Tuesday, March 6, 2012

Goddesses' Karma : Chapter 8


8: Hetheria… Ikatlong Kaharian ng
Caelum Utopia
[Empress POV]



I’m on my way sa school ng makasalubong ko si Shanaz. Niyaya na niya akong sumabay sa kanya sa pagpasok. Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang nacu-curious ako sa kanya kaya sumama na din ako. Besides kaibigan naman siya ni Kuya Rohan eh.



EMPRESS: MATAGAL NA BA KAYONG MAGKAIBIGAN NI KUYA?



SHANAZ: MULA NG MAGTRANSFER AKO DITO SYA ANG UNA KONG NAKILALA.



EMPRESS: BAKIT? SAANG SCHOOL KA BA DATI?



SHANAZ: MALAYO EH…MALAYONG MALAYO. (sabi niya at biglang tumingin sakin)



Hindi ko maintindihan pero nung tinginan niya ako ng ganun parang nagblangko at utak ko and my body moved by itself. Hindi ko na nararamdamang kontrolado ko ang katawan ko.



SHANAZ: MAHINA KA..MGA HANGAL KAYO PARA KALABANIN SI NEFARIUS….SAYANG KA EMPRESS…SAYANG KA..



Naririnig ko ang sinasabi niya pero di ko maigalaw ang bibig ko upang magsalita.



Sino si Nefarius? Bakit namin siya kakalabanin? Wala naman akong natatandaang kaaway ko ah.



SHANAZ: SA MGA ORAS NA ITO O SA DARATING NA MGA ARAW SIGURADO AKONG KIKILOS NA SINA LUXY AT AVA UPANG MAPATAY ANG DALAWA MO PANG KAIBIGAN.





OMG!!!! Sina Princess at Queen!



Kahit gustuhin ko man gumalaw at sumigaw ay hindi ko magawa.



QUEEN & PRINCESS: EMPRESS!!!!!



Naririnig ko ang boses nila. Tinatawag ba nila ako?



QUEEN & PRINCESS: EMPRESS!!!!!



Biglang may liwanag akong nakita. Dun nangagagaling ang boses nila Queen so I tried to follow that light.



When I reached at the end naramdaman ko na ang katawan ko but bigla nalang din akong nawalan ng malay.



When I gained my consciousness I saw Queen and Princess face beside me. They looked concerned.



What had just happened? Then suddenly I feel my hand in pain at parang ganun din ang nangyayari kina Queen at Princess.



Napasigaw nalang kaming tatlo sa sakit. Asking for somebody to help us.



At para namang dininig ng langit ang sigaw namin because we saw a beautiful lady approach us.



Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na naman ako ng malay.



+ + + + +



Nagising ako sa isang di pamilyar na silid. Or rather sa isang di pamilyar na lugar. Agad kong hinanap sina Queen at Princess.



EMPRESS: HOY!! BRATTY!!! QUEEN….GUMISING KAYO.



QUEEN: NASAAN TAYO?



PRINCESS: ANONG LUGAR ITO?



EMPRESS: DI KO DIN ALAM EH. NAGISING NALANG AKO NANDITO NA TAYO.



Inilibot namin ang paningin sa loob ng silid. Hindi siya ordinaryong silid dahil napapalibutan ito ng mga salamin sa buong paligid at walang pinto ang silid na iyon.



QUEEN: MAY TAO BA DITO?



Bilang tugon sa tanong ni Queen ay lumabas mula sa salamin ang isang napakagandang babae.



Wait? Did she just come out in the mirror?



EMPRESS: SINO KA? (nagsiksikan kaming tatlo nila Queen at Princess sa higaan)



Ikaw ba naman makakita ng taong tumatagos sa salamin ewan ko lang kung di ka matakot.



Nginitian kami ng babae. She looked familiar. Parang siya yung babaeng nakita ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.



XEYA: AKO NGA PALA SI XEYA…WAG KAYONG MATAKOT. AKO ANG TUMULONG SA INYO KANINA.



PRINCESS: PAANO KAMING DI MATATAKOT SAYO EH LUMABAS KA SA LOOB NG SALAMIN.



XEYA: MAY KAKAYAHAN AKONG KONTROLIN ANG MGA SALAMIN (at ngimiti siya samin)



EMPRESS: ANO YUN? MAGICIAN KA BA? WALANG ORDINARYONG TAONG KAYANG KUMONTROL NG SALAMIN.



QUEEN: BAKA NAMAN MUTANT KA?



Binatukan tuloy namin siya ni Princess.



PRINCESS: SINABI NG WALANG MUTANT EH.



QUEEN: EH ANONG TAWAG MO SA KANYA?



EMPRESS: ALIEN???



PRINCESS: THIS IS JUST A DREAM…PANAGINIP LANG LAHAT NG ITO.



