Thursday, April 19, 2012

Kissing Bandit : Chapter 9

CHAPTER 9
(ATASHA ORELLANA POV)



“Morning!”



*click…*



“Oh??? Raiza???”



*click…*



“Teka nga! Bakit mo ako pinipicturan?”



Tapos tinitigan niya akong maigi. Medyo masama na ang kutob ko nun. “Ang damot mo!!!” Waahh??? Galit ba siya?



“Bakit ka naninigaw? Galit ka? Anong ginawa ko?”



Teka… parang alam ko na kung ano ang ikinagagalit nila. Maya-maya kasi, pinalibutan narin ako ng B-company o yung tawag ko nga sa mga babae kong classmates.



“Akala mo hindi namin nakita yung pinost mong picture na ni-like at ni-comment ni Zack nung nakaraang araw. At… at… at bukod pa dun… ni-follow ka na rin ni Laris!!!”



“Uwaahhh… aray! Aray!!!” Dinumog na nila ako! Sabi ko na nga ba yun ang dahilan! Hindi pa rin nila nakalimutan! “Araaaayyyyyyy~”



“Ang swerte-swerte mo! Alam mo bang bilang lang ang mga taong pina-follow ni Kissing Bandit ha!”



“Dapat ipakilala mo na talaga kami kay Zack!”



“Hindi ko pa nga siya nakikita ulit eh! Pero oo na nga diba! Ipapakilala ko talaga siya sa inyo.”



“Tapos sabihan mo rin siya na ipa-follow kami kay Laris ha.”



“Grabe na kayo maka-request ha! Nakakahiya naman yun!”



“Sige na naman Atasha!”



“Kayo ang makipag-close kay Zack!” Pero parang hindi yata yun kakayanin ng puso ko. Ayokong may makitang ibang ka-close si Zack. “At saka magpasalamat na lang kayo na makikilala niyo na siya.”



“Ang duga naman kasi! Ikaw natuhog mo agad yung dalawa! Una si Zack tapos ngayon naman si Laris!”



“Eksaherada naman sa term! Natuhog ka jan! Si Zack lang ang ka-close ko!”



“Eh si Laris bukod sa nakasabay mo noong first day of school, ngayon follower mo na! Hindi mo pa ako nabibigyan ng picture niya na pinangako mo saakin noon.”



“Si Laris… ano… um… hindi ko nga kasi siya ka-close. Ni-follow niya nga ako dahil lang kay Zack pero hanggang dun na lang yun! Promise!” Maka-promise ka rin ha! Okay lang, promises are meant to be broken, ika nga nila! “Anyway, para saan naman yang pictures ko na kinuha mo Raiza?”



“Ahh, well naisip ko lang na kung malapit sayo si Zack na close friend ni Laris, tapos kung magpo-post ako ng pictures mo dito sa account ko at makikita rin nila, magkakaroon ng connect sa ating apat diba! Bongga, malay mo mas mapabilis na makilala nila ako!” Wow! Ayos manggamit ha! Pero okay na din! At least, may iba pa siyang paraan para mapansin siya.



“Yan! Gayahin niyo si Raiza, gumagawa siya ng paraan para mapansin siya nina Zack at Laris!”



“Oh, kaya walang gayahan ng the moves ha!” Ay madamot lang siya sa idea niya! “Ito ipo-post ko na.”



1 2 3 4 5 6 7 8 9 seconds later…



“RAIZA!!! Bakit naman ganito ang picture ko na pinost mo???” Ang sagwa lang talaga!  Anong klaseng itsura ‘to! Mukha ko ba ‘to?


“Anong magagawa ko, eh ganyan talaga mukha mo eh.”



Ang dating, parang nilalait pa ako ha! Oh sige na! Ako na ang hindi maganda!


“My New Found BFF”




















Hindi talaga ako hiniwalayan ng mga babaita! Baka daw kasi makita ko si Zack, ayaw nilang palampasin yung chance na makilala nila siya in person.



After nun, makikipag-close sila kay Zack para naman mapalapit sila kay Laris. Hay! Buhay ng mga baliw talaga!



*vibrate… vibrate…*



Uy may nagtext saakin!



FROM: Unknown number

Hoy Hot Pink! Kailangan mo akong picturan ngayon din. Puntahan mo ako sa may likod ng building namin.



Hu u?



Asaness Atasha! Mamaang-maangan pa! Eh sino lang bang kulugo ang tumatawag saakin ng Hot Pink? Walang iba kundi si Ate Ganda! Aish! Kaasar lang oh!



