IM INLOVE WITH MY BROTHER
I love my kuya...
Lagi siyang nandyan para ipagtanggol ako...
Kapag may nanliligaw sa akin...
Butas ng karayom ang dadanasin...
Pero paano kung isang araw...
I just realized that...
Im inlove with my brother??
Posible ba yun??
Or it’s just a mere, brotherly love??
CHAPTER 1 –MEET MY KUYA
“ i love you so much.” He is staring straight into my eyes.
Pigilan ko man ang sarili ko, hindi ko nagawang hindi sumagot sa kanya.
“i love you too ku—“
“shhh... i told you. Wag mo akong tawaging kuya. Tonight we
will be lovers.” He sealed my lips with his. It slowly moved and i feel a
different kind of chills all over my body. I felt his arms around my waist and
he pushed me to the bed.
“i love you so much autumn maddison ramirez.” He whispered
to my ears. I looked directly into his eyes. “i love you too winter luke
ramirez.” I felt his hand on my breast and gently carressed it. With his
touched, everything flashed back into my mind....
***
March 23, 19**- lumabas sa mundong ibabaw ang isang cute at
iyaking batang babae. Pinangalanan siyang Autumn
Madison Tolentino Ramirez. Ang ganda ng name ko noh pangmayaman?... well,
proud to say ako, MAYAMAN AKO!! Mayaman ako sa PAGMAMAHAL.hahahaha.... bakit
ba? Sabi kasi ni nanay at tatay, ang pagmamahal daw ang pinakamahalagang bagay
sa buong mundo. PRICELESS! Sabi nga nila. Walang sinuman ang makakatumbas nun.
Lumaki ako sa pamilya ng mga small time business
entrepreneur. Kumbaga, sa tagalog, mga negosyante. Masaya ako kasama ang
simpleng pamilya, kasama ang pinakafavorite at nag iisa kong kuya, si Winter Luke Tolentino Ramirez. Mahal na
mahal ko si kuya winter, kahit na nung bata kami palagi niya akong pinapaiyak.
Bawing bawi naman nung nagkaisip kami kasi palagi niya akong inaalagaan.
“bilisan mo autumn!!” nasa kwarto pa ako at si kuya nasa
labas na. Pupunta kasi kami sa plaza ngayon para maglaro. Dadaan pa kami sa
palayan kaya mas masaya. “sandali lang kuyaaaa!!!” ang daya daya daya talaga
nun. Tinalo niya ako sa jack en poy. Ay hindi pala tinalo DINAYA niya ako T.T .
may kidlat ba sa jack en poy?! Sumbong ko siya kay nanay ee.
Pagkalabas ko, nakasakay na siya sa bike ni tatay. Yehey!!!
Aangkas na naman akoo!!. Tumakbo ako at sumakay sa harap ng bike. “kapit.” Utos
ni kuya kaya kumapit ako sa harapan ng bike. “tandaan mo to autumn, kahit anong mangyari, wag kang bibitaw.
Ililigtas ka ni kuya.” Palagi yang sinasabi ni kuya sa akin. Wag daw akong
bibitaw kaya sinusunod ko siya.
WWWWWWIIIIIIIIEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!
Ang sarap sarap talaga. Ambango ng hangin! Amoy dahon. Ang
sarap sarap talaga dito sa probinsya.!! Wiiieee.... napadaan kami sa palayan at
nakita namin ang mga bagong tanim na palay. Ang kukyut nila!!
“oh, dito na tayo baba na.” Inalalayan ako ni kuya na bumaba
ng bike. Hawak kamay kaming pumunta sa lugar na pinaglalaruan namin kasama ang
mga kaibigan pa namin.
“WINTER MAYLABSSSS!!” kapag yan ang maririnig mo, isa lang
ang may ari ng boses na yan, si Summer
Rodriguez. Siya ang bestfriend ko. Kaya kapag naging asawa daw siya ni
kuya, magiging sister in law ko na daw siya. Magkasing edad lang kami at
kaklase ko siya sa grade 3 sa aming pinakamamahal na paaralan. Si kuya naman
nasa grade 5 na. Eight years old na ako at ten years old na si kuya.
