! Nag-expect pa man din ako kahit papano!




Pero ayyiiiiiieh! Sabay kurot naman sa pisngi ko!



“Kain ka pa! Say ahh~” Uy gusto akong subuan!




Hay naku Zacky! Hindi ko hihindian yan!!!




“Yum…” *nom nom nom*




Bakit ganun? Mas masarap yata yung pagkain kapag sinusubuan ako ni Zack! Ayiiieh! Kelandi ko lang talaga! Kakahiya!


At hindi lang yun ha! Yung spoon na ginamit niyang pansubo saakin, yun din ang spoon na ginagamit niya eh! Oh so anong gusto kong palabasin? Eh di INDIRECT KISS yun! Hwahahaha! Nag-indirect kiss kami ni Zack!



“Bakit nakangiti ka?”




“Nakangiti ba ako?” Oo kaya, ang obvious mo teh! “Masarap kasi yung kinakain ko.” Lalo pa nung sinubuan niya ako! Isa pa nga! Eeekk!!! “Tapos libre pa.”



“Ganun naman pala. Bakit hindi ka nagpapakita saakin tuwing lunchbreak para sabay na lang tayo laging kumain.”




“Wag na! Baka mamaya singilin mo ako sa libre mo eh.”



“Pffft…” Ayan, muntikan na rin siyang mabilaukan! Ang babaw rin nitong lalaking ‘to! Ang bilis matawa! “Kung sa bagay, baka nga maubos ang pera ko kapag kasabay kita. Ang gana mo kumain.”



Kanina kasasabi niya lang na okay na hindi akong maarte sa pagkain.



“Hindi, joke lang yun Atasha ha!”



Ah joke lang pala! Ah sige, lab pa rin niya ako! Kapal talaga ng fezlaks!




“Pero seryoso, dapat sabay na lang tayo lagi kapag kumakain para naman hindi kita namimiss.” Hanglandehmoh Zack. “Tapos kasabay rin natin si Laris. Naalala mo pa siya?”



“Puuffffftttttt…” Ilang beses ba dapat mabilaukan sa eksenang ito? Nawiwili? “Ah… oo… naalala ko pa siya. Bakit naman kailangang pati siya kasabay?”



“Kabarkada ko yun eh.” Ah! Oo nga pala!




Kung makakasabay ko lang rin sa pagkain ang half Et, half syoko na yun, di na noh! Baka hindi pa ako matunawan niyan! Tulad nung nangyari nung isang beses na kasabay ko siyang kumain! Hindi ko na-enjoy yung mga kinain ko nun!



“Hay naku Zack, may mga kaibigan din akong girls. Panigurado kung aayain niyo ako palagi para makasabay sa pagkain, sisingit din yung mga yun. Sige ka, imbes na ako lang ang ilibre mo, baka maging katumbas na ng isang baranggay yung gastos mo sa pagkain.” Ayus sa palusot noh?



“Ganun?”


Sige, change-topic na nga lang! Yung lovelife naman namin ang pag-usapan natin! Joke! “Ay oo nga pala… diba kaya mo ako inaya kumain kasi may sasabihin ka saakin?”



“Yep…” Ano kaya yun? Aaminin kaya niya na inlab na siya saakin! Ansabeh!



Tapos may kinuha na siya sa bag niya. “Here.”



May inabot na invitation si Zack… para sa kasal namin? Ang bilis naman! Hindi pa nga umaamin! Pero syempre, feeling na naman ako!!! Joke lang po! “Para saan ‘to?”



“Pinabigay ni mommy yan. Alam mo kasi, opening na ng dream bar nila ni daddy this coming Saturday. Invited ka syempre.”




“Ah… Eight ang start?”




“Yep. Gusto mo sunduin kita?”




“Talaga!!!” Hoy wag kang lumandi! Baka nakakalimutan mong kapag nangyari yan, malalaman din ni Zack kung saan ka nakatira! At nakatira ka sa dorm kung saan nakatira din si ET! “Ah… for the second thought… kahit wag na pala, Zack.”




“Sigurado ka?”



Hindi. “Oo…”



“Pero pupunta ka ha.”




“Oo naman! Asahan mo yan! Para makita ko na rin sina tita at tito noh.”













Syempre ang saya ko lang talaga!



Hanggang sa uwian, in good mood talaga ako!



Iba talaga nagagawa ng Vitamin Zack ko! Mas energetic pa ako ngayon!



At hindi lang yun! In-invite pa ako ni future hubby ko sa opening ng bar ng parents niya! Sina tito at tita na future in laws ko, makikita ko na ulit! Yey!



“Ay ano ba yang pinag-iisip ko! Grabe na yata ako sa pagpapantasya eh! Nagsabay lang naman kaming kumain!” Hehe! Lakas topak na talaga! Nagsasalita na rin akong mag-isa! Pero bakit ba? Walang basagan ng trip noh!




