Friday, February 3, 2012

Riot Love Game : Chapter 16


CHAPTER 16
(REGINE POV)



REGINE: (Saan ako dadalhin ni Rayce? At saan dinala ni Rye si Richelle) HINDI PWEDENG HINDI KAMI SABAY MAG-CELEBRATE NG BIRTHDAY!



RAYCE: PAMAHIIN BA YAN? MAMALASIN BA KAYO SA SUSUNOD NIYONG TAON PAG HINDI KAYO NAGCELEBRATE TOGETHER?



REGINE: GUSTO MONG IKAW ANG MALASIN NG ISANG TAON? AY HINDI… HABANG BUHAY!!!



RAYCE: IKAW LANG NAMAN MAKAKASAMA KO HABANG BUHAY AH. MALAS KA BA? (Atatatatatat!!! Bakit bumabanat siya ng ganito!)



REGINE: ALAM MO, I’M OVER YOU! MATAPOS MO AKONG IWAN DUN SA WINELINE, AT MATAPOS MONG IPAGTANGGOL YUNG JIYEON NA YUN, HETO KA NAMAN NGAYON! TAMA NGA SI RICHELLE EH, DAPAT HINDI IKAW ANG NAGUS… (Stop!!! Buti na lang nag-stop ako!!! Kalma lang Regina!!! Kalma!!!)



RAYCE: ANO? ITULOY MO? GUSTO MO AKO? NYAHAHA BARBIE DOLL, HULI KA NA SA BIBIG MO!



REGINE: STOP CALLING ME NAMES! (Nag-iinit ang dugo ko… pero syempre kinikilig ako! Halo-halo eh, ang gulo ng utak ko. Kailangan kong makaalis, kailangan kong hanapin si Richelle!!!) AT SAAN MO BA KASI AKO DADALHIN?



RAYCE: I’M PLANNING TO MAKE YOU MY REAL PRINCESS. (Tapos tumingin siya saakin, sabay ngiti. Ang puso ko tumalsik, pakihanap nga!) ULITIN KO LANG HA, MY PRINCESS!!!



REGINE: WELL, WELL, WELL, HYEUNG!!! MAY PRINSIPE NA AKO!



RAYCE: AH! YUNG LALAKING KASAMA MO KANINA? HE’S NOT A PRINCE, HE’S A BEAST! SABIHIN MONG MAS GWAPO YUN SAAKIN, IBABANGGA KO ‘TONG SASAKYAN.



REGINE: SIRA ULO!!! (Humanda ka Rayce! Pag ako ibinaba mo na sa sasakyang ito, tatakas ako! Tatakas ako!!!)



Teka… nasa Manila Bay kami. Anong ginagawa namin dito? Hindi ako nakatakbo dahil pagkatigil pa lang ng sasakyan, kinaladkad na niya ako. Tapos dinala niya ako sa yatch pier? Anong gagawin namin dito?



ERIK: SIR!



RAYCE: ERIK, NAGPAALAM NA AKO KAY DAD. NA-INFORM KA NA BA NIYA? I NEED THE LOVELY SAMIRA. (Sinong Samira yun? At lovely pa daw!!! Ikaw sumusobra ka na Hyeung!!! Babae pa hinahanap mo!)



ERIK: READY NA PO SI SAMIRA. KANINA KA PA HINIHINTAY.



RAYCE: GREAT!



ERIK: SIYA PO BA YUNG PRINSESANG TINUTUKOY NIYO? (Oh so ako yung prinsesang yun? Eh sino nga yung Samira!!!)



REGINE: WHY THE HELL ARE WE HERE?



RAYCE: OH BARBIE, I WANT YOU TO MEET SAMIRA. (Tapos wagas na wagas niyang tinuro ang isang custom made extreme luxury yatch!) THAT’S SAMIRA, MY LOVELY YACHT! LET’S GO! DITO NATIN SASALUBUNGIN ANG BIRTHDAY MO.



JUSPORSANTOS!!! Seasickness, here it comes!!! Sasama ako sa kanya at sasakay sa yate nila? No way! Hahawakan sana ako ulit ni Rayce para hilain na papasok dun sa yateng nagngangalang Samira, pero kumaripas na ako agad ng takbo palayo sa kanya!



REGINE: AYOKO! (Mahabaging langit!!! Bilisan mong tumakbo Regine!!!)



RAYCE: REGINE!!!!!!!!!!!!!!!!!



