Friday, May 4, 2012

Anime Love Affair : Chapter 1

1: Ayoko ng Anime!
(Shin Enzo’s POV)



“Bakit naman ganun! Gusto kong tumugtog sa banda! Ayoko ng pinagagawa niyo saakin!”



“Enzo, tradition na ng pamilya natin na alagaan ang lahat ng anime.”



“Pakelam ko ba jan sa mga anime na yan! Mapapakain ba ako niyan? Matuturuan ba akong tumugtog ng gitara niyan?”



“Ikaw na ang sunod na tagapagmana ng pamilya natin! Hindi natin pwedeng pabayaan na sirain ng mga Black Jokers ang mga kwentong ginagawa ng mga tao!”



“Ah basta!!! Ayoko!!! Hindi ko gusto ang trabahong pinapasa niyo saakin!”



Letchugas na mga matatandang ‘to! Sa seventeen years old na tulad ko gusto nilang ipasa ang tungkulin na pangalagaan daw ang lahat ng anime! Buset!



Ang tawag sa trabaho na ginagawa ng pamilya namin ay “Anime Jumping.” Alam mo yung imbes na magte-teleport ka sa ibang lugar, sa isang anime ka mapupunta! Kapag nagawa mo yun, ang tawag na sayo ay Anime Jumper.



Pero hindi basta-basta ang pagiging Anime Jumper. Kailangan mo kasing pigilan ang mga Black Jokers. Sila naman yung mga kontrabida sa lahat ng anime. Yung mga epal! Mga panggulo! Kaya nga kung hindi dahil sa mga pampam na Black Jokers na yun, hindi naman sana kailangan ang serbisyo ng mga Anime Jumpers eh.



Oh diba? Sabay-sabay tayong magmura! Nakanangpuchaks naman! Isang malaking kalokohan talaga! Isipin niyo nga, anong magagawa nun sa future ko?



“Ano bang kaguluhan ‘to?”



Tsk! Ayan na Lolo ko! Umepal na! “Kayo ang nakakagulo dito lolo. Balik na lang kayo sa kwarto niyo.” Aakbay pa sana ako sa kanya kaso…



*pak!*



Amp naman! Napalo pa ako nirolyong dyaryo! Papatulan ko na ‘tong matandang ‘to eh! “Iwanan niyo muna kami ng apo ko.” Sinunod naman siya nung ibang senior citizen na kausap ko kanina.



Pero ayan na! Bugbog na naman abot ko sa matandang ‘to! “Hanggang ngayon ba naman Enzo, hindi mo pa rin tanggap ang sagradong tungkulin na dapat mong gampanan?”



“Lolo, kung makapag-tagalog ang wagas! Pero OPO! Ayoko talaga.”



*pak!*



“Sumailalim ka na sa matinding pagsasanay para lang maging susunod na Anime Jumper! Ano nang nangyari sa pangarap mo?”



“Anong pangarap? Ni minsan hindi ko pinangarap na maging Anime Jumper. Kung hindi niyo lang ako pinilit noon na mag-training, hindi naman ako susunod nun eh.”



“Alam mo ba na maraming tao ang nangangarap na makuha ang position mo?”



“Ganun naman pala, eh bakit hindi mo sa kanila ibigay?”



“Dahil sayo yun itinakda!” Ang korni talaga magsalita ng lolo ko noh? Ako daw itinakda! The hell with that! “Ano bang dapat naming gawin para lang mapapayag ka na gawin mo ang misyon mo?”



“Wala. Ayokong gawin yung pinagagawa niyo saakin! Ang gusto ko lang, tumugtog sa banda.”



“Hindi ka naman sisikat dun.” Direchahan?



“Bakit sa pagliligtas ng mga kengkoy niyo, sisikat ba ako?” 1 2 3 hindi siya nakasagot! “Barado ka ngayon Lolo.”



*pak!*



Aish! Nakakatatlo na ‘tong matandang ‘to ha! Pwede pa namang tawaging child abuse ‘to diba? Under-age pa naman ako.



“Pwes, kung hindi mo gagawin ang tungkulin mo. Ipinagbabawal ko rin na tumugtog ka sa banda.”



“Sinong may sabi?!?”



“Malamang AKO!”



“At tingin mo papayag ako dun?”



“Kilala mo ako Enzo, basta sinabi ko, yun ang masusunod.”



