Wednesday, March 21, 2012

My First Love, True Love and Forever Love : Chapter 19

CHAPTER 19
(Susie “Sue” Bolivar)


Randy: pare bakit ba iniwan mo pa sya before? Ang ganda nya oh, paano mong nagawang basagin ang puso nya.

Sue: grabe ka talaga Randy eh, lahat na lang sayo maganda. Baka mamaya lagyan lang namin ng palda yung poste sabihan mo rin na maganda.

Randy: ina-appreciate ko lang sya, appreciative ako eh panong gagawen. Pero ang ganda mo talaga Amerie.

Amerie: salamat Randy.

Randy: kilala nya agad ako oh, may gusto ka na sa akin noh?

John: tangina Randy, ang kapal mo, bangis.

            Kahit kailan talaga tong si Randy saksakan ng kapal, pero dahil kaibigan ko naman sya, nasanay na rin ako, kami.


Randy: pambasag trip talaga kayo, nangangarap na nga lang ako eh.

Geneva: oo nga naman John, hayaan na lang natin si Randy sa pangarap nya. hahaha!

Ryuji: pag-pasensyahan mo na yang mga timang na yan, ganyan lang talaga yang mga yan, but you don’t have to worry anything, hindi naman sila nangangagat.

Clint: oo nga naman Amerie, wag kang matakot sa mga yan.

Sue: ano, ganito na lang ba tayo? Manlibre ka na Ryuji!

Ryuji: bakit ako?

Clint: alangan naman na si Amerie! Pakainin mo naman yung kasama mo.

Amerie: oo nga naman Yuji, minsan lang naman to.

Geneva: tama ka jan Amerie.

John: tara na, manlilibre na yang si Ryuji.


            Sya pala yung ex-girlfriend ni Ryuji, maganda talaga kahit sa personal. Hindi ko alam dito kay Ryuji kung bakit nya iniwan ang babae na to, pero ok na rin yon, at least may possibility na mapansin nya ako. Oo, tama, may gusto ako kay Ryuji, pero hindi nya yon alam. Sino ba namang babae ang hindi magkaka-gusto sa isang katulad nya? Mabait, matalino, magaling mag-basketball, gentleman, masayang kasama, at laging nanjan kapag kailangan mo, ano pa bang hahanapin mo diba?!


Ryuji: after nitong treat ko na to, next year na ulet.

John: grabe ka, dinaig mo pa ang tikoy sa sobrang kunat!

Ryuji: weh kayo nga manlibre, ang lalakas nyo kayang lumamon.

Randy: pare wag ka namang maingay jan, baka ma-turn off sa akin si Amerie nyan.

Sue: kahit naman hindi nya malaman yon wala kang pag-asa sa kanya, feeling mo talaga eh noh.

Geneva: tamah! Feel na feel nya yung pangarap nya!

Randy: huuuu, ako na naman ang nakita ninyo. Siguro Sue may gusto ka talaga sa akin at nagseselos ka sa atensyon na binibigay ko kay Amerie.?!

Sue: huh!!! Ikaw na, ikaw na nga ang chairman ng Barangay Tibay!

Clint: tama na yan mga bata, mahiya naman kayo sa bago nating kasama.

Amerie: ok lang yon. Aware ba kayong dalawa na you look good together?

Randy: ay nako Amerie hindi, at kahit na maganda kaming tingnan together wapakels lang ako. Ikaw ba Amerie, hindi ka rin ba aware na we look good together?

Ryuji: magtigil ka na nga Rands jan sa mga hirit mo.

Randy: nagseselos ka men? Ay nako pasensya ka na!


            Kahit saang anggulo tingnan ang ganda nilang tingnan ni Ryuji, nakaka-inggit. May iba na bang gusto si Ryuji kaya sya nakipag hiwalay kay Amerie?



Saab: Ryujiiiiiii!!!!!


            Ang ganda naman nitong babae na tumatawag kay Ryu, hindi kaya isa na naman to sa mga tanga-hanga nya? Sayang naman ang ganda nya, hindi naman sya magugustuhan ni Ryuji.


Amerie: Inah!!!

