Friday, March 9, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 7

[Interview with the Prince]

Dumating ang araw ng sabado. Balak sanang sunduin ni Ian si Jen sa bahay nila pero hindi pumayag ang dalaga. Mahirap na dahil baka makita pa ito ng kuya niya.

JEN : Mommy Alis na po ako (paalam ni Jen sa ina sabay halik sa pisngi nito)

QUEEN : Mag-iingat ka Angel..

Angel ang tawag sa kanya ng mga magulang. Ang kua niya lang ang tumatawag sa kanya ng Jen.

Pinagmasdan ni Jen ang ina. Sadyang napakaganda pa din talaga nito. Hindi nakapagtatakang modelo ito noong araw at mas lalong hindi nakapagtatakang nahumaling dito ang daddy niya.
Usapan nila ni Ian ay sa isang fast food chain malapit sa kanila sila magkikita.

JEN : kanina ka pa?

Naabutan ko siyang nag-aantay na sa loob ng fastfood chain.

IAN : Hindi naman. I’m glad you came

JEN : Para sa crossroads ito noh.

IAN : Sabi mo eh….so saan tayo?

JEN : Hindi ba pwedeng dito nalang?

IAN : Masyadong maingay dito eh. Kung okay lang sayo sa bahay nalang. (tinignan ako ni Jen ng kakaibang tingin) Hey wala akong gagawin sayo okay? Besides nasa bahay din si Yuuki kaya wala kang dapat ipag-alala.

JEN : Mabuti na yung sigurado.

Sumakay kami ng kotse ni Ian.

Isang napakaganda at napakalawak na bahay ang hinintuan nila.

JEN : Ang yaman niyo pala eh.

IAN : Hindi ako..yung parents ko lang.

JEN : Ganun na din yun.

Malaki din naman ang bahay nila pero natutuwa siya sa style ng bahay nila Ian.

IAN : Dun nalang tayo sa pool area.

JEN : Okay.

Pagdating sa pool area ay iniwan sandali ni Ian si Jen para kumuha ng maiinom.

Titig na titig naman si Jen sa oval shape na pool. Naiimagine niya si Ian habang naliligo sa pool na iyon. Parang eksena sa pelikula ang naiimagine niya.

Ano ba iyan Jen kelan ka pa naging manyak ah?!

IAN : Sorry kung natagalan ah. Ang kulit kasi ni Yuuki eh. (hinging paumanhin niya habang bitbit ang pitsel ng juice)

JEN : Nag-abala ka pa….so Let’s start. (inilabas ko ang recorder ko at ang notes na ibinigay sakin ni Ruijin upang itanong kay Ian)

IAN : Game.

JEN : So, tell me first about yourself.

IAN : Hmmmm… dalawa lang kaming magkapatid ni Yuuki. Ako ang panganay. Yung parents naming madalas wala sa Pilipinas. Ano pa ba? Wala na akong maisip eh. (at nginitian ko siya ng super sweet pero dinedma lang niya ako)

JEN : Mga likes and dislikes mo.

IAN : Parang slambook ah…aneweiz…wala akong likes at dislike na maisip sa tao eh. Basta gusto ko gusto ko..pag ayaw ko..ayaw ko..ganun. ang gulo noh?

JEN : Okay lang yun. Continue.

IAN : Favorite color ko is black…for a simple reason na itinatago nito ang tunay na nararamdaman mo…and ayoko din ng black for that same reason.

JEN : What about your lovelife?

IAN : My Crush? Ikaw. (pero agad din akong nagseryoso ng tinignan niya ako ng masama) Isa palang ang naging serious girlfriend ko. First year college lang ako nun pero naghiwalay din kami. Yung iba..mga fling fling lang.

JEN : What can you say about the issue na playboy ka daw?

IAN : Ayokong magmalinis kasi alam ko namang may kasalanan din ako. Pero ang masasabi ko lang wala akong inaagrabyadong tao lalo na at babae. May kapatid din akong babae kaya ayokong mangyari sa kanya yun. Alam naman ng mga girls na nalilink sakin kung anong stand nila sa buhay ko eh.

Medyo nalungkot si Jen sa sinabing iyon ni Ian.

The eternal playboy.

JEN : Do you have a girlfriend?

IAN : Official? Wala.

JEN : Eh Unofficial?

IAN : Siguro. (sabay kibit-balikat) Pero kapag sinagot mo ako iiwanan ko silang lahat para sayo.

Jen choose to ignore that and continue interviewing him.

JEN : Eh ano namang masasabi mo na pinansagan kang Prince Charming ng Academia?

IAN : Talaga? May ganung issue ba? Di ko alam yun ah….Prince Charming? Well flattered naman ako.

JEN : Well… people see you as a Prince Charming material. Tall, Dark and handsome. Additional factor that you’re rich. Kaya di nakakapagtakang bansagan ka nila ng ganun.

IAN : Eh ikaw Jen? What about you? Do you also see me as a Prince Charming?

JEN : Stop flirting with me Ian..that wont work.

IAN : Really? Let’s see ( dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya)

JEN : Wait.. what do you think you’re doing?

IAN : Don’t you find me attractive Jen?

JEN : What???!!!! ( syet!!! Ang lapit na ng mukha niya sakin. Think Jen think!!! Umiwas ka)

Pero parang may sariling isip ang katawan ko at di ako makagalaw.

IAN : Patunayan mo sakin Jen na hindi mo ako gusto.

JEN : Wala akong dapat patunayan sayo dahil hindi kita gusto.

