Thursday, May 10, 2012

Hello Stranger - Short Story

Strangers. Strangers. Strangers.


Kahit saan ako lumingon yun lang ang nakikita ko. Nasan na ba kasi sina mommy at daddy? Ano bang ginagawa ko dito?


Bakit ba kasi ako nandito?


"Ananya!"


Hinanap ko kung saan galing ang boses na yun. Nang nakita ko, isa na namang stranger ang tumawag sakin. Kanina pa nangyayari sakin to, may isang taong tatawag ng pangalan ko, lalapit sakin, kakausapin ako at kukwentuhan. Ako naman oo lang ng oo.


Ang isang to, hindi rin pamilyar ang mukha nya sakin. As in never ko pa syang nakita. Isa syang lalaki na matangkad sakin ng ilang inches lang siguro.


"H-hi?" ganyan lagi ang sagot ko, at tama, may question mark. Di kasi ako sigurado sa sasabihin ko sa kanya. Nagtataka nga ako kung bakit alam nila ang pangalan ko eh pero stranger ang tingin ko sa kanila. Well, baka nakukwento ako ni Mommy sa kanila.


"Tara dun tayo sa garden." bago pa man ako makatanggi, nakuha nya na ang kamay ko at dinala papunta sa garden na sinasabi nya.


Since stranger sya sakin, inisip ko na lang na baka anak sya ng friend ni mommy so siguro wala naman syang gagawing masama sakin kaya hinayaan ko na lang syang hatakin nya ako.


Tumigil sya kaya tumigil na rin ako.


"Ang ganda no?"


Tumingin ako sa paligid at napansin kong hindi lang pala sya isang garden kundi isang paradise. Wala pa akong nakikitang ganito kaganda sa buong buhay ko.


"Alam mo ba ang tawag sa lugar na to?"


Umiling ako sa tanong nya, nakatingin pa rin ako sa paligid at tinitignan ang mga bulaklak.


"Ang tawag nila dito Iolo's *(YOLO, Letter "I" po yun hindi L. Baka isipin nyo LOLO. :P)* Garden." Nakangiti nyang sabi. "Si Iolo mismo ang nagtanim at nag ayos dito sa lugar na to."


"Baka bading sya." Bigla kong nasabi kaya napatingin sya sakin.


"Di sya bading. Nagtayo sya ng garden na to para sa taong mahal nya, mahilig kasi ang mahal nya sa mga bulaklak."


"Kahit sino naming babae mahili sa bulaklak, kahit ako mahilig ako lalo na dun sa daisy." Lumapit ako dun sa mga nagkukumpulang daisy sa may tabi.


"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng daisy?" tanong ko sa kanya.


"Hindi."


"Base dun sa book na nabasa ko about gardening, daisy means secrecy between two people. And I think, that secrecy means love. Ikaw? Ano sa tingin mo ibig sabihin ng secrecy dun?"


Tumawa sya, "Secrecy... love.. yes of course, love and affection nila sa isa't isa."


"At kung sakasakaling may magbibigay sakin ng daisy, di ako magdadalawang isip na sagutin sya kahit di pa man sya nanliligaw!" parang may nagbigay na sakin ng daisy dati noon. Hm, baka panaginip ko lang yun


"Pero mas sasagutin ko ang sinuman na gumawa sakin ng ganito, kung ginawa man to para sakin ni Iolo, sasagutin ko sya!"


"T-talaga?!" parang tuwang-tuwa sya dun sa sinabi ko.


"Oo." Huminga ako ng malalim, "Pero imposible naman yun, di nya ko kilala at di ko rin kilala kung sino ang Iolo na yun."


Narinig kong parang suminghot sya, baka sinisipon, malamig kasi dito sa labas dahil sa gabi na.


"Ah ganun ba?" tumingin sya sa watch nya, "malamig na dito sa labas, pasok na tayo sa loob." Nakayuko nyang sabi at nakikita kong pinupunasan nya ang mukha nya.