QUEEN: PWEDE BANG PAREPAREHO TAYO NG PANAGINIP?



PRINCESS: EMPRESS PINCH ME (oh…pinch daw) AWWWW…ANG SAKIT NAMAN NUN!



EMPRESS: SABI MO PINCH YOU.



QUEEN: MASAKIT? SO IT MEANS TOTOO ITO.



XEYA: HINDI ITO ISANG PANAGINIP….NARITO KAYO SA HETHERIA. ANG IKATLONG KAHARIAN NG CAELUM UTOPIA.



PRINCESS: WHAT? HETHERIA?



EMPRESS: KAHARIAN?



QUEEN: CAELUM UTOPIA?



Bigla kaming tumawang tatlo. Kung hindi ito panaginip this is just a big joke. O kung hindi man luka-luka ang babaeng nasa harapan namin ngayon.



PRINCESS: ALAM MO MISS….NABABALIW KA NA YATA EH. KUNG ANO ANO NA ANG PINAGSASABI MO.



XEYA: NAUUNAWAAN KO KUNG HINDI KAYO AGAD MANIWALA SAKIN. PERO GUSTO KO LANG BIGYAN KAYO NG BABALA.



QUEEN: BABALA SAAN? MAY BAGYO BANG DARATING? O EARTHQUAKE? O TSUNAMI?



XEYA: HIGIT PA DOON ANG MAAARING MANGYARI. PWEDENG MAGUNAW ANG MUNDO KAPAG DI SILA NAAGAPAN.



EMPRESS: ANG WEIRD MO AH. END OF THE WORLD AGAD?



XEYA: KAPAG DI NAPIGILAN ANG MGA KAMPON NI NEFARIUS MAWAWALA ANG MORTAL NA MUNDO AT MAGING ANG CAELUM  UTOPIA.



Teka? Nefarius? Parang narinig ko na yan before ah?



PRINCESS: LOOK MISS…WE DON’T GET IT OKAY? ANG MABUTI PA SIGURO PAUWIIN MO NA KAMI DAHIL I’M SURE LATE NA KAMI SA SCHOOL.



XEYA: MAS MATAGAL ANG ORAS SA MORTAL NA MUNDO KESA DITO SA HETHERIA. BAWAT ARAW NA LILIPAS DITO AY SEGUNDO LANG ANG IPINAPATAK SA MUNDO NIYO.



QUEEN: ALAM NIYO NATATAKOT NA TALAGA AKO. ANG WEIRD NA NG NANGYAYARI SATIN LATELY.



EMPRESS: OO NGA..YUNG APOY…YUNG TUBIG…AT YUNG MALAKAS NA HANGIN.



XEYA: YUN ANG MGA NATATAGO NIYONG KAPANGYARIHAN.



EMPRESS, QUEEN & PRINCESS: KAPANGYARIHAN?



XEYA: OO…YUN ANG MGA KAPANGYARIHANG TAGLAY NIYO BAGO PA MAN KAYO BUMABA SA LUPA.



Pagkasabi niya nun ay inutos niya samin na tumingin sa isang bahagi ng salamin. Para kaming nanonood ng sine dahil may mga imaheng ipinapakita ito.



Ang pagkakaiba nga lang…sarili namin ang nakikita naming sa salamin.



XEYA: AYAN KAYO BAGO KAYO BUMABA SA MORTAL NA MUNDO.



Tutok na tutok kami sa pinanonood namin.



Definitely we saw ourselves pero parang may kakaiba. Our clothes are different.



Si Princess kulay puti na mahaba at manipis tapos parang may pakpak pa siya. Parang angel o fairy ba yun?



Si Queen parang pang amazona o warrior ang suot na kulay pula. Para siyang ninja.



At ako…I saw myself wearing a blue long but thin skirt. At tanging shell lang ang tumatakip sa dibdib ko.



Hindi ba ako kinakabagan dyan sa suot ko????



EMPRESS: HINDI AKO YAN PROMISE!!!!!



Natawa naman bigla sina Queen at Princess.



QUEEN: ANG SEXY MO DITO PRESSY OH..KINABOG MO KAMI NI BRATTY. IKAW NA!!!!



PRINCESS: I DON’T REMEMBER ATTENDING A COSTUME PARTY.



XEYA: HINDI YAN COSTUME PARTY. IYAN KAYO BAGO PA MAN KAYO IPADALA SA LUPA.



EMPRESS: ANO? DI KO NAIINTINDIHAN???



XEYA: HAYAAN NIYONG IPAKITA KO SA INYO.



At ipinagpatuloy namin ang panonood. Mula sa mundong sinasabi ni Xeya na Caelum Utopia. We saw ourselves watching the lives of the mortal hanggang sa buksan namin ang pinto kung saan nakakulong si Nefarius hanggang sa ipadala kami sa mortal na mundo upang parusahan.