Saab: Amerie… ang ganda mo talaga, kung lalake lang ako niligawan na kita. Hahaha! Hoy Ryuji, may atraso ka pa sa akin.

Clint: s-sya si Inah Ryuji? Ang bangis mo talaga pare!

Ryuji: sorry na kasi Inah, malay ko ba na hanggang ngayon eh asar talo ka pa rin!

Saab: sinabihan naman kita na humanda ka sa akin kapag niloloko mo lang ako ah.

Amerie: ang mabuti pa Inah sumama ka na lang sa amin, manlilibre si Ryuji.


            Close sila? Grabe, ibang klase nga pala talagang makisama tong si Inah. Imagine, si Inah yung dahilan ng break-up nilang dalawa ni Ryuji pero magka-sundo sila.


Saab: ano? Si Ryuji manlilibre, sigurado ka? Naku, baka magka-sakit yan mamaya pag-uwi ninyo, mas makunat pa yang sa swelas ng sapatos eh.

Ryuji: grabe ka Inah, papasakan ko ng burger yang bibig mo eh. Ang daldal mo pa rin hanggang ngayon!

Saab: eh kung patamaan ko kaya ng kamao ko yang muka mo? Masama na bang magsabi ng totoo? Saktan kita jan eh.

Ryuji: amazona!!!

Saab: kuripot!!!

Clint: Ryuji, baka naman gusto mo kaming ipakilala jan sa ka-inisan mo.

Randy: oo nga naman Ryu, ang ganda-ganda nya!

Sue: grabe ka talaga Rands, kanina lang si Amerie ang nilalandi mo, ngayon naman yung bagong dating.

Ryuji: Sya nga pala si Sabina, but I used to call her Inah. Sya yung long-lost playmate at kaasaran ko; Inah, sila naman ang mga kaibigan ko, si John, Geneva, Susie, Randy at ang bestfriend ko si Clint.

Saab: hello! Anyway, congrats dahil natatagalan nyo tong si Ryuji.

Ryuji: hindi ka na makakapunta sa bahay namin.

Saab: eh di wag, eh di si Tita na lang ang pupunta sa bahay namin.

Amerie: halatang miss na miss nyo ang isa’t-isa ah. Kahapon lang nag-aasaran na kayo, tapos eto na naman kayo.

Saab: Amerie, pag nagpunta si Tita sa bahay sama ka sa kanya ha. O kaya susunduin ko na lang kayo.

Ryuji: tuturuan ka lang nyan Amerie na bwisitin ako.

Amerie: talaga, tuturuan mo ako kung pano inisin ang lalake na to?

Saab: oo naman!!!

Amerie: game, sasama ako lagi kay Tita pag pupunta sya sa inyo.

Randy: Hi Inah! I’m Randy!

Saab: hello! Amerie, may sasabihin ako sayo mamaya pero wag mong sasabihin sa impaktong yan, kay Tita mo lang sabihin.

Amerie: sige, promise hindi ko sasabihin sa kanya.

Saab: pero sabihin mo rink ay Tita na wag sasabihin kahit kanino.

Clint: ano Ryuji, tatayo na lang ba tayo dito? Tara na, saan mo ba balak manlibre?

Saab: sa Cowboy Fiesta Ryuji! Masarap ang mga pagkain don, na-try nyo na ba doon?

Sue: hindi pa, dun na lang tayo Ryu.







4 comments:

  1. WAAHAHAHAHAHAH !! FIRST ! XDDDDDDDDDDDDDDDDDDD!
    ANG CLOSE NI SAAB AT NI AMERIE ! HAHAHA

    ReplyDelete
  2. ang brutal tlga ng lambingan nina saab at ryuji! ahhhahahahhahhahhhhhaaahhha!
    aso't pusa! haiiizzz!!! d more u act lyk u hate each other, the more luv yan! hihihhhiiii!!!

    i miss ur updte miz queen... bihira n lng pu kc aq s pf... actually, nklimutan q n nga mag-log dun e. d2 n lng kta abngan! hhhaaaahahha!

    ReplyDelete
  3. ang landi ni randy! hahaha!

    at natutuwa ako kina ryu at saab! ang kulit nila!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^