One Shot Story: Forever Love
Naranasan mo na ba na iwan ka ng taong
mahal mo, yung tao na nagpapa-ikot ng mundo mo for four years? Ang sakit diba,
binaba mo na nga ang pride mo at nagmakaawa sa kanya para lang hindi ka nya
iwan, but it still not enough para mag-stay sya sa tabi mo.
Minsan kapag nasasaktan tayo, umiiyak lang
tayo at nagpapaka-emo; hindi pala minsan kundi most of the time ganyan ang
drama nating mga babae. Ang unfair diba, bakit ang mga lalake parang wala lang
sa kanila ang break-up samantalang sa ating mga babae napakalaking issue nun.
Anyhow, I’m Marriqqite Dela Rosa but you can call me Qit for short, and this is my story.
“Uwi
na tayo Blaze, please. Hindi naman natin kilala yang mga naglalaro na yan.”
nagpapa-cute kong sabi sa gwapong-gwapo ko na boyfriend na ang hilig ay
basketball.
Niyakap
na muna nya ako at saka sumagot. “Tapusin
na lang natin tong third quarter then ihahatid na kita sa inyo, ok?” ang
sweet talaga ng boyfriend ko, kaya mahal na mahal ko sya eh.
I
hugged him back at smile at him. He’s Blaze Peralta and he is mine, my
boyfriend. We’ve been together for seven years now, our relationship started
when we where on college, second year college to be exact. Four years na akong
nagta-trabaho as Accountant sa isang kilalang Mall, while him, he’s a Civil
Engineer sa isang malaking construction firm.
Our
relationship is close to perfect, yup, close lang talaga because like any ordinary
couple out there we also have some petty quarrels. To those petty quarrels,
most of them ako yata ang mali ,
ay hindi parang lahat yata ako ang may kasalanan, hehehe. Kung hindi nyo kasi
naitatanong, at the age of twenty four eh may pagka isip-bata pa rin ako, I
don’t take life too serious maliban na lang kay Blaze of course. Of because of that
attitude of mine, lagi akong nag-iinarte sa kanya na madalas nyang hindi
magustuhan.
“Yehey! Tapos na ang third quarter,
uwian na.” pumapalakpak ko pang sabi with a
grin smile on my face. “Para ka talagang
bata Qit.” At ginulo ng magaling kong boyfriend ang buhok ko, asar. “Tara na, ihahatid na kita sa inyo.”
========================
Another
stressful day for me, and kailangan ko na namang makita si Blaze to booze my
energy. He’s my multi-vitamins, kapag nakikita ko sya feeling ko alive na alive
ako, parang lahat perfect, parang lahat ng bagay sa mundo maganda. Oops, my
phone is ringing and I know na si Blaze ko na ang tumatawag.
“Qit Sweetie, I’m sorry but we
can’t meet now. I still have some meeting that I must attend to, babawi na lang
ako some other time. Ingat ka sa pag-uwi sweetie, bye.”
Ok,
fine! Mag-aaway na naman kami nitong si Blaze sa oras na magkita ulit kami.
Why, you really wanna know why? Simple pero mabigat na dahilan, he didn’t say
‘I love you’ before he hang-up. He knows how I wanted to hear his voice saying
that three magical words to me, tapos tumawag sya ng hindi man lang nya yon
sinasabi, big issue yan para sa akin.
Uuwi
na naman akong mag-isa at malungkot, hay badtrip na buhay to. “Qit, punta muna tayo sa supermarket,
samahan mo muna akong mag-grocery tutal muka namang wala kang sundo.” Tama
bang ipa-alala pa sa akin nitong babae na to? Kung hindi ko lang to kaibigan
malamang na napektusan ko na sya. “Ok
fine, let’s go.”
“Bakit daw hindi ka masusundo ni
jowa mo sis?” hay, eto na at nagsisimula na
naman ng chika tong si Amanda.
“’Qit Sweetie, I’m sorry but we
can’t meet now. I still have some meeting that I must attend to, babawi na lang
ako some other time. Ingat ka sa pag-uwi sweetie, bye.’ That is what he exactly
said to me awhile ago.” Nakaka-bwisit lang talaga. “Pero ok na rin yon, para may issue na
naman kaming mapapag-usapan the next time we’ll see each other.”
