Wednesday, April 18, 2012

My Love, My Heart : Chapter 2


Masayang nagtatawanan ang mga taong nadatnan ko sa dining area. Halatang as ease na as ease si RJ sa pamilya ko.


Naupo ako sa silyang laan para sakin. Katabi ni RJ.



Parang automatic na kumilos ang katawan ni RJ upang ipaglagay ako ng pagkain sa plato ko habang nakikipag-usap kay daddy.


Nakakatuwang isipin. RJ is been a very sweet and generous friend to me. Kaya hindi na ako nagtatakang hinahabol habol siya ng mga babae. Kasi kung sa akin nga lang na friend niya eh super sweet na sya what more pa kaya sa mga babaeng naiinvolved sa kanya. And what more kung sa magiging asawa niya.


On the second thought I doubt kung makakapag-asawa pa ito eh wala yata siyang balak iwan ang pagiging bachelor eh.


Matapos maglagay ng kanin at ulam sa plato ko ay tinanggal na din niya yung balat ng chicken. Alam niya kasi na hindi ako kumakain nun.


Nangingiti nalang samin si Mommy.


Aware naman ako na gusto ni mommy si RJ para sakin. At kahit hindi man nagsasalita si daddy alam kong ganun din ang iniisip niya. Pero napakalabo as in Malabo pa sa tubig kanal na matupad yung iniisip nilang dalawa.


Because RJ and I could never ever be a couple.


We we’re just destined to be friends.


Bestfriends.


“So kumusta naman ang mommy at daddy mo?” tanong ni dad kay RJ


“Okay naman. They’re having an around the world tour..second honeymoon na din daw nila yun” sagot ni RJ at sinabayan ng tawa.


“Baka magkaroon ka pa ng kapatid ah” natatawang sabi din ni daddy.


“hay naku wag naman sana..i’m already old to have a baby brother or baby sister”


“Eh ang business mo okay naman ba?”


“Yup. Actually I’m planning to acquire a new business pa nga eh”


“You’re such a work-a-holic person hijo…manang-mana ka sa daddy mo” nakangiting papuri ni mommy.


“Work-caholic??? Si RJ??? Naku mom that’s not true..kung si Tito Lance pa maniniwala ako but RJ? Oh come on!!! Baka alcoholic” tutol ko sa sinabi ni Mommy.


Eh talaga naming di mo masasabing work-aholic yang bestfriend kuno ko eh. Madalas ngang tumakas sa work yan eh.


Pero ang nakakapagtaka lang talaga eh napakagaling niyan dahil lahat ng hawakan niyang business eh talaga namang nagbu-bloom.


“Yesha kumusta naman ang work mo?” ako naman tuloy ang binalingan ni daddy.


Pakialamerang Froggy kasi ako eh.


“Okay lang dad..wala naman pong problema”


“Syempre naman Tito…magmula ng si Yabz ang maging manager ng hotel eh dumami ang guest niyo pa lalo…walang ibang nasa utak iyan kundi magpayaman eh.” Sabad ni RJ.


“Bakit? What’s wrong kung magpayaman ako?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.


“kaya wala kang lovelife eh” asar ni RJ.


Wag na kayong magtaka. Sadyang ganyan lang talaga kami mag-usap ng bestfriend ko. Normal na sa amin ang mag-asaran at maglaitan.


“Para pa rin kayong aso’t pusang dalawa” natatawang pansin samin ni daddy.


“Oo nga..parang sina Tom at Jerry…always teasing each other…but can’t live without each other” pang-aasar naman ni Mommy.


Weeee???? Tama bang asarin ako ng sarili kong ina?


Ang bait talaga!!!!


Napatingin ako bigla kay RJ.


Para namang nang-aasar pa na kinindatan ako ng loko.


“You’re right Tita.. I can’t live without Ayesha”


+ + + + +


Abala ako sa binabasa kong paperback sa loob ng kwarto ko bilang pampatulog ng magring ang cellphone ko.


It was RJ.


I decided to ignore him.


Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng makarinig ako ng kalabog sa bintana. Parang batong hinagis.


Nagtatakang lumapit ako dito upang alamin kung ano na namang problema nito.


Two knocks of stone means its RJ.


Binuksan ko ang bintana ng silid ko upang makita ang binata.


He was standing in front of me. Sa loob ng katapat kong silid.


Magkatapat kasi ang bahay naming dalawa. At magkatapat din ang silid namin.


“What??!”


He showed me his cellphone. Kasabay naman nun ang muling pag-ring ng cellphone ko.


Naiinis na dinampot ko ang cellphone at sinagot ang tawag niya.


“Ano ba yun? Galing ka na dito kanina ah” bungad ko.


“Hello din sayo Yabz” ang hudyo at talagang manhid pa yata.


“Bakit ba? Anong kailangan mo?”


“Wala lang..just want to hear your voice kararating ko lang ng bahay eh”


“Bakit? Eh tatawid ka lang naman ah at kanina ka pa umalis bakit now ka lang nakauwi? Natrapik ka sa pagtawid mo?!” sarkastikong sabi ko.


“Napakasungit mo talaga Yesha…kaya mahal na mahal kita eh”


“hay naku RJ tigilan mo ako”


“Nga pala magbibihis ako wag kang titingin sa bintana ah..ikaw din baka mainlove ka sakin. Alam ko namang super hot ang body ko eh”


Ang tinamaan ng magaling ay sadyang mapang-asar talaga.


As if naman gugustuhin kong makita siyang nakahubad di ba?


Pero para namang may demonyong nagtulak sakin na lumapit sa bintana.


“Siguraduhin mo lang na may makikita ako ah” sakay ko sa pang-aasar ni RJ.


“Come baby watch me…hahaha”


Malanding lalaki talaga ito.


Lumapit ako sa bintana. Nakita ko nga si RJ na natatabingan ng manipis na kurtina ang bintana kaya silhouette lang ang naaaninag ko. Animo nang-aakit na hinubad nito ang suot na long sleeves.


Hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kanya. Isinunod nia ang sando niya at iwinagayway pa talaga sa ere.


D**n but he looks really hot. Talagang nang-aasar ang hudyo pero kung akala niya eh magpapatalo ako pwes manigas siya!


Isinunod na tinanggal ni RJ ang belt na suot.


Hindi pa rin ako kumukurap sa pagkakatingin sa kanya.


Parang nang-aasar na tumingin pa talaga sakin ang binata.


Pero nung akmang huhubarin na nito ang suot na pantalon ay bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Isinarado ko na ang bintana ko. Pero tanaw ko pa din siya. Tatawa-tawang isinarado na ni RJ ang binata ng kwarto niya at tinakpan ng kurtina.


Animo naman may naghahabulang daga sa dibdib ko ng sumubsob ako sa ibabaw ng kama.


Luko-lukong RJ yun ang lakas talaga mang-asar.


This is bad. I shouldn’t feel this way.


That was just a joke.


He is my bestfriend.


This is very bad.







4 comments:

  1. weeehhh! ang sweet nila!!!

    pero mas kinilig naman ako dun sa sinabi ni RJ about sa mommy and daddy nia!!!

    uwaaahhh!!! may second honeymoon kami ni lancelot ko! >__< lels!!! maisingit lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha...sana may ganyan ka ding bestfriend noh? araw-araw siguro makulay ang buhay mo hahaha..no dull moments..

      at ikaw naman matanda na anak niyo lumalandi pa kayo ni lancelot haha

      Delete
    2. aba kasalanan ko ba. ikaw ang author eh! ahahahaha!!!
      ganyan talaga!!! mainit pa rin ang pagsasama namin ni lance kahit thunderz na kami!
      owmei what a term! >__<

      Delete
  2. ang sweet naman ni RJ. pero sana tigilan na niyang yang pagiging playboy niya at magfocus na alng kay ayesha. ikaw namana ayesha, anong defined as friends kayo! wala namang nasusulat na ganun! magconfess ka na lang kaya para magkaaminan na!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^