Friday, March 23, 2012

No. I'll Never Fall inlove with a Bad Boy : Chapter 1

Chapter 1



"Magiging maganda ang buhay mo sa taong ito! Kakaiba at exciting!"




*Yawn*




=___=



            Nakakairita. Nakakainis. Nakakainip. Arg. Nasa loob ako ngayon ng isang bahay na hindi ko naman kilala kung sino ang may-ari. Ang liit ng bahay at halos puro antigo na yung mga kagamitan. Ang bago lang yata dito ay itong 36" Flat screen TV na LG ang tatak na nakapatong sa antigong lamesa sa may sala nya.




           Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ko rin alam. Basta ang pakay ko lang naman ay ang magtanong ng direksyon, dahil nalimutan ko ang daan papuntang school. Sabi ng isang babaeng natanungan ko ay dito raw ako magtungo at talagang makakatulong daw yun kasi raw ang magaling na manghuhulang si Stella ang nakatira dito. Manghuhulang wala namang baraha o kaya bolang crystal man lang.




         Pero wala akong pakielam dun. Direksyon lang naman yung tinatanung ko, kung anu ano ng pinagsasabi ng babaeng 'to. Sa totoo lang, hindi nya pa sinasagot yung tanung ko sa kanya. Tss.
"Maganda ang nakikita ko sa iyong pag-aaral. Mangunguna sa lahat at kaiinggitan ng marami!" sabi nya na halos mas excited pa sa akin.




"Magkakaroon ka ng tatlong TOTOONG kaibigan." dagdag pa nya.




Talagang pati yung bilang nang magiging kaibigan ko eh alam nya ah? Kaibigan. Wala akong balak. Mas gusto ko ngang wala na lang at ayoko ng maraming isipin. Sanay na rin naman ako.




"Napaka-loner mo naman! Hindi ka mabubuhay ng walang kaibigan!"


 




O____O  EHH?












Panu nya nalaman yung iniisip ko


"Ehem.. Anyway.. Magiging maganda at interesting ang magiging lovelife mo! Ayyy.. nakakakilig!" sabi nya na para bang kumikinang yung mga mata.


"Huh?" lang ang sagot ko.


"Anong huh? Sabi ko magkaka-lovelife ka. Bingi."


"Ehh? Ha ha ha ha! Ako? Love life? Imposible.. Wala akong balak." sagot ko habang nag no-NO SIGN sa kanya.




"Walang imposible! Lahat ng sinasabi ko ay nagkaka-totoo!" protesta nya sa akin. Parang bata naman 'to. Nagpa-pout pa.




Di na ko sumagot. =__=  Ayokong makipag-away sa bata.


"Yun nga lang.." napatingin ako bigla sa kanya. Bakit parang excited yung mukha nya?








^_________^ huh?






"..yung lalaking magugustuhan mo.." okay. Paputol-putol. Tss.




"Ano po? Aalis na po ako ah.. Baka kasi ma-late na ko eh.." sabi ko at akmang tatayo na ng pigilan nya ako.




"Oy. Oy. Oy. Teka lang! Hindi pa ako tapos diba.. Kung gusto mong malaman yung direksyon papuntang St. Laurent University., ay makinig ka sa sasabihin ko."


"Hay.. okay fine. Pakibilisan na lang po sana.." sabi ko sa kanya. Nakakinip talaga. Buti na lang at maaga-aga akong umalis ng apartment ko ngayon.


"Good. Umm.. you see.. yung lalaking mamahalin mo.. ay yung lalaking kabaligtaran ng pinapangarap mo." sabi nya na sadya namang nagpa-gulo ng utak ko.


"Huh? Hindi ko po maintindihan.." totoo naman kasi. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nya.




"Ibig kong sabihin.. hindi gentleman, caring, sweet, serious, lovable at kung anu-ano pang magagandang traits sa isang lalaki ang taong makakatuluyan mo." nakangiti nyang sagot sa akin.




"Ibig sabihin.. yung.. lalaking magugustuhan ko.. ay--"




"Anu ba yan! Ang tagal mo namang magsalita.. Tss.. Ibig sabihin ang lalaking magugustuhan mo ay isang BAD BOY.." she air quotted the word Bad boy.




"Pft! Hahahahahahaha.. Sorry po.. Pero sa totoo lang.. Hindi naman po kasi ako naniniwala sa mga hula eh. Isa pa, hindi pa ako naiinlove.. And.. No. I'll never fall inlove with a bad boy.." sabi ko at tumayo na. Naglolokohan lang naman yata kami dito eh.




"Okay. Siguraduhin mo lang yan ah? Kasi kung hindi.. kakainin mo lang lahat ng sinabi mo ngayon." bigla akong nanlamig sa mga sinambit nya. Para bang confident na confident sya.