REGINE: UWAAHHH!!! (Paglingon ko, hinahabol na niya ako at ang bilis niyang tumakbo! Kaya ang ginawa ko, tinanggal ko yung sandals ko para mas mabilis akong makatakbo!)



RAYCE: PAG IKAW NAHULI KO, HUMANDA KA SAAKIN!



REGINE: IN YOUR FACE HYEUNG!!! (Tapos binato ko sa kanya yung isa kong sandal para i-distract siya. Lintek lang!!! Nakailag siya! So binato ko siya ulit nung natitira kong sandal and poof!!! Sapul ang mukha niya!)



Syempre, galak na galak ako at medyo lumayo na ang distansya namin. Kaso may nasalubong naman akong grupo ng mga marino! Nakaharang sila sa daraan ko! Tumabi kayo jan!!!!



RAYCE: STOP HER, FOR HEAVEN SAKE!!! STOP HER!!!



REGINE: UWAAAAHHHH!!!!!!!! (Hindi ko alam kung anong connection nitong si Rayce sa yacht club na ito, pero after niyang isigaw yun, ni-corner ako ng mga machong marino at binuhat ako! Tapos dinala nila ako pabalik kay Rayce.) BITAWAN NIYO AKO!!!!



MACHO 1: BOSS. (Boss? Bakit boss at sir ang tinatawag nila kay Rayce?)



RAYCE: SALAMAT AT NAHULI NIYO SIYA.



MACHO 2: ANO PO BANG KASALANAN NG BABAENG ITO? MAY NINAKAW BA SIYA SA INYO, BOSS?



RAYCE: YEAH… MAGNANAKAW YAN. (Ako? Magnanakaw? Sa ganda kong ito? Come on, hindi naman kapani-paniwala yun!) NINAKAW NIYA ANG PUSO KO. (Oh yun malamang magnanakaw nga ako ng puso niya.)



Nagtawanan sila at para hindi na ako makatakas ulit, ini-escort na kami nung mga marino. At ito pa, mas mahigpit na ang hawak saakin ni Rayce.



RAYCE: THANKS! I’LL TELL DAD NA BIGYAN KAYO NG BONUS SA SUSUNOD NIYONG SWELDO!



MACHO 3: BAIT MO TALAGA BOSS!!! GOOD LUCK PO SA INYO NG PRINSESA MO. HAHAHAHA! (Take note, prinsesang nakapaa lang! Kung alam ko lang na fail ang plano ko, hindi ko na sana tinapon yung sandals ko kanina! Ang mamahal pa naman nun!)



So pagsakay namin dun sa yate, umalis na kami agad. Lumuluha akong nakatingin palayo sa kalupaan!!! Paalam Pilipinas!!! Saang lupalop ba ako dadalhin ni Rayce? Lumapit siya saakin at tinitigan ko siya ng masama.



RAYCE: SA LAGAY NA YAN, DON’T TELL ME MAY BALAK KA PANG TUMAKAS. (Paano pa ako tatakas? Alangan namang tumalon ako sa dagat at lumangoy pabalik? Ano bang gagawin namin dito?) LET’S COME INSIDE. MAGBIHIS KA.



Tamang-tama naman din at nanggigitata na ako! Sobrang haggard ko na! Pumasok kami sa loob at in-open niya ang isang cabinet na puno ng damit pangbabae. Sino naman kaya ang nagsusuot ng mga damit na ‘to?



RAYCE: OH BARBIE… MAY DRESSING ROOM KA PA HA.



REGINE: KANINONG MGA DAMIT YAN? IMPOSIBLE NAMANG SAYO DIBA? PARA SA MGA BABAE MO? PANG-ILANG BABAE NA BA AKO NA PINASAKAY MO DITO HA?



RAYCE: ANG DAMING TANONG! PERO ISA LANG ANG SAGOT NIYAN. MAGBIHIS KA NA. (Paalis na sana siya pero bago niya tuluyang isarado ang pinto) AND FOR THE RECORD, IKAW PA LANG ANG BABAENG DINALA KO DITO. (Ows? Wag kang maniwala Regine!!!)



TIME: 7:30 PM
PLACE: Nakasakay sa Samira Luxury Yacht sa gitna ng karagatan.