Nagbigayan nga pala kami ng number para daw ma-contact niya ako kung may mga ganitong sitwasyon daw na kakailanganin niya ang serbisyo ko. Pero hindi ko ni-save ang pangalan niya. Lalong hindi ko kinabisado number niya ha.



Basta kung may isang unknown number lang na magtetext saaken at magpapainit ng dugo ko, si Laris na yun.



Anyway, hindi ko mapupuntahan si Laris. Kasama ko pa nga kasi sina Raiza ngayon! Paniguradong susunod din ang mga ito at pag nagkataon. malalaman na nila ang sekretong magkakilala talaga kami ni Laris. Patay na!



Bahala na nga, kunwari na lang hindi ko nabasa ang text ng mokong na ‘to. After 10 minutes…



*vibrate… vibrate…*



FROM: Unknown number

Ang tagal mo!!! Nasaan ka na ba? Kapag wala ka pa dito within 5 minutes, ia-unfollow kita sa TMU diary.



Aba!!! Ang kapal ng mukha nito! Eh di un-follow niya ako! Pake ko! Bahala siya! After 10 more minutes…



*vibrate… vibrate…*



FROM: Unknown number

Hoy babae! Nasaan ka na ba? Kapag ako hindi mo sinunod, ipagkakalat ko na ikaw si Anti_Kissing_Bandit.



Aba naman ulit! Kapag ginawa niya yun, damay din siya. Hindi na niya matutuloy yung pagpa-fashion model niya kuno sa mga sponsored clothes niya noh! Ako pa tinakot niya! Hmp! After a few seconds…



*vibrate… vibrate…*



FROM: Unknown number

At ikakalat ko scandal pictures mo.



O____O



“Ah… guys. Kailangan ko palang umalis.”



“Pupunta ka naman saan? Sasama kami.”



“Mabuti pa wag na lang… malayo yun eh.”



“Anong malayo? Tatakas ka lang eh. Sasama kami, baka mamaya makipagkita ka kay Zack noh.”




“Hindi… hindi talaga.” Kay Laris ako makikipagkita at hindi kay ZackMag-isip ka ng magandang alibi Atasha. “Eh sige kung mapilit kayo, tara na sa CR.”



“CR?”



“Naje-jebs kasi ako eh…” >///< Wala na akong maisip na iba eh! “Kanina pa ako ini-LBM. Tara, sama kayo saakin sa CR.”



Yung itsura nila, halatang nandidiri. Akala naman ng mga 'to, nakapupu na talaga ako dito!



“Eww… sige na nga, umalis ka na. Baka mamaya magpasabog ka pa dito.”



“Okay! Babye! Bukas na lang girls!”



At nagtatakbo na ako agad. Buti na lang mga maarte yung mga yun, naniwala talaga.


















Naku nasaan na ba yung lalaking yun at nang makatay ko na! Pampam ever talaga!



“Yow!” Nakaupo siya sa may damuhan, petiks lang ang buhay.



“Hindi ko nadala ang camera ko.”



“Okay lang, dala ko yung saakin.” Tapos isinukbit niya sa leeg ko yung camera. Tapos binuklat niya yung dala niyang paperbag. “Picturan mo ako ng suot ko ‘tong jacket na ‘to.”



“Ano namang ilalagay kong caption nang suot mo yan?”



“Aba malay ko. Ikaw ‘tong anti ko diba? Basta picturan mo na lang ako.”



Naglakad na siya palayo saakin then I started taking pictures. Pero habang ginagawa ko yun, nag-iisip na akong ng pwedeng gawing lait sa kanya para ma-post ko dun sa account ko.



Kaso ang hirap mag-isip eh. “Try mo nga dung tumayo sa may malapit sa fence.”



“Dito?”



*Pose*



*Click*



*Pose*



*Click*



“Yan, sakto na yata ‘to. Ang dami ko nang nakuhang pictures mo.”



Lumapit siya saakin at tinignan yung mga shots. Medyo nalula nga ako sa katangkaran niya eh. Nanliliit tuloy ako. “These two shots. Ito ang ipost mo.”



“Hindi ko rin dala ang laptop ko.”



“Problema ba yun? Itong cellphone ko gamitin mo.”



“Kei, payn…”



“Pero anong ilalagay mong caption?”



“Kanina, ako nagtatanong niyan. Wala pa nga akong maisip…”



Naupo na lang ako sa damuhan at nakigaya naman siya. Nililipat na niya yung pictures from his SLR to his cellphone. Tapos binato niya saakin yung phone niya at automatic ko naman itong nasalo. “Post mo. Ngayon na.”