Nakita naming papalapit si summer at nakasunod sa kanya si Heaven Anthony Briones. Classmate din
namin siya at ang balita sa klase namin na crush daw niya ako. Pero, wala akong
paki dun. Sabi kasi ni nanay, wag daw muna magkaron ng crush. Beybi daw niya
ako. At isa pa, ayaw din ni kuya.
Magagalit daw siya sa akin kapag nabalitaan niyang boypren ko daw si heaven.
Nakita ko nalang na nakapulupot na ang braso ni summer sa
kaliwang braso ni kuya. Nakahawak kasi ako sa kanang kamay niya. “labs, date
tayuuuu!!!” nakapout pa si summer habang nakasandal ang ulo niya sa braso ni
kuya. Siguro iniisip niyong malandi si summer, pero hindi po. Ganyan lang po
ang ugali niya. Masyado lang siyang pilya. At talagang crush na crush niya si
kuya. Aware naman na si kuya kaya bat pa daw siya mahihiya. Very reasonable
noh?
“hahahaah.... tama na nga yan summer tignan mo itsura ni
kuya winter, diring diri” sumama ang tingin ni kuya winter kay heaven. “wag mo
nga akong tatawaging kuya. Hindi kita kapatid noh.” Napayuko nalang si heaven
sa sinabi ni kuya winter.
Dumating na ang iba naming kalaro. Buong maghapon na naman
kaming maglalaro. Ang una naming laro—TUMBANG PRESO!!! Hulaan niyo sino taya??
Ako (____ ____)
Dahil sa hindi naman ako magaling dito sa larong ito, buraot
na tuloy ako... gusto ko nang umiyak. Hinagis na nila ang mga tsinelas nila at
hindi ko talaga sila mahuli huli.
“waaaahhhh!!! Buraot si autumn!! Wahahahahaha...” pang-aasar
sa akin ng mga kalaro namin.
“konting tiis, iiyak na yan. Konting tiis, iiyak na yan.”
Hindi naman talaga ako dapat iiyak eh. Kaso....
“sniff... hindi ako iiyak.... sniff” napaupo ako at nilagay
ang uloko sa tuhod ko.
“tama na yan! Ako na ang taya!” narinig kong may sumigaw.
Tinignan ko at nakita kong nakatayo si kuya winter na nakatalikod sa akin.
Humarap siya sa akin at umupo nang kalevel ko. “wag ka na umiyak bunso. Si kuya
na ang taya. Tayo na diyan.” Nagsmile sa akin si kuya at nakita ko ang cute na
dimples niya. Napatango nalang ako.
Masaya ang laro namin kung hindi lang sana ako iyakin. Nung
bandang hapon na, nagkasawaan kaming lahat. Bigla namang dumaan si manong
sorbetes. Dahil sa pagod at uhaw, gusto kong kumain ng sorbetes (ice cream po
ang sorbetes) pero, wala naman ang pera.
“gusto mong kumain?” napatingin ako sa gilid ko at nakita ko
si kuya na nakaupo sa tabi ko. Napayuko lang ako. “tara bilis!!” biglang
hinawakan ni kuya ang kamay ko at hinila sa may simbahan. Sabado ngayon at araw
ng pagsamba ng patron ng simbahan namin. Maraming tao ang naglalabas pasok sa
simbahan.
“ale, ale. Palimos po.” Nilahad ni kuya ang kamay niya na
parang nanghihingi sa babaeng nagdaan. Nagbigay ang ale ng limang piso. May
dumaan namang lalaki at ganun din ang ginawa ni kuya. Binigyan na naman siya ng
lima.
Sampung piso na ang pera namin. Makakabili na kami ng ice
cream, pero nakokonsensya ako, kasi kailangan pang mamalimos ni kuya.
Hayyyysss...
