Friday, March 30, 2012

Goddesses' Karma : Chapter 10

10: Defeating SALIGIA
[Princess POV]



EMPRESS: GAGA KA BA BRATTY, PANO NATIN LALABANAN YAN EH HINDI PA NGA NATIN ALAM KUNG ANONG KAYA NATING GAWIN SAKA KUNG GANO KALAKAS YUNG POWERS NATIN.



PRINCESS: I THINK IT’S ABOUT TIME FOR US TO TRY THIS POWERS THAT WE HAVE! WALA NAMANG MAWAWALA KUNG SUSUBUKAN NATIN EH!



EMPRESS: THEN YOU TRY FIRST!



QUEEN: HINDI AKO NATATAKOT SA INYO!



EMPRESS & PRINCESS: MAY SINABI BA KAMING NATATAKOT KA???



Okay ito na! Empress and I are ready to attack. Kung sino mang demon ang sumapi ngayon kay Queen, hindi namin hahayaang, makuha niya ang katawan ng kaibigan namin. So here goes nothing.



PRINCESS: YAHHHH!!!!



EMPRESS: YAHHHH!!!!



.



.



.



.



.



Walang nangyari? Damn! We look just like fools waving our hands! Akala ko may mapapalabas akong tornado, or si Empress may mapapalabas na tidal waves, PERO WALA!



QUEEN: HWAHAHAHAHA!!! MGA TANGA!!! MAHIHINA!!!



Then, we both didn’t expect the next thing she did. Nagpakawala lang naman siya ng black smoke at para kaming sinasakal nun ni Empress. Wala rin kaming makita sa paligid namin.



EMPRESS: ISA PA BRATTY!



PRINCESS: BUT WE FAILED! WE DON’T HAVE POWERS!



EMPRESS: LET’S JUST TRY ONE MORE TIME! (Maton talaga itong si Empress at nagawang makipag-buno dun sa usok. Pinipilit niyang may ipalabas sa mga palad niya)



Shortly after, napansin kong nagsisimula na ngang may pumatak na tubig mula sa mga palad ni Empress. At habang tumatagal, lumalakas ito. I don’t know how she did it, but if she can, I know I can too!



So I did the same thing, I concentrated until I felt the Power of the Air around me. Nagkatinginan kami ni Empress nun at naghawak kami ng kamay and with our powers combined, madali na naming nahawi yung black smoke.



Syempre nagulat naman si Queen-na-sinaniban kaya napaatras siya. Itinaas namin ang mga kamay namin ni Empress, very eager to charge at her.



PRINCESS: AT A COUNT OF THREE.



EMPRESS: ONE.



PRINCESS: TWO.



EMPRESS & PRINCESS: THR…



.



.



.



.



.



EROS: NO!!!



What the heck? Anong ginagawa ng boss ko dito? Bakit niya kami pinigilan?



EROS: MASASAKTAN RIN ANG KAIBIGAN NIYO KAPAG GINAWA NIYO YAN.



Teka nga? Ano na naman ang nangyayari ngayon? Ordinaryong tao lang si Eros ha? Ordinaryo nga lang ba? Pero mukhang may alam sa mga pinagdadaanan namin ngayon?



PRINCESS: UMALIS KA DITO KUNG AYAW MONG MAPAHAMAK!



EMPRESS: TEKA, SINO BA YAN?



PRINCESS: HE’S MY BOSS.



EROS: NO I’M NOT…



Suddenly, he shined so brightly na para kaming mabubulag ni Empress then seconds after that, nag-change outfit siya!



Ow-em-ji! Nakanganga lang kami pareho… ang gwapo ni Eros!!! Para siyang… para siyang… para siyang…



EROS: I’M A GOD. GOD UNDER THE RULE OF EARTH.



He’s in a warrior suit at may mga nakaukit sa suot niya na symbols na may kinalaman sa element of Earth tulad nga ng sinabi niya kanina. Tapos may nag-appear na weapon sa mga kamay niya, a large two-handed axe.



PRINCESS: SANDALI!!! ANONG GAGAWIN MO? (Nanlulula ako sa hawak niyang axe! Ang laki talaga!)



EMPRESS: OHMAYGAWD! BALAK BA NIYANG CHOP-CHOPIN SI QUEEN?