Kumunot
naman ang noon g bruha dahil dun sa huli kong sinabi. “Huh? Ano naman ang magiging issue sa sinabi nya? he explained naman
diba?” oo na, ako na ang maarte kaya big-deal sa akin yung word na ‘I love
you’.
“He didn’t say ‘I love you’ to me
before he ends that call.” Natawa na lang ang bruha dahil sa
dina-drama ko. To my surprise, bigla na lang nyang hinila yung buhok ko. “Ouch, what’s with you?” then hinila
nya ako at nagtago kami sa isang shelve sa supermarket. Ano ba kasing meron at
kailangan naming magtago?
Nag-hush
sign sya sa akin then may tinuro sya sa may right side namin. Para
naman akong ipinako at binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko ngayon. How
could he do this to me? How could he! At talagang dito pa sa mall kung saan ang
nagta-trabaho nya dinala yung babae nya!
You’re
all right, may kasamang ibang babae ang hindot, haliparot at maharot kong
boyfriend na si Blaze. Meeting that he MUST attent pala ha, eh kung ipag-set ko
kaya sila ni Taning ng meeting sa impyerno that he MUST attend?
I
can’t take this, hindi ko na kayang makita na naglalandian silang dalawa so I
decided to talk to him right away, as in right now! “Don’t!” pigil sa akin ni Amanda, pero desidido na talaga akong
lapitan sila. “You can’t stop me now
Amanda.” At dire-direcho akong naglakas palapit kay Blaze at sa kasama
nyang babae na halos wala ng itago sa suot nitong mini-skirt at tube top.
PAAAAAKKKK!!!
Isang malakas na sampal ang agad kong ibinigay kay Blaze kaya hindi agad sya
nakapag-react, yung babaeng kasama naman nya ay hindi rin agad nakapag-react at
palipat-lipat lang ang tingin nya sa aming dalawa. “Excuse me miss, why did you slap him?” tanong nya sa akin in a
very low voice. “You know her Mr.
Peralta?” tanong naman nya kay Blaze. What, Mr. Peralta? Why so formal, ah
baka naman cover-up lang para hindi sila mapahiya. Bilib ako sa babae na to ah,
ang bilis nyang mag-isip halatang sanay na sanay.
“Excuse me Ms. Theresa.”
Tapos hinila nya ako palayo dun sa babaeng kasama nya. “Ano bang problema mo? Bakit bigla-bigla ka na lang susugod at
mananampal, hindi mo baa lam that I’m in the middle of my meeting?” galit
talaga sya this time dahil OA sa pagtaas-baba yung paghinga nya, halatang
nagpipigil pa sya, kahit pano.
This
is not the first time na sinigawan or nasigawan nya ako, but why do I have this
feeling na iba ngayon yung galit nya? “Meeting?
Ginagago mo ba ako Blaze, meeting dito sa supermarket? You know I won’t bite
that crap.” Meeting sa supermarket, sinong niloko nya!
“Hindi kita niloloko, she’s one of
the company’s new client and ako na-assign sa kanya. We are having a meeting
here dahil eto lang ang free time nya, she can’t afford to meet me in a more
decent place. Now what, ano ngayon ang sasabihin ko sa client ko tungkol sa
ginawa mo?” kahit pa ayaw nyang ipakita na
naiinis at napipiko na sya sa akin eh hindi pa rin nya nagawa dahil
halatang-halata naman sya. “I have to
go, we’ll talk some other time.” Tapos lumakad na sya palayo sa akin at
palapit naman dun sa Ms. Theresa na yon.
“Teka la---“
hindi na nya ako nilingon. Nakaka-inis lang talaga! Oh sige, wala syang time
para makipag-meet sa isang mas desenteng lugar kesa sa supermarket, pero sana naman makahanap sya
ng time para pumuli ng damit na isusuot, yung presentable man lang.
Dahil
sa sagad hanggang buto kong inis ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala
si Amanda. “Qit, are you okay?”
tanong nya sa akin na puno ng pag-aalala. “Sino
daw yung girl na kasama nya?”
I
take a deep sign and answer her. “Bago
daw client ng company nila and sya ang in-charge sa isang yon.”
Tumang-tango lang si Amanda na hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin.
“Kliyente lang ba talaga? Saka kung
client nila yon, bakit nandito sila sa supermarket? At saka bakit ganon ang
suot nung babae? Hindi kaya inaakit nung babae na yon ang papa Blaze ko?”