“Eh sa wala pa nga akong maisip na caption eh! Paano kita bibigyan ng issue sa pictures na ‘to eh ang gwa…” Oops… ano daw yung sasabihin ko?



“Ano? Kasi gwapo ako?”



“Kapal muks mo! Ang sasabihin ko, mukha kang kwago!”



“Wushu! Ayaw na lang aminin! Gwapo ako!” Ang lakas! Nakalunok ng electricfan ang kumag na ‘to! Ang hangin!!!



“Shatap! Nag-iisip na ako, okay?” Kunwari na lang pumikit ako para hindi ko siya makita. Pang-asar kasi mukha niya. Feel na feel na gwapo nga siya! Hmp!



Siguro after a while, gumana rin utak ko… “Ahh! Alam ko na!!!”



*Type… type… click… publish…*



“Oh yan tapos na!”



“Anong nilagay mo?”



“Ikaw na bahalang mag-check. Gora na ako ha! Babu!” Nagmadali na akong umalis palayo kay Laris. Malaking issue kasi yung naisip ko.



“KB Waiting Mode”
Sinong hinihintay ni Kissing Bandit sa likod ng College of Arts Building? Ganda pa ng ayus natin ha!

May pinopormahan kayang babae si Laris? Hay!!! Ito lang ang masasabi ko jan, kawawang babae!



Ahihihi! Oh diba? Malaking issue! Pagdating sa dorm, saka ko na lang ichi-check yugn response ng mga tao tungkol jan. Panigurado, magwawala rin ang mga fans na babae ni Laris. Hwahahaha!!! XD
















Ang ganda nan g lakad ko, papalapit na sa school gate. Uwian na kasi, yipee!



Kaso… nakita ko si Zack na naglalakad na papunta sa sasakyan niya. Uwaah! Ilang days ko siyang hindi nakita ha! Kakamiss lang!



“Za~” Hindi ko natuloy yung pagtawag sa kanya dahil biglang may nasulpot na babae na pumunta sa may gilid niya. Sabay pa silang naglakad papalapit sa sasakyan!



“Ow no… sinong ang babaeng yan Bao???” Nagtago ako sa may poste habang kagat ang panyo ko.



Uwaaaaaaah! Sino yung babaeng yun? Bakit parang sabay silang uuwi? Sabay sila talagang uuwi!!! At… at… pinagbuksan pa ni Zack yung babae ng pinto ng sasakyan niya!!! Waaahhh!!!



Yung puso ko, pakidakot nga. Nabagsak sa lupa at nabasag na yata!



Nakatingin lang ako sa malayo, mangiyak-ngiyak sa nakita ko. Sumakay na sila pareho sa sasakyan at umalis na.



*sniff… sniff…*



Sa ganda nung girl, anong laban ko dun?



Emote na emote na ako dito sa kinatatayuan ko eh. Nagseselos ako kahit hindi naman dapat. At patulo na talaga ang luha ko ng biglang…



“Ay anak na tyanak!!!” May sumundot kasi sa bewang ko. Eh malakas nga kiliti ko dun. Dahan-dahan na akong lumingon para alamin kung sinong lapastangan ang umiepal sa page-emote ko. At nakita ko si… “Ikaw na naman???”



Si Laris! Anak ng putek! Lumingon-lingon ako sa paligid para i-check na walang taong makakakita na magkasama kami. “Bakit ka nanunundot?”



“Anong ginagawa mo jan?”



“Pake mo ba!” Heart-broken ako. Wala ako sa mood.



“Kanina ka pa nakatanaw kina Zack at dun sa kasama niya.” Hala, nakita niya? “Selos ka noh.”



“Asaness naman!”



“Talaga lang? Bakit maiyak-iyak ka na nakatingin sa kanila? Para ka pang tangang nagtatago jan sa poste.”



“Wala ka na kasing pakelam dun! At hindi ako maiyak-iyak noh! Na… napuwing lang ako!”



“Ay, kawawa naman siya. Inlove ka sa childhood friend mo pero wala kang magawa kundi tanawin lang siya dito sa malayo.” Aba’t nang-asar pa! Kakalbuhin ko na ‘to, pigilan niyo ako!!!



“Ang epal mo rin talaga noh? Jan ka na nga!!!”


Nagmadali na akong naglakad papalabas ng school. Buti na lang hindi ko kasabay itong si Ate Ganda dahil baka hindi ko mapigilan ang asar ko sa kanya at mabubukulan ko talaga siya.