EROS: TRUST ME, I CAN SAVE YOUR FRIEND.



Without second thoughts, umatake na nga si Eros pero syempre, nanlaban pa si Queen na hanggang ngayon ay minamanipulate pa rin ng kung anong nilalang na hindi pa namin alam.
Nakaka-amaze lang ang laban nila dahil gumagamit ng black magic si Queen samantalang earth-bending naman ang ginagawa ni Eros.



His last strike made the greatest impact nung napabagsak niya si Queen. Lumapit siya agad dito at laking gulat na lang namin nang itaas ni Eros ang hawak niyang axe at gilitan ng leeg si Queen.



PRINCESS & EMPRESS: OH MY GAWD!!! (Pareho kaming napasigaw at napatakip sa mga mata namin.)



Pero nakita namin eh! Nakita namin na tinamaan talaga ng matalas na blade nung axe yugn leeg ni Gwing-gwing! Dear heaven! Ayokong makakita ng pugot na ulo! Lalo pa ang pugot na kaibigan namin!



AVA: AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!



But that uproarious cry made us realize something.
Iminulat namin ang mga mata namin at nakita namin ang isang nilalalang na nagwawawala sa malaking sugat na meron siya sa leeg niya.



AVA: AAAAAAAAAAAARGHHHHHHHHHH… ACCCCCKKKKKK… AAAHHH!!!



Si Queen naman, unharmed. Buhat siya ni Eros papalapit saamin at wala siyang kahit na anong sugat o galos man lang. Hindi siya napugutan!



EROS: BANTAYAN NIYO NA SIYA.



PRINCESS: SALAMAT.



Dahan-dahan niyang ibinigay saamin ang wala pang malay na si Queen at binalikan ni Eros yung nilalang na hanggang ngayon ay nagsisisigaw pa rin sa sakit.





EROS: AVARITIA, THE GREED. (Yun ang itinawag niya sa nilalang.)





AVA: EROS!!!!!!!!!! (Nagngingitngit niyang sinagot)





Muli pa sana aatakihin ni Eros si Avaritia gamit ang armas niya pero nakapag-isip nang tumakas yung kalaban. Pero bago pa man siya tuluyang naglaho, nakuha pa nitong magbanta.





AVA: BABALIKAN KO KAYO!!! AKO AT TANGING AKO LANG ANG PAPATAY SA DYOSA NG APOY!!! AT KAPAG NANGYARI YUN, ISUSUNOD KO KAYONG LAHAT!!! SAAKIN KAYO LAHAT BABAGSAK! AKO ANG PAPATAY SA INYO, TANDAAN NIYO YAN!!!





That was her last words before she finally disappeared in the dark. Si Avaritia, anong klaseng nilalang siya? At si Eros… ano ang kinalaman niya sa mga weirdong nangyayari saamin ngayon?





= = = = = = = = = = = =





QUEEN: ANO? SINANIBAN AKO NG AVARITIA NA YUN?





EROS: ISA SIYA SA SALIGIA, ANG PITONG PINAKAMALALAKAS NA KAMPON NI NEFARIUS.





Ipinaliwanag saamin ni Eros ang tungkol sa kinalaban namin ngayon. Ikinuwento niya rin saamin ang tungkol nga sa pinakamalakas naming makakalaban na si Nefarius. Masyado nang magulo ang mga nangyayari. I really don’t know kung totoo ba ‘to at nananaginip pa rin ako.





PRINCESS: EH IKAW? DIBA SABI MO, ISA KANG GOD. WHY ARE YOU HERE? KUNG TOTOONG MISYON NAMIN NA TAPUSIN AT TALUNIN YUNG NEFARIUS AT SALIGIA NA YUN, BAKIT MO KAMI TINULUNGAN?





EROS: I HAVE MY OWN REASON FOR THAT, AND IN TIME YOU WILL UNDERSTAND. ANG MAHALAGA, ANG TULUYANG MAPABALIK ANG MGA ALAALA NIYO NUNG MGA DYOSA PA KAYO SA CAELUM UTOPIA.





EMPRESS: PAANO MANGYAYARI YUN?





EROS: SA BAWAT PAGKAPANALO NIYO SA MGA MAKAKALABAN NIYO, KATUMBAS NUN ANG ILANG MAHAHALAGANG ALAALA NIYO. KAPAG NATALO NIYO ANG PITO, MULI NANG MANUNUMBALIK ANG BUO NIYONG ALAALA TUNGKOL SA TUNAY NIYONG PAGKATAO.





