Wednesday, March 28, 2012

Mary Had A Little Gun : Chapter 1


Chapter 1


I call her Mary not because she's still a virgin, but, well I guess she is. She's one of my classmates since highschool, and we're both attending the same university. She's quiet, innocent-looking girl. She hardly speaks to people. She is a very respectful girl. You'll feel ashamed of yourself if you've done or say something bad to her. She excels in our every subject and didn't boast about it. She's somewhat a mystery to me and I don’t even know why I am so interested about her. To be honest, I don't even know her name.

Until...


"Ivan... I've been thinking of hiring a bodyguard for you." sabi ni Dad na sadyang ikinagulat ko naman. Halos mabuga ko na yung ice tea na iniinom ko.

"What the-- Dad? Anong bodyguard ang pinagsasabi mo dyan? I don't need such!" I exclaimed. The hell! I'm twenty years old, who needs a bodyguard at such age?

"Yes.. you are twenty years old who do nothing but spend time with women and get yourself involved in stupid fights!" bigla akong napayuko sa sinabi ni Dad. Well, because it's true.

"Last time, halos kamuntikan ka nang mapatay, alam mo ba yun? Gusto mo bang sirain na lang yang buhay mo?!" he's yelling at me.

"I have contacted the agency already to get you a bodyguard."

"But Dad--" he cutted me off before I finish my sentence.

"No buts! You deserved this kind of treatment." he sighed. "Please.. just please.. let me be a father to you.. just this once. You know how much I treasure you. I don't want you to live my side just like what your mom did. I'm a busy man, you know that, but still.. I wanted you to feel that I care for you.. even if using other people just to monitor you is the last option, I will definitely consider it." after saying such things, he left the room.

"Liar." I murmured. I don't hate my father this much, until my mom left him. I still have my communications with her and I exactly knows what really happened that day.

I dive myself on my moss green covered bed and fixed my eyes on the ceiling. Bodyguard? The hell's dad talking about! Darn it!

I force myself to sleep but just can't. What the heck's wrong with me? I've been thinking about so many things recently. I guess I should take a breather today.

Tumayo na ko mula sa pagkakahiga ko at dumiretso ng toilet para mag toothbrush. Nang matapas na ako ay kinuha ko yung coat ko na nakapatong sa sandalan ng upuan sa kwarto ko at saka lumabas.



B A R


"Hey babe... I want to go somewhere else.. I kinda' feel hot kasi eh.." I smirked. This kind of girl makes me want to burst out laughing. They're so easy to play with.

"Then.. just tell where you wanted to go.." I whispered seductively.

She laughs. "At your place, my dear."

I smirked again. This is so boring. What the hell's wrong with this girl? Halos isang oras ko pa lang sya nakikilala?

They can easily give up their virginity over some guy they barely know?

Ganito na ba talaga ang mga babae ngayon? Well, at least not Mary. Minsan nga napapaisip ako kung anong klaseng buhay meron sya.

"Aaahh.. I have to go." sabi ko sa babae at tumayo na.

"B-but.. wait.. Ivan? Akala ko ba aalis tayo?" tumayo rin sya at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Look.. Cherry--"

"My name's Janice." she corrected me.

"Oh.. okay.. Look Janice? I really don't like EASY girls, so please? I don't want to waste my time on you. Find another man, that would be EASY for you." I said, emphasizing the word EASY.

Natulala lang sya sa mga sinabi ko habang nakanganga. Bago pa sya makapagsalita, nagumpisa na akong maglakad palabas ng bar.

"H-how dare you! Jerk!" narinig kong sigaw nya pero hindi na ako nag-aksaya ng oras ko para lang lingunin sya.

"Hay.. Mga babae talaga.." bulong ko sa sarili ko pagkasakay sa kotse. Nakakawalang gana tuloy, akala ko pa naman mag-eenjoy ako pag pumunta akong bar. Tss.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad ko ng hindi tumitingin sa daraanan ko kaya naman hindi ko napansin na may mabubunggo na pala ako.

