Thursday, May 10, 2012

1:43 PM - All of My First

All of My First



Happy Anniversary Best!!!! Kita tayo mamaya uhh??? Ililibre mo ako ng ice cream cake!!!
Miss you.... I miss you so much!!!!


Nag-text ako sakanya pagmulat na pagmulat ko ng mga mata ko.


It's our anniversary of being mag-BESTFRIEND!!!


Grabe lang!!! 3 years na kami ni Jiyong!!! 3 years na kami mag-BESTFRIEND.
So sad, mag-BESTFRIEND lang kami.


Pero ok na 'rin naman....


Kahit mag-BESTFRIEND lang kami, para 'rin namang KAMI.


*BRRRRTTTT...... BRRRRTTTT......*

Naramdaman ko na nagba-vibrate ang CP ko. May tumatawag siguro, ang haba kasi ng vibrate nya.


Tinignan ko ang caller ID at nakita ko 'kung sino ang tumatawag.


~~~ BFF Jiyong <3


Muntik na akong tumalon sa ligawa nang makita ko na si Best ang tumatawag. Excited pa ako na sagutin ang tawag nya, 'yun pala, hindi pala sya ang  makaka-usap ko.



"Hello!!! Guizelle!!! Naiwan ni Jiyong 'yung phone nya dito sa shop. Puntahan mo nga, andami na kasing messages, hindi ko naman mabasa. Ikaw nalang magbasa, tsaka privacy na'din dba??? Lika na 'rito dali. Andami na'ring missed calls. Punta ka uhh?? Bye."
*TOOOOT.... TOOOOT....*

Hindi 'man lang ako pinagsalita ni Mila. Grabe talaga sa bilis magsalita ng taong 'yun!!!


So, ngayon... eto ako, maliligo at mag-aayos para sa pagpunta sa shop nila Mila.


Nag-tricycle na ako pababa ng bayan at sumakay ng jeep papunta kela Mila.


9:30 na. hindi 'man lang ako naka-kain muna bago magpunta 'rito. Nasaan ba kasi si jiyong??
Nakarating na ako sa harap ng Party Needs Store nila Mila. Kumatok ako ng tatlo at pumasok.


*TOK TOK TOK*


"Mila... nandito na 'ko, asaanka ba??~~"  sigaw ko.


"Hoooy!!! Babae, dito dali!!!" nakita ko na kumakaway si Mila sa likod ng mga balloons at regalong walang laman na nakatambak sa isang gilid.


"Ohhh... CP ni Jiyong!!! May iniwan 'din sya na note. After mo basahin 'yan, dalin mo 'to kayla Tiffany. Regalo 'raw 'yan ni Jiyong sakanya."  sabi nya sa'kin pagka-abot ng CP ni jiyong at isang maliit na papel.


Happy Anniversary Best!!! Miss kita....
Sorry if hindi mo ako nakikita ngayon, pero... may importante kasi ako na pupuntahan at aasikasuhin ngayon.
Babawi ako sayo next time. I LOVE YOU!!!


Ayan ang mga nabasa ko sa note ni Best sa'kin.


Nahiya naman ako. Kumirot ang puso ko nang paulit-ulit na nage-echo ang mga salitang--
"MAY IMPORTANTE KASI AKONG PUPUNTAHAN AT AASIKASUHIN NGAYON" sa utak ko.


Parang dinidikdik ang puso ko sa mortar at pestel sa loob ng isang laboratory ng mga chemists.


Ano nga ba ang magagawa ko??? BEST FRIEND lang naman ako. May 'mas mahalagang okasyon at dapat gawin pa kaysa sa i-celebrate ang isang anniversary ng BESTFRIEND.


"Okay ka lang Guizelle?? 10:30 na uhhm... baka kaylangan na mga lobo na 'yan kayla Tiffany." I was just back into my senses nang magsalita si Mila.


"R-regalo nya 'to kay Tiffany??" tanong ko kay Mila.


"Ang sabi nya sa'kin, kaya I think... yes!!" sabi nya sa'kin at bumalik na sa counter.


"Ingat nalang sa byahe. Sa condo 'raw ni Tiffany mo 'yan dalhin." dagdag nya pa.