XEYA: PARA KAYONG IPINANGANAK ULI DAHIL BUMALIK KAYO SA PAGIGING BABY NG IPADALA KAYO SA MORTAL NA MUNDO. HANGANG SA MAPUNTA KAYO SA MGA MAGULANG NA KINILALA NIYO.



Bigla akong tumayo.



EMPRESS: AYOKONG PANIWALA ITO. HINDI YAN TOTOO. ISA LANG ANG MAGULANG KO AT SILA LANG ANG KINIKILALA KONG MAGULANG. WALA AKONG PAKIALAM SA CAELUM WHATEVER NA YAN. WALA AKONG PAKIALAM SA MUNDO NIYO.



PRINCESS: EMPRESS WAIT…WHAT IF TOTOO ITO?



EMPRESS: DON’T TELL ME MAGTITIWALA KAYO AGAD SA TAONG NGAYON NIYO LANG NAKILALA AT NAKITA?



QUEEN: HINDI NGA PERO…KAMUKHA TALAGA NATIN IYON EH.



EMPRESS: AYOKONG PANIWALAAN IYON. XEYA..  IBALIK MO NA KAMI.



Wala ng nagawa si Xeya kundi mapabuntong hininga nalang.



XEYA: MAAARI KAYONG MAKABALIK SA MUNDO NIYO PAGKATAWID NIYO DYAN SA SALAMIN. (kahit nagtataka ay sinubukan pa din namin ang sinabi niya.)



We walked towards the mirror. Kamay muna ang sinubukan ko. Tumagos ang kamay ko so pumasok na din ako. Sumunod nalang sina Queen at Princess sakin.



+ + + + +



Pagkaalis ng mga Josa ay bigla namang lumitaw si Eros mula sa isa sa salamin.



EROS: XEYA..



XEYA: EROS IKAW PALA.



EROS: MUKHANG NAHIHIRAPAN KANG KUMBINSIHIN SILA AH.



XEYA: GUSTO KO LANG NAMAN SILANG TULUNGAN EROS DAHIL MGA KAIBIGAN KO ANG MGA MAGULANG NILA SA CAELUM UTOPIA. AT ALAM KONG NAG-AALALA DIN SILA PARA SA MGA BATANG JOSA.



EROS: NAIINTINDIHAN KITA XEYA. GUSTO KO DING MAGPASALAMAT SAYO DAHIL IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAKAKALABAS PASOK AKO MULA SA MORTAL NA MUNDO HANGGANG SA CAELUM UTOPIA NG MABILIS GAMIT ANG SALAMING DAAN.



XEYA: NARARAMDAMAN KONG KUMIKILOS NA ANG KAMPON NI NEFARIUS EROS. PAANO KO SILA MATUTULUNGAN KUNG HINDI SILA HANDANG MAKINIG SAKIN?



Nilapitan naman ito ni Eros at niyakap.



EROS: WAG KANG MAG-ALALA XEYA..TUTULUNGAN KITANG PROTEKTAHAN ANG MGA JOSA. HINDI KO HAHAYAANG MAPAHAMAK SILA.



XEYA: SANA NGA EROS…SANA NGA.



They stayed that way for a while. Nakayakap si Eros kay Xeya.



Si Xeya ang nakatakdang pakasalan ni Eros sa Caelum Utopia pero batid ni Xeya na may ibang nilalaman ang puso ng binatang Diyos. At batid niya kung sino iyon. Kaya gusto din niyang protektahan ang mga Josa kahit masakit iyon sa puso niyang nagmamahal.





Kumalas si Xeya sa yakap ni Eros.



XEYA: BAKA HINAHANAP NA AKO NG AMO KO.



EROS: OO NGA..BAKA NAG-AALALA NA YUN SAYO.



Biglang nagbago ang anyo ni Xeya at naging isang pusa.



Si Xeya ang Josang may kakayahang kontrolin ang mga salamin at ang pusang alaga ni Empress na si Xixi ay iisa.



Tinawid ni Xeya/Xixi ang salamin upang bumalik sa mortal na mundo.





Naiwan namang nakatitig sa kawalan si Eros.



EROS: MAG-IINGAT KA LAGI PRINCESS…POPROTEKTAHAN KITA SA ABOT NG AKING MAKAKAYA.