"S-sige po.. Pwede po bang sabihin nyo na lang kung saan po ang direksyon papuntang St. Laurent?" tanung ko sa kanya. Ayoko nang makipag-usap pa dito.


"Lumabas ka lang ng pinto." nakangiti nyang sagot.




"Huh?"




"Labas ka ng pinto." ulit nya. Ano? Hindi rin pala nya sasagutin yung tanung ko. Tss.




Lumabas na lang ako ng pinto at narinig ko namang nag-bye sya sa akin, pero hindi ko na nilingon. Kaso halos malaglag na yung mga eye balls ko sa gulat.




Nasa harapan na ako ng St. Laurent University. EEEHHH?




Pagkalingon ko naman ay wala na yung bahay ni Stella.




"Eh? Asan na yun? B-bakit.. p-paanong.. EEEEEHHHH???" palingon-lingon at paikot-ikot ako sa paghahanap ng bahay ng manghuhula. T-teka? Nanaginip ba ako?




Kinurot ko yung sarili ko. Naramdaman ko. Okay naman ako. Ibig sabihin..?
Aaaahh! Mababaliw na ko. Nevermind. Nevermind. Kalimutan mo na yun Jaden.




Naglakad na ako papasok ng university. Napakalaki talaga ng St. Laurent. Halos lahat ng buildings eh 5-storey. Bago lang ako dito. Freshmen at isang scholar. Sa mahal ng tuition fee dito ay talagang kailangan kong kumuha ng scholarship. Lalo na't ako lang naman ang nagpapaaral sa sarili ko. Hindi sa wala akong mga magulan. Meron. Ang lulusog pa nga eh. Lumayas lang ako sa amin. Ang dahilan? Hindi ko gustong tumira sa ganung klaseng bahay at makasama ang ganung klaseng mga magulang. Nagta-trabaho ako sa isang coffee shop at sapat naman ang salary ko para sa isang buwang gastusin. Malaki rin naman ang sinasahod ko at isa pa, scholar ako kaya halos lahat dito ay libre. Liban sa pagkain, syempre. Mayroon din akong 15,000 allowance every month na provided ng University na ito kaya okay na rin.




Binuksan ko ang bag ko at dinukot yung notebook na pinagsulatan ko ng schedules ko.
"Mmm.. Room 3401.." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya naman hindi ko rin napansing may mabubunggo pala ako.


"Aaack! Aray.." himas ko sa likod ko ng matumba ako. Tumingin lang yung babaeng dambuhala na nabunggo ko. Ayos 'to ah? Sabunutan ko kaya ito? Tss..




Pagkatayo ko eh napansin kong hindi lang pala itong babaeng 'to ang nasa harapan ko. Ang dami nila at talagang nagkukumpulan pa sila na para bang may inaabangan.


"Eh..? Anung meron?" sabi ko ng mahina. Para akong baliw na kinakausap ang sarili.


"Si Jad Saavedra." nagulat ako ng biglang may nagsalita kaya naman napalingon ako bigla.


"Hi.." nakangiting bati sa akin ng isang Dyosa. Shet lang. Ang ganda nya.. ang puti.. mala-anghel ang mukha.. Maaliwalas.. Grabe.. Totoo pala ang mga Dyosa. Okay.. Exagge na masyado.


"H-hi.." mauutal-utal kong bati na may halong wave ng kamay.




"Andyan na sya.." sabi nya sabay balik ang tingin sa nagkukumpulang mga babae.




"Huh?"


"Si Jad Saavedra.."


"Sino ba yun? Artista ba?" inosenteng tanung ko. Syempre, wala naman akong idea kung sino yun.




"Ha ha ha.. Hindi. Si Jad Saavedra ang pinakasikat na lalaki sa University na 'to. College freshmen din sya pero nung highschool pa lang pinagkakaguluhan na sya." sagot nya sakin. At bigla namang nagtilian tong mga babaeng nasa harapan namin kaya naman lumipat kami sa kabilang side. Mabibingi na ako. Pramis.




"Aah.. Model student siguro sya.." sagot ko habang nag-aabang din sa Jad Saavedra na dadaan.




Curious lang :/




"Ha ha ha." bigla namang natawa tong babaeng 'to. May nakakatawa ba sa sinabi ko?




"S-sorry.. Yung sinabi mo kasi.." huh? anong sinabi ko? "..kabaligtaran yun."


"Huh?" okay. Di ko gets. Sloooooow koooooo..