"Owkey." tanging nasagot ko sakanya at lumabas na ako ng shop nila.


Bakit si tiffany, may regalo??? Bakit ako, wala???


Unfair naman Jiyong!!! Bakit ako wala???


Alam ko naman na debut ni Tiffany ngayon. Pero bakit ako, wala akong regalo???


Kahit naman, isang patapon na tula lang galing sayo? kahit isang recorded na pumipiyok na kanta lang mula sayo. Kahit hindi na ice cream cake, kahit isang popsicle lang galing sayo... masaya na 'ko.


Pero bakit si Tiffany??? Bakit, si Tiffany na common na kakalase mo lang, meron??


Baloons pa uhhm??? At favorite color ko pa talaga and bunny shape??


Manhid naman.... ansama lang!!!!


Dapat akin ang mga 'to eeh!!!


Kahit na hindi nagpa-party si Tiffany, sya may regalo?? Tapos ako, wala??


UNFAIR!!!!!!


Nakakatampo, pero dinala ko pa'rin 'yung mga balloons sa condo ni Tiffany.


*BZZZZTTTTTT*


Nag-doorbell ako sa pinto ng condo ni Tiffany. Lumabas naman agad sya.


"Ohhh... Guizelle??? Ikaw pala. Nasaan si Jiyong???" bungad na tanong niya sa'kin.


KIBIT BALIKAT


"Well... uhhhm, gusto mo pumasok muna??" pag-aaya nya sa'kin sa loob.


"No thanks. I'm good. Hahanapin ko pa kasi si Jiyong. Alam mo na, hmmm.... happy birthday nga pala. Regalo 'raw sayo ni Jiyong, sabi ni Mila." inabot ko sakanya 'yung mga lobo.


"Talaga?? Salamat kamo..." 


"Walang anuman, sige... hanapin ko pa sya. Happy birthday nalang ulit." sabi ko sakanya at hinalikan ko sya sa pisngi.


"Ingat ka uhhm???" pagpapa-alam nya sa'kin.


KAWAY.


Ngayon... saan ko naman sisimulan na hanapin si Jiyong???
11 na ng umaga pero hindi ko pa'rin sya nakikita.


Wala na nga akong regalo, hindi ko pa sya makikita??


Nasaan kaba???


*Toshiwashooo... Toshiwashooo...*

Narinig ko na may nag-text kay Jiyong. Kinuha ko 'yung CP nya sa side pocket ko tsaka tinignan 'kung sino...


+639359576877


Unknown number lang. Sino kaya 'to???


Basahin ko na kaya??? Hmmmm.....



Jiyong!! nag-text si Aling Llena!! Ok na 'raw 'yung cake na pinagawa mo sa nililigawan mo 'dre!!! Pick-up mo na 'raw!!! Good luck sa panliligaw. Sagutin ka na nya sana.


Magdudugo na ata ang mata ko sa mga nababasa ko sa araw na 'to. Sino naman nililigawan ni Jiyong??? Pauso naman Jiyong!!!!


Iniwan mo ako sa isang napaka-inportanteng okasyon na'tin-- or para sa'kin lang-- tapos naglilihim ka pa sa'kin???


Sabi mo sa'kin, ako ang unang tao na makaka-alam 'kung sino ang unanag babaeng makakapagpatibok ng puso mo?? Tapos ngayon, may nililigawan ka, hindi ko 'man lang alam??



UNFAIR!!!!!!


Pero sige lang... naiintindihan ko naman eeh. Isa lang nga pala akong BESTFRIEND. Bakit nga ba kaylangan ko magreklamo?? Tssss.


Pero kasi, nag-promise ka 'dba???


Pauso ka talaga Jiyong!!! wala kang isang salita. Tsk!!!!


Well... ano pa nga ba magagawa ko??? Syempre, out of curiousity and pag-aakala na makikita ko si Jiyong sa bakery, magpupunta nalang ako 'dun.
Bakit kayla Aling Llena pa??? Huh??? Jiyong???


Lagi tayo bumibili ng ice cream cake kayla Aling Llena 'dba?? At para sa nililigawan mo pa talaga uhhm???? Nakakasakit ka na...


Una, iniwan mo ako.

Pangalawa, naglilihim ka sa'kin na may nililigawan ka.