RAYCE: UNTIL WHAT TIME MO AKO PAGHIHINTAYIN HA? MAGTU-TWO HOURS KA NA JAN! LUMABAS KA NA NGA! (Hehe!!! Ito na lang kasi ang naisip kong paraan. Nagkulong ako sa loob ng kwarto.) MAGANDA YANG MGA DAMIT NA BINILI KO PARA SAYO HA! WAG MONG UBUSIN PASENSYA KO REGINE ARAGON!!! (Richelle ikaw ba yan?) WALA KANG DINNER PAG GINALIT MO AKO!



Ako ang ginagalit ng lalaking ‘to! Pero galit na din ang sikmura ko! Naghihimagsik na ang mga intestines ko! Sige na, lalabas na ako! Padabog ko pang binuksan yung pinto, pero wala naman si Rayce sa paligid? Pansin ko ding medyo mabagal na yung andar ng yate.



Kaso nagulantang naman ako bigla!!! UWAAAAH!!! At ano ‘tong mga kumukuti-kutitap na ilaw sa handrails? So sinundan ko yung ilaw at pagdating ko sa front deck ng yacht… amaze na amaze ako sa nakita ko.



REGINE: (A candle light dinner with romantic background music. At si Rayce!!! Oo si Rayce!!! Mukha siyang prinsipe sa ayos niya!) WHAT THE…



RAYCE: (Nakangiti siyang lumapit saakin, at may hawak siya na tinatago niya sa likod. Bouquet of roses ba yan!!! Harujusko! Hihimatayin na yata ako sa kilig!) MY PRINCESS, NASAAN NA ANG SAPATOS MO?



REGINE: (Eek… basag!!! Ito ang dahilan kung bakit ayokong lumabas mula pa kanina! Ang ganda-ganda ng suot kong dress, tapos nakayapak lang ako!) DO I LOOK FUNNY? (Sira-ulo ka Rayce! Kinikilig na sana ako!)



RAYCE: (Tinawanan niya ako.) IT’S FUNNY KASI UMAAYON ANG LAHAT SA PLANO KO! DIBA SINABI KO, GAGAWIN KITANG PRINSESA KO. (Tapos yung inakala kong bouquet na hawak niya, pair of sandals pala! Syempre mas natuwa naman ako! Isinuot niya saakin yung sapatos.) NOW YOU LOOK PERFECT, MY PRINCESS CINDERELLA.



Napakagat-labi na lang ako sa kilig!!! Pero hindi pwede ‘to! Dapat galit ako sa kanya eh. Kaso yung buset kong katawan, kusa na lang kumikilos! Tapos ang peaceful at passionate lang ng moment. Casual lang kaming nag-uusap habang kumakain. Tapos hindi ko lang rin mapigilang ngumiti.



Si Richelle kaya? Ano kayang naging dinner niya with Rye? Ganto rin ba ka-bongga? Ay naku espren, mamaya na muna kita iisipin ha! Lalasapin ko muna ‘tong dream date ko! Haha! Dream date as in parang nanaginip lang talaga ako ngayon!



Nakailang courses kami ng pagkain! Balak yata akong patabin nitong si Rayce eh. Pero hindi ko naman matanggihan yung mga pagkain! Nasa tenth course na kami, desserts!!! Ano kayang kakainin namin? Pudding? Chocolate & Vanilla Eclairs? French Ice Cream?



Si Rayce ang nag-serve so lalo akong na-excite!!! Gaano kaya ka-special itong dessert na ito? Hindi kaya may singsing na yung kakainin ko! Propose na!!! Ay adik ko din, hindi pa nga kami eh! Masyado naman akong nagmamadali! Haha! So pagtanggal niya nung takip…



REGINE: EH? (Apple? Isang simpleng apple? Gagung Rayce ‘to! Ito lang?) NASAAN YUNG SINGSING? JOKE!!! APPLE LANG?



RAYCE: (Buti na lang hindi niya pinansin yung sinabi ko about sa singsing!) A BLOOD RED APPLE FOR MY PRINCESS SNOW WHITE.



REGINE: BANGAG KA BA! SO BALAK MO AKONG LASUNIN! (Oh kunyari lang yang hindi ako masaya! Alam niyo naman, simpleng ganyan lang kinukuryente na agad ako sa kilig! So pagkagat ko dun sa apple…) CAKE??? (Isang cake na mukhang apple! Anak ng teteng!!! Naloko ako!!!)



RAYCE: PFFFT! (Pinunasan niya yung kamay ko na nadumihan na ng red icing!) YOU LIKE MY IDEA? AN APPLE THAT WAS ACTUALLY A CAKE! (Idea mo pala!!! Bangasan kita eh, pasalamat ka na-elibs ako!)