"Teka, umiiyak ka ba?" inaangat ko yung ulo nya pero tinatabig nya lang ang kamay ko.


"May sipon lang ako, di ba pag may sipon ka magiging antukin ka."


Sabi na eh, pumasok na kami sa loob at bigla na lang syang nawala. San naman nagpunta yun? Sya na nga lang ang bago kong kakilala dito sa party eh kahit di ko pa man din alam ang pangalan nya.


"Ananya."


Baka isang stranger na naman to. Nang nakita ko kung sino, si Mommy. Nakasuot sya ng isang red cocktail dress na hanggang tuhod nya. Di ko tuloy maiwasan i-compare ang suot ko. Naka-white dress kasi ako na hanggang paa. Oo, ganun kahaba tapos nakabuns yung hair ko. Ganun din yung ibang lalaki dito, naka tuxedo sila at halos lahat nakablack.


"Dun tayo anak sa may harapan, may mga tables doon."


Nakatayo lang kasi ako dito na parang tanga. Sumunod ako kay mommy at naupo kami dun sa table sa harap mismo ng stage.


"Mommy, ano bang meron sa party na 'to?"


"Just wait Ananya, and please, hangga't maaari, be strong. Okay?"


May lumabas sa stage na isang lalaking nakawhite tuxedo, white shoes but not white hair. HAHA, matanda na yun kapag ganun. Nung natitigan ko kung sino, nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang lalaking kausap ko kanina! Tama! Sya nga yun!


"Mommy kilala mo ba sya?" gusto ko sanang itanong yung pangalan nya eh, pero hindi sumagot si Mommy.


"We all gathered in this event because of a reason. We all know that right?"


Nagresponse yung mga tao sa sinabi nya, "But except for one person.. that's why this presentation will be dedicated for her."


Nawala na yung spotlight sa kanya at nagplay ng isang slideshow. Yung unang pictures, sya. Mga sumunod, ... ako? Bakit ako?


"Mommy, bakit nandun ang mukha ko!" pero di na naman sya sumagot.


Pero mas nagulat ako sa sumunod na mga pictures... kasama ko yung lalaki kaninang nasa stage. Papano? Bakit di ko maalala na nakasama ko na sya?


Dahil sa gulong gulo na ang isip ko, naisipan kong lumabas. Walang pumigil sakin, at kung meron man, di rin ako magpapapigil. Ang gusto ko lang malaman, kelan nangyari ang mga yun? Edited lang ba yun? Oh talagang totoo ang lahat?


Bakit nung nakita ko ang sarili ko sa picture kasama ang lalaking yun, parang ang saya saya namin. Ang saya saya ko.


Sa labas, kung saan malamig ang hangin, doon ako umiyak habang nakaupo. May make up ako, at alam ko na kung gaano ka-wasted ang itsura ko.


"Papano.. kelan?... bakit wala akong natatandaan!" sumigaw ako, pampabawas ng sama ng loob pero lalo lang akong naiiyak. Kapag naiisip ko kasing wala akong sagot na makukuha, naiinis lang ako lalo.


"Ananya." lumingon ako likod ko at nakita ang lalaking kasama ko sa picture.


Tumayo ako sa harap nya at dinuro sya, "SINO KA!?! BAKIT KASAMA KITA DOON SA MGA PICTURES!?! SINO KA BA TALAGA HA?!!"


But instead of answering me, "Kung sasabihin ko bang..." I was shocked when he choked, at tumingin sya sakin habang namumugto ang mata nya, "ako si.. Iolo, sasagutin mo rin ba ako? Kung.. kung gumawa ba ako ng ganung klase ng garden, sasagutin mo ako?"


"Di mo sinagot ang tanong ko." pagmamatigas ko.


"Answer my question first. Please."


"Si Iolo, mahal nya yung babaeng yun. Mahal na mahal na mahal to the point na kaya nyang ibigay lahat ng gusto nung babae. And I know, walang kagaya ni Iolo na nageexist dito sa mundo. That was just a fantasy right?"


