Friday, March 30, 2012

My First Love, True Love and Forever Love : Chapter 20

CHAPTER 20

(Ryuji Francisco)


Ryuji: humanda ka sa akin Inah, may araw ka rin sa akin.

Saab: eto naman kung makapag-react akala mo 30k yung binayaran mo, para three thousand lang eh.

Amerie: oo nga naman, kumain ka rin naman saka nasarapan ka din.

John: isipin mo na lang, ibinigay mo yung three thousand sa mga nangangailangan.

Ryuji: sana nga ganon na lang ginawa ko kesa sa pinalamon ko sa inyo.




Sue: wala ka ng magagawa Ryuji, tapos na tayong kumain eh, busog na tayong lahat.

Geneva: oo nga naman Ryuji, wag ka ng mainis.

Saab: Amerie, mauna na ako sa inyo ha. Ingat na lang kayo pag-uwi. Babay!

Ryuji: hoy babae, san ka na naman pupunta? Isusumbong kita kay Mommy.

Saab: eh di magsumbong ka, gusto mo samahan pa kita eh. Ay Amerie, sumama ka na lang kaya sa akin?

Ryuji: magtigil ka lang Inah, pati si Amerie isasama mo pa sa mga kalokohan mo.

Saab: uuuiiii… Sabi na nga ba eh, type mo si Amerie eh. Wag kang mag-alala, ibabalik ko sya ng walang kulas pero may sobra.

Amerie: saan ba tayo pupunta Inah?

Saab: kina Tita Yukiko. Hindi pa naman uuwi yang si Ryuji diba, kasi may training pa yan ng basketball.

Amerie: ah ganun ba? Oo nga, may training pa nga daw sila. Sige, sama na lang ako sayo. Ryuji, sasama na lang ako kay Inah, may training ka pa naman diba?

Ryuji: oo nga pala noh, magsisimula na yung training namin. Hoy Sabina, ihatid mo yang si Amerie sa bahay ha.

Saab: opo mahal na hari, kahit hindi mo sabihin gagawin ko yon.


            Nakalimutan ko, may training nga pala kami tapos ang dami ko pang kinain. Paano ako tatakbo nito?

Ryuji: Clint bakit naman hindi mo pina-alala sa akin na may training tayo ngayon?

Clint: tadjakan kaya kita jan, kanina ko pa sinasabi sayo na wag kang kumain ng marami dahil tatakbo pa tayo. Eh masyado kang nag e-enjoy sa pakikipag-kulitan, ayan tuloy.

Ryuji: Pare, sabihin mo naman kay Coach na hindi muna ako makaka-punta ng training.

Clint: tarantado ka ba? Ikaw ang captainball tapos hindi ka a-attend ng training.

Ryuji: para naman ang sakit ng tyan ko sa dami ng nakain ko eh.

Randy: katakawan mo kase.

Sue: bahala kayo jan, mauna na ako sa inyo ha.

Geneva: uwi na rin kami ni John, ingat kayo. Goodluck sa tyan mo Ryu, bye.

John: mauna na kami sa inyo, Clint, Ryuji at Randy.

Randy: sabay na ako sa inyo sa car park.

Clint: ingat. Tara na Ryu, kaya mo yan!

Ryuji: tara na nga!


            Kahit kailan talaga tong si Inah pahamak eh. Kasalanan nya to eh, bakit naman kasi ang sarap ng mga pagkain sa Cowboy Fiesta!


Clint: sya pala si Inah pare, ang ganda nya ah.

Ryuji: anong maganda don eh parang siga lang.

Clint: yun na nga eh, sa ganda nyang yon ganun lang sya ka-simple.

Ryuji: type mo yung pasaway na yon?

Clint: wala namang masama diba? Saka parang ang saya nyang kasama, walang arte sa katawan, yun ang mga gusto ko sa babae.

Ryuji: eh di ligawan mo.

Clint: ok lang pare?

           
            Eh bakit akong tinatanong nya, ako ba si Inah? Hindi ko naman kapatid ang isang yon, adik na yata tong si Clint eh. Pero Ryuji, ok lang ba talaga sayo na ligawan ng bestfriend mo ang babae na matagal mo ng hinahanap?

Ryuji: bakit akong tinatanong mo, kay Inah ka magtanong at magsabi.

Clint: sa tingin mo pare may pag-asa ako sa kanya? Pero, sigurado ka ba talaga Ryuji na ok lang na ligawan ko sya?


            Ok na ok lang sa akin Clint, buti kung patulan ka ng abno na si Sabina na yon.


Ryuji: ok lang sa akin pare, saka kahit naman ayoko kung gusto mo talaga diba?!

Clint: sigurado ka ha? Sabi mo yan!

Ryuji: oo naman, basta ba wag mong sasaktan ang isang yon. Lagot ka kay Mommy at kay Daddy! Oo nga pala, kay Maki ka dapat mag-paalam na liligawan mo sya dahil liligawan daw nya si Inah paglaki nya.

Clint: wag kang mag-alala pare, wala naman akong balak saktan sya eh. Kay Maki ako mag-papaalam? Parang isang napaka-laking challenge naman non, pero kakayanin ko yan!

Ryuji: ay goodluck sayo, tara na nga ng makapag-stretching na tayo.


            Goodluck naman dito sa bestfriend ko na ang weird ng taste sa girls. Akalain mo ba namang si Inah pa ang type nya, yung maton at asar-talo na yon? Ang weird talaga nitong si Clint! Saka sa ugali na yon ni Inah, malabong pumayag yon na mag-paligaw. Goodluck talaga kay Clint!!!

2 comments:

  1. ikaw ryuji ha! kung away-awayin mo si saab! ikaw babatukan ko eh! luluhod ka rin tandaan mo yan!

    ReplyDelete
  2. ay nkkasar nmn ng bongga i2ng c ryuji o!
    bkit k pumyag n ligawan ni clint c saab! kkaaxar ka!!!!! tas naiirita p aq prang nagki-care p xah kay amerie!!!!!!!!!!!!!! grrrrrrrrrr! nkkaxar nkkaxar nkkaxar k tlga ryuji! i hate u!
    kpg ikw narealize mu n love n yang nrrmdaman mu, ewan q n lng sau! ang tangengot mu tlga!

    ano b yan, naaxar tlga aq kei ryu, obvious nmn dba!

    sna magselos xah kay clint! ttwa tlga aq ng malakas!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^