Pero pagdating ko sa loob ng kwarto ko at i-check ang laman ng aparador ko bilang paghahanda sa magiging ayos ko sa party ngayong darating na Sabado…



“Waaaaaaaahhhh!!! Why oh why???”



*blaaaagg~*



“Ngayon pa lang, fail na ako…” - TT^TT




Wala akong matinong damit na bagay pam-party! Ano nang gagawin ko? Ayoko namang magmukhang promding anay sa harap ng pinakamamahal kong si Zack at kina tito at titan a rin!



Syempre naman kahit lumaki ako ng probinsya, ayokong makita nila na mukha pa rin akong probinsyana! Kaso nga lang, wala talaga akong damit na susuotin sa araw na yun!!!




Hindi naman ako makakabili ng damit dahil kukulangin na ang allowance na padala ng mga magulang ko! Ang saklap naman talaga!



Atasha09 says…

“After a fun day, problemado ang lola niyo.”
Advice naman jan! Sinong pwedeng kausap?



After 5 minutes…




1 view, 0 note, 0 comment…




After 5 more minutes…




2 views, 0 note, 0 comment…




Yung two views, ako lang yan!




Grabe naman! Wala na nga akong damit pam-party, wala pang pumansin saakin ngayong problemado ako!!! Dahil kasi hindi yung Anti_Kissing_Bandit ang ginamit kong account today at hindi tungkol kay syokoy na Laris ang post ko.




Haizz! It simply means na ang Atasha Orellana ay nananatiling nobody sa TMU!




“Hay naku! Makaligo na nga lang nang mabawasan ang init ng dugo ko!!!”




Oo nga pala! Dito pala sa dorm, walang sariling banyo sa loob ng mga kwarto namin. Kaya kung maliligo o maje-jebs ka, lalabas ka pa. Apat naman ang available CR sa bawat floors kaya walang problema.




First door, nakalock!




Second door, nakalock rin!




Third door, nakalock pa rin!



Anak ng! Mali pala ako! Problema pala na ganto lang ka-konti ang CR sa bawat floor!



Tumungo tayo sa fourth door. Pag ito nakalock pa rin, ewan ko na lang!



Kung hindi maghihintay, mapipilitan akong makigamit ng CR sa ibang floor! Eh mas kakatamad yun!



Okay, in-open ko na yung door. “Uy! Sa wakas, hindi na nakalock!”



So in-open ko na yung pinto nung CR na yun. Kaso ang bungad saakin…



“Hoyrr!!! Ahrro bhar yhangrr…”



O_______O - “Pffft…”



“Pwuuuh!!!” Si Ate Ganda yan at dumura sa lababo. Nagtu-toohbrush lang naman siya! Akala niyo ano na noh? “Bakit bigla ka na lang pumapasok!?”



“Eh hindi naka-lock yung pinto.”



“Hindi ka naman kumatok!”




“Aba malay ko bang may alien sa loob dito…”



“Eh ano pang ginagawa mo dito? Papanoorin mo akong magtoothbrush? Layas kundi duduraan kita!”




“Heheh… teka lang ha…” Tamang-tama, dala ko cellphone ko!



*click… click… click…*




“Anorng…??? Hoyrr Hort Pirnk!!!” Sige salita ka pa habang natu-toothbrush!



“Hwahahahahahaha!!! Naku itong ganitong eksena talaga ang gusto kong makunan! Sa wakas may maipopost na akong balahura ang itsura mo!” Tawa lang ako ng tawa sa ayos niya ngayon! Mukha lang timang! Hahaha!




“Pwuuuh!!!” Dumura ulit siya at nagmumog na. Tapos after niyang magtoothbrush, hinarap na niya ako. Lumapit pa siya saakin kaya napaatras ako hanggang sa mabunggo na ako sa pader. “Ikaw…”




“Oh bakit? Galit ka?”




Tapos tinaasan lang ako ng kilay ng bangaw na ‘to! “Hindi…”




“Hindi naman pala. Kung tapos ka nang magtoothbrush, lumayas ka na dito.” Tapos tinulak ko siya at hinawi sa may gilid.




Papasok na sana ako sa loob ng CR kaso…




*splaaaasssshhhh~*




Huwaaaah! Tyanak na anak ng tikbalang talaga!!!



“CHUPESTE KANG LALAKI KAAAAAAAAAA~!!!”



Binuhusan ako ng tubig ni Laris mula sa likod!!!




Humahagikhik pa siyang nakaganti saakin. Grrrr!!! Hinarap ko siya ulit na umuusok na ang ilong ko pero hindi pa siya nakuntento, ni-shoot pa sa ulo ko yung tabong ginamit niya at saka kumaripas ng takbo paalis!!!