Pangatlo, paiiyakin mo pa ata ako dahil kayla Aling Llena ka pa nagpa-bake ng cake na ireregalo mo sa nililigawan mo!!!


Adik ka naman Jiyong eeh!!!!


Ok lang naman sa'kin if may nililigawan ka na eeh.


Magiging masaya ako sayo, kasi BESTFRIEND mo ako.


Magiging masaya ako kasi magiging masaya ka sa piling ng magiging GF mo.


Oo nga ano??? If ever na sagutin ka ng babae na 'yun, FIRST GIRLFRIEND mo sya???
Parang binabawi ko na. Pwedeng sapakin at sabunutan pala siya kapag nakita ko sya???



T________________T


Nandito na ako sa tapat ng bakery nila Aling Llena. Nakita ko si Aling Llena na nakaupo at nagbibilang ng napagbentahan nya.


"Aling Llena." tawag ko sakanay.


"Ikaw pala Guizelle. Ikaw ba pi-pick-up ng ice cream cake ni Jiyong para sa nililigawan nya??" nadurog ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Aling Llena. Araw lang uhhh???


"A-aaah, e-eeeh, o-opo." nasabi ko nalang. Ano pa nga ba??


"Ay sige... kukuhanin ko lang sa ref. Medyo matatagalan ako uhh??? Aayusin ko pa kasi ulit 'yun at ikakahon." sabi nya sa'kin.


"Sige po... maghihintay na lang po ako." sabi ko nalang.


"Sige hija. Ang bait mo talagang bestfriend. Pati sa panliligaw ni Jiyong, suportado mo sya. Sige hija, mauna na ako sayo." huling sabi niya sa'kin at umalis na.


Nakonsenya naman ako sa huling sinabi nya. Oo nga!!! Dapat maging supportive nga ako sakanya.


Hindi na bali na mahal ko sya. Ok na 'to. Isasantabi ko nalang ang feelings ko at susuportahan sya sa kaligayahan nya. Hmmm---


After ng halos 1 hour and 30 mins na paghihintay, lumabas na'rin si Aling Llena.


12 na ng umaga. Nakakaramdam na ako ng gutom kaya naman bumili nalang muna ako ng dalawang mamon kay Aling Llena. Mula kasi nang tawagan ako ni Mila na kuhanin ang CP ni Jiyong sa shop nila, hindi pa ako kumakain. Nakalimutan ko na siguro ang gutom ko dahil sa frustration at bitterness na nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari ngayon.


Matapos ko kumain, 13:45 na. Pinalabas ko na kay Aling Llena 'yung cake. Ice cream cake pa talaga 'to. Bakit naman sobrang ironic. Nakaka-inis. Pero sabi ko nga kanina, kaylangan ko nalang suportahan si Best sa panliligaw nya na 'to. Haaaayyyy.


"Guizelle, hija. Sa pier 'daw yan dadalin. Alam mo 'yung amusement park na 1 hour ang byahe mula 'rito??? 'yung Pier Sandara??" bilin at tanong sa'kin ni Aling Llena.


"Opo. Alam ko na po!! Pero, hindi kaya malusaw sa init ang cake na 'to??" tanong ko kay Aling Llena.


"Hindi 'yan. Kaya nga inayos ko pa sya kanina para sure. Tsaka special 'yan. Para ba naman sa dalawang taong nagmamahalan.... Hayyyy" Aling Llena sigh dreamingly.


"O-opo nga po, sabi ko nga po." sabi ko nalang at nagpa-alam na. "Sige po, mauuna na ako."


"Mag-iingat ka hija. 'wag mo hayaan na mabangga-bangga ang cake. Mahirap na. Bye!!!!" pagpapalam nya sa'kin.


KAWAY.


Tatahakin ko na ang byahe papaunta ng Pier Sandara.


Bakit 'dun pa Jiyong??? Nananadya ka ba talaga???


Hindi mo ba na-aalala na 'duon tayo unang naging mag-kakilala at mag-bestfriend??


Pauso ka talaga eeh, ano????


Nananakit ka na ng sobra.


Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, I'll support you.


I'll support your LOVE STORY.


Kahit masakit sa'kin na may mahal at nililigawan ka na iba, I'll still be your bestfriend.


Hindi na ako magiging bitter at magiging masaya na'rin ako para sa kasihayan mo.


Ganun kita kamahal Jiyong. Kasi, hindi lang kita bestfriend. Kapatid 'rin kita. Kuya, bodyguard, minsan tatay pa nga eeh.


Naalala ko tuloy 'yung first day at first time ko sa Pier Sandara.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Mommyyyy...." T  o  T)!


Umiiyak ako nang mga panahon na 'yun kasi nawawala ako at sa tingin ko iniwan na ako nila Mommy. Bakit kasi trip na trip ako nila Kuya EJ na pagtaguan. Hindi ko na tuloy sila makita. Mag-isala nalang tuloy ako.


"Hoy bata!! Anong ini-iyak-iyak mo dyan??"

Nagulat ako nang may ma-ala multo na maputing bata na lumitaw at nagsalita sa gilid ko. 


Habang nasa likuran ko sya, sinilip nya ako mula sa kanan ko at pinanlakihan ako ng mata.
"S-sino ka?? *SNIFF*"


Naguluhan ako 'kung bakit ako kinakausap ng batang 'yon. Sa dami ba naman kasi ng naglalakad na mga tao sa pier, nakita nya ako at nilapitan. Mag-gagabi na kasi at hindi na ako makikita pa dahil madilim na. Siguro ang iyak ko ang narinig nya kaya pinuntahan nya ako.


"Ako si Jiyong!!! Ikaw??? Bakit ka nandito??" taning saakin ng 8 years old na Jiyong.
8 years old palang kasi ako 'nung unang kaming magkita. At sa Pier Sandara nga 'yon.


"B-bakit ka nandito?? Bakit ka umiiyak??" tanong nya ulit sa'kin.


"Ako si Guizelle. Iniwan kasi ako ng mga kuya ko eeh, nagtataguan kasi kami tapos iniwan nila ako.   Baka iniwan na ako nila Mommy ko. Paano na ako uuwi nito??" pagpapakilala ko sakanya noon habang umiiyak.


"Bakit ka kasi nakikipagtaguan sa pier?? Alam mo naman na ang laki-laki ng pier. Buti nalang nakita kita." sabi nya sa'kin.


"Bakit??? Ikaw ba ang mag-ari ng pier?? Kabisado mo ba 'rito?? Tulungan mo naman ako na maka-uwi." tanong ko sakanya.


"Hindeee... pero oo, kabisado ko ang pier. Anak kasi ako ng isang nagta-trabaho 'rito. Kaya alam ko na ang pasikot-sikot sa pier." sabi nya sa'kin at inilahad ang kanang kamay nya.


"Halika...." yaya niya sa'kin. Nag-light up naman ang mukha ko at inabot ang kamay nya.
Dinala nya ako sa isang babae na mukhang piloto. 'yung damit nya kasi, parang pang-piloto. Ayun pala, papa-page nya ako.


"Ano pangalan mo??" tanong sa'kin nung babae.
Sinabi ko naman sakanya 'yung pangalan ko. May sinabi sya sa isang mike at narinig ko ang mga sinabi nya. Nagsalita naman si Jiyong sa tabi ko.


"Ayan... makikita mo na ang mommy mo tsaka mga kuya mo." sabi nya sa'kin.
At gaya nga ng sinabi sa'kin ni Jiyong, dumating sila mommy at kuya. Tuwang-tuwa ako kaya naman napa-iyak ulit ako.


"Akala ko 'kung saan na napunta ang anak ko. Maraming salamat" sabi ni mommy 'dun sa babae tsaka nagpa-alam.


"Mauuna na po kami--- halika na, Guizelle. Hinahanap na tayo ng Daddy mo." pagpapa-alam ni Mommy sa babae at bumaling sa'kin.
Tumingin ako kay Jiyong at nilapitan sya.