"Ang alin?"


"Your story, fantasy lang yun just like those Cinderella stories. At kung may Iolo man talaga, hindi ikaw yun. That's why my answer is NO."


Yumuko sya at nagnod, "Okay. So now I'm going to tell you who I am." huminga sya ng malalim, pero imbis na magsalita sya, napaluhod sya at umiyak.


I don't know how to comfort someone, at nang nakita ko syang ganun, nasaktan ako. Nalungkot at mas lalong nainis.


Was this party meant to be like this? Full of bullshit.


Iniwan ko sya dun sa labas ng umiiyak. He's just a stranger. And maybe, edited ang mga pictures. Pumasok muna ako sa cr at inayos ang sarili ko. Lumabas ulit ako at hinanap si Mommy. Nandun pa rin sya sa may table. Yung iba, umalis na. Nakakapagtaka, parang magsisimula pa lang ang party at umalis na ah?


"Mom.."


Lumingon sya sakin at nagulat ako ng nakitang namumugto ang mata nya, "Anak.. anong nangyari?"


"Ha? What do you mean?" kumunot ang noo ko.


"Nagkausap ba kayo ni Iolo? Nasabi nya na ba sayo ang lahat?"


"Iolo?" no.. hindi sya...


"Si Iolo! Yung guy na kasama mo sa picture! Yung guy na nandyan sa stage! The guy wearing that white tuxedo! HINDI NYA PA SINASABI SAYO!?!!"


And then, I started crying. Imposible... hindi sya si Iolo.


"Mom, please tell me."


Huminga sya ng malalim, "Si Iolo ang boyfriend mo for 4 years.. and to your 4th anniversary, something bad happened. Naaksidente ka, car accident. Kasabay ng accident na yun, nagplano si Iolo na magpropose sayo. Pero ng nalaman nya ang balita, halos gumuho ang mundo nya. Nagkaroon ka ng temporary amnesia.. in a way, natuwa kami kasi at least temporary lang.. at di nagtagal, nakilala mo ako.. ang papa mo, mga kapatid mo, pero tumigil doon. Ang mga kaibigan mo di mo na kilala. Maging ang ibang memories... para bang iilan lang ang naaalala mo."


Tumigil sya, "What mom?"


"Maging si Iolo, hindi mo sya nakilala. 1 year na ang nakakaraan, and this day is your 5th anniversary. Dapat nga rin siguro ay kasal na kayo at buntis ka na siguro dapat... but since you treat him as a stranger, syempre di natuloy ang kasal."


Umiiyak na naman ako, bakit ngayon lang nila to sinabi sakin? At naaksidente ako!?


"Bakit ngayon mo lang sinabi! Di ba dapat alam ko yun!!"


Umiiyak na rin si mommy, "Sorry anak, pero akala ko kasi matatandaan mo rin si Iolo, lahat kami umasa."


"And Iolo, alam nya to di ba? Bakit ngayon ko lang sya nakita?"


"Natatakot syang magpakita sayo kasi alam nyang di mo sya makikilala."


Naawa ako bigla kay Iolo, yung inasta ko sa kanya kanina. Tinanong nya pa nga ako kung what if ako sya si Iolo, sasagutin ko pa sya. The hell! Eh yung sa garden...?


"Mom, last question.. si Iolo, may garden ba syang ginawa para sakin?"


"Naaalala mo na?"


"No, nasabi nya lang sakin. So sya nga?"


Nag nod si Mom. At doon ko lang narealize ang lahat. Kung bakit basa ang mata nya ng kinwento nya sakin yun, di dahil sa malamig o sinisipon sya. Kundi dahil sya mismo si Iolo.
Tumayo ako agad at dali daling tumakbo sa lugar kung san ko iniwan si Iolo. Pero wala akong nadatnan. Wala si Iolo.


Umiyak ako at napaluhod din, kung san mismo lumuhod si Iolo.