QUEEN: AT PAANO NAMAN KUNG SI NEFARIUS NA YUNG MATALO NAMIN.





EROS: THEN YOU’LL BE ABLE TO COME BACK TO CAELUM UTOPIA AS GODDESSES ONCE AGAIN.





PRINCESS: EH PAANO NGA BA NAMIN MATATALO ANG SALIGIA? HIRAP NA HIRAP NA NGA KAMI DUN SA AVARITIA, PAANO PA KAYA YUNG IBA.





EROS: DALAWANG PARAAN. UNA, TALUNIN NIYO ANG MORTAL NILANG KATAUHAN.





At para mas mapadali, heto ang naging paliwanag ni Eros tungkol jan.





SUPERBIA or pride. Is opposed by humility or becoming humble






AVARITIA or greed. Is opposed by charity or by sacrificing something for the good of others.






LUXURIA or lust. Is opposed by chastity or by being pure by thoughts and actions.






INVIDIA or envy. Is opposed by kindness or by giving out love and sympathy.






GULA or glutton. Is opposed by temperance or by showing discipline to be free from addictions or cravings.






IRA or wrath. Is opposed by patience or by standing strong, unaffected by pressure, stress or any problems.






And finally, ACEDIA or sloth. Is opposed by diligence or by believing that what you do is good in itself.






.





.





.





.





.





QUEEN: ANG DAMI NAMAN NAMING KALABAN. HINDI BA PWEDENG WAG NA LANG KAMING MAGING DYOSA ULIT?





EROS: KUNG GANUN PABABAYAAN NIYO HABANG BUHAY NANG MAGHASIK SILA DITO NG GULO? HINDI LANG KAYO ANG NASA PANGANIB KUNDI ANG LAHAT NG TAO NA MAHAHALAGA SA INYO AT KASAMA ANG BUONG MUNDO.





PRINCESS: TEKA, YOU SAID THERE ARE TWO WAYS TO DEFEAT THEM. ANO YUNG PANGALAWA?





EROS: YOU CAN FINALLY SLAY THEM USING YOUR ELEMENTAL WEAPONS.





EMPRESS: WEAPONS? KAGAYA NG GAMIT MONG ITAK KANINA?





EROS: OO. ANG ELEMENTAL WEAPONS AY ANG TANGING PARAAN PARA MASAKTAN TALAGA ANG KALABAN NIYO.





PRINCESS: EH TEKA… ISA PA NGA PALA YAN. KITANG-KITA NAMIN NA GINILITAN MO KANINA SI QUEEN.





QUEEN: ANO? AKO PINUGUTAN? (Napahawak naman siya sa leeg niya. Buti na lang wala siyang naaalala.)





EROS: ELEMENTAL WEAPONS ARE MADE BY THE HIGHER GODS AND GODDESSES TO ONLY SLAY DARK FORCES. IT’S NEVER MEANT NA MASAKTAN ANG KAHIT NA SINONG MAY MALINIS NA PUSO.





EMPRESS: AH!!! SO ANG IBIG SABIHIN, ANG TALAGANG NAPURUHAN LANG AY SI AVARITIA!





PRINCESS: AT IBIG SABIHIN NUN, MALINIS DIN ANG PUSO NI QUEEN.





QUEEN: KUNG IKAW KAYA GAMITAN KO NG ITAK NA YAN… PSH! EH NASAAN NA YUNG WEAPONS NAMIN HA?





EROS: HINDI PA ITO ANG TAMANG PANAHON PARA GUMAMIT KAYO NG WEAPONS.





EMPRESS: EH KELAN ANG TAMANG PANAHON? KAPAG PATAY NA KAMI? KAPAG NAUNA NA KAMING PATAYING NG MGA KAMPON NI NEFARIUS?





EROS: KAILANGAN NIYO MUNANG MATUTUNANG GAMITIN ANG MGA ELEMENTONG PINANGHAHAWAKAN NIYO. KAILANGAN NIYONG MAGSANAY.





Nagkatinginan lang kami sa sinabing yun ni Eros. He offered himself to train us. Meron din daw iba pa na tutulong saamin at isa na rin nga dun ay si Xeya. So magkakilala pala sila.