To
be honest lang sa sarili ko, hindi ko rin alam kung dapat ba akong maniwala sa
sinabi na explanation ni Blaze. Hindi naman sa wala akong tiwala sa boyfriend
ko, meron lang talagang something inside mo na hindi ko ma-explain.
“Nako Marriqqite, tara na nga at
samahan mo na lang ako dun sa chocolate section kesa mainis ka jan.”
Makabili
na nga ang din ng makakain para mawala ang inis ko sa kanya. Kapag kina-usap
nya ako mamaya, talagang aawayin ko sya at hindi ako hihingi ng sorry sa kanya
kahit na alam kong may mali
rin ako.
“Hoy bruha ka, baka naman tumaba ka
nyan ang dami mong kinuhang sweets.”
Lahat kasi ng brand at klase ng chocolates na makita at magustuhan ko eh
shinu-shoot ko sa basket na kawak ko. “Lola
masama ka palang magselos, pagkain ng sweets ang napag-bubuntunan mo.”
Hindi ko pinansin ang mga litanya ng kaibigan ko, basta ako direcho lang ako sa
paglakad habang tumitingin ng chocolates. “Girl,
girl, girl!!!” tawag nya sa akin sabay hila na naman sa buhok ko. Ano bang
problema ni Amanda sa buhok ko at lagi na lang nyang hinihila? “Dun na lang tayo sa kabilang shelves ng
mga chocolates, nakita ko mas maraming masarap dun.”
Minsan
naisip ko pano ko ba naging kaibigan ang dalahirang si Amanda na to. “Ano ka ba, makakarating din naman tayo don
kaya wag kang masyadong excited jan.” kaya naman wala na syang ibang nagawa
kundi ang sundan na lang ako dahil naglakad na ulit ako. “Have you ever tried Nutella? Ang sarap lang non sa pancakes.”
Tanong ko kay Amanda habang naglalakad kami.
“You know naman that I’m not into
sweets like you, brokenhearted lang ang mahilig sa sweets.”
Weh,
may ganon! Saan naman kaya napulot nitong babae na to ang ganong kababaw na
pananaw? “Kapag mahilig sa sweets ganon
agad? Adik ka talagang babae ka!”
“Ikaw ang best example girl, as in
ikaw. Kita mo nga yang basket mo, puro chocolates ang laman. Hindi pa kayo
break nyang si Blaze mo ha, misunderstanding pa lang yan!”
Mahilig
naman talaga ako sa chocolates eh…sige lang Qit, lokohin mo pa yang sarili mo
ng lalo kang magmukang tanga. “Ano ka ba
Amanda, mahilig naman talaga ako dito no.” sige pa Qit, ituloy mo pa yan. “Wag ka ngang masyadong assuming jan.”
sus Qit, if we both know gusto mo ng magwala kanina nung makita mo na may ibang
kasama si Blaze.
=========================
“Good evening po Tita, nanjan na po
ba si Qit?” nagawa mo pa talagang pumunta dito
sa bahay ha. Saka kunwari pa sya kung magtanong, sigurado naman ako na nakita
nya yung kotse ko sa garahe. “Ikaw pala
Blaze anak, come in. sandali lang at ipatatawag ko lang si Qit.”
Bago
pa sumigaw si Mama ay napigilan na sya ni Blaze. “Wag na po Tita, nasaan po ba sya at ako na lang po ang pupunta?”
sus, kunwari mabait ka ba jan. Hmmp!!! “Nasa
garden, nagbabasa na naman habang kumakain. Sige na Blaze at puntahan mo na,
mukang mainit na naman ang ulo.” Si Mama minsan may pagka-madaldal din eh.
“Sweetie, can we talk?”
hindi ko naman sya pinansin kasi naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. “Ui Qit, wala ka ba talagang balak na
kausapin ako?”
“Sino ba talaga yung babae na
kasama mo kanina sa supermarket?” hindi na ako
naka-tiis eh, I can’t take this any longer, kailangang ng masagot ang mga
tanong sa utak ko. “Is she really a
client of the company?”
Isang
buntong-hininga muna ang pinakawalan nya bago sya sumagot. “Yes she is, pero kung ayaw mo talagang maniwal, I can’t do anything
about that.” Ang hambog na to, parang ako pa ang pinalalabas nya na masama.
“You know what Qit, I had enough of all
your tantrums. Pagod na pagod na akong intindihin yang ugali mo. Why don’t you
try to change your negative attitudes?”