"Iolo... I'm sorry.. I treated you as a stranger. Pero di ba, dapat... dapat alam mo naman na... na.. kahit di kita kilala, my heart recognize you, at sayo lang to titibok. Bakit mo naman kelangan magpanggap as the stranger guy kung pwede mo naman i-explain sakin!"


Sana sa pagsasalita ko ngayon, naririnig ako ni Iolo.


"ANANYA! SI IOLO!" agad agad akong tumakbo papunta dun sa isang guy, di ko kilala kung sino at dinala nya ako sa isang kwarto.


Natulala ako sa nakita ko.
Si Iolo...


"IOLO!!" kanina pa ako umiiyak, pero mas mabilis ang pagdaloy ng luha ngayon. "IOLOOO!!!" sinisigaw ko ang pangalan nya na baka sakaling magising pa sya.


"IOLOOOO! HINDI MO NAMAN KELANGAN GAWIN TO EH! KILALA NA KITA! PLEASEE! WAKE UP!!"


Niyakap ko sya, ang daming dugo ang nawala sa kanya. Ang sahig, halos mapuno ng dugo at ang suot namin na kulay puti.. kulay puti ang suot naming dalawa. He cut his wrist.


Tsaka ko lang napansin, kami lang ang nakaputi sa party. Bakit ba hindi ko napansin yun?


"IOLO! MAGPOPROPOSE KA BA!!?!! HINDI PALA! KAHIT DI KA NA MAGPROPOSE PAPAKASALAN NAMAN KITA EH!!"


Pinilit kong itayo sya, "Dadalhin kitang ospital ha? Wag kang mawawala. IOLO! PLEASE! BREATHEEEE!"


Kinuha na sya ng ibang tauhan ni mommy at binuhat palabas. Hinabol ko naman sila pero pinigilan ako ni mommy at ni daddy.


"IOLO!!! MOM! DAD! Bitawan nyo ako! Si IOLO! Nakita nyo ba!?!! He's dying!"


"Ssshhhh, anak."


Nakaramdam ako ng kirot sa may braso ko at nakita ang isang nurse na nag iinject sakin.


"Iolo..." yun ang huling salitang nabanggit ko bago ako nakatulog.



~~~*~~~*~~~*~~~



Kasama ko ngayon ang lalaking pinakamamahal ko sa favorite naming place, san pa ba eh di sa sinasabi nyang Iolo's Garden.

"Ano to?"


"Alam ko yan, elephant. Ginagawa mo naman akong bata!"


"Ehh eto?"


"Pssh, napakasimple Iolo, isang caterpillar."


"Ehh eto?" napatingin ako sa picture na pinakita nya..


"Baby."


"At anong ginagawa ng mga mag asawa na bagong kasal?"


"Honeymoon."


Pinitik nya ang noo ko, "Hindi yun, yun ang tawag pero di yun ang ginagawa ng mag asawa."


"Eh ano?"


"Baby.." ngumiti ng kalokoloko si Iolo at tinulak ako sa kama.


"OY! WAG! BATA PA AKO!"


"Anong bata ka dyan? Psshh, 25 ka na!"


"Di ah! 23 lang ako! Ikaw ang 25! HAH-"


Naputol ang tawa ko ng bigla nya akong hinalikan. Haaay Iolo, hindi kita makakalimutan. Tandaan mo yan, kahit ano pang amnesia ang abutin ko, ikaw at ikaw pa rin talaga ang mamahalin ko.


*~End~*

5 comments:

  1. aww! nakakatouch naman ang story! nagkaamnesia pala si ananya at kahit matagal na, hindi naglet go si iolo. ayiiie! ang ganda pa ng ending! >__<

    ReplyDelete
  2. iolo, you're so sweet! so romantic!

    ReplyDelete
  3. this is one of my fav stories!.. so touching!..

    ReplyDelete
  4. waahh!! ang cute!!
    sana hinabaan pa ng konti..

    ReplyDelete
  5. waahh!! ang cute..
    sana hinabaan pa..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^