So in-enjoy ko na yung apple, I mean cake pala!!! After namin kumain, hinila naman ako ni Rayce para magsayaw naman daw kami! Kumakana na siya ha! Kanina pa niya ako ginugulat sa mga ka-sweetan niya!



RAYCE: SO… WHAT CAN YOU SAY? (Ang gwapo mo Rayce!!!)



REGINE: YOU MADE ME SO HAPPY! (Magkasayaw kami pero hindi ako tumitingin sa kanya.) AS EXPECTED FROM A PLAYBOY LIKE YOU.



RAYCE: GALIT KA PARIN AFTER ALL OF THIS?



REGINE: FOR A MOMENT, NAKAKALIMUTAN KONG GALIT AKO SAYO. BUT RAYCE… (Saka ako tumingin sa kanya.) AFTER THIS NIGHT, GANUN PA RIN YUNG MAGIGING TINGIN KO SAYO. I CAN’T FORGIVE YOU AND I SHOULD FORGET YOU, AS I PROMISED TO MYSELF AND TO MY BESTFRIEND.



RAYCE: PSSHH! AS PROMISED TO YOURSELF? OH BAKA DUN LANG SA BESTFRIEND MO! ALAM KO NAMANG MATINDI ANG GALIT SAAKIN NI RICHELLE, PERO…



REGINE: HINDI MO SIYA MASISISI! KASALANAN MO NAMAN LAHAT EH! MAY GUSTO NGA AKO SAYO RAYCE… PERO MADALI KO LANG YUNG MAKAKALIMUTAN. MADALI KA LANG KALIMUTAN.



Okay, ang drama na diba! At para dagdagan pa yung bigat ng eksenang ito, lumuhod sa harap ko si Rayce! OMG!!! Keribels ko pa ba ito?



RAYCE: PLAYBOY NGA AKO, AT ANG DAMI KO NANG SINAKTANG BABAE. BUT LET ME TELL YOU THIS REGINE. (Sabay hawak nang mahigpit sa mga kamay ko!) I DID ALL OF THAT, BECAUSE I NEVER GOT THE CHANCE AND STRENGHT TO TELL YOU THAT I’M MADLY AND DEEPLY IN LOVE WITH YOU!



REGINE: (Madly? Gaano ka mad? Deeply? Gaano kalalim? In loved? Weh!!!) TUMIGIL KA NGA! WAG MO AKONG DAANIN JAN SA PALUHOD-LUHOD MO! IKAW NA RIN ANG MAY SABI, PLAYBOY KA! I‘M PRETTY SURE GINAWA MO NANG LAHAT ITO SA BABAE MO!



RAYCE: HOW SURE ARE YOU? (Pretty sure nga diba!) ALAM MO BA ANG LAHAT NG TUNGKOL SAAKIN? ALAM MO BANG IKAW ANG PUPPY LOVE, FIRST LOVE AT TRUE LOVE KO!!! (Kailangan sumigaw?)



REGINE: (Ako daw ang lahat ng uri ng love niya oh!!!) LIAR!



RAYCE: AH LIAR PALA HA… THEN HOW ABOUT GAWIN DIN KITANG LAST LOVE KO. (At malala na talaga ang sakit ng lalaking ito! Nagpaka-Rose ba naman ng Titanic!) MAGSU-SUICIDE AKO JUST TO PROVE TO YOU I’M SERIOUS!



REGINE: WOW NAMAN ANG GANDANG EKSENA NITO RAYCE! ILANG BESES MONG PINANOOD ANG TITANIC? IDOL SI ROSE!!! (Pero ang totoo, nakakatakot na ang pwesto ni si Rayce! Kapag nakabitaw siya sa railing, mahuhulog talaga siya sa dagat!!! Madilim pa naman na!) OH SIGE TALON! PARA PAG-PIYESTAHAN KA NG PATING!



RAYCE: TEN YEARS REGINE… TEN YEARS SIMULA NUNG UNA KITANG MAKITA. KASAMA KO NUN SI RYE! AT UNA TAYONG MAGKITA NOON, KASAMA MO NAMAN SI RICHELLE.



REGINE: (Ano daw? Parang wala akong maalala ganung pangyayari ah! Hayup sa imagination itong si Rayce!) TINGIN MO MANINIWALA AKO?