PRINCESS: MAG-IINGAT KAYO PAUWI HA.





QUEEN: IKAW DIN MAG-INGAT HA!





EMPRESS: OKAY LANG YAN, KASABAY NAMAN NIYA SI EROS NGAYON EH. AYIIEEEEH!





PRINCESS: ANO BA KAYO? ANG NON-SENSE NIYO! NAKAKAHIYA BAKA MARINIG KAYO!





QUEEN: AY OO NGA PALA, SORRY PALA KANINA NUNG INAWAY KITA TUNGKOL KAY GENESIS… NAGSELOS LANG KASI AKO… I MEAN… UM… DAHIL NGA SA BINULUNG-BULUNGAN AKO NUNG AVARITIA KAYA GANUN.





PRINCESS: OO NA, SIGE NA! APOLOGY ACCEPTED! PERO HALIKAN MO MUNA ANG PAA KO.





QUEEN: TAMPALIN KITA JAN EH!





PRINCESS: AHAHAHA!!! JUST KIDDING! SIGE SA KAMAY KO NA LANG IKAW HUMALIK.





EMPRESS: HAY NAKU GWING, HINDI KA PA NASANAY JAN SA BRATTY NA YAN. TARA NA NGA. (At sa cheeks pala nila gustong humalik! Anyway, beso-beso talaga kasi ang gusto nilang batian at paalamanan eh.) ANYWAY, BUKAS NGA PALA SAAMIN KA NA RIN MAKIKITULOG NOH?





PRINCESS: YEAH. TULOY PA RIN ANG PAGTAKAS KO SA MGA VAN-HOWERRS.





Dun nga mago-overnight si Queen ngayon sa bahay nina Empress kaya sabay silang uuwi. And because of that, si Eros na ang nag-prisintang maghatid saakin. Para daw kasi makaiwas sa kapahamakan, kailangang hindi dapat kami nag-iisa.





Sabay na kaming naglalakad ni Eros ngayon. Hindi nga ako nakaroller-blades tulad ng nakagawian ko. Tahimik lang siya, ganun din ako.





PRINCESS: SO… SINADYA MO BA YUNG PAGKIKITA NATIN DUN SA GARDEN?





EROS: NO… IT JUST HAPPENED.





PRINCESS: KAANU-ANO KA NAMIN SA CAELUM UTOPIA? KUNG SABI MO, MAGBESTFRIENDS NA KAMING TATLO, KA-GRUPO KA RIN BA NAMIN?





EROS: NO, I WASN’T PART OF YOUR GROUP. HINDI RIN TAYO FRIENDS. HINDI TAYO NAGKAKAUSAP. (Tapos napatingin siya saakin. Para ngang tumatagos ang bawat tingin niya. Kakaiba!) BASTA NUNG UNANG BESES NA NAGKAUSAPAN TAYO AY NUNG IPINATAPON NA KAYO DITO SA LUPA.





PRINCESS: TALAGA? ANO YUNG NASABI KO SAYO NOON?





EROS: YOU ASKED FOR MY HELP… AND THE REST YOU HAVE TO REMEMBER.





Biglang siyang nag-smile and to be honest, after Dylan, I was never attracted to anyone like this. Yes I find Rohan really charming, and Genesis very good-looking. Pero iba si Eros eh. Ibang-iba… maybe because he’s a God. Pero ano? Goddess rin naman daw ako ha!





Nung makarating na kami sa gate ng mansion ko, sinalubong na lang kami bigla ng mga bodyguards. They grabbed Eros like he did a crime. Hindi nila alam na isang diyos ang hawak nila, mga lapastangan!





PRINCESS: WHAT IS HAPPENING HERE? GET OFF HIM!!! ANONG GINAGAWA NIYO DITO SA MANSYON KO?





EROS: PRINCESS, CALM DOWN.





DYLAN: BETHANY!





Napalingon kami pareho sa boses na narinig namin. Sabi ko na nga ba! Si Dylan! At siya ang nagdala ng mga bodyguards dito.





PRINCESS: WHAT ARE YOU TRYING TO DO, HUH? TELL YOUR MEN TO LET GO OF MY FRIEND, NOW!





DYLAN: BALAK MO AKONG IWAN NOH?