"Salamat ha?? 'wag ka mag-alala. Babalik ako dito, hahanapin kita. Dito mismo sa kinatatayuan natin. Magiging kaybigan pa kita." sabi ko sakanya at umalis na kami ng mommy ko.


After 7 years na hindi pagpunta ng pier. Bumalik ako 'dun mag-isa at hinanap si Jiyong. 


Hindi nya ako binigo. Naroon pa'rin sya sa costumer service.


Syempre, alam ko na na costumer service ang tawag duon dahil 15 years old na ako. Hahahaha!!! Ayun na ata ang pinaka-masaya na nangyari sa buhay ko.


Nakita ko sya sa costumer service. After ko magpakilala sakanya, inaya nya ako at inilibre sa lahat ng rides. Actually, hindi nya ako nilibre. Alam nyo kasi 'yung kilala na sya sa buong pier?? Kaya nililibre kami ng mga naka-assign sa bawat rides na sakyan namin.


"Salamat sa pag-balik uhh?? Hinintay talaga kita." sabi nya sa'kin.


"Walang anu'man. Gusto 'din kasi kita maging kaybigan." sagot ko sakanya.


"Guizelle, gusto ko mangako ka sa'kin na ako na ang bestfriend mo ngayon. Ngayon sa Rounding Fate na 'to, pinky promise tayo." 


Nagulat ako sa totoo lang. Lalaki sya, pero gusto nya ako maging bestfriend. Pero natuwa ako at the same time. Gusto ko syempre magkaroon ng bestfriend na lalaki na magtatanggol sa'kin everytime na may magbabalak na mangbully sa'kin.


"Ok lang. I promise."  at nag-pinky promise kami.


"Lilipat kami ng bahay nila Tatay. Nalipat kasi sya ng destinasyon. Sa Maynila na kami titira. Sa ***** 'daw!!! Sana magkita tayo sa Maynila." sabi nya sa'kin.


"Sa ***** kamo??? Taga duon kami. Ang saya!!! Makakasama at makikita kita!! Saan 'daw 'roon??" tanong ko sakanya.


"Sa ***** subdivision." nakangiti nya 'rin na sagot sa'kin.


"Malayo sa'min ng kaunti. Pero, pwede naman lakarin. Kita nalang tayo pagdating mo ng Maynila." sabi ko sakanya "May cellphone ka ba???" tanong ko sakanya. Inilabas nya naman ang cellphone nya at iniharap sa'kin.


"Eto ohh. Regalo sa'kin ng may-ari ng pier. Mabait 'raw kasi akong bata." sabi nya sa'kin.


Natawa naman ako sa pag-eexplain nya. hindi ko akalain na iku-kwento nya pa sa'kin ang history ng cellphone nya.


"Hahahaha... talaga??? Pahiram ako uhh???" kinuha ko sa kamay nya 'yung cellphone nya at nag-type.


"Tawagan mo ako pagdating nyo ng Maynila. Bibisitahin kita agad." sabi ko sakanya pagkabalik ko ng cellphone nya.


"Salamat. Tatawagan kita, 'wag ka mag-alala." sabi ya sa'kin at.....


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Miss... gising na!!!"


Pauso si Kuya, nanggigising!!!


Nakababa na ako ng bus. Mukhang may party nga 'rito sa pier.


Walang tao. Bakit kaya???


Lumakad ako papunta sa costumer service dati namin pinagkitaan ni Jiyong.


"Ikaw... may nililigawan ka na pal, hindi mo sinasabi sa'kin. Pauso ka talaga!! Sabi mo, ako una mo pagsasabihan if ever mainlove ka??? Hahahaha... parang baliw lang, fail!!! Kasi mahal kita." para akong baliw na nagsasalita mag-isa at kinakausap 'yung costumer service booth.


"Ahhhhhhhh!!!! Sino ka???!!!! Bitawan mo ako!!!" biglang may nagtakip sakin ng panyo na pinulupot at hindi ako makakita.


"Bastos ka!!! Sino ka ba??!!!" sigaw ko ulit. Mabuti nalang nalapag ko 'yung ice cream cake sa ibabaw 'nung costumer service booth.


