Saturday, April 14, 2012

Love Tutorial : Chapter 2

Then Saturday comes ayoko sana kaso mapipigilan ko ba naman yun ?
Siguro mga bandang ten yun ng umaga ng dumating siya ..

“jess, anak nasa labas na ata si Johnny ppasukin mo na..” utos ni mama .

“opo  >.<” sabi ko sabay labas ng bahay.

Andun na nga si Johnny nakatayo sa labas ng gate namin may mga hawak na mga libro. Siguro mga two months ko din sya halos di nakita pero infairness naman sa kanya ang gwapo nya ngayon, bagay din sa kanya yung suot nyang polo hmm atska parang mas tumatangkad siya ngayon ..


“oi, di mo ba ko pagbubuksan maghapon mo na lang ba kong tititigan dyan? Baka naman malusaw ako” sabi nya.

“ang yabang mo talaga, wala kang pinagbago, hmpf!” sabi ko sabay bukas ng gate ..”

"bakit? talaga naman ah, ang gwapo ko naman talaga ah?"sagot nya tapos pumasok na siya sa bahay .. 

“hi tita andito na po ako, kamusta po?” tanung nya.

“oh Johnny, andito ka na pala, ayos naman ako, Johnny hijo, pakituruan naman si Jess ha? Kaw na bahala sa kanya ha?” sabi ni mama

“don’t worry tita tuturuan ko po siya, ako na pong bahala sa kanya.. sige po saan po ba kami mag aaral?” tanung nya, nakakairita talaga siya kung makapagbaitbaitan kala mo anghel ..

“dun na lang kayo sa itaas, dun na lang kayo siguro sa kwarto ni jess”

“mama? Bat sa kwarto ko, dito na lang kami”

“jess, maglilinis kasi kami ni manang dito sa baba, kaya mas mabuting dun na lang kayo sa kwarto okay?”

“sige po :’( ”

labag man sa loob ko, no choice e, anu magagawa ko? kaya ayun dumiretso na kami sa kwarto ko.

“naks naman ang linis ng kwarto mo ah..” pang aasar nya.
Kasi naman mejo halo halo yung mga libro ko dun..

“pasensya naman po, turuan mo na lang ako, ang dami mo pang daldal e, bilis..” sabi ko .

“wow naman, kaw na nga lang nagpapatutor atat ka pa?”

“talaga, pumayag payag ka e, bahala ka, atska may kapalit naman to diba ang pagtututor ko sayo sa English? English na nga lang hirap na hirap pa”

“atleast ako sa english lang, sa math naman magaling ako, di kagaya mo ..”

“ang yabang mo!" sigaw ko sa kanya sabay hampas ng libro, medyo napalakas ata, pero okay lang yun, bagay lang sa kanya yun.

“alam mo kung hindi ka lang babae pinatulan na kita”

“puro ka kasi satsat, turuan mo na ako kung tuturuan mo.. dami mo pang sinsabi e”

“aba tong babae talagang to, grrr…. eto na nga po e,”

Halos every weekend nasa bahay namin si Johnny para itutor ako at para itutor din naman siya sa english subject nya , at obviously bago ang tutorial, hindi mawawala ang asaran at pikunan.

Until one day, pag uwi ko galing school, naabutan ko si mama na nagiimpake ng gamit nya..
saan kaya siya pupunta? teka pano ako??





2 comments:

  1. grabe! aso't pusa sila! hahaha!
    nakakatuwa sila.

    ReplyDelete
  2. like q new story mu sis. updte n agad!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^