Sunday, February 5, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 4

[ Meet the New Characters
that will Rock their World ]


Wala pa ang professor nila pagdating ni Ian sa classroom. Kaya naman dire-diretso siya sa upuan niya.

Agad naman siyang binati ng mga kaibigan.

KENETH : Mr. Playboy!!! Kumusta? Himala ang aga mo yata ngayon?

IAN : Lol! Ewan ko sayo. (at pabirong sinuntok ko siya sa balikat bilang pagbati)

SANJI : oo nga tol! Hindi ka ba naharang ng mga babae kaya maaga ka ngayon?

IAN : ang gugulo niyo naman kausap eh.

SANJI : so, nakatakas ka nga?

IAN : sa likod ako dumaan papunta dito.

RAN : iba na talaga pag gwapo.

Sila ang mga magugulo kong kaklase at kaibigan.

Si Keneth ang pinakamakulit samin. Siya din yung pinakamaliit pero saksakan ng fighting spirit. Hindi niya alintana na kapag may babae kaming nakikilala ay hindi siya pinapansin. Gwapo din naman si Keneth at di naman talaga maliit. Pero kapag itinabi mo siya samin ay magmumukha siyang unano.

Si Sanji naman mukha ng babae dahil sobrang gwapo. Ang haba pa ng buhok niyang lagi niyang itinatali. Myembro siya ng isang banda. May pagkababaero din yang kumag na yan eh. Walang tumatagal na karelasyon.

Si Ran naman ang barkada kong napakatipid magsalita. Pa-mysterious effect lagi.

Sila ang mga naging kaibigan ko mula ng makapasok ako sa university na ito.

Sobrang sikat kami dahil nga sa gwapo kami at pinagkakaguluhan ng mga babae. Nung uso pa ang F4 yun ang binabansag nila samin.

Pero sa tingin ko mas gwapo pa kami dun.

At ako si Ian Saldana. Mr. playboy ang bansag sakin ng lahat ng nakakakilala sakin. Not because playboy talaga akong tulad ni Sanji kundi talagang lapitin ako ng mga babae. Wala naman akong inaagrabyadong tao kaya walang masama. Hinahayaan ko nalang silang isipin yun.

On the contrary, wala naman kasi akong steady girlfriend kaya siguro ganun ang tingin sakin ng mga tao. I love the attention I got from girls. Big points yun sa ego ko bilang lalaki.

Sino ba naman ang lalaking tatanggi na pagkaguluhan siya ng mga babae diba?

Wala pa din naman akong nakikitang girl na dapat seryosohin.

Kapag ako naman nagmahal ay talagang sineseryoso ko talaga ang karelasyon ko. Kaya okay lang sakin na bansagan akong playboy at pagkaguluhan ng mga babae. Normal na samin na sat wing papasok sa eskwela ay haharangin ako para lang magpapicture, magpaautograph..yung iba nanghahalik at nangyayakap pa. daig ko pa ang isang sikat na artista.

Pero ngayon parang gusto kong pagsisihan ang image ko na yun.

IAN : mga tol playboy ba talaga ako?

Napatingin sakin ang mga kaibigan ko.

SANJI : bakit naman naisipan mong itanong yan samin eh matagal mo ng image yan.

IAN : ewan ko. Kilala niyo naman ako diba? Di naman ako talaga playboy…chickboy siguro pwede pa.

KENETH : Ano yun? Pwede sa chick..pwede sa boy?

IAN : Mukha mo!!!!

SANJI : ano ba ang dahilan at bigla mong naisip yan? Mamamatay ka nab a kaya magbabagong-buhay ka na?

IAN : ewan ko sa inyong dalawa wala akong makuhang matinong sagot sa inyo.

KENETH : nakakagulat ka kasi magtanong eh.

IAN : May nakilala kasi akong girl. Ang ganda niya…ang amo ng mukha niya…ang sexy niya.

SANJI : oh? Anong problema? Eh di pormahan mo. Ikaw pa eh expert ka dun.

Napasimangot si Ian.

IAN : Yun na nga eh. Hindi pa man ako nakakapagsimula basted na agad ako.