Nakasakay na nga ako ng bus, pero napansin kong may tao pa ring nakasunod saakin. Nang makahanap na ako ng pwestong mauupuan… “Sabi ko na nga ba sinusundan mo ako. Wala ka bang magawa sa buhay mo ha.”



“Kapal din ng mukha mo eh noh? Syempre, ito rin ang sasakyang kong bus! Baka nakakalimutan mo, pareho lang tayo ng way.”



“Psh!” Eh di sana nag-antay pa siya ng ibang bus para hindi kami magsabay!



Ow well, the damage has been done! Damage talaga noh! Broken-hearted na nga ako kay Zack, idagdag mo pa ang pagka-imbey ko sa half-ET na Laris na ‘to! Ang malas ko naman talaga!



Buti na lang hindi kami magkatabi ng upuan although magkahelera lang kami. Nasa left side kasi siya nakaupo at nasa right side naman ako.



“Alam mo, ayus din ang caption na pinost mo about sa picture ha.” Ay biglang nagsasalita! Don’t mind him Atasha. Bayaan mo siyang kumausap sa hangin. “Sinong hinihintay ni Kissing Bandit sa likod ng College of Arts Building? May pinopormahan kayang babae si Laris? Ahahahaha!!!”



Natatawa pa siyang parang baliw habang binabasa yung post ko.



“Grabe yung notes oh! Ang dami pang nag-reblog.”



Ignore. Ignore. Ignore. Ignore. Ignore.



“Pero sino naman kayang babae ang tinutukoy mo dito ha?”



Ignore. Ignore. Ignore. Ignore. Ignore.



“Eh ikaw lang naman yung hinihintay ko dito.”



Ignore. Ignore. Ignore. Ignore. Ignore.



“Unless gusto mong i-issue ang sarili mo saakin.”



Ignore. Ignore. Ignore…?



“Wag mo ngang bigyan ng malisya yun! Nilagay ko lang yun dahil wala akong maisip na caption! At tsaka hindi ko papangaraping na maissue sa isang tulad mo! Ovah mah dead badeh!”



Ang in-ignore ko na, yung mga taong napatingin sa away namin. Kakairita naman kasi eh!



“Okay, fine! Ang init talaga ng ulo mo! Palibhasa, one-sided love sa kaibigan niya eh.”



Gusto ba talaga niyang mamatay sa tingin ko.



“But I just want you to know that now I really find you interesting.” Interesting? Ako?  First time lang may nagsabi saakin nun ha! Ayiieh! Lakas lang talaga ng saltik niya! “Kung mai-issue ka man saakin, it will be good thing naman.” Ano namang good sa bagay na yun? “Ang ibig sabihin lang kasi ng pagka-link saakin ng isang babae, prospect siya para mabigyan ng first kiss from the kissing legend.”



Maraming babae ang gustong maka-first kiss siya dahil pampa-swerte daw yun. There were stories na nagsasabing he was Ruijin and Louis’ first kiss (#5 and #3 sa TMU Diary). Lahat kasi ng mali-link sa lalaking ito, nagiging successful and aside from that, they end-up with the guys they really love.


Totoo kaya talaga yun?



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 9



8 comments:

  1. wahahahhahaa,,,, oi huwag mong balakin atasya na mag pakiss kay kissing bandit....lagot ka

    ReplyDelete
  2. knilig nmn aq. pumyag k atasha! bukod s moments wid laris mkukuha mu n si zack. peo ofcourse, madedevelop k kay laris eventually!

    sulit ang pghihintay d2 ate... ang gnda!!!

    ReplyDelete
  3. mukhang way na ng pagpaparamdam yan ni laris eh! i smell something fishy.
    sana maging prospect na nga ni laris si atasha para maging close na sila.
    panigurado ang kulit lang nila. tapos nanakawin ni lari sang 1st kiss ni atasha kaya nga siya kissing bandit. hehe.

    ReplyDelete
  4. waahhhh! ang gwapo tlga ni laris! uu nga atasha, ngppramdam n yang si laris. 22lungan nia si atasha kxe nkita nia n special siguro si atasha.

    ReplyDelete
  5. pahalik naman laris. hahaha. ang manyak ko naman. pshhh

    ReplyDelete
  6. Hahaha.. hindi kaya maissue si Atasha kay Laris sa pinag-gagawa nila? hahaha

    ReplyDelete
  7. Noooo! I-reserve mo nalang yan for someone na mas deserving!! >.<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^