RAYCE: HINDI MO AKO PINAPANSIN NOON KASI YUNG ATTENTION MO, NANDUN SA LINTEK NA PAUL! (Maka-lintek! Ang wagas!) KAYA AKO NAGBAGO! GINAYA KO YUNG PAUL NA YUN PARA MAPANSIN MO AKO! (Ginaya? Yung ano?) NAGPAKA-GAGO AKO SA BABAE, KASI AKALA KO YUN ANG GUSTO MO! (Nagpaka-playboy siya para pansinin ko?) IF YOU DON’T ACCEPT ME AND MY APOLOGY, THEN I MIGHT AS WELL DIE. (Bakit hindi pa siya tumatalon? Uy natatakot!!!)



REGINE: (Pero ang gulo ng utak ko! Hindi ko alam kung maniniwala ako! At isa lang ang paraan para makasigurado, ang tanungin si Richelle! Siguro, naalala niya yung time na yun na sinasabi ni Rayce!) WAG KA NGANG ADIK JAN RAYCE! TARA NA DITO!



RAYCE: SABIHIN MO MUNANG PINAPATAWAD MO AKO AT NANINIWALA KA SAAKIN. (Tigas ng mukha mo Rayce! Sa dami ng kalokohan mo saakin!)



REGINE: HINDI MO AKO MATATAKOT SA MGA GANYAN MO HA!



RAYCE: AYAW MONG MANIWALA? EH KUNG SABIHIN KONG HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY, HINDI KA PA RIN MANINIWALA? (Aba naman at ang lakas magtangkang tumalon sa dagat, hindi naman pala marunong lumangoy!)



REGINE: ANG TINDI NA TALAGA NG SAPAK MO RAYCE!



RAYCE: TSK! MAHAL KITA REGINE… PERO AYAW MONG MANIWALA HA… (Tapos tumalon nga ang tukmol sa dagat!)



REGINE: RAYCE!!!



Kasama lang ‘to sa plano niya, Regine! Talagang may ganito sa plano niya! Ganun naman talaga diba! Kapag hindi napasagot ng lalaki ang babae, gagawa ng mga ganitong ACT! Acting lang ‘to! Acting lang ‘to!!! Umaarte lang si Rayce na nalulunod siya ngayon! Paawa effect lang yan!!!



REGINE: (Dahan-dahan akong umatras palayo.) BE STRONG REGINE! AAHON DIN YANG SI RAYCE! ANG KAILANGAN LANG, WAG MAHULOG SA BITAG NA ‘TO!



ERIK: SIR RAYCE… (Lumabas si Erik) AY MA’AM REGINE! NAKAHANDA NA PO YUNG PWESTO NIYO DUN SA UPPER DECK. NASAAN NA PO SI SIR? (Ayun nalulunod! Kunyari?)



REGINE: ERIK… SI RAYCE BA MARUNONG LUMANGOY?



ERIK: PFFT! (Tapos lumapit siya saakin.) MA’AM, SEKRETO LANG NATIN ‘TO HA. YAN SI SIR RAYCE, PAGLANGOY LANG ANG KAHINAAN NIYA! HINDI MATUTO!!! HAHA! (Lumakas bigla yung kabog ng dibdib ko. Si Erik, malamang accomplice lang ‘to!)



REGINE: PAANO KO MALALAMANG HINDI KA NAGSISINUNGALING?



ERIK: MA’AM NAMAN, BAKA MASISANTE AKO PAG GINALIT KO YUNG GIRLFRIEND NG ANAK NG BOSS KO! AT TSAKA PEKSMAN, MAMATAY MAN YUNG TATLONG ANAK AT ASAWA KO!



REGINE: WHAT? (Maiyak-iyak na ako at nagmadali akong tanggalin yung suot kong sandals) TUMALON SI RAYCE SA DAGAT! ILAWAN MO AKO DALI!



ERIK: PO? (Hindi na ako nagpaliwanag at tumalon na ako sa dagat!)



Rayce… wag mong gawin saakin ‘to! RAYCE!!! Ilang beses akong lumubog at umahon pero hindi ko siya makita. Masyadong madilim! Umiiyak na ako habang sinisigaw yung pangalan ni Rayce. Hindi pwede ‘to! Hindi pwede ‘to!!!



REGINE: RAYCE!!! (Saka lang nagliwanag nung inilawan na ako ni kuya Erik. Kaya ni-try ko ulit mag-dive at nakita ko rin sa wakas si Rayce at binilisan ko ang paglangoy papunta sa kanya.)