“Like what? What’s the matter with
you Blaze?”
“Para kang bata, twenty four ka na
pero yang utak mo na-stock na yata sa age na seventeen.”
Yeah, I know naman na isip-bata pa rin ako hanggang ngayon, pero bakit ngayon
lang nya sinasabi sa akin ang lahat ng to? “As
time goes by, lalo akong nahihirapan na intindihin ka.”
Ok
Qit, stop all your tears from falling, magmumuka ka lang kawawa sa harapan ni
Blaze. “Hindi mo na ba ako mahal? Akala
ko ba minahal mo ako sa kung ano ako, pero bakit ngayon parang iba na.” ok,
hindi madaling paki-usapan ang luha ko kasi nagsimula na syang tumulo.
“Shit Qit, wag mo akong daanin sa
mga iyak mo. Grow up Marriqqite, grow up! Hindi lahat ng tao at bagay madadaan
mo sa pagpapa-cute at sa pag-iyak.”
Kasalanan
ko ba kung bakit ako ngayon umiiyak? Kung makapag-salita sya akala nya yata
gusto ko na parang tubig sa gripo ang luha ko na tuloy-tuloy kung pumatak tong
luha ko. Sino bang dahilan kung bakit ako umiiyak, sya naman diba, tapos ang
lakas ng loob nya na magsalita ng ganon, at kung maka-shit akala mo huling beses
na nya yong masasabi.
“What do want me to do then; you
want me to change my attitude? Ok, I’ll change that just stay beside me and
promise you won’t leave me. Please?!”
Sige
na, tawagin nyo na akong tanga, martir, engot, lahat na itawag nyo na sa akin.
Pero ano bang magagawa ko, mahal ko tong tao na to, mahal ko si Blaze. For
seven years sa kanya umikot ang mundo ng puso at utak ko, sa tingin nyo ba
ganong kadali lang para sa akin ang mawala sya?
“Things change Qit, change is the
only constant thing in this world. Kahit baguhin mo man ang sarili mo ngayon,
huli na, iba na ang gusto ko ngayon. For seven years na ikaw ang girlfriend ko,
wala akong nararanasan na bago. I still want to grow as a man, and I also want
you to mature too.”
He
wants me to grow, sige papayag ako kung sya ang kasama ko. Pero sa tono ng
pananalita nya, halatang wala na talagang pag-asa na maisalba yung relasyon namin.
“Are you breaking up with me? Wala na
ba talagang pag-asa? Sino ang kapalit ko? Yun bang babae na kasama mo kanina sa
mall?” ang dami kong tanong sa kanya na alam ko na kailangang
mabigyan ng sagot ngayon din. “Wala na ba
talaga Blaze, hindi na ba natin to maayos?” pesteng luha talaga to, kahit
na anong pilit ko na pigilin ayaw pa rin nyang huminto sa pagpatak.
Tinitigan
nya ako sa mata kaya naman alam ko na seryoso talaga sya sa mga salitang binibitawan
nya. “This is over now Qit, hindi na ako
masaya sa relasyon natin. I think you’re not yet ready for a serious
relationship, isip-bata ka ba kasi. It’s time for you to change some things
about you. Siguro sa ngayon hindi talaga tayo para sa isa’t-isa, pero anong
malay natin kapag hindi nag-work ang mga susunod kong relasyon bumalik ako
sayo.” Sa huling mga salita na sinabi nya, yon ang pinaka-ayoko.
Pinahid
ko yung mga luha sa mukha ko at saka hinarap ang walang kwentang lalake na si
Blaze. “Ganon ba Blaze, hindi ka na masaya
sa relasyon na to? Oh sige, binibigay ko na sayo yang lecheng kalayaan na
hinihingi mo. At kung hindi magtatagal ang relasyon nyo ng babae na ipapalit mo
sa akin, wala ka ng babalikan na Marriqqite Dela Rosa. Tandaan mo Blaze ang
araw na to because you’ll regret this. Tandaan mo na ang Qit na nakikita mo
ngayon, dahil simula bukas wala na ang Qit na nasa harapan mo.a” At iniwan
ko na sya sa garden mag-isa, at dire-direcho akong nagpunta sa kwarto ko at
doon ko binuhos lakat ng sakit na nararamdaman ko.
