Friday, April 13, 2012

Love Tutorial : Chapter 1

“Bagsak ka na naman ?!!!!!
 Hala, lagot ka kina tita nyan, tss..
Sermon ka panigurado ..” 

“ang hirap naman po kasi ng Math,
Tsss.. ayaw sa akin ng Math at lalong ayaw ko sa kanya”
Tuwing bigayan na ng exam sa Math, laging yan ang eksena namin ni Liah, bestfriend ko, mahirap naman kasi talaga yung math diba ? lagot na naman ako panigurado, bagsak na naman ako sa exam e, buti pa si Liah, kahit hirap sa math nakakapasa padin, ako ? hindi ko talaga kaya e, ..

Ako nga pala si Jessie Janelle Sanchez , 2nd year highschool, friendly, funny, childish, pero matalino din naman, kaya lang tama, din sila, you can never have it all..
mataas ang grades ko sa ibang subject bukod sa math ewan ko ba ..

***
“Jess, Bagsak ka na naman sa Math ?! ” nakita kasi ni mama yung test papers ko, kasana na ung test paper ko sa Math, ang burara ko kasi naiwan ko kasi yung mga gamit ko sa sala .

“ma, alam mo naming im trying hard din naman, kaso di kaya ng powers ko, mahirap talaga siya ma, promise,” sagot ko.

“hai naku,” yun lang ang nasabi sa akin ni mama ,

***
then one day.. 

“Jess, anak,” tawag sa akin ni mama.

“po? Bakit “ tanung ko.

“may lakad ka ba sa sabado?” tanung ni mama,

“wala po bakit po ba ?’

“pupunta dito si Johnny sa sabado para itutor ka sa Math, nagkausap na kami ni tita Sandra mo.” Paliwanag ni mama

“Si-si Johnny? Mama naman alam mo naman di kami magkasundo diba ?”

“nagkausap na kami ni tita Sandra mo, pumayag siya isa pa, itututor ka lang naman nya sa math, at kapalit din nun, itututor mo naman siya sa English, dun daw kasi hirap si Johnny e, sa English..”

“pero mama …”

“jess, its final. Isa pa tumawag ang papa mo from Australia, sabi nya pag nakita nya daw na mataas yung grades mo lalo na sa math, baka daw dun ka daw sa Australia mag college, kaya galingan mo ..”

Sa Australia magcollege? Hai, yun yung pinapangarap ko noon pa, ang makapunta sa Australia at higit pa dun, makapagaral din dun ..
Almost 4 years na din kasi dun si papa sa Australia, bihira lang siyang umuwi dito siguro mga once or twice a year .. gustong gusto kong makapunta at makita si papa sa australia.. hai kaso bakit naman kasi si Johnny pa yung magtututor sa akin, alam naman ni mama na super ayaw ko sa kanya ..


Kasi naman bata pa kami, lagi na kaming iniaasar ni tita Sandra at ni mama sa isa’t isa .. okay lang naman sana yun kaso itong si Johnny super nakakairita, lagi nya akong inaasar at pinagtitripan .. tapos ang yabang yabang nya pa .. haii .. bahala na nga .. kasi naman e, bakit ba kasi ang hirap hirap ng math ..?

2 comments:

  1. haha..akala ko series eh :) pero maganda ah! ^_^ wait ko nalang ang susunod, sana mai twist at di pasyadong predictable ang story na to para exciting :D

    keep it up! ^_^

    ReplyDelete
  2. preho pla kmi. s math bumabagsak. ihhhihhiih!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^