Pero paglapit ko sa kanya, nakapikit na lang siya… so I kissed him to give him air. Wala na sa isip ko na ang first kiss namin ay underwater. Kahit bigat na bigat ako sa kanya, pinilit kong makaahon.



REGINE: RAYCE!!! WAKE UP!!! (Palubog-lubog kami sa tubig, at nakakinom na rin ako ng tubig-alat! Hindi rin humihinga si Rayce! Kapag namatay siya, magpapakamatay na din ako!!!)



ERIK: MA’AM!!! KUMAPIT PO KAYO! (Nagtapon siya ng salbabida, at naabot ko ‘to.)



REGINE: RAYCE!!! DON’T DO THIS TO ME!!! (Hindi kami makaahon agad, pero kung hindi ko siya bibigyan ng CPR, baka matuluyan si Rayce. So kahit hopeless, I kissed him again and again to give him air.) RAYCE!!!



RAYCE: HHHH!!! (Naubo-ubo siya at naghahabol pa siya ng hininga niya.)



REGINE: OH MY GOD, RAYCE!!! THANK YOU!!! (Naiyak ako lalo.)



RAYCE: YOU SAVED ME?



REGINE: I CAN’T LET YOU DIE.



RAYCE: LITTLE MERMAID. (Nakuha pang manggagu ‘tong si Rayce! He smiled in relief.) MY PRINCESS ARIEL. (Tapos niyakap ko siya ng mahigpit. And I’m so glad na niyakap niya rin ako nang mas mahigpit pa.)



TIME: The last time I checked, 9 kanina… ewan ko ngayon.
PLACE: Nakasakay pa rin sa Samira Luxury Yacht, sa may upper deck na.



Nagpapatuyo ako ng buhok dito sa pwestong sinabi ni Erik. Sobrang ganda ng view dito. Ang ganda kasi ng dagat, tapos kapag tumingala ka naman, yung mga stars sa langit ang na-eenjoy mo! Kung nasaang lupalop na kami? Lapakels na!!! Tapos nagulat na lang ako nang biglang sumulpot na lang si Rayce mula sa likod ko.



RAYCE: HAPPY BIRTHDAY! (Tapos ipinakita niya yung orasan niya. Twelve o’clock na!)



REGINE: OH…TE… THANK YOU.



RAYCE: LET ME DO YOUR HAIR. (Kinuha niya yung suklay saakin at siya ang nagsuklay sa buhok ko.) ANG HABA NG BUHOK MO! TAMANG-TAMA! PRINCESS RAPUNZEL!



REGINE: (Naisip kong wag nang sumabat… ayoko nang magsimula ng away.)



RAYCE: ANG GALING MONG LUMANGOY HA.



REGINE: NATUTO TALAGA AKONG LUMANGOY PARA KAY RICHELLE. ALAM MO KASI, YUNG BABAENG YUN, TAKOT MASYADO SA TUBIG! KAHIT ILANG BESES NANG TINURUANG LUMANGOY, NALULUNOD PA RIN. KAYA GINALINGAN KONG MAGSWIMMING! SO KAPAG NALUNOD SIYA ULIT, ILILIGTAS KO SIYA! (Dagdag utang na loob yun kung sakali! Hahaha!!!)



RAYCE: PAANO YAN, PATI AKO NAILIGTAS MO. (Pagkatapos niyang suklayan ang buhok ko, nahiga siya sa tabi ko. Uy magtatabi ba talaga kami?) NAKAKAINGGIT NA TALAGA YANG IS RICHELLE HA. KUNG HINDI KO KAYO KILALA, IISIPIN KONG KAYO EH.



REGINE: SIRA!!! (Isang matinding kotong ang pinakawalan ko!)



RAYCE: SO… DO YOU BELIEVE ME NOW? (Ano pa nga ba?)



Nung akala kong mamamatay na sa harap ko yung lalaking mahal ko, inisip ko kung gaano ako naging tanga at epal sa sarili kong kwento! So this time… this time magpapakatotoo na talaga ako!



REGINE: YES… NANINIWALA NA AKO SAYO. (Nahiga din ako sa tabi niya. Nahihiya ako!!! At nagulat siya sa ginawa ko.)



RAYCE: (Ang kumag naman, biglang na-conscious! Akala ko ba sanay siya sa girls!) OKAY LANG BA?



REGINE: ANG ANO?



RAYCE: NA GANUN LANG ANG FIRST KISS NATIN? (Syempre hindi!)



