Mabilis na tinakasan ng tsuper ng itim na Toyota Land Cruiser ang aksidenteng kinasangkutan. Parang walang anoman na naganap bagamat may kaunting kaba sa kanyang dibdib. Nangangamba siya na baka mayroong nakasaksi sa pagsalpok ng rumaragasang sasakyan sa papatawid na batang babae.
Hindi pa lubusang dumurungaw ang araw sa kalangitan nang naganapa ang aksidenteng hindi niya inasahan. "Bigla bigla na alang kasing tumatawid sa highway eh!", sambitla niya sa kanyang sarili na wari'y pinapaako sa kalunos-lunos na musmos ang kasalanan. Hindi pa gaanong matalim at mainit ang sikat ng araw nang halos marating na ng tsuper ang destinasyon. Malubak, bagamat natitigang dulot ng mainit na tag-araw, ang makitid at masukal na kalsada patungo sa loteng kanyang sasadyain. May mangilan-ngilang kabahayan ang nakatirik malayo sa kalsada. Masusumpungan ang kapayapaan ng pamayanan sapagkat tanging huni lamang ng mga ibong naglipana ang iyong maririrnig. May mga bahay, 'yung mga tipong bahay-kubo, ngunit hindi tiyak kung mayroon ngang nakatira.
Maayos at maaliwalas ang umaga. Sa patuloy na pag-usad ng tsuper at ng kanyang sasakyan, isang maputik na bahagi ng daan ang kanyang nadapuan. Naglalagkit at tila pandikit na halos ayaw paahuni ang nabalahaw na Land Cruiser. At may kung anong nakakalso sa harapang gulong ng sasakyan. Bumaba ang tsuper upang tignan ang kung ano. Laking gulat niya na halos siya'y mabuwal sa kanyang kinalalagyan. Sariwa pa ang dugong umaagos mula sa pisak na mata, basag na bungo, at lasug-lasog na katawan-- Isang dispormadong katawan ng batang babae!
khit maikli, kkpanindig balahibo ung patay s huli.
ReplyDeletegrbe, skto s mga problema ng lipunan ntin.
hehe, salamat po sa iyong mahusay na pagtugon :)
ReplyDelete