"Shhhh.... 'wag ka maingay Guizelle." narinig kong sabi ni Kuya EJ.
Teka.... bakit nandito si Kuya EJ??? Bakit nya ako tinakpan sa mata at kinakaladkad papunta sa 'kung saan.


"Kuya!!! Kuya, ano ba?!!!! Bitawan mo ko. Wala akong makita!!!!" sigaw ko ulit sakanya.


"Malamang... alangan naman may makita ka, naka-piring ka kaya." ambastos talaga neto, nang-iinis pa. Halimaw!!!!


"Ehhhhh.... bakit mo ba ako pinipiringan??? At... saan mo ba ako dadalin??? Parang awa mo na kuya. Ang sakit mo magpiring." prank ba 'to??? Ayoko na.


Narinig ko na may isang makina na umandar. Ini-upo ako ni kuya at binitawan. May isang kamay na kumuha sa'kin at niyakap ako. Naramdaman ko na umaandar kami.


"T-teka!!! K-kuyaa!!! Ano ba??? Nasaan ba 'ko???!" sigaw ko pero iba ang sumagot ng mga tanong ko.


"wag ka maingay Guizelle. Nasa rounding fate tayo." narinig kong paliwanag ni Jiyong.


"Oppppsss. 1:35 na!!" sabi nya kaya naguluhan ako lalo.
Bakit ba hindi ko alisin piring ko?? Hindi ko naisip 'yun ahh... kaya naman inalis ko piring ko at pinaghahampas si Jiyong.


"A-araaay!!! Ano ka ba, Guizelle!!! Masakit." sabi nya habang sumasalag sa mga hampas ko.


"Ano ba kasi 'tong trip nyo??? Bakit tayo anandito??? Ikaw... hpppft!!! May kasalanan ka pa sa'kin!!"


"Magpapaliwanag ako. Pero, kaylangan mo muna sumagot sa tanong ko." sabi nya.


"Ayoko!!! Mag-explain ka muna!!" sabi ko sakanya at pina-ulanan ko sya ng tanong.


"Bakit hindi ka 'man lang bumati sa'kin ng personal, tapos may nililigawan ka na pala. Buti pa si Tiffany, niregaluhan mo. Ehh ako?? Wala 'man lang kahit ano. Tapos eto, dinala mo pakko dito, para ano??? I-witness ang panliligaw mo sa isang babae na hindi mo 'man lang pinakilala sa'kin?? Sabi ko, ako unang makaka-alam, tapos ngayon, miski si Aling Llena, alam na may nililigawan ka na!! Ice cream cake pa talaga ibibigay mo na cake!!! Hindi ba favorite na'tin 'yun?? Tapos, ako pa talaga nag-effort para dalin dito 'yang cake na 'yan!! Nakaka-inis ka!!!"


"Tapos ka na??? Pwede ako naman magtanong???!" sabi nya sa'kin at ikinagulat ko nalang ang sumunod na ginawa nya.


*TSUP*


1


2


3


4


5


Hinalikan nya lang naman po ako. Pero 'mas nagulat ako sa susunod na nangyari. Tinanong nya ako.


"Can we go to the next level?? Will you be my girlfriend??" sabi nya sa'kin at tumingin sa wristwatch nya't nagbilang.


"4.... 3.... ano???!!! 1.....-"


"Yes!!!! I said yes!!! I am now your girlfriend!!!"


"YESSSSS!!!!!"


"On time. Your answer is on time!!! I love you Be- I mean, Girlfriend!!! I LOVE YOU!!! I LOVE YOU!!!" sabi nya nang marinig nya ang tanong ko.


Sumilip sya sa baba at sumigaw. "MISSION ACCOMPLISHED!!! THANKS FOR HELPING!!!!"


Nagtataka ako sa mga sinasabi nya kaya naman nagtanong ako.


"Anong ba sinasabi mo't sinong---" nabitin ang tanong ko nang silipin ko 'rin ang mga tao sa baba.


Si Mila, si Tiffany, si Kuya, si Mama, si Papa, si Tito Eddie, si Aling Llena at mga kabarkada namin nasa baba.


Tumingin ulit ako kay Jiyong at tinignan siya ng masama.


"Explain!!!" sigaw ko sakanya.












2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^