Sunday, March 4, 2012

Help! She's Seducing Me! - Chapter One

CHAPTER ONE


“Chay, ikaw na muna ulit ang bahala dito sa bahay ha. Yung mga pinto wag mong kakalimutang i-lock, wag mo ring kakalimutan na pakainin si Nouvo.” Bilin nito sa nag-iisang kapatid na si Charise, at si Nouvo naman ang kanilang alagang askal na aso. “Alis na ako.” Bago sya umalis ay humalik muna sya sa pisngi ng kapatid. “Ingat ka Ate, wag kang mag-alala, hindi ko gugutumin si Nouvo.”


Papasok ngayon si Cha sa part-time job nya bilang isang librarian sa eskwelahan na pinapasukan nya. Pinipilit nyang kayanin ang lahat ng hirap para lang magkaroon ng magandang trabaho para hindi na danasin ng kapatid nyang si Charise ang hirap. “Oh Magie, ako naman, mag-pahinga ka na saka may klase ka pa diba?” sabi nito kay Magie na katulad nya ay working-student din. “Sige Cha, ikaw na ang bahala dito ha, may mga libro nga pala na bagong soli, pasuyo na lang sa mga shelves.” At umalis na ito para pumasok sa next class nito.

“Cha, pwede bang mahiram ang libro na to for two days?” tanong ng isang lalake sa kanya na halatang nagpapa-cute lang. “Good for one day lang yan pwedeng hiramin.”


Maganda si Charlene kahit na hindi ito mahilig mag make-up, kuntento na sya sa powder lang ang manipis na lipstick. Simpleng babae lang naman kasi sya, simpleng buhay, lahat sa kanya simple lang. Patay na ang mga magulang nila ng kapatid, namatay ang mga ito three years ago. Good thing may sarili silang bahay and may savings account ang parents nya kaya naman nakaka-raos pa rin sila sa araw-araw.


“Sige, hiramin ko na rin kahit for one day lang.”


“Where’s your library card? Kailangan mo yon para mahiram itong libro.” Bimuklat ng lalake ang wallet nya, pero hindi nito nakita ang card na kailangan, sunod naman nya itong hinanap sa bag pero wala pa rin. “Kung wala kang library card, hindi mo ito mailalabas ng library.”


“Eh kung ikaw na lang ang ayain ko na lumabas, for sure hindi na kailangan ng library card.” Sa isip-isip ni Cha, Bwisit na lalake to, sabi na nga ba at doon na naman mauuwi ang pagpapa-cute nitong kumag na lalake na to. “I’m sorry but hindi ako sumasama sa kung kani-kanino lang. Kung wala ka naming balak magbasa o mag-research dito sa library, pwede ka ng lumabas para naman hindi ka nakaka-istorbo sa ibang nag-aaral dito.” Sa mga ganitong klaseng lalake na parang nakalunok ng buhawi ay lumalabas ang kasungitan nya. Agad namang lumabas ng library ang pobreng lalake na nanlalata.


After three hours ay dumating na ang kapalitan nitong estujante kaya naman dali-dali syang nag-ayos para maghanda sa klase nya. Kailangan pa nyang mag-review dahil may long quiz sila ngayon. Hay, nakakasawa na rin ang ganitong buhay. Sana makatapos na agad ako para naman hindi na ako masyadong nahihirapan. Sayang at maaga kaming iniwan nina Mama at Papa, siguro kung nandito sila proud na proud sila sa akin. Hay, mamayang gabi na nga lang ako mag e-emote, kailangan kong ipasa yung quiz para hindi ako mahirapang maghabol ng grades.


“Cha, nakapag-review ka na ba?” papunta na kasi sya sa room nila ng maka-salubong nya ang kaibigan na si Bea. “Oo kakatapos lang, ikaw ba? Baka mamaya aasa ka na naman sa mga mahuhusay nating classmates.” May katamaran kasi ang kaibigan nya, wala itong tyaga na magbasa at mag-review kaya naman tamang asa lang sya sa biyaya na ibibigay sa kanya ng mga kaklase at kaibigan. “Bakit naman papahirapan ko pa ang sarili ko diba, nanjan naman kayong lahat.” Nag-tataka nga sya kung paano nya naging kaibigan ang babae na ito. “Tara na nga, narinig ko na naman yang linya mo na yan.”


===============


“Ley tara na dito, I’m ready.” Boses iyon ng babae, isang ambisyosang babae na iniisip na seseryosohin sya ng isang Stanley Montereal. “I’m coming; I just need to answer this call.” Dahil nga excited ang babae ay pinuntahan na nito si Ley sa sala kung saan naroon ang binata. “Ms. Roman, ikaw na muna ang bahala jan, kapag may naghanap sa akin ikaw na ang bahalang umisip kung saan ako nandoon. Ok?” lahat ng sabihin ng binata ay tinuturing na batas, kaya naman sa department kung saan sya ang head ay walang nagtatangka na sumalungat sa kagustuhan nito dahil anak rin ito ng may-ari ng kompanya na kanilang pinapasukan. Who the hell want to lose their job at this point of time? Ngayon na tinuturing na isang napakalaking pagsubok ang paghahanap ng trabaho.


“Let’s start to rock your world sweetheart.” Siya si Samantha, isa sa mga past time ni Stanley o mas kilala sa tawag na Ley. “Ok baby, let’s get it on!”