Tss! Bakit ba kasi kailangang ipanganak ako sa angkan na ‘to! Hindi ba pwedeng tumulad na lang ako sa buhay ng iba? Yung normal! Yung hindi mo kailangang sumunod sa mga bagay na kakaiba at out-of-this-world!



“Bahala na nga kayo jan!” Wala rin naman akong magawa. Kung matigas ang ulo ko, mas matigas ang ulo ng lolo ko. Gawa kasi sa bakal yung bunggo nun! Literal!



“Sandali… hindi pa tayo tapos.”



“Ipipilit niyo lang naman ang gusto niyo eh! Hindi niyo ako binibigyan ng karapatang gawin ang gusto ko! Alam ko naman na pwede niyong ipasa sa ibang tao yung tungkulin. Kaya bakit kailangang ako pa?!”



“Ano ba talagang gusto mong bata ka?”



“Paulit-ulit? Diba sabi ko nga gusto kong tumugtog sa banda! Pero pati yun, gusto niyong harangan!”



“Oh di sige, papayagan na kitang tumugtog sa banda.”



“Weh?”



“Ayaw mo? Eh di wag!”



“Lolo naman!” Ang hirap talagang intindihin ng trip nitong senior citizen na ‘to. “Totoo? Payag na kayong tumugtog ako sa banda?”



“Paulit-ulit ka rin noh? Pero kasabay nun, gagawin mo rin ang tungkulin mo sa pamilyang ito at sa nakasanayan na nating tradition.”



“Paano ko naman gagawin yun? Hindi ko pwedeng pagsabayin ang dalawa.”



“Eh sino ba kasing may sabing pagsasabayin mo? Minsan nga Enzo, gamitin mo utak mo.” Ayus manlait talaga! Parang hindi niya ako apo! “Kung makakahanap ka ng taong mas nararapat sa tungkulin mo, mas mapapadali ang buhay mo.”



“Teka… ibig niyong sabihin, papahanapin niyo ako ng papalit sa trabaho ko?”



“Oo.”



“Papayag rin pala kayo, pinahaba niyo pa usapan”



“Tapos na ba akong magpaliwanag? Pinapangunahan mo na ako agad eh.” Meron pang kasunod? Ang dami namang kundisyon! “Hindi natin basta-basta ililipat sa taong mapipili mo ang kapangyarihang kayang ibigay ng angkan natin. Ibig sabihin, kapag nakita mo na siya, sasailalim pa kayo sa trial tests.”



“Uy lolo English yun ha. Trial test? Ano namang gagawin namin dun?”



“Ibig sabihin, susubukin natin ang kakayahan ng taong yun kung magagawa ba niya ng maayos ang tungkulin ng pagiging isang Anime Jumper. Pero…” Naku naman may pero pa! “Kasama ka pa rin niya dapat para siguruhing matuturo mo sa kanya ang lahat ng dapat na gawin.”



“Tss…” Ibig sabihin lang pala, pinahahanap niya ako ng apprentice! “Gaano naman katagal yun?”



“Kapag nagtagumpay na kayo laban sa sampung Black Jokers, sa taong yun na namin ipapasa ang buong tungkulin.”



“Buong tungkulin? Tapos nun, out na ako? Ganun lang?”



“OO. Ganun lang.” Ayus! Hahanap lang pala ako ng kapalit ko! Madali na lang yun! “Pero Enzo, pinapaalala ko lang sayo na hindi basta-basta ang tungkulin ng isang Anime Jumper kaya hindi rin dapat basta-basta ang pagpili mo sa taong papalit sayo. At kapag nabigo naman kayo sa kahit na isang misyon niyo laban sa Black Jokers, ibig sabihin lang nun, wala ka nang magagawa kundi ipagpatuloy ng lubusan ang tungkulin mo.”



“Oh sige po. Tinatanggap ko.” Ako pa! Kung para ito sa pangarap ko na tumugtog sa banda at maging malaya, gagawin ko!



For sure naman din, hindi ako mahihirapan sa paghahanap ng taong nararapat! Hahanap lang ako ng isang taong adik sa anime, solve na yun!



= = = = =



Putek! Wala bang Otaku na pakalat-kalat jan? Kung kelan naman kailangan ko sila, saka sila wala.