PRINCESS: WHAT?





DYLAN: (Sumenyas si Dylan sa isa sa mga tauhan niya at ilang sandali pa, inilabas nun ang mga gamit ko na nakaempake na para sa paglalayas ko bukas) BAKIT NAKAEMPAKE NA ANG MGA DAMIT MO DITO? TATAKAS KA? KANINO KA PUPUNTA? KANINO KA SASAMA? SA GAGUNG YAN BA HA? (Lumapit siya kay Eros at sinuntok ito sa mukha!)





PRINCESS: DON’T!!!





Pero wala lang yun kay Eros. Halatang hindi siya nasaktan sa suntok na yun.





DYLAN: ILAYO NIYO NA ANG LALAKING YAN SA HARAP KO. AT TURUAN NIYO RIN NG LEKSYON.





PRINCESS: SANDALI!!! WAG MONG GAGAWIN YAN!!!





EROS: DON’T WORRY PRINCESS, I CAN HANDLE MYSELF!





Alam ko naman na hindi nila magagawang saktan si Eros eh. But I just don’t like the idea sa kung ano ang gagawin nila sa kanya. Kinaladkad na nila siya papasok sa sasakyan at hindi ko alam kung saan nila dadalhin si Eros.





Nung maiwan na kami ni Dylan, I slapped him real hard on his face.





PRINCESS: HOW DARE YOU! I HATE YOU!!!





DYLAN: YOU CAN’T HATE ME. DON’T.





PRINCESS: BAKIT MO GINAWA YUN SA KANYA!





DYLAN: HE’S TAKING YOU AWAY FROM ME!





PRINCESS: HINDI AKO SA KANYA SASAMA! AALIS AKO DAHIL NASASAKAL NA AKO SA PAMILYA NIYO! SAYO!!!





DYLAN: AT KANINO MO BALAK PUMUNTA? SASAMA KA DUN SA QUEEN AT EMPRESS NA YUN? THEY’RE MANIPULATING YOU TO REBEL AGAINST US! ALL WE DID IS TO HELP YOU! BAD INFLUENCE ANG MGA TAONG YUN!





PRINCESS: WAG NA WAG MONG SABIHAN NG GANYAN ANG MGA KAIBIGAN KO!





DYLAN: KAIBIGAN? KAILAN PA NAGKAROON NG KAIBIGAN ANG ISANG PRINCESS BETHANY LANE? TINGIN MO BA TOTOO SILA SAYO? HINDI MO ALAM KUNG ANONG INIISIP NG MGA YUN. BAKA NGA GINAGAMIT KA LANG NILA! HINDI NILA MAATIM NA PAKISAMAHAN ANG ISANG GAYA MO BECAUSE YOU’RE A RICH MEAN SPOILED-BRAT AND THE ONLY PERSON WHO REALLY LOVES YOU IS NO OTHER THAN ME!





Naluha na lang ako sa sinabi niya. Para bang ipinamumukha niya saakin kung gaano ako kasama at imposibleng magkaroon ako ng mga totoong kaibigan.





DYLAN: KUNG NASASAKAL KA NA, I’LL GIVE YOU FREEDOM. I’LL TALK TO MY MOM AND DAD NA WAG KA NA NILANG PAKELAMAN.





PRINCESS: YOU WOULD DO THAT FOR ME?





DYLAN: YES. BUT YOU CANNOT LEAVE ME. I DON’T WANT TO LOSE YOU PRINCESS B. WAG MO AKONG IIWAN.





PRINCESS: IKAW NAMAN ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT AKO NAGKAKAGANITO NGAYON EH. LAGI MO AKONG NILOLOKO! LAGI MO AKONG SINASAKTAN! PAULIT-ULIT MO AKONG PINAIIYAK!





DYLAN: I WON’T DO THAT AGAIN. AND THIS TIME I WON’T JUST PROMISE, I’LL PROVE IT TO YOU!





Hindi pa nga ako nakakasagot, he hugged me tightly. It was so tight na hindi ko siya kayang itulak dahil nakakapanghina ang yakap niya. Mahal ko pa rin ba si Dylan? Oo… siguro. Eh ano yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Eros? Wala lang ba yun?





DYLAN: FROM NOW, DITO NA RIN AKO SA MANSYON TITIRA. AKO NA MAKAKASAMA MO.





