Chapter two
Bwiset talaga! Bwiset! Bwiset! Bwiset! Bwi-- Arg!
Bakit ganito ako ngayon? Eto lang naman kasi ang nangyari..
*Flashback*
"Ano? Ha? Papalag ka? Ang kapal lang ng mukha mong halikan sya!" tulak sakin ng babae, dahilan nag pagkakasandal ko sa mga locker. Ang sakit sa likod.
"Hoy! Bago ka lang sa school na 'to! At talagang tumabi ka pa sa kanya ah? Taking advantage 'cause you're in the same section?" sabat naman ng isa pang babae.
"T-teka nga? Ako? Humalik sa kanya? Kitang-kita nyo naman diba? Sya yung humalik! Hindi ako! At kahit kailan, hinding hindi ko ginustong tumabi sa siraulong yun. Wala akong pakeelam sa lalaking yun, kung gusto nyo eh abangan nyo sya parati sa harap ng gate at sunggaban sya ng halik." sagot ko sa mga babaeng 'to. Mga echosera. Ang papanget na nga, ganyan pa yung ugali.
"Siraulo? Look at yourself bitch! Nakapasok ka lang sa school na 'to dahil sa scholarship, kasi nga wala kayong pera! Kaya kung ikukumpara kay Jad--Prince Jad, e basura ka lang. NO. Mas masahol ka pa sa basura. Ha ha ha ha ha ha." pinagtatawanan nila akong lahat.
"Kaya ako nakapasok sa university na 'to e dahil sa utak ko. Hindi katulad nyo na pineperahan lang bawat subjects para makapasa. Okay nga, mayaman kayo, punong puno kayo nang luho kaso pinagkaitan naman kayo ng magandang ugali.. tsaka itsura." para silang takureng kumukulo ng marinig yung mga sinambit ko. Ako pa talaga inaway nila huh.
*End of Flashback*
Oh diba? Leshe lang! Kasalanan to ng lalaking yun eh! Kahit kailan eh hindi ko pinangarap na mapansin ng mga tao, lalo na't sa ganung klaseng paraan! Nakapagtapos nga ako ng highschool ng wala man lang nakakakilala sa akin. Ultimo teachers at mismong adviser ko hindi ako kilala. Pero wala naman akong problema dun, mas okay nga yun eh.
Kaso ngayon? Leshe lang talaga. Kasalanan mo 'to Jad Saavedra! Mamatay ka na!
*****
=________=
*yawn*
Nakakabagot naman talaga dito. Hindi kasi si Ar. Drake yung prof namin ngayon, sa design lang namin sya prof kaya naman nakapanlulumo yung atmosphere dito. Yung mga kaklase kong babae eh halatang walang kagana-gana.
Pero ang pinaka-nakakawalang gana ay itong katabi ko.
"Hindi mo ba ako tatantanan?!" mahinang sigaw ko sa kanya. Baka marinig pa nung prof, yari ako nyan.
Kanina pa ako ginugulo ng katabi kong 'to. Kakalbuhin talaga kita once na makalabas na tayo dito!
"Ang panget mo magalit.. Pft.. Ha ha.. H-hindi.. pft.. bagay! Ha ha ha ha." pabulong na sabi nya habang pinipigilan ang pagtawa.
Kung kaya lang pumatay ng mga nanlilisik na mata kong 'to, malamig na bangkay na tong katabi kanina pa. Pusha! Kairita lang!
"Leche! Ewan ko sayo! Mamatay ka na lang!" sabi ko ulit ng pabulong.
"The two of you at the back. Baka gusto nyo namang ibahagi yung kwentuhan nyo sa buong klase?" natigilan ako bigla at napatingin sa nagsasalita. Leshe. Nakatingin na sa amin yung prof. Napayuko na lang ako bigla. Nakakahiya T^T
"Ano? Gusto nyo bang i-share o pi--"
"Hindi mam.. samin na lang yun. Kaya nga nagbubulungan kami diba?"
O______________O
Si Jad lang naman. SINAGOT YUNG PROF.
Dahan dahan kong nilingon tong katabi ko. adakfjakgvmsdlgdl. Siraulo ba sya?! Oo. Siraulo sya, pero wag syang mandamay! Leshe. Leshe. Leshe. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
Nakatingin ang lahat sa amin. Halata sa kanila ang pagkagulat at promise.. kung nakikita nyo ang hitsura ni Mam ngayon, baka maihi kayo sa mga salawal nyo.