REGINE: AHEM… IT’S NOT A KISS… IT’S JUST A MOUTH-TO-MOUTH RESUSCITATION. (Ang pangarap kong unang halik! Juskoday! Wala na!)



RAYCE: YOU SHOULDN’T HAVE SAID THAT. (Dahan-dahan siyang lumapit saakin.)



REGINE: TEKA… (Babangon sana ako dahil hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang kaba at kilig…)



RAYCE: (Pero hinila niya ako pahiga ulit. Then he leaned over me and…) CLOSE YOUR EYES. (Close my eyes daw, and so I did! Then tumigil na ang takbo ng oras… para saakin. Para saamin.)



He started kissing me at my forehead, then to my eyelids and slowly to my nose. And next, he tenderly kissed me on my lips. WE are actually kissing! So warm, so passionate and yet so gentle!



Hindi pa siya tapos dahil mas inilapit pa niya yung katawan niya saakin habang magkadikit pa ang mga labi namin! So parang nararamdaman ko na rin kung gaano kabilis at kalakas ang tibok ng puso niya. Teka parang puso ko yata yun… hindi eh… puso niya yun… OWEMJI!!! Puso naming dalawa yun!!!



Wala akong pakelam kung gaano na katagal itong ginagawa naming moment. Maya-maya naramdaman ko na yung kamay ni Rayce sa balikat ko. Pero natatawa ako sa isip ko kung bakit nanginginig yung kamay niya?



REGINE: BAKIT? (Parang nagbago yung expression niya nung tumigil ako at nagsalita bigla! Napansin ko lang kasi na nakaclosed fist na siya.)



RAYCE: ARGH!!! (Napabangon siya at nagtakip sa mukha niya.) REGINE NAMAN!!! (Wah? Nagalit ba siyang tumigil ako sa paghalik?)



REGINE: SORRY… NABITIN KA BA? KASI…



RAYCE: HINDI… HINDI YUN! (Ipinatong ko yung kamay ko sa balikat niya at lalong nag-stiff yung katawan niya.) ANG HIRAP MAGPIGIL EH!



REGINE: MAGPIGIL? NG ANO? (Magpigil ng ihi? Pupu?)



RAYCE: ITO KASING KAMAY KO! ARGH!!! NAKAKAHIYA!!! (Tapos ginulo niya yung buhok niya, ang cute niya lang tignan!)



REGINE: BAKIT BA KASI? ANO BANG MERON SA KAMAY MO HA?



RAYCE: ANG SLOW MO NAMAN! I’M ONLY AIMING FOR A KISS… PERO ITONG KAMAY KO… ALAM MO NA… BAKA SAAN ITO MAPADPAD!!!



REGINE: PFFT!!! (Now I know!!! Ang naughty mo talaga Rayce!!!)



RAYCE: WAG KANG TUMAWA OH, MAS LALO KANG NAGIGING CUTE EH. HINDI MO ALAM KUNG GAANONG SELF-CONTROL ‘TO HA! I WAN’T TO BE GENTLE, SO PLEASE BEAR WITH ME.



I kissed him on the cheeks para kumalma siya, pero lalo yata siyang namula at nagwala! Ito ba? Ito ba ang playboy na nag-practice pa sa iba’t ibang babae?



=================================
(RAYCE POV)



At last, naka-first kiss na din ako! Unti-unti nang natutupad ang pangarap ko sa piling ng prinsesa ko! Pero hindi ko akalaing ganito pala kahirap! Ganito kahirap controlin ang kamay ko! Alam mo, syempre gusto kong magpaka-gentleman kay Regine! Pero ang mapigil!!! Talaga naman!!! Nadadala na ako ng emosyon!!!



RAYCE: REGINE… SO DOES THIS MEAN, TAYO NA?



REGINE: HMMM…



RAYCE: (Ilang minuto lang naman ang timeout na hiningi ko para ikalma ang sarili ko! Tapos heto, tinulugan na niya ako!!!) TAYO NA HA. (Hindi na siya makasagot!!! Anak ng kagandahan!) MAY SURPRISE PA AKO SAYO MAMAYA PAG GISING MO



=================================
(REGINE POV)



That was the night ever! Magkasama daw kami ni Rayce buong gabi! Ayos ang lahat sa pagitan namin, and we even kissed! Kissed!!! Speaking of kiss, parang nararamdaman ko pa rin sa labi ko yung halik ni Rayce!