"Aray! Tumingin ka nga sa daraanan mo!" sigaw sa akin ng lalaking nabunggo ko. Ang angas nito ah.

"Huh? Ako pa ang titingin? Kasalanan ko bang tatanga-tanga ka?" sagot ko naman sa kanya.

"Anong sinabi mo?" sinuntok nya ako bigla kaya naman gumanti ako. Ha! Tingin nya sa akin? Hindi ako papalag?



"Sana hindi ka na lumaban!"

"Sorry Dad." ang nasagot ko.

Galit nanaman  sya sa akin. Nahuli kasi ako ng mga tauhan nyang nakikipagbugbugan sa labas ng bar. Mabuti na nga ring nakita nila ako kundi baka patay na ako. Ang lakas nung lalaking nakaaway ko.

"You know what? Lalo mo lang talaga akong pino-provoke na hanapan ka ng bodyguard! Hindi ko na sana itutuloy pero dahil sa mga pinapakita mo-- HAAAAY NAKO! Sumasakit yung ulo ko sa'yo! Bukas na bukas din, pagkatapos ng klase mo dumiretso ka agad dito para makilala mo na ang magiging bodyguard mo!" at lumabas na sya ng kwarto ko na galit na galit.
Nakakabadtrip talaga. Dapat pala hindi na ako lumabas pa ng bahay at pinilit ko na lang ang sarili kong matulog. Kainis.

*****

"Ivan!" napalingon ako ng bigla akong tinawag ni Gilda.

"Oh? Bakit?"

Si Gilda ang bestfriend at kababata ko. Magkaklase kami simula preschool at talagang hindi na kami pinaghiwalay pa ng tadhana. Para na rin kasing nkababatang kapatid ko tong si Gilda. Pag may problema ako, sya lagi yung takbuhan at sandalan ko. Sya lang nakakaalam ng lahat ng sikreto ko.

"Wala naman.. Uuwi ka na? Sabay na tayo?" yaya nya sa akin, sabay kapit sa braso ko.
Maganda si Gilda, sa totoo lang. Magaling kumanta, magaling sumayaw at halos lahat nasa kanya na. Matalino, elegante, model na model tignan, pero ewan ko ba, kahit ilang beses ko pa syang titigan, hinding hindi ako nahumaling sa kanya.

"Mm.. Si--" bigla akong natigilan at napahinto ng makita ko si Mary na naglalakad at bitbit nanaman ang madaming libro. Hindi ba sumasakit ang kamay nya?

"Mary."

"Mary?" nagtatakang tanong sa akin ni Gilda.

"A-ah wala! Gilda, mauna ka ng umuwi at may kailangan pa akong gawin. Bye!" sabi ko at kumaripas na ng takbo. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla ko na lang naisipang habulin si Mary o kung ano man  ang pangalan nya.

"Ang bilis naman nya. San na ba sya nagpunta?" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad.
Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng campus pero hindi ko na talaga sya makita. Ang bilis nyang maglakad grabe. Nasaan na kaya sya. Hay Ivan, bakit mo ba kasi sya hinahanap? Ano bang gagawin mo kung sakaling makita mo sya? Tss.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako interesado sa kanya. Kumpara naman kasi sa mga ibang babae, talaga namang walang wala sya. Napaka-losyang, masyadong matalino, at laging mag-isa. Sino ba naman kasi ang magkakainteres sa kanya? Ako  =________=

Nagdesisyon na akong umuwi na lang nang makita siya na palabas na rin ng gate. Sakto! Hinabol ko ulit sya, at balak sanang tawagin ang pangalan nya, kaso... hindi ko nga pala alam.
Sinundan ko ulit sya, at sa totoo lang, hingal na hingal na ako kakalakad.Saan ba kasi sya papunta? Parang hindi na gaanong matao yung lugar kung nasaan kami ngayon.

Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya, nang bigla syang lumiko sa isang eskinita, kaya naman sumunod ako.

Kaso pagka-suot ko sa eskinita, "A-asan na sya?" yun na lang ang nasabi ko, dahil nga bigla syang nawala.

Bigla akong nanlamig ng makaramdam ako ng isang bagay na para bang nakatapat sa ulo ko.

"Sino ka?" boses ng babae ang nagtanong.

"A-anong ginagawa mo? T-teka.." sabi ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakaramdam ako ng takot at kaba, mamatay na ba ako?

"Sumagot ka!" hinila nya ang kaliwang braso ko para makaharap ako sa kanya. Ang lakas nya, grabe. "Sino ka?!" tinutok nyang muli yung baril sa noo ko. Ramdam ko ang takot sa buong katawan ko. Pero hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ang babaeng nasa harapan ko.

"M-mary?" ang tanging lumabas sa bibig ko. Binigyan nya ako ng 'who-the-hell-is-mary look'. Hindi ko naman kasi alam ang totoong pangalan nya at ako lang din naman ang nagbansag sa kanyang Mary.

"Sino ka?" muling tanong nya.

"A--"

"Sya ang babantayan mo Agent Park." mas lalo akong naguluhan sa narinig kong yun at sa pamilyar na boses ng nagsalita.

"D-dad?" ako.

"Ako nga Ivan." humarap sa kanya si Mary at yumuko. "Si Agent Park ang magiging bodyguard mo. Isa syang top agent, kaya hindi sya basta-bastang bodyguard lang. Mas mababantayan ka nya ng maigi. And it's a good thing na schoolmate pala kayo." dagdag pa nya.

"A-anong-- S-sya ang magiging personal bodyguard ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nagnod si Dad habang nakangiti, para bang alam na alam nya yung iniisip ko.

Napatingin ako bigla kay Mary, ang sama ng tingin nya sa akin kaya naman bigla akong napailing. Pero teka..

"Dad? Bakit kayo nandito? Akala ko ba sa bahay tayo magkikita?" tanung ko.

"Hahaha. Sinundan kita, iniisip ko kasing hindi ka didiretso ng bahay eh. Pero, bakit mo sinusundan si Agent Park?" nanlaki yung mga mata ko sa tanung ng matanda. Ano nga bang isasagot ko?

"A-ano.. kasi--"

"Mas maganda sigurong sa bahay na tayo mag-usap. Agent Park, nasa bahay na lahat ang mga gamit mo." sabi ni Dad at muling yumuko si Mary, kala mo naman eh napaka-kagalang-galang yung tatay ko. Tss.

Nag-umpisa ng maglakad si Dad, at sumunod naman kami. Nagaantay sa labas ng eskinita ang kotse at driver ni Dad.

"Sakay na po kayo, sir." sabi ng driver at pinagbuksan ako ng pinto.

"Mmm.." I cleared my throat. "M-mauna ka na." sabi ko kay Mary. Tinitigan nya lang ako at pumasok sya bigla ng kotse. Wala man lang 'salamat'?

Pagka-sakay ko ng kotse ay agad na rin pinaandar ng driver. Nakakailang, bakit si Mary pa? Ang akala kong babaeng walang ginawa sa buong buhay kung hindi magbasa ay isang top agent?

What the hell?

Pero, imbis na kaba at pagtataka ang nararamdaman ko, ay mas naeexcite ako sa mga susunod na mangyayari.

Mas makikilala ko na rin ng husto si Mary, sa wakas.

I really don't like this personal bodyguard idea, but right now? I feel like I'm going to enjoy this.





4 comments:

  1. waaahhh!!! i like it! ayiiiehh!!! next chapter na agad. wag nang patagalin yan!

    ReplyDelete
  2. nice 1st chapie. nxt n agd! exciting ung character ni mary. in disguise lng pla!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^