"Both of you.. give me your IDs." nakangiting sabi ni mam na halatang nagpipigil na manapak ng estudyante.
"Eh panu kung--"
"Ito na po Mam! Sorry po talaga! Hindi na po mauulit!" hinablot ko yung ID ni Jad at ibinagay kay mam.
"Okay class dismissed. And the two of you.. Please make a letter of apology para makuha yung mga ID nyo." sabi ni mam at lumabas na ng classroom.
Bumalik na ako sa pagkakaupo, i let out a heavy sigh at tumingin ng masama kay Jad.
"Kasalanan mo 'to." bulong ko sa kanya sabay tapak sa paa nya.
"Ow! Masakit yun ah!" reklamo nya.
"Oh talaga? Eto pa oh! Yan! Eto pa!" sigaw ko habang pinagpapalo sya.
"Hoy! Sumosobra ka ng babae ka ah!" tumayo na sya at dinuro-duro ako kaya tumayo na rin ako.
"Ako pa ngayon yung sumosobra? Ikaw nga tong may kasalanan kung bakit tayo napagalitan!"
"Hindi ko kasalanan kung ang panget mong magalit! Nakakatawa naman talaga ah!" i heard everybody smirked pagkatapos sabihin yun ng unggoy na 'to.
"A-anong sabi mo? Bakit sa tingin mo ba gwapo ka? Leche! Bakit ba kasi ang malas malas ko! Alam mo bang na-bully ako kanina sa may locker area dahil sayo! Tapos ngayon, nakumpiska naman ID ko! Pwede bang tantanan mo na lang ako! Aaaaaaarrrrg! Leche! Leche! Leche!" natahimik bigla si Jad at para bang nagulat sa sinabi ko. Nakatingin sa amin ang lahat, pati yung ibang estudyante na kanina lang ay nakatambay sa corridor eh nakasilip na sa room namin ngayon. Kinuha ko na yung bag ko para makalabas na nang room nang pigilan ako ni Jad.
"S-sino yung mga nangaway sayo?" bigla akong napatingin kay Jad. Huh? Bakit nya tinatanong? Pasasalamatan nya? Ganun?
"Ewan ko. Di ko kilala. Dyan ka na nga!" sabi ko sabay labas ng kwarto.
Sinusundan ako ng mga tingin at bulungan ng mga estudyante na nakatambay sa corridor. Mga tsismosa! Wala na ba silang magawa sa buhay nila?
Dire-diretso akong lumabas ng arki-building. Walang lingon lingon o kahit anu pa. Ayokong mag-aksaya ng oras sa mga tao dito. Akala ko na magandang university 'to? Eh bakit parang pera lang naman nagpapatakbo dito?
Napahinto ako sa paglalakad nang biglang nag-ring yung cellphone ko. Gumilid muna ako bago sagutin yung tawag.
"Hello?"
"Jaden? Si Sophia 'to. Libre ka ba mamaya? Kailangan kasi ng mga tao sa shop ngayon eh."
Si ate Sophie lang pala. Sya ang manager ng coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Mabait at maganda si Ate Sophie kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh single pa rin sya.
"Opo! Sige po ate Sophie, libre po ako ngayon!" sagot ko sa kanya.
"Ah. Sige, sige.. Buti naman! Aantayin kita dito. Ingat."
Pagkatapos ng pag-uusap ay dali-dali na akong naglakad papuntang coffee shop. Excited ba? Oo, excited ako. Masaya ako pag pumupunta sa coffee shop. Bukod sa naeenjoy ko yung trabaho, naeenjoy ko din yung scenery dun! Nandun kasi si...
Kyaaaaaahh! Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako! Dahil nandun si Ed! Ang number-one-ultimate-CRUSH koo <3 Ang gwapo nya, at ang bait bait pa! Sya kasi yung barista namin sa shop, at promise! Pag natikman nyo yung kape na ginawa nya.. maiinlove din kayo!
Pwe. Landi ko =___=
Pero *sigh* one-sided love lang naman yun. Kahit kailan, hinding hinding hinding hindi ako magugustuhan ni Ed. Parang magkapatid lang din kasi ang turingan namin sa isa't-isa. Isa pa, may girlfriend sya na sadya namang napakaganda at ubod na bait. Maputi at maamo ang mukha.