REGINE: (I slowly opened my eyes, at nakahalik nga saakin si Rayce!!!)



RAYCE: WAKE UP SLEEPING BEAUTY!



REGINE: (Namulat ako bigla tapos binuhat ako ni Rayce!) UWAHHH! (Pababa na kami sa yate! Nasa lupa na ulit kami!)



RAYCE: EFFECTIVE NGA PAMPAGISING YUNG TRUE LOVE’S KISS NOH! HAHA!!!



REGINE: ANONG ORAS NA? NASAAN TAYO?



RAYCE: 2:00 AM PA LANG. NASA TAGAYTAY TAYO. AND WE’RE ON OUR WAY TO OUR CASTLE!



REGINE: BALIW! I CAN WALK! WAG MO NA AKONG BUHATIN!



RAYCE: OKAY LANG YAN! I’M JUST CARRYING MY PRINCESS!



Pagsakay namin sa sasakyan, one hour lang nakarating na kami sa isang resthouse… o haunted house? Bakit ang dilim?



REGINE: TEKA RAYCE… SABI MO CASTLE?



RAYCE: LET’S GO!



Pumasok na kami kaso dahil medyo madilim nga, lalong nagkaroon ng eerie feeling! Lalo pa nung makaramdam ako na may gumagalaw sa loob? Halimaw, my gawd!!!



REGINE: RAYCE… NASAAN BA TAYO? (Anak ng!!! Bakit hindi siya sumasagot! Ayan na!!! May papalapit na saakin!!!)



RICHELLE & REGINE: WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!! (Familiar yung boses ha! Ang ganda kasi ng blending ng magsigaw namin!)



RICHELLE: REGINE?



REGINE: RICHELLE?



REGINE & RICHELLE: ANONG GINAGAWA MO DITO?



RAYCE & RYE: HAPPY BIRTHDAY!



Tapos biglang lumiwanag yung bahay, at punong puno ito ng pink and red roses with red and white rose petals! Plano ba itong lahat nina Rayce at Rye? Ano pa man yun, sobrang saya ko at makakasama ko ang bestfriend ko sa birthday namin!



RICHELLE: HAPPY BIRTHDAY ESPREN!!! LABYU!!!



REGINE: HAPPY BIRTHDAY ESPREN!!! LABYUMOR!!!



RAYCE: GREAT! SINCE KUMPLETO NA TAYONG APAT DITO, I WOULD LIKE TO ANNOUNCE NA AT LAST… (Sabay akbay saakin) KAMI NA NI REGINE! (What? Kami na agad? Yun na pala yun? Wala man lang ligaw?)



RICHELLE: ANO? (At hinila ako pabalik ni Richelle) PAANO NAMAN MANGYAYARI YUN HA! SABIHIN MONG NAGSISINUNGALING SIYA REGINA!



REGINE: TEKA… HINDI KO RIN ALAM… PAG NAGKISS BA KAMI NA?



RICHELLE: NAG-KISS NA KAYO? OHMYGAWD!!! BAKA NAGKA-RABIES KA SIS! (Tapos pinunas-punasan niya yung labi ko! Grabe ka na Richelle ha! Daig mo pa ang nanay!)



RAYCE: (Tapos hinila niya ako pabalik.) KAMI NA NI REGINE. DIBA MY PRINCESS? (Hindi na ako naka-react pa dahil hinalikan na ako ni Rayce sa harap nila Richelle at Rye! Sa lips!!! Sa lips niya ako hinalikan!)



RICHELLE: NO!!! (Dakilang epal? Love story mo ‘teh?)



RYE: TUMIGIL KA NA NGA RICHELLE! (At hindi rin nagpatalo si Rye at hinalikan niya rin si Richelle. Oh yan, natigil ang babae sa paghi-hysterical niya) TAYO NA RIN NAMAN DIBA! NAG-KISS NA TAYO SO TAYO NA!



REGINE: KAYO NA?



Uwahhhhhh!!! Ano na bang nangyayari!!! Nagkatinginan na lang kami ni Richelle. Oh so kami na daw ni Rayce… at kayo na daw ni Rye… paano na yung PROJECT RIOT LOVE GAME? Tutuloy pa ba natin?



End of Chapter 16

2 comments:

  1. bkit wlang pinopost na picture d2 ate aegyo? dun lng b yun s pf?

    ReplyDelete
    Replies
    1. wula sis, nitatamad akong ipost dito... dun na lang yun sa pf... ahaha... :D

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^