"Si Jad Saavedra.. Oo.. sikat sya dito. Sikat na sikat. Halos lahat ng babae rito eh nahuhumaling sa kanya. Gwapo, mayaman at matalino.. pero.. yung sinasabi mong model student ay imposibleng mangyari." nakangiti nyang tugon.




"Eh? Naguguluhan talaga ako.."


"Ibig kong sabihin ay hindi sya isang model student. Matalino nga sya pero hindi sya matino. Womanizer, basagulero at may pagka siraulo sya. Marami syang binu-bully, at ilang beses na rin syang nag-overnight sa presinto. Bad Boy, ayun. Pero, kahit ganun sya ay marami pa ring humahanga sa kanya." habang sinasabi nya yun ay para bang lutang sya.




" I don't quite get it. Mas marami ang negatibong sinabi mo sa kanya pero ang dami ring nagkakagusto sa kanya. Ganun ba talaga ang mga tao ngayon? Bulag na? Tss.." sagot ko naman.




"He he.. Oo nga eh. Marami na talagang bulag ngayon." mahina nyang sabi na para bang dismayadong ewan. "..umm.. sige.. Kailangan ko ng bumalik sa classroom ko at malapit ng mag-umpisa yung first class ko. Nice talking to you!" sabi nya sabay takbo palayo.




Weird.




Lalo namang lumakas yung tilian ng mga babae na nasa kabilang side kaya napalingon ako bigla. At napansin kong may mga grupo ng kalalakihang naglalakad sa gitna. Sila siguro yung pinagtitilian ng mga babae.




"Kyaaaa! Jad! Prince Jad! I love you!" grabe parang mga baliw lang.




At nakita ko nga ang Jad Saavedra na pinagkakaguluhan nila. Isang lalaking matangkad, maputi, gwapo, pero mukha ngang basagulero. Itim pero may highlights ang buhok, nakasuot sya ng itim na jacket na nakatupi ng 3/4. At oo.. ang angas angas nyang maglakad. Yung mga lalaking nakasunod naman sa kanya. Gwapo rin at mukhang basagulero. Para silang gangster.




Ayoko namang mag-aksaya ng oras kakatingin sa mga 'to kaya naisipan kong umalis ng biglang naglaglagan ang mga librong bitbit ko.


"Ay.." 


Umupo ako para pulutin isa-isa yung mga libro. At nang yung pinaka-LAST na libro na lang ang kailangan kong pulutin ng biglang may sumipa rito at napunta sa halamanan.


"Ack! Shit!" sabi ko at napatingin sa sumipa.




Si Jad Saavedra.




Tumayo ako at hinarap sya. "Ano bang problema mo?" tanung ko at aalis na sana ako papalayo para kunin yung libro ng bigla nya akong hilahin dahilan para maglapit yung mga mukha namin.




He smirked at me, hold my nape and...




put his lips unto mine..




I froze. Hindi ko alam yung gagawin ko. Naririnig ko yung mga babaeng nagpoprotesta habang nakatingin samin.




Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.




WTH?!




First Kiss at dito pa sa siraulong 'to!




Maya-maya ay naramdaman kong gumagalaw yung mga labi nya. What?! NO WAY!




Bigla akong napaurong at sinampal sya.




Yes. I slapped him.




I heard everybody gasped. At sya naman eh napatingin sakin na halatang nagulat sa ginawa ko. Ano bang tingin nya sakin? Magugustuhan ko yung ginawa nya? No way! Hindi nya ako fan! And I'll never be.


"What, miss? Playing hard-to-get?" he smirked again at akmang hahawakan nanaman ako ng bigla ko syang sinuntok. Lahat sila nagulat sa ginawa ko.




Babae ako. Pero hindi ako mahina.




"W-wag mo kong hahawakan! I HATE YOU!" sigaw ko, nakita ko yung gulat na mukha nya habang nakatitig sya sakin..




Nakatingin silang lahat kaya tumakbo ako papalayo sa kanila. Halos mangiyak-ngiyak ako. Anong tingin nya sakin? His average girl? ANG KAPAL NG MUKHA NYA!




Narinig kong minumura ako ng mga babae na nakakita sa ginawa ko. Wala akong pake! This first day is the worst day ever!




Bakit ganito agad yung nangyari sakin? Asan na yung college dream ko?




Napahinto na ko ng napansin kong wala ng masyadong tao. Naupo ako sa ilalim ng malaking puno na nakita ko. I sighed.




Yes.. Everything changes in college.




Pero hindi naman ganitong pagbabago yung gusto kong mangyari sa buhay ko. Pakiramdam ko magkakaroon agad ako ng maraming kaaway sa school na 'to. Bakit kasi ako pa? Damn it!




