Sunday, April 15, 2012

Sa Mata ng Yaman [POEM]


I.
Sa Mall:

Kapag mayaman, alalayan.
Kapag naka-Crocs ay customer;
Kapag dukha, tinititigan.
Kapag naka-Beach walk, shoplifter.

II.
Sa Restaurant:

Kung naka kotse ay galante,
ang kanyang order? Mamahalin;
Kung naka-tricycle? Pulubi,
ang hiling, tubig na inumin.

III.
Sa Banko:

Kapag naka-amerikana,
milyon ang idedeposito!
Kapag suot ay kamiseta.
Pambayad utang, i-wiwithdraw!


IV.
Sa Police Checkpoint:

Kapag SUV ay palampasin!
Mayaman, baka mag-demanda.
Kung jeepney naman ay parahin!
Pera'y hingian-- Pang-merienda.

V.
Sa Taxi:

Galante sa tip 'pag foreigner,
saan ang biyahe? Manila Hotel.
Iwasan 'yan mukhang holdaper,
mag-aabang sa Victoria Motel.

VI.
Sa Babaeng nililigawan:

Kung mayaman kaya'y ilang buwan,
itatagal ng panliligaw?
Ang pagsuyo ng dukha naman,
sa bintana siya ba'y durungaw?

Ako man ay salat sa yaman.
Sa lahat ng oras, ay ikaw,
tiyak ko na aalagaan,
irog ko! Gabi man o araw.

Sa yaman ay 'wag kang mabulag!
Kulay ng pera'y kumukupas.
Sa pag-ibig ko'y 'wag magulat,
Tunay ito hanggang wakas!




-ryanfictionista.blogspot.com


3 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^