Isang certified playboy ang binata, walang babae ang hindi malalaglag ang panty kapag nakita sya, literal na malalaglag. Isang ngiti at konting pambobola lang ang ginagawa nito ay sumasama na agad sa kanya ang mga babae. He hates commitment, ayaw nya rin kasi ng mga demanding na babae. Sa trabaho na meron sya, kina-kailangan ng maraming oras dahil sa kanya ipamamana ng magulang ang kanilang kumpanya.


“So, when we will meet again?” isa yan sa pinaka-ayaw na tanong ni Stanley, na karaniwan namang tinatanong ng mga babae na nakaka-one night stand nya. “I’ll just call you once na may free time na ulit ako.” Tumayo na agad si Stanley para pulutin ang mga damit nya na nagkalat sa sahig. “What about tomorrow?” tinapos muna ni Ley ang kanyang pagbibihis at saka hinarap ang dalaga. “Look Samantha, wala akong balak na makipag-relasyon, allergic ako sa salitang commitment and I hate demanding girls.”


Sa narinig nito mula sa binata ay napatayo ito, wala syang pakelam kung nahantad ang kanyang katawan na walang ibang suot kundi ang kanyang birthday suit. “What? Ganon na lang yon, pagkatapos mong kuhanin ang virginity ko bigla mo na lang akong iiwanan na parang walang nangyare? Ipagkakalat ko ang ginawa mo, at kapag nalaman ng parents ko ito sigurado ako na papanagutan mo ang nangyari sa atin.”


Nagpanting ang tenga nito sa sinabi ng babae kaya naman nilapitan nya ito at hinawakan sa braso. “Sige, ipagkalat mo sa buong bansa ang nangyari sa atin. Hindi ka ba nag-iisip Samantha, sa tingin mo ba magiging kasiraan ko yon, hindi, magiging kasiraan yon ng magulang mo. Imagine, ang kaisa-isa nilang anak ay nakipag-one night stand sa isang playboy na katulad ko.” Saka nito binitawan ang dalaga. “Isipin mo, sa akin walang mawawala dahil alam ng lahat na ganito ako. Think Samantha, think.” At saka nito tuluyang nilisan ang hotel kung saan sila naka-check in. wala namang nagawa si Samantha kundi ang mag-wala na lamang at umiyak dahil sa mga sinabi ng binata.


“Hello Ms. Roman, I just want you to cancel all my appointments starting today until next week, I’ll be on leave.” Ma-awtoridad na sabi nito sa kanyang sekretarya. “Are you sure Sir Stanley? You’ll have a meeting with your father this coming Wednesday.”


“I said cancel ALL, as in ALL of my appointments until next week. I’ll just call my Dad and I’ll tell him that I’ll be on leave. Is that clear Ms. Roman?” kawawang sekretarya, nasigawan na naman ng mala-halimaw nyang amo.


Bwisit na Samantha yan, ako pa talaga ang tinakot nya ha, akala naman nya madadaan nya ako sa mga ganong linya. Wala syang pinagka-iba sa mga babae nan aka-one noght stand ko, lahat demanding, lahat mga ambisyosa. “Hello Dad, I’ll be on leave starting today until Saturday next week. I think I need some times to think some things and to take a rest too.” Tinawagan na nya agad ang ama, baka kasi magalit na naman ito sa kanya. “You need some rest? Nagpapatawa ka yata anak, ano-ano ba ang mga pinag-gagawa mo para mapagod ka ng ganyan? Ah, baka naman napagod ka na sa pakikipag-landian mo sa mga babae.” Sya si Mr. Ulysis Montereal, ang ama ni Ley at may-ari ng United Group of Companies. “Dad naman, anong akala mo sa mga ginagawa ko sa kumpanya, madali lang? Dad ang hirap kaya nung binigay mong department sa akin, lahat pa ng empleyado ko pasaway.” Natawa naman ang ama nito dahil sa mga sinabi nya. “At talagang ang mga employees ko pa ang pasaway ah, baka naman ikaw ang pasaway.” Naiirita na si Ley sa tinatakbo ng usapan nila ng ama, kaya naman agad na syang nag-paalam dito. “Sige na Dad, next, next week na ako babalik sa trabaho para mag-report. Bye!”


Saan nga ba ako pupunta? Bahala na, kung saan ako dadalhin ng kotse ko.Iyon ang naisip ni Ley, wala naman kasi syang mga kaibigan na nakatira sa probinsya, kaya wala talaga syang mapupuntahan.

8 comments:

  1. yung sa babae, chay/cha... yung sa lalaki, ley...

    naiimagine ko tuloy na mukha nila sa mga totoong tao eh sina sanchai at lei! hahaha pasensya naman, avod metero garden fan lang noon! hahahaha!!!

    ReplyDelete
  2. ahahaha...si Chay yung little sister ni Cha... Hahaha... Dagdagan ko kaya to ng character na Azi! hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay naku sis! go!!! suportahan kita! ahahaha!!! azi, tas may xiaoyu, ximen at meizhuo! lololololz!!! shingha pa pala!!!!!! grabe!!!! meteor garden talaga! >__< hahaha!

      Delete
    2. Whahaha... adik talaga sa MG eh... si Azi posible, pero yung iba parang hindi...whahaha...

      Delete
  3. grabeee k stanley, pastime lng ang girls ha!!!!!!!!!!!

    i wonder kun pano ka iseseduce ni charise... hmmmmmmm

    ReplyDelete
    Replies
    1. bruha...si Cha yung magse-seduce...

      Delete
    2. ay si charlene pla, namali aq ng name... hahaaahaha...

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^