Dati rati naman, mapwesto lang ako sa isang lugar, nakakakita ako agad ng mga taong adik sa anime. Yung tipong wini-wish nila na sana mapunta sila sa favorite anime nila. Nasaan na sila ngayon? Bakit sila nagtatago?



“Enzo mah men~” Yan nga pala ang ka-tropa kong si Janus. Ang lead guitarist namin.



“Oy!” *apir* “Nadalaw kayo?” Hindi kasi kami magka-kaklase.



“May practice ang banda ngayon ha!” Yan naman si pareng Rooke. Ang vocalist namin.



“Pass muna ako mga ‘pre. May kailangan pa akong tapusin eh.” Itanong niyo naman kung anong parte ko sa banda namin. All-around po ako. Pwedeng maging bassist, guitarist or vocalist. Pero ang position ko talaga, drummer.



Ang talented ko lang masyado. Isama mo na ang gwapo ko at lakas ng sex appeal ko. Ang pumalag, bangas!



Kahit gustung-gusto kong sumama sa kanila dahil borlogs na talaga ako, hindi ko naman magawa. Isang linggo lang kasi ang binigay na palugit saakin ng matandang tatay ng tatay ko eh. Kung hindi ako makakahanap ng papalit saakin, no choice talaga!



Balik na lang ako sa classroom ko dahil nakaka-ubos ng kagwapuhan ang problema ko. Itutulog ko na lang muna… o kaya maghahanda na lang akong maglayas. Pagpasok ko naman, may tao na palang nakatambay sa loob.



Si classmate kong weirdo. May bangs siya na halos katulad ng kay Sunako Nakahara kasi natatakpan ang mga mata niya. Nerd pa yang babaeng yan, tapos madalas ko pang makita na may hawak ng libro.



Nabubuhay lang siya sa sarili niyang mundo at wala man lang friends. Pero dahil sobrang talino ng babaeng yan, walang nagtatangkang mambully sa kanya sa pagiging nerd niya. Ikaw ba naman maging favorite scholar ng school director. Lagi pang panalo sa mga sinasalihan niyang battle of the brains!



Grabe, naka-focus lang talaga siya sa inaaral niya! Naupo nga ako sa upuan ko pero hindi man lang natinag si classmate nung dumaan ako sa gilid niya. Ang totoo kasi niyan, seatmates lang kami nito eh.



Makatulog na nga lang! Ang boring talaga eh! Naboboringan pa ako sa itsura ng katabi ko.



*hik hik hik hik*



Ano yun? Parang may lasing na tumatawa! Tinignan ko si classmate, seryoso lang naman sa binabasa niya. Hay naku Enzo! Nagha-hallucinate ka lang yata!



*hik hik hik hik*



Anak ng! May tumatawa talaga eh! Tinitigan kong mabuti si classmate, malamang kung hindi ako yun, SIYA lang talaga yung tumatawa diba? “Oy nakaka-distract yang tawa mo. Ano bang nakakatawa jan sa pinag-aaralan mo?”



“…” Ampupu! Bastusing babae ‘to! Tinalikuran ako! Ayaw paistorbo? Hambalusin ko ng magkabilaan ‘to eh!



Pabayaan mo na nga lang siya Enzo! Hindi ko matancha ‘tong nerd na ‘to, baka itapon ko ‘to sa imburnal eh.



*hik hik hik hik*



“Oy ano bang klaseng tawa yan! Natatae ka ba? Parang kang pusang kinikilig na ewan!”



Nung pagsigaw ko, parang nairita na rin siya kaya isinarado niya yung librong binabasa niya at tinignan ako ng pamatay. “Ikaw ba anong problema mo? Inaano ba kita jan?”



“Mainit ang ulo ko. Nabubwiset pa ako sa special effects na ginagawa mo. Nag-aaral ka ba talaga? Bakit tumatawa ka jan?” Ang laki lang talaga ng problema ko noh.



“Sheesh!” Inirapan niya lang ako at padabog na siyang tumayo.



Oh diba ang angas ko lang. Kung tutuusin, siya naunang tumambay dito pero ako pa may ganang magpaalis sa kanya. Wala naman siyang palag na lumipat na lang sa ibang pwesto.



Kaso, isa’t kalahating tange din itong si classmate at natisod pa sa paa ng sarili niyang table. Tumilapon tuloy yung mga librong hawak niya tapos yung isa, nasakto pang lumanding sa table ko.



“Eh?”