“oh, anong binubuntong buntong hininga mo diyan?” napahinto
kami sa pagtakbo dahil sa pagbuntong hininga ko.
“kuya isoli mo na ang pera.” Nagtataka ang itsura ni kuya
winter sa pagharap niya. “hahahaha.... ano ka ba autumn. Bigay nila ito sa
atin. Bakit ko isosoli?” pakiramdam ko bumaba ang dignidad ni kuya dahil sa
ginawa niyang pamamalimos.
“ito, tatandaan mo autumn. Walang masama sa ginawa natin
dahil unang una, hindi tayo nakasakit ng ibang tao. Pangalawa, wala naman
tayong inagrabyadong tao at pangatlo, minsan hindi kawalan kung hihingi ka ng
tulong sa iba dahil kailangan natin ang bawat isa para mabuhay.” Waaaahhh!!!
Dumugo ilong ko kay kuya!!!!
Pero tama siya.
Tumango ako sa kanya. “tara na bili na tayo.” Nagpunta kami kay maong
sorbetes at pagkabili ng sorbetes, naupo kami sa upuan sa plaza. Hindi pa namin
ubos ang kinakain namin nang biglang sumulpot si summer.
“saan kayo galing?” ayan na naman ang pout niya. Waaahhh!!!
Ang cute ng bestfriend koooo!!!
“wahahaha... sorry bessy. Bumili lang kami ng sorbetes.”
Nagliwanag ang mata niya ng makita ang kinakain namin.
“waaahhh!! Di kayo nagyayaya. Tara na. Maglalaro tayo ng
kasal kasalan.” Hinila niya kaming dalawa at tumakbo doon sa gitna ng plaza
kung saan nandon ang isang pavillion. Nakatayo doon ang mga kalaro namin.
Bumubunot sila sa isang maliit na box.
“ano yan?” tanong ko.
“bunutin niyo kung ano ang role niyo sa kasal kasalan.” So
ganun nga ang ginawa namin, bumunot na kami ni kuya. Hulaan niyo ang nabunot
ko.
BRIDE
Waaaaahhhh!!! Sino kaya ang groom ko??
“uy! Uy! Sino ang groom??” excited na tanong ko sa mga
kalaro ko. Nagkatinginan sila at huminto ang mata nilang lahat sa nag iisang
taong nakataas ang kamay. Ang aking groom.....
“kuya? Ikaw ang groom?” natahimik kaming lahat. Alam niyo
namang hindi pwede diba? Bad yun!!
“hindi sila pwedeng magpakasal!” tutol ni summer.
“oo nga!! Makipagpalit nalang ang isa sa inyo.” Suggestion
naman ni heaven.
Nagkatinginan kami ni kuya. “b-best , palit tayo.” Binigay
ko kay summer ang papel ko.
“yehey!!! Ayan ikaw na ang maid of honor ha!!” tuwang tuwa
naman siya. Maya, maya nagsimula na ang kasal kasalan namin. Umabot kami nang
hapon doon. Sakto namang dumaan na si tatay.
“winter, autumn!” nakita namin si tatay na kumakaway kaway
na.
“tay!!” sabay kami ni kuya at patakbo naming tinungo ang
tatay naming nag-aantay sa amin.
“uwi na tayo.” Pagyaya ni tatay sa amin. Nakasakay na siya
sa bike na sinakyan namin pagpunta dito. Umiling si kuya. “wag na tay.
Magkakarera nalang kami ni autumn pauwi.”
Napatingin ako kay kuya at masasabi kong hindi ko gusto ang
mga ngiti niya. Nagpedal na pauwi si tatay at naiwan kami ni kuya na nakatayo
doon habang pinapanuod si tatay na nawawala sa paningin namin.
“ready ka na?” narinig kong nagsalita si kuya. Tinignan ko
siya at nakita ko na nakaupo na siya sa kalsada at nakatukod ang dalawa niyang
kamay. “hayyyssss.... ano pa ba ang magagawa ko?” ginaya ko ang posisyon niya.