=======================
Heto na ako ngayon, hindi na ako ang dating
Qit na nakilala ng lahat ng tao na masayahin, happy-go-lucky, simple at
cheerful. Ako na ngayon si Marriqqite Dela Rosa na seryoso, suplada, at walang
kaibigan, meron pa pala. Nanatili si Amanda sa tabo ko kahit na tuluyan na
akong binago ng pait at sakit sa puso ko. Hindi nya ako iniwan kahit na na ang
lahat sa akin, sa kanya ko nasabi ang lahat ng hinanakit ko sa buhay, sya rin
ang saksi kung paano ako nagbago.
Si Blaze at yung babae na pinalit nya sa
akin? Sa totoo lang, kahit ano tungkol sa kanya ay hindi ko inalam. Pero sadyang
mahal pa rin ako ng Diyos, naibigay Niya ang nababagay sa kanya.
Naghiwalay rin silang dalawa makalipas ang
ilang buwan, ipinag-palit sya ng babae sa mas gwapo at mas mayaman sa kanya. Nakahanap
rin naman agad sya ng iba pero walang nagtagal, until he met this girl named Alliah.
Nagpakasal silang dalawa, but after three years ay naghiwalay din sila.
Ako? Masaya na ako kahit wala akong kasama
sa buhay maliban sa matalik kong kaibigan na si Amanda. Oo, matandang-dalaga
ako. Hindi ko na nagawang magmahal ng iba dahil kahit na anong sakit pa ang
naidulot sa akin ni Blaze, sya pa rin ang laman ng puso ko.
Hindi lahat ng tao nabibiyayaan ng happy
ending, hindi lahat maibibigay sayo. Pero kadalasan, nasa atin na pero
pinakakawalan pa natin. Kapag sa tingin nyo sya na talaga ang nilaan Niya sayo,
gawin mo ang lahat para hindi sya umalis sa tabi mo. Ingatan mo sya kagaya ng
pag-iingat nya sayo, ipakita at iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal mo
araw-araw bago pa mahuli ang lahat.
aww... xyang nmn nde cla nagktuluyan! peo mas gus2 q n din un n nde si blaze. ang bad nia lng.
ReplyDeletepeo sna nkhanap mn lng ng matinogn guy si qit.
peo un nga ult, nde nmn lhat happy ending.
This comment has been removed by the author.
DeleteYup..hindi lahat nabibigyan ng happy ending...
DeleteNapag isip-isip ko lang...
Puro One Shot stories na lang ang gagawin ko para naman hindi na ako mahirapan..whahaha... Mas madali ang buhay...
This comment has been removed by the author.
Deletepero tapusin mo yung mga series mo ha! paano naman ako! binabasa ko yung mga yun! >__<
ReplyDeleteopo..tatapusin ko yun..don't worry... after nun puro one shot na lang muna ang gagawin ko...(pero pwede pa namang mabago...may pinag-dadaanan lang talaga ako ngayon na masakit sa puso...)
DeleteNkarelate ako dto aaminin kupo may pag ka isip bata po ako at mag 20 npo ako dis may 12 wla prin bf pero yung mga nging bf ko d sa akin tumatagal. Ksi isip bta po ako.masama po ba ang mging isip bata! !!!
ReplyDeleteSana po mabigyan nyo po ako ng advice pra malaman kupo ang gagawin kupo pra may tumagal na sa akin salamat po sa inyo dun po sa nbasa ko naiiyak po ako ksi prehas po kmi ni qit na isip bata at isa lng ang gustong lalaki at mahal na mhal ayaw na pkawalan. Pero sa d nya natiis ang ugali pipalitan na ako agad na dhil isip bata ako at mas matanda ako sa kanya 17 yrs old ksi yung lalaki gusto ko. Pero mas matanda pa isip nya sa akin. :( :(
Hi hello po d kuna lng po sasabihin yung true nym ko ako pla c hellomae ako po ay may pagka isip bata. At nag mahal po ako pero nsaktan po at ska po nainlove po ako sa friend ko na mas bata sa akin sya po ay 17 yrs old. At ako po ay mag 20 dis may 12 .pero po dati ang sweet sweet nya po sa akin pero po ngayong d napo bigla nlng po nag bagong ang lhat
ReplyDeleteSaka po inamin nya po sa akin sa chat sa fb na matagal na daw po syang wlang gusto sa akin at ksi daw po isip bata daw po ako
Masma po ba ang mging isip bata :( salamat po sna po matulungan nyo po ako :'(