Kumpara sa akin T^T
*******
"Good Afternoon! Welcome to Ai CĂ ffe!" bati ko sa bawat customers na papasok sa shop.
"Jaden! Pakikuha naman yung order sa table 24!" pakiusap sa akin ni Ate Sophie. Agad agad din naman akong nagtungo at kinuha ang mga order nila.
Masaya talaga dito sa shop. Sa totoo lang, sila na rin halos ang naging pamilya ko. Nag-umpisa ako dito magtrabaho nang magsimula ang summer vacation. Yun din yung araw na umalis ako sa amin para mamuhay ng mag-isa. Mmm.. to think of it... almost three months na pala akong nagtatrabaho sa shop. Kung tatanungin nga naman kung may mga kaibigan ba ako, ay masasabi kong sila na yun. Sila lang naman ang nakakausap ko sa mga bagay-bagay.
"Oy! Ed, eto na!" binigay ko kay Ed yung list ng mga order nang nasa table 24.
"Salamat. Oo nga pala, Jaden.. Second day mo na ngayon sa college diba? Anu nga uli course mo?" tanung sakin ni Ed.
"Architecture." matipid na sagot ko.
"Kamusta naman sa school? Maganda raw sa St. Laurent University diba? Sigurado akong maganda rin ang quality ng education dun." usisa sakin ni Ed pagkatapos ibigay kay Mang Bert, cook namin sa shop, yung listahan ng mga orders.
Inilapag ko yung tray na hawak ko sa nook, naupo at huminga ng malalim.
"Ha ha. Oh bakit? May problema ba?" natatawang tanung nya sa akin habang inuumpisahang punasan yung nook.
"Wala. Wala lang kasing kwenta, Ed." sabi ko at lalo pa syang natawa.
"Bakit naman?" nakangiti nyang tanung sa akin, na para bang excited malaman ang mga nangyari.
"Eh paano ba naman kasi.." at ikinuwento ko nang buo sa kanila ang bawat detalye nang nangyari sa first day at ngayong araw.
"Ha ha ha ha ha ha ha.. Ang epic naman pala eh! Parang anime lang!" tawa ng tawa tong si Ed
=__=
"Ugh. Glad you think it's funny. Geez." at lalo pa syang natawa.
"Ang malas mo nga. Ha ha.." sabat naman ni Monica, waitress din dito, na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin ni Ed.
"Diba? Diba? Nakakairita!" sabi ko habang tinataas yung tray na nilapag ko para mapunasan ni Ed ng maayos yung nook.
"Ha ha.. First Kiss? Gwapo ba? Anung feeling?" isa pa tong si Monica. Tss. Ang akala ko pa naman eh dadamayan nila ako. Mangaasar lang din pala.
"Tse! Ewan ko sayo.." sabi ko at nagtawanan naman silang lahat.
"Hoy.. kayo dyan. Tigilan nyo na yan at marami pa tayong customers! Mamaya na kayo magkwentuhan.." saway sa amin ni Ate Sophie.
"Haaaaiii!" lahat kame.
*****
"Grabe. Sophie ang dami mong customer ngayon ah.." sabi ni Mang Bert na halata namang pagod na pagod.
Nagliligpit na kami ngayon at magsasara na yung shop. Sobrang dami naman talaga nang customers kanina kaya pati ako eh sumasakit yung katawan.
"Sophie.. una na kami ah! Bye!" paalam nila Bryce at Demi. Ang mag-asawang nagtatrabaho sa shop. Ang cute cute nga nang anak nilang si Lucas eh. Grabe :3
At ang kulit din. Grabe =___=
Naging baby-sitter din kasi ako nang pasaway na batang yun, at PRAMIS mababaliw kayo sa kanya. Pero kailangan ko ng pera, kaya kahit ano, wag lang pagiging Prosti, eh papasukin ko!
"Ingat kayo! Oh, ibigay nyo to kay Lucas para pasalubong!" sabi ni ate Sophie at nag-abot ng ice cream cake na gawa mismo ng shop. Magaling kasi si ate Sophie sa paggawa ng mga sweets at pastries.
"Salamat Sophie.. Sige mauna na kami ah." muling paalam nila at umalis na rin.
"Ah. Ate Sophie, ako din. Una na ako at maaga pa ang pasok ko bukas!" sabi ko naman.