Binasa ko yung librong nasa harap ko ngayon. Hindi yun tungkol sa Algebra or English. Hindi rin about sa history, physics or economics. Ni hindi rin ito kasama sa pinag-aaralan ng mga estudyante sa school namin.



“Wizard’s Tale???”



“Amin na yan!!!” Bigla na lang niyang hinablot saakin yung libro. Namumula pa siya na parang ewan.



“Nagbabasa ka ng Wizard’s Tale?” Sikat na manga yun at ang balita ko, ginagawa nang anime TV series yung kwento kasi ang galing talaga nung story nina Brylle at Yana!



(A/N: 1st chapter pa lang ang wagas ko na mag-plug! Kapalmuks ba? Ahaha! Opo, kunwari anime/manga po yang Wizard’s Tale dito sa kwento. Oo na lang kayo. Sa mga hindi pa nakakaalam, alamin niyo po ang kwentong yun.)



“Ah… eh…” Nahihiya pa talagang sumagot si classmate! “May nagpahiram lang saakin.”



“Talaga…?” Tumayo na ako tapos dahang-dahang lumapit sa kanya. Grabe ang pagka-bookworm nitong babaeng ‘to eh! Kaya I wonder kung anong pang mga libro ang tinatago niya ngayon!



*Hinablot ko rin yung ibang libro na minadali niyang ligpitin kanina*



“AHA!!!” Hindi ko talaga ‘to in-expect ha! Not from a person like her!



“Goong, Faster Than A Kiss, Gakuen Alice at Kaichou Wa Maid Sama!!!” I bet marami pang naka-stock na ibang series sa obviously bulky backpack niya! “Akala ko nag-aaral ka! Puro manga lang pala ang pinagkakaabalahan mong basahin!!! Kaya pala walang tigil ka sa paghagikhik mo kanina! Kinikilig ka lang pala!”



“Uwaaaah!!! Wag kang maingay!!!”



“Hindi ko akalain na isang tulad mo na laging top rank sa batch natin, mga ganito lang pala ang binabasa! Bawal sa school ang magdala ng ganito eh!”



“Psssh! Wag ka sabing maingay!!!” At yan, inaagaw na niya pabalik yung mga manga niya. Nung makuha niya, agad niya yung itinago sa loob ng bag niya.



Sa sobrang kahihiyan pa siguro dahil nalaman ko ang darkest secret niya, hindi na niya ako tinignan at balak na sana niyang tumakbo kaso…



“Hoy sandali!!! Yuki Jezryl Sabino!!!” Bastusin talaga! Ayaw pa akong pansinin! Pero hindi ko siya paaalisin ng basta-basta. “Umamin ka nga… isa kang Otaku noh!”



Natigil na siya nun. Tapos nilingon niya ako. Parang galit na ewan. Umuusok ilong eh. “Ano naman ngayon kung isa akong otaku?” Lumapit siya saakin at kababaeng tao, ang maton niyang kumilos!



First time lang siyang umasta ng ganito ha! Kwelyuhan ba naman ang gwapong tulad ko! “Mahilig ako sa anime, adik ako sa mga manga at gustung-gusto ko ang mga nagco-cosplay! May angal ka dun?” Nag-aapoy pa mga mata niya oh! “Kung balak mong ipagkalat ang sekreto ko, sisiguraduhin kong hindi mo magagawa yun!”



“Chillax! Wala naman akong balak ipagkalat na isa kang otaku eh.” Pagkasabi ko nun, parang naguluhan pa ang expression ng mukha niya. “Ang totoo niyan, may sekreto pa akong sasabihin sayo na siguradong magugustuhan mo.”



“Sekreto?”



Ehehehehe! Ano mga B2? Naiisip niyo na bang naiisip ko?



I think I just found the perfect otaku na papapalit saakin para maging isang anime jumper!



End of Chapter 1

3 comments:

  1. sbay pla napopost e2 d2 s blog mu at sa watty.
    sbrang nag-aabang n din tlga aq k2lad ng ibng readers n2! ayiiiii!
    sbrang ntawa p aq awayan nilng maglolo. hahahahhha.

    ReplyDelete
  2. nauna q 2ng nbsa s watty! grbe, kkpanabik c enzo! npka-pogi!

    ReplyDelete
  3. nako enzo, mahahalikan kita sa kagwapuhan mo! napaka-kulit mo pa!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^