End Of Chapter 8




13 comments:

  1. first ako! bonggang-bongga ang comment ko ngayon!

    una, i love the name! hetheria! pa-bongga ng pa-bongga ang story natin sis!!! para na akong nanonood ng fantasy kasi naiimagine ko talaga!

    pangalawa, yung sa costumes natin! ang landi nung sayo, nakakatuwa! tas ako may pakpak at si queen ay amazona!!! i love it!!!

    at yung kay xeya, grabe natatatouch ako sa kwento niya... ka-love triangle ko pala siya kay eros... pero naawa ako sa kanya... i mean kung para sa babae, tutulungan pa niya yung karibal niya kahit katumbas na nun eh masaktan yung puso niya...

    xeya, i love your character talaga! hayaan mo, bongga naman din ang lovelife mo with xander eh... hahaha, akin si eros! hwahahaha!!!

    ang ganda talaga ng update nito sis! sana masundan agad ni queen! >__<

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha...kaya ka may pakpak kasi air ka...ako naman kaya ganun kasi sirena ako at si queen wala akong maisip..joke...hehe,,,kadalasan kasi ng fighter di ba mga fire users? naalala ko lang sa avatar..hehe

      oo sis....natuwa din ako dun kay xeya eh...naisip ko lang bigla na merong kang karibal din na josa..haha

      Delete
  2. s wkas, nlaman n rin nila n mga josa sila!!!!!

    at wawa nmn si xeya, kay eros pa nainlab eh patay na patay yun kay princess! peo nikilig aq kay eros, tlgang sinundan nia si princess!!!!


    at si shahnaz, ayiieh, khit msam siya nkilig aq nung sinbi nia n sayang daw si empress!!!!

    next n po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayyyiiiieeee...ako din nikikilig sa kanya!!!!

      kahit bad siya mahal ko na siya..haha..

      peo mas mahal ko si Rohan..haha

      malandi ako eh..

      Delete
  3. nako naman!!! hindi pa nga natatapos yung problema ko sa Riot eto pa isa!!!hmmmp!!! pano ko dudugtungan to? kelan ko pa maipo-post ang next chapter nito eh hanggang ngayon walang ibang laman ang utak ko kundi "MATULOG KA NA, MATULOG KA NA!!!!" lechengot na yan!!!'


    bigyan nyo naman ako ng idea kung pano ko to dudugtungn!!!! parang awa nyo na...parang habag na ninyo....


    eto na yung real comment ko!!!!

    Ang ganda... ang bangis ng update na to!!! Para akong tanga dito sa computer shop na tumatawang mag-isa!!! hahaha!!!


    Ang sama mo Pressy alam mo ba yon, ang sama-sama mo dahil ang ganda nitong update mo... pinapahirapan mo ang utak ko!!! pano na lang kapag hindi naging maganda yung update ko??? baka mawalan na to ng readers...whahaha!!!!


    echos lang Pressy baka naman hindi mo na gawin yung sa amin ni West!!!bwahahaha!!!



    Oh mga readers, ngayon pa alng eh pinapa-alalahanan ko na kayo na "DON'T EXPECT TOO MUCH FROM GWING-GWING!!!" problemado pa lola nyo kaya mejo matatagalan ang chapter 9...don't worry, mejo lang naman!!! whahaha!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. anu ba naman yan...bakit parang wala akong masabi ngayong mga oras na ito???? parang ang igsi nung comment ko!!!

      pasensya na talaga at wala akong ganang mag-type!!!



      ^_________________________________________^

      Delete
    2. obvious nga Gwing-Gwing eh tinatamad kang magtype..hahaha...

      gusto mo ng idea???? ayoko nga...hahahaha...

      ako nga pinahirapan ko utak ko na dugtungan yung ginawa ni Bratty eh hahaha,,,

      kaya mo yan!!! AJA!!!

      Delete
    3. nakow! baka gumanti si gwing gwing sa next update niya at pahirapan akong sundan yun! tinamad daw kasi siya mag-type! ahahahaha!!!

      Delete
    4. Hoy ka Bratty!!! Kailan kita pinahirapan??? Kahit sa Riot hindi ko yon ginawa sayo!!! Ganyang kayong dalawa, Bratty at Pressy!!! Lagi nyo na lang akong pinahihirapan!!! ano bang ginawa ko sa inyo para bigyan ako ng ganitong parusa??? Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit tayo pinatapon sa Mundo ng mga mortal!!!


      huh, akala nyo!!! Mainip kayo sa updates ko!!! bwahahaha!!!!


      anu ba yan, tinatamad talaga akong mag-type ee!!! bigyan nyo naman ako kahit konting kasipagan man lang!!!

      Delete
    5. akala mo lang hindi mo ako pinahirapan, pero oo, oo, oo!!! ahahahaha...

      oh kalma lang, lalaki lang katapat niya para ma-inspired! hanap ka ibang boys! naksss!!!

      at yung sa riot, parang awa mo na!!! naeexcite na ako dun sa request ko!!! :D

      Delete
    6. may request ka ba dun? anung request naman ba yon???

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^