"Sige, Jaden. Ikaw lang mag-isa? Magiingat ka ah. Oh, eto oh, para hindi ka na magluto pa at makapagpahinga ka na rin. Salamat sa pagtulong mo ngayon ah, kahit na day-off ka.." sabi naman sakin ni Ate Sophie at nagabot nang Carbonara na gawa ni Mang Bert at cake naman na gawa niya.
"Waahh.. Carbonara.. Kilalang kilala mo talaga ako ate Sophie, salamat!" sabi ko nang matanggap ang pagkaing bigay niya. Masarap kasi magluto si Mang Bert, at paborito ko talaga yung Carbonara nya.
"Sige ate Sophie! Uwi na ako ah! Ingat kayo! Monica, Ed! Bye bye!" paalam ko at umalis na rin. Wala namang curfew yung apartment na tinutuluyan ko, kaso kailangan ko na talagang umuwi at magdadraft ako ngayon. Ang sipag kasi magbigay ni Sir Drake ng plates eh. =___=
Nang makarating na ako sa maliit kong apartment, ay agad agad akong dumiretso ng kwarto para magbihis. Inilapag ko ang pagkaing bigay sa akin si ate Sophie sa napakababang lamesa na nabili ko sa Surplus Depot malapit lang dito. Mura eh at ayoko ng upuan kaya naman ito ang binili ko. Ano bang mga gamit sa apartment ko? Lamesang maliit na kapag kakaen ka ay uupo ka na lang sa sahig, mga throw pillows na nakabalot sa plain moss green na punda, flatscreen TV na binitbit ko pa nang maglayas ako sa amin, kasama na ang laptop, I-pod, cellphone at DSLR ko, mini ref na puro ice cream, yogurt, cake, cookies at pineapple juice ang laman, single range, at isang mahabang book shelf.
Sa kwarto ko naman ay may built-in cabinet na, kaya maliit na drawer na lang ang kinailangan kong bilhin, ang higaan ko naman, banig at comforter lang. Para maluwag, ayoko nang mag kama-kama pa. Panu ko to napagkasya sa napakaliit na kwarto? Hindi ko alam, yung land lady naman kasi yung nag-ayos nito at hindi ako. Marunong siguro sya mag magic kaya napagkasya nya ang mga 'to.
Matagal na akong sinasabihan nila Ate Sophie na lumipat nang ibang apartment na matutuluyan pero hindi ako sumasang-ayon. Ayoko nang maglipat pa, isa pa, mura lang ang renta dito, kumpleto pa sa lahat, kahit maliit lang ang kwarto ko eh may banyo naman. Pang-dalawang tao lang talaga ang apartment na 'to.
Binuksan ko yung laptop ko at nag log-in sa YM ko, puro mails lang naman ni mommy ang nandito, pinapauwi na ako. Hindi ko naman binabasa lahat at diretso na yun sa Trash box. Ayoko nang magbasa pa nang mga walang kwentang messages.
Inilipat ko na yung Carbonara na nakaplastic sa nag-iisa kong bowl. Mas gusto ko ditong kumaen kesa sa plato. Tumayo ako at kinuha ang pineapple juice sa ref na pinagkakasya ko sa isang linggo. Onti na lang pala, kailangan ko nang bumili.
Nag-umpisa na akong mag-draft kahit na kumakaen pa ako. May drafting table din naman ako dito na mababa lang din, hindi nga lang ganun kalaki pero pwede na yun sa 36" na T-square ko.
*yawn*
Grabe lang, wala pa ako sa kalahati pero nakakaramdam na ako nang antok. Bukas ko na lang itutuloy 'to sa loob ng classroom, pinapaumpisahan plang naman samin 'to ni Sir eh. Niligpit ko na ang mga gamit ko at saka naglatag nang higaan, matutulog na ako at ayokong ma-late bukas.
******
"Ang ingay.. ang aga aga puro tsimisan agad mga tao dito." bulong ko sa sarili ko. Naglalakad ako ngayon sa may corridor, at as usual, lahat nang fan girls ay nagaabang kanila Jad, sa siraulong yun.
Hindi na ko tumingin o nakiusyoso pa, wala rin naman kasi akong pakielam dun. Dire-diretso na ako papuntang locker area nang bigla kong nakasalubong yung tatlong babae kahapon na nambully sa akin. Ang sama nanaman ng tingin nila. Kaso anung nangyari sa mukha at buhok nila? Para silang manikang pinagugupit ang mga buhok at puro pasa. New style? Hmmm..