PRINCESS: WAIT… WHAT?





DYLAN: PLEASE PRINCESS. JUST GIVE ME THE PEACE OF MIND THAT YOU WON’T RUN AWAY FROM ME. NA HINDI MO AKO IIWAN PARA SUMAMA KA SA MGA KAIBIGAN MONG YUN.





PRINCESS: BUT YOU SAID YOU WILL GIVE ME FREEDOM.





DYLAN: YES YOU’RE FREE. HINDI KITA PAKEKELAMAN DAHIL ALAM KONG HINDI RIN KITA MAPIPIGILAN EH. KAYA ITO LANG PRINCESS, KAHIT ITO LANG SANA PUMAYAG KA. LET’S LIVE TOGETHER.





= = = = = = = = = = = =





Wala rin akong nagawa. Hindi ko matiis si Dylan. ANG LAKI KONG TANGA NOH?





PRINCESS: HELLO GOOD EVENING, MAY I SPEAK WITH EMPRESS?





MRS. ELENA: SI… SINO ‘TO… AY TEKA NAKAKAINITINDI KA BA NG TAGALOG? WHOSE THIS?






PRINCESS: I’M PRINCESS BETHANY, EMPRESS’ FRIEND. IS THIS HER MOM?






MRS. ELENA: YE… YES… AH… WI… WAIT… WAIT… I’LL CALL HER HA. WAIT. JUST WAIT!






Tapos narinig ko nagsisigaw yung babae. Yun yata yung mama ni Empress. Ang kulit naman! Ahahahaha!






MRS. ELENA: ANAK!!! ANAK!!!






ROHAN: OH BAKIT MA?






MRS. ELENA: HINDI IKAW! SI EMPRESS! MAY TUMAWAG NA FOREIGNER SA KANYA!!!






ROHAN: FOREIGNER? KAY KEN-KEN?






MRS. ELENA: OO NAGI-ENGLISH! DALI!!! EMPRESS!!!





EMPRESS: UY ANO BA YUN?





MRS. ELENA: DALI MAY TUMAWAG SAYO! FOREIGNER! NAGI-ENGLISH!





QUEEN: NAGI-ENGLISH PO? MAARTE PO BA BOSES? (Si Queen na yun! Boses balahura.) NAKU BAKA SI BRATTY LANG YUN TITA!





EMPRESS: HELLO?





PRINCESS: HELLO.





EMPRESS: MAMA SI BRATTY NGA! OA NAMAN ‘TO!





MRS. ELENA: NAGI-ENGLISH EH! DAIG PA CALL-CENTER SA PAGKA-SLANG!






ROHAN: NAGI-ENGLISH LANG FOREIGNER NA AGAD? AHAHAHAHAHA! MAMA TALAGA!






EMPRESS: OH SIGE NA LAYAS NA KAYO DITO. KAKAUSAPIN KO NA ‘TONG FOREIGNER NA HILAW!





QUEEN: OKAY, ROHAN GAME TAYO ULIT?






ROHAN: SURE!






EMPRESS: OY! IKAW KUYA UMAKYAT KA SA KWARTO MO! AT IKAW NAMAN GWING-GWING, DITO KA AT MAKINIG KA SA USAPAN NAMIN.





QUEEN: HAY NAKU!





EMPRESS: WAG KA NA NGANG UMANGAL! HELLO, BRATTY? NANJAN KA PA BA? NAKA-LOUDSPEAKER KA NA.





PRINCESS: YEAH, STILL HERE. NAGKAKAGULO KAYO JAN HA. MUKHANG MASAYA TALAGA JAN SA BAHAY NIYO.





QUEEN: WIIIIHHHH INGGIT ANG PRINSESA! HWAHAHA! (Sigaw naman ni Queen.) KASAMA KONG NAGLALARO NGAYON SI ROHAN! HWAHAHAHAHA!





PRINCESS: YEAH-YEAH…





EMPRESS: OH SO ANO NANGYARI? NUNG INIHATID KA NI EROS?





QUEEN & EMPRESS: AYIIIIIEEEEEEEEEHHH!





PRINCESS: NOTHING HAPPENED. MAY GUSTO LANG AKONG SABIHIN.





EMPRESS: ANO YUN?