“ready?”
“get set?” nakabend na ang kanang paa namin at nakastretch
naman sa likod ang kaliwang paa namin.
“go!” pagkasigaw nun, kumaripas kami ng takbo ni kuya.
Nagtataka siguro kayo kung saan natuto si kuya sa mga
ganitong klaseng takbuhan noh? Mahilig kasi siya sa track and field lagi nga
siyang nanunuod ng mga palabas basta track and field eh. Kasama din siya sa
track and field team sa school namin at next year baka siya ang maging captain.
Malapit na akong makaabot sa bahay namin mga one meter
nalang mula sa gate namin nang maramdaman kong natalisod ako.
“ahhhh!!!” nakita ko nalang ang sarili ko na nakikipaglips
to lips na sa lupa.
“yehey!!!! And the first place goes to!!! Winter Luke
Ramirez!!” narinig kong nagsisisigaw si kuya. Pilit kong tumayo dahil hindi
niya ako nakitang nadapa. Ganyan kasi siya kapag nasa karera, palaging nasa
“finish line” lang ang paningin.
“nanalo na naman ako autumn!!” naririnig ko ang mga sinasabi
niya pero hindi ko naman na siya pinapansin pa dahil may namumuo nang tubig sa
mata ko.
“wag ka nang umiyak. Masakit ba?” nakita kong nakaupo na si
kuya sa tabi ko at nagtama ang paningin namin.
*dugdug*
*dugdug*
Hala!!! Ano yun?! Napatigil ako sa pagiyak dahil sa narinig
kong dagundong. Hindi sa kalsada nanggagaling ang tunog kundi sa loob mismo ng
katawan ko—sa parteng puso ko.
“uy!! Hala!! Autumn, may sugat ka. Halika ipapasan nalang
kita.” Kinuha niya ang dalawa kong kamay at isinampay sa balikat niya.tumayo
siya at hinawakan ang hita ko. Nagsimula na siyang maglakad at tinulak ko ang
gate namin.
*dugdug*
*dugdug*
Ito na naman ang puso
ko. Ang lakas ng tibok. Hindi kaya marinig ni kuya itong puso ko at baka
maingayan?
“nanay, tatay dito na po kami!” sigaw ni kuya winter pagkatungtong na pagkatungtong sa bahay. Nilapag niya ako sa upuan sa salas at nagtuloy tuloy sa kusina. Hindi kalakihan ang bahay namin. Actually, isang palapag lang siya. Hindi naman kasi uso dito sa probinsya ang naglalakihang bahay di tulad sa maynila. Dalawa ang kwarto ng bahay namin ang isa malapit sa kusina at ang isa naman katabi ng salas. Magkasama kami ni kuya sa kwarto at tabi sa higaan.
“wala sila nanay at tatay dito. Nasa tindahan ata.” Lumabas
si kuya ng bahay at naiwan akong mag isa sa loob ng bahay.
Napabuntong hininga ako at napahawak sa dibdib ko kung saan
nakalagay ang puso ko. Ramdam ko parin na ambilis ng tibok nun. Ngayon ko lang
naramdaman ang ganung klaseng pakiramdam. Hindi lang siya basta kaba o takot.
Iba siya, ibang iba.
Nakatulog ako sa kinauupuan ko nang maramdaman kong may
biglang yumuyugyog sa akin. Pagdilat ko nasa kwarto na ako. Si kuya pala ang
yumuyugyog sa akin. Kinusot kusot ko ang mata ko.
“kain na tayo.” Sabi ni kuya. Tinignan ko ang sugat ko at
may benda na siya. Lumabas na si kuya ng kwarto.
Well, that’s my kuya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
hello :)) konichiwa!!! im just a new writer dito sa blog na ito and nirefer lang ako ng friend kong si ate fibs!! (hi ate phoebe!!) please do support this story :))
salamat po :))
--mars :))
ow may! something intriguing! inlove with kuya talaga! thanks for sharing this msblue
ReplyDelete