Kailangang mapag-isa, iiwan ang pangamba;
Diwa'y maglalakbay at hindi dapat maabala.
Papawiin sa dilim, sulo ay aking bubuksan.
Handa nang harapin ang umagang kinabukasan.
Bitbit ang pangarap, tatahak sa piniling landas.
(Ilusyong ito'y may bisa pa ba bukas?)
Pighati kahapo'y, itatapon na't ibabaon.
Libre daw ang mangarap, sabi ni mahal na ina;
Matapang na harapin ang pagsubok, ani ama.
Payo ng kaibigan ay positibong pananaw.
Mabuhay sa ambisyon-- dalhin hanggang sa pagpanaw,
Papaano kung ang lahat ay mauwi sa wala?
Huwag daw mangamba, walang dapat ipagalala.
Da ba't nuhay ka pa at nabasa aking obra?
Mangarap ng sakdal laya habang may hininga.
At kung hindi man matupad, ikaw ay nagsumikap,
inilaan ang hininga sa mga alapaap..
Di lahat ng iyong nais ay makukuha,
dahil ang mundo'y sadyang 'di patas at mapangmata.
nice! para talaga ito sa mga may pangarap na nahihirapang abutin ang gusto nila dahil nga sa hindi patas ang paningin ng iba! kuhang-kuha ko ang message mo kuya!
ReplyDeleteMaraming Salamat sa'yong pagbasa at mahusay na komento :)
ReplyDelete