Inayos ko na lang yung gamit ko at naalala ko yung librong naiwan ko dahil sa siraulong lalaking yun. Ack! Naiinis talaga ako! Bahala na nga lang!
Buti na lang at walang ganung tao sa napuntahan ko, ang hangin pa kaya naman nakakarelax. Dito na lang muna ako. Ayokong may makakita sakin.




*******




Naglalakad ako papunta ng room para sa first class ko. Buti naman at wala na yung mga fan girls na yun, kung hindi baka kanina pa ko naging malamig na bangkay. Mga mascom students sila, nalaman ko dahil sa ID lace nila. Swerte ko talaga at hindi ako nag Mascom.




Pagkapasok ko ng room, marami ng tao. Naupo ako sa may bakante sa likuran kung saan wala akong katabi. Ayoko kasi ng may makikipagdaldalan sakin.




Maya-maya dumating na yung prof namin. At what-the-hell lang. Ang gwapo nya! Mukha pang binata. Halos lahat ng babae sa classroom namin eh naka-glue yung mata sa kanya.


“Good morning everyone.. I'm Architect Drake Yuuson.. and I'll be teaching you Design 1." sabi nya samin after isulat yung pangalan nya sa white board.


"Hi sir." napaka-flirty na sagot ng mga classmates kong babae.


"So... you can ask me some questiongs regarding on our--" 




"Sir? Are you married?" one of our classmates cutted him off. Grabe lang ah? Straightforward question.




Tumawa si Sir ng mahina. Malamang eh sanay na sa mga ganyang klaseng tanong.


"Yes.. I already has a wife. With two kids." sabi nya habang nakangiti. Hay nako.. kung alam lang nya kung gano karaming babae ang nasira ang pangarap sa sagot nyang yon.
Nakakatawa sila.


"Okay.. so.. I guess.. pwede na kong magproceed? Hindi naman na uso ang intoductions sakin.. so save it for other subjects na lang." sabi ni sir. Mukhang maglelesson kami agad ah. Hmm..




Natahimik na ang buong klase at nagnonotes ng mga dindiscuss ni sir.


"Sir.. Sorry I'm late." lahat sila, napahinto sa pagsusulat at tumingin sa pinto.


"Okay.. maupo ka na.." sabi ni sir. Hindi ko gaanong pinapansin yung late na yun. Anong oras na kaya. 30 mins late na rin sya. Mga estudyante talaga.




"Okay.. class.. Please lang.. Try your best na wag ma-late. Sayang yung mga lessons." sabi ni sir.
Naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Geez. Bakit dito pa? Ang dami daming bakanteng upuan. Ayoko nga ng katabi eh.




Di ko na lang pinansin at dire-diretso akong nagsusulat. Hindi ko alam kung bakit nagbubulungan yung mga classmates kong babae, pero dahil nga sa wala akong pake.. eh hindi ko na rin pinansin.


"I belive this is yours.."  bigla akong natigilan sa pagsusulat ko ng makita sa harapan ko yung libro na naiwan sa halamanan kanina. Napatingin ako sa may hawak ng libro. At halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko.




B-bakit nandito sya?




He grinned at me na para bang nababasa na nya yung nasa isipan ko. I snapped at inayos yung pagkakaupo ko sabay hablot ng libro sa kamay nya.




"Ooops! Sino naman nagsabing ibibigay ko 'to sayo?" kinuha nya ulit yung libro sa kamay ko at nag smirk.


"Akin na yan!" sabi ko pero pabulong lang. Ayoko ngang mapagalitan kami si Sir.




"No way.." at ipinasok sa loob ng bag nya yung libro ko. Peste talaga!




"What's your problem?" tanung ko sa kanya. Nakakairita kasi.




He shrugged. "Nothing... Just for fun.


Then he grinned at me. What the hell's wrong with this guy? Ang daming nagkakandarapa sa kanya, kahit nga siguro ilampaso nya pa sa sahig eh okay lang sa kanila. Bakit ako pa napili nyang pagtripan? Arg.




I rolled my eyes. Wala ng mangyayari sa pakikipag-usap sa lalaking 'to. Hindi ko na sya pinansin at nagsulat na lang. What the hell lang talaga....




Architecture din ang course nya. Magka-block kami. Seatmates pa kami. Isn't that great?




College life will gonna be living hell for me.








3 comments:

  1. si jad na si bad boy! hwahahaha!

    na-curious naman ako dun sa umpisa! yung sa manghuhula na biglang nawala ang bahay! hmm~

    ReplyDelete
  2. nice update
    i think this will going to be exciting
    i'm going to watch out for more
    update po agad miss author

    ReplyDelete
  3. ang gnda nmn nito. sna update n ito agd!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^