PRINCESS: HINDI NA AKO MATUTULOY SA INYO BUKAS. HINDI TULOY YUNG PAGTAKAS KO.





QUEEN: HA? BAKIT?





PRINCESS: NAHULI NILA AKO EH.





EMPRESS: ANO? OKAY KA LANG BA? ANONG NANGYARI?





QUEEN: MAG-KWENTO KA NGA!





EMPRESS: UY, MAGSALITA KA NA.





PRINCESS: BASTA… HINDI NA TULOY… AT TSAKA PALA… BAKA MAWALA PALA AKO NG ILANG ARAW. HINDI KO PA ALAM KUNG KELAN ANG BALIK KO.



QUEEN: TEKA? HINDI KA RIN PAPASOK BUKAS NG FRIDAY? AT SAKA SA SATURDAY? DIBA MANONOOD KA SA GIG NAMIN NUN.



PRINCESS: HINDI NA MUNA…



EMPRESS: HOY ANO KA BA! MAGTE-TRAIN PA NGA TAYO NG MGA KAPANGYARIHAN NATIN DIBA? DON’T TELL ME ALIBI LANG YAN PARA MAKA-SKIP KA NG PRACTICE.



PRINCESS: HINDI NAMAN SIGURO AATAKE ULIT YUNG MGA KALABAN…






QUEEN: KAHIT NA! BILIN SAATIN NI EROS NA BAWAL TAYO NA NAG-IISA! 






PRINCESS: I WON'T BE ALONE. KASAMA KO SI DYLAN AND HIS BODYGUARDS. 






EMPRESS: ANO? DOES THAT MEAN NA NAGKABALIKAN NA KAYO NI DYLAN?






PRINCESS: BASTA! SIGE NA... I'LL TAKE CARE, I PROMISE. BYE.



Ayan. Nakapagpaalam na ako kina Queen at Empress.



Mabuti na rin sigurong ‘to lalo pa ngayon na may alam na si Dylan tungkol sa kanila.  Gagawa muna ako ng paraan para ayusin na ng tuluyan ‘tong gulong ‘to. Idagdag mo pa na magkakasama na kami ni Dylan ngayon dito sa mansion.



Ayoko na munang dagdagan ang problema nila, baka masisi lang ulit ako. Sasarilihin ko na lang tutal problema ko naman palagi ‘to.



End of Chapter 10





13 comments:

  1. Replies
    1. whahahaha!!! Syempre naman... hello ka naman, ang tagal ko ng hinihintay ang update nito... at after two weeks ngayon lang ulit ako sinipag magbasa..bwahahaha...

      mamaya, mag u-update na ako dito saka sa PF...weeeew!!!

      Delete
    2. dalian mo rin! sige online tayo maya sa PF! actually, online nga ako kanina eh... ang daming bago sa PF! kakamiss! >__<

      Delete
  2. owmay!!! kinikilig tlga aq kei eros! ang wafu nia shet! swerte ni princess.
    peo type q din ang chrcter ni dylan. ung mga nghhbol s bidang babae.
    sna nmn kxe tigiln n nia ung pambbabae nia!
    ayn, alam n kung pano mtalo ang saligia! go josas! u can do it!

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh kanino ka rin ba talaga anew? eros o dylan?

      Delete
  3. wiiiiiiiiiiahhhh!!! nikilig nmn aq kei eros! niligtas nia ang mga josa! epal nmn ni dylan, titira n s mansion ni princess! nkkamoy aq ng matinding kilig at selosan jan! next n agd!

    ReplyDelete
  4. Replies
    1. wow. this is the 1st time someone called me admin. aegyo na lang! ;)

      Delete
  5. hahahaha.. ang dami kong tawa sa mommy ko..hahaha...

    nagenglish lang foreigner na agad..hahaha

    at syempre naiirita ako kay Dylan..panira ng moment with eros,,hahaha

    ikaw na sis..may dylan ka na, may eros ka pa..may rohan at genesis pa..lahat ng lalaki iyo na hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala naman akong pagtatangka na kina rohan at genesis...

      gulung-gulo na nga ako kina eros at dylan eh. ahahahaha LMAO!

      Delete
  6. Leshe! Papatayin ko na yang Dylan na yan! I SWEAR!!!!!! BABANGASAN KO YAN EH!!! ILULUBLOB KO MUKHA NIYA SA MUD!!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^