“Babayu~!!!”




“HOY!!! PUTEK KA!!!”



Leshe siya!!! Pasalamat siya hindi ko siya naabutan at nakapagtago siya agad sa kwarto niya!




Pero uwaaaaaaah!!! Basa na ako, hindi pa man din ako nakakaligo! Basa pa ang tuwalya ko pati yung pamalit kong damit!!! Gaganti talaga ako, itaga mo yan sa bungo ni Ate Ganda!!! Raawwwrrrr!!!




Bumalik ako sa kwarto ko para palitan yung basang towel at yung mga pamalit kong damit. Pero bago ako tumuloy ng balik dun sa CR, sinipa ko muna yung pinto sa kwarto ni Ate Ganda.




*booog!*




Kaso narinig ko pa siyang sumigaw mula dun sa loob ng kwarto… “Weh!!! Pikon~ Sige sipain mo pa, wala akong pakelam!”



Kakabwiset talaga! Wala pa lang pakelam ha!



*booog!*



*booog!*




*booog!*



“Aww…” Ang sakit na ng paa ko! - >___<



“Buti nga~”


Malamang, yan yung pang-asar niyang itchura ngayon... >___<

Ow Dear Heavens! Bigyan niyo po ako ng mas mahaba pang pasensya upang hindi magkasala dahil kung hindi, makakapatay po talaga ako ng nilalang na galing sa ibang mundo!













Pagkatapos kong maligo, dumirecho na ako sa kwarto ko para gamitin na yung isa ko pang account para sirain ang pinakapanget na nilalang sa mundong ito. Panget ba talaga? OO! Panget talaga siya para saakin!



Kanina pa akong kating-kati na i-upload ‘to eh!



“Kissing Bandit in the bathroom”
Ang baklush ng papa niyo! Kaderder lang talaga na ang daming nagkakagusto sa babakla-baklang kumag na ‘to! He is so~ maartz!




Save and published!




After 5 minutes…



Pesteng mga tao ‘to! Kanina nung nagpost ako tungkol sa sarili ko gamit ang tunay at namamaganda kong account, wala pumansin saakin!



Tapos ngayon nung tungkol na kay Laris, mukha nang sasabog ang stats nito dahil patuloy sa pagtaas!!! Tapos parang mga bubuyog pa yung mga fans kung makapag-comment!




Pero naagaw ang attention ko sa isang nag-tag saakin ng post niya.



Kissing Bandit tagged you on a post.



O_____O???



Kissing Bandit says…


@Anti_Kissing_Bandit… Ang photogenic ko naman dun sa latest picture na in-upload mo. Paano ba kita mapapasalamatan ha? Angat na angat ang gandang lalaki ko! Sigurado kong mas angat pa sayo. 
PS. Pasensya na kung nabasa ka kanina. Sana matuyo rin agad ang mga nabasa mong damit... Ang galing mo kasing mamboso, harapan! Peace tayo! Nyahahaha! XD





“Huwat??? Ako pa namboso??? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yun!!!” - (◣╭╮◢)


Pakershet talaga siya!!! Ang sarap niyang ibaon sa center of the Earth! Aish!!!



 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 11



7 comments:

  1. ~>angel is luv<~

    mukhang maganda rin ang story na ito. ang gagwapo at ganda naman ng characters. new reader lang po ako nitong site.

    ReplyDelete
  2. Nag-eenjoy ako sa pagbasa dahil sa mga pics:)) ANg galing mo Unnie! bengga! hahahaha!

    Namiss ko si Ate ganda:)))

    ReplyDelete
  3. nkkloka s ksweetan itng c zack! bkit b ang sweet nia! feelng q type nia n tlga c atasha eh! at ang lndi mu tlga atasha! haba ng hair!

    sbrng kulit nio p ni KB! kyaaaah~ ang kyut nga nia s pix llo n ung nagtutootbrush xah! pogi mu tlga laris! ang kulet nlng dlwa!

    at naisip q lng ate ung mga couple names d2.. hehhheheh.

    AtaRis VS ZaSha.. knino po kau?

    ReplyDelete
  4. ang kyut tlga ni zack! ang lndi nia lng tlga! peo xempre dun p din aq s bida! kei KB aq noh!

    ang ang kulit lng tlga nla mag-away! hahhhhahahaha!

    ReplyDelete
  5. ano ba yan! hindi ako makapili kina laris at zack talaga! parehong gwapo eh! parehong bagay kay atasha!

    si zack kasi ang sweet. tapos si laris naman ang kulit!!! ayiiie!!!

    ReplyDelete
  6. Ang kulit talaga nina LAris at Atasha. Sila na ang pinaka-favorite kong pair so far. Haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^