IAN : Wrong answer Jen. (at inilapit ko pa ng tuluyan sa kanya ang mukha ko)

And I saw her close her eyes. Pero kung kelan naman isang pulgada nalang ang layo ng labi ko sa mga labi niya…

YUUKI : Ate jen!!!!!!

Agad lumayo si Jen kay Ian. Namumula ang mukhang nag-iwas ng tingin.

IAN : Pesteng Yuuki yan. Istorbo.

Yuuki : Ate Jen talagang nandito ka pala talaga. Akala ko nagbibiro lang si Kuya kanina eh.

IAN : Go away Yuuki. We’re busy.

JEN : Hindi na..tapos na din naman ang interview ( tumayo na ako at binitbit ang mga gamit ko)

IAN : Wait..we’re not done yet.

JEN : Tapos na. Maraming salamat sa time mo Mr. Saldana.

IAN : Jen wait.

JEN : Aalis na ako. Baka kasi hanapin ako ng daddy ko.

IAN : Ihahatid na kita.

JEN : Wag na.

IAN : Sige na..lets go. ( hinawakan ko na sa kamay si Jen upang di na siya makaangal)


+ + + +


Pag-uwi sa bahay ay naabutan ni Jen ang mommy at daddy niyang may kausap.

WEST : Angel, come here

Kaagad naman siyang lumapit sa mga ito at humalik sa pisngi ng magulang.

AYA : Siya na ba si Angel?

JEN : Tita Aya….Tito Vince.

Nagulat siya ng makita ang kakambal ng daddy niya at asawa nito sa bahay nila.

JEN : Akala ko po ba nasa Japan kayo? Kelan pa kayo nakabalik?

AYA : Last week lang. dalagang dalaga ka na ah. At ang ganda ganda mo.

JEN : Syempre naman po mana ako kay Mommy eh.

VINCE : May boyfriend ka na siguro. ( nang-aasar pa si Tito)

JEN : Naku Tito wala po.

AYA : Binabawalan ka ba ni kuya?

WEST : Hindi ah.

JEN : Hindi po sina daddy tita kundi si kuya Ran.

VINCE : Si Ran?

QUEEN : Ay naku…mas mahigpit pa iyon samin ni West eh. Akala mo sundalo. At napakasungit pa.

JEN : Tita nasaan po si Ate Ayesha?

AYA : May kausap or rather may kaaway lang sa cellphone.

Natawa naman ako sa sinabi ni Tita.

JEN : Si kuya Rence po ba yung kaaway ni Ate Ayesha?

VINCE : Ewan ko dun.

RAN : Nandito na ako.

Sumungaw mula sa pinto ang mukha ni Ran. Tuwang-tuwa ito ng makita sina Aya at Vince.

RAN : Tito…Tita…(kaagad na humalik ito kay Aya. Tinapik naman ito sa balikat ni Vince)

VINCE : Binata na ah.

AYA : Ang gwapo naman ng pamangkin ko.

WEST : Mana sa daddy eh.

Masayang kwentuhan ang sumunod. Mas lalo pang sumaya ng pumasok na sa loob ng bahay si ate Ayesha.

AYESHA : Binata na ang baby brother ko ah ( at ginulo pa nito ang buhok ni Ran)

RAN : Ate naman eh. (angal naman nito. Pero katuwa si kuya kasi kapag si ate Ayesha ang kaharap niya nagmumukha siyang bata) Asan na yung pasalubong ko? Pupunta punta ka dito wala kang dalang pasalubong.

AYESHA : Dahil inaaway mo ako wala kang pasalubong. ( bumaling siya sakin) Baby Girl…madami akong pasalubong na dress sayo.

JEN : Talaga Ate? Thank you ( at yumakap ako sa kanya)

RAN : Ang daya mo ate! Bakit si Jen lang?

AYESHA : Gusto mo din ng dress? (napasimangot naman si Ran) Joke lang..ikaw pa eh malakas ka sakin eh…ako lang naman di malakas sayo eh.

RAN : Hay naku ate ang drama mo. Mag-asawa ka na nga. Pakasalan mo na si Kuya Rence.

AYESHA : Saka na. kapag pumuti na yung uwak.

Ang lakas naman ng tawa namin.

Si Ate Ayesha ang nag-iisang anak nila Tita Aya at Tito Vince. At siya ang pinakapaboritong pinsan namin ni kuya. Well siya lang naman talga ang pinsan namin. Technically..dahil si kuya Rence ay second cousin nalang namin dahil magpinsan sina Mommy at ang daddy nito na si Tito Lance.

Matagal-tagal na din kasing biruan sa pamilya namin sina Ate Ayesha at Kuya Rence. Mukha namang may gusto sila sa isa’t-isa pero parehong matigas ang ulo.

Hay ako kaya? Kelan ko matatagpuan si Prince Charming ko?

May nakilala akong Prince Charming pero ayoko sa kanya.

+ + +

4 comments:

  1. naks! ayun na yugn mga "D ORIGINS" hahaha!!! sina aya, vince, queen and west! hahahaha!!!

    ano ba yan, namiss ko tuloy yung after all sis!!!

    wala bang HEREAFTER ALL? haha, wala lang biglang pumasok sa isip ko! ahahaha!

    ReplyDelete
  2. hahahaha...sino naman yung mga character nun sis??

    ReplyDelete
  3. ngayon ko lang nabasa tong chapter na to!!! nakaka-tuwa naman!!! Dalawa na yung anak nmin ni West dito... (talagang feel na feel ko na anak talaga namin eh..hahha)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^