"W-woah.. nice hair?" yun na lang ang nasabi ko dahil nanlilisik na talaga mga mata nila sa akin.
"Kasalanan mo 'to! Magbabayad ka!" susugurin na sana ako ng matabang babae pero pinigilan sya nang kasama nya.
"Shelly, tama na.. Lumayo na lang tayo sa impaktang yan!" sabi nang nang-awat sa kanya.
"Ako? Impakta? Eh ano pa kaya itsura nyo ngayon?"
"Maswerte ka babae! Nakakainis pero pag tapos na sya sayo, babalikan ka talaga namin!" sabi nung isa na dinuduro-duro pa ako, at nag-walk out na silang tatlo.
"Huh? Ano yun?" napaisip tuloy ako sa sinasabi nila. Anung pag tapos na sya sa akin? Sino?
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang locker area. Buti na lang at naisipan na nila akong tantanan.
"Yo." eto pang isa, ang aga aga sya na agad bubungad sa akin.
"....." hindi ko sya pinansin at pumunta na akong drafting table ko para makapag-umpisa na.
"Huy.."
=______=
*poke*
~______ ~
"Sungit." *poke*
=_____= "
"Huy.. su--"
"Ano ba?!" halos matumba na sya sa kinauupuan nya nang bigla ko syang hinarap.
"Ayun.. pinansin mo rin ako.. Ha ha ha." para syang bata, tuwang tuwa masyado.
I sighed in disbelief. "Ano nanaman ba?" mahinahon kong tanung sa kanya habang idinidikit yung A3 ko sa drafting table gamit ang masking tape.
"Wala naman.. tapos ka na?" tanung nya habang nilalabas naman sa canister yung mga gamit nya.
"Hindi pa." matipid kong sagot.
"Ah.. parehas tayo.. he he he." so? tuwa ka na dun. Napaka-isip bata =___=
Nakakairita tong lalaking 'to. Panu kaya 'to naging babaero? Parang nanay ang kailangan nya eh, hindi babae, pero babae rin naman ang nanay diba? Ah! Ewan! Kung anu-anong pinag-iisip ko!
Nang naidikit nya na rin yung gawa nya sa drafting table nya eh halos lumuwa yung mata ko sa nakita ko. Gawa nya 'to?
"Eh? Gawa mo yan?" tanung ko sa kanya.
"Oo. Bakit?" wala naman, para kasing pineke mo lang. Pero syempre, hindi yun yung sinabi ko.
Mas malala pa dun.
"Wala. Sigurado ka? Sinong binayaran mo sa paggawa nyan?" oh diba?
"A-ano? Ang yabang mo ah! Bakit? Patingin nga ng sayo! Ang panget sigur-- Wow! Gawa mo 'to? Ang galing mo pala, may background ka rin ba sa drafting?"
o___o
Nagulat naman ako sa reaksyon nya sa gawa ko. Oo, may background ako sa pagdadraft pero syempre, itatanggi kong meron.
"W-wala. First time ko lang yan." sagot ko sa kanya at bumalik na ako sa pagkakaupo ko para mag-umpisa.
"Ah.. ang galing mo pala." ngumiti sya sakin at ginulo yung buhok ko.
O//////////O e-eh?
B-bakit pakiramdam ko nagiinit yung pisngi ko? Lalagnatin yata ako ngayon. Waah! Wag naman sana.
Maya-maya, dumating na rin si Sir Drake kaya natahimik na ang buong klase at nag-umpisa nang gumawa. Napapatingin tuloy ako kay Jad habang gumagawa sya, pano ba naman, halatang naeenjoy nya yung ginagawa nya. Para lang syang bata. Eto ba talaga yung basagulero at babaerong sinasabi nila?
Para lang kasi syang bata para sa akin.
ihhhhhhhhhhh!!! kakkilig nmn 2!!!!!!!! jad ang lndi mu!!!!!!!!! XDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
ReplyDeleteprang bata daw! wushhhhuuuu!
ReplyDeletenxt pu agd miz thece!
update na yan!
ReplyDeletenext na sis!
wiiih! ang cute lang ni jad. haha.
ReplyDelete