Halatang nagulat ang mga kaibigan niya sa narinig. Nakakagulat naman kasi ito.

Siya si Ian Saldana, kilalang chick magnet ng buong university babastedin lang ng isang babae??? Unbelievable!!!

KENETH : himala!!!! May babaeng nakaresist ng charm mo Ian!!!

SANJI : oo nga…intriguing yang babaeng yan ah.

KENETH: baka naman nagpapakipot lang.

SANJI : oo nga baka sinusubukan lang si Ian.

Grabe itong dalawang ito. Kung mag-usap akala mo wala ako sa tabi nila.

IAN : tumigil na nga kayong dalawa!!! Kahit kailan wala akong makuhang matinong sagot sa inyo. (binalingan ko si Ran na nagbabasa ng libro) Ikaw Ran anong masasabi mo?

RAN : (hindi nag-aangat ng tingin sumagot sa kanya) Dumating na ang karma mo.

Karma??? Siya nga kaya ang karma ko?

SANJI : Pero teka!!! Matanong ko lang Ian bakit nga pal sa likod ka dumaan eh sobrang layo nun sa building natin ah?

IAN : Sinundan ko kasi kung saan ang classroom nung crush ko.

KENETH : What???!!!! Ikaw ba talaga yan Ian?? Stalker na ngayon ang drama mo ah?! Kakaiba na yan!

SANJI : Oo nga tol! Ako ang kinakabahan sayo eh. Saan mo ba nakilala yang chick na yan? Hindi naman kaya mangkukulam yan?

IAN : ewan ko sayo Sanji!!! Una ko siyang nakita sa school ground nung pinalibutan ako ng mga babae. Kasama niya yata mga kaibigan niya. Parang tumigil ang ikot ng mundo siya lang ang nakikita ko.

KENETH : Wow!!!! Heavy na talaga ito!!! Ang OA na ni Ian!!! Nakakakilabot!!!

SANJI : nakapalibotdin siya sayo? It means isa siya sa mga babaeng may gusto sayo.

IAN : Buti sana kung ganun eh pero nung nginitian ko siya tinalikuran ba naman ako bigla?

KENETH : kawawa ka naman Ian. Kung naibang babae yun baka hinimatay na yun sa kilig nung nginitian mo.

IAN : eto pa ang malupit mga tol!!! Kanina nakasabay ko siya papasok sa school kasi sa iisang village lang pala kami nakatira.

SANJI : Wow!!! Grabeng destiny na yan ah.

KENETH : paano kayo nagkasabay pumasok? Tumatakbo ka habang nakasabay sa kotse niya?

IAN : Lol!! Uupakan na kita Keneth eh! Nakita ko siyang naglalakad. Mukhang nagmamadali kasi muntik ko pa siyang masagasaan eh. Kaya isinabay ko na siya papasok.

SANJI : Naks!!! Dumadamoves ah!

KENETH : Oh? Anong nangyari?

IAN : ayun, nagpakilala ako then tinanong ko din ang name niya saka inopen ko sa kanya na nakita ko nga sya sa school ground pero langya tol!!! Itinanggi niya!!! Itinanggi niya na nagkita na kami.

SANJI : saklap naman!

RAN : baka naman nahiya lang. (nakisali na din si Ran samin. Mukhang naintriga din siya sa babae)

KENETH : baka naman di ka type. (upakan ko na to si Keneth eh)

RAN : ano bang name niya? (teka..mukhang interesado pa yata si Ran kay Jen ah)

SANJI : Pakilala mo naman samin.

IAN : Secret!!! Ayoko nga!!!

KENETH : at kelan ka pa nagging madamot sa babae?

IAN : Baka kasi kapag nakilala niya kayo lalo akong mawalan ng pag-asa eh.

KENETH : Wow!! Tol!! Insecure ka na nyan?

IAN : Sa inyo ni Sanji hindi!!! Pero kay Ran wala akong tiwala eh..chick magnet din yan eh. Tatahi-tahimik lang pero matinik din yan sa babae.

RAN : bakit pati ako nadamay?

Isa din kasi si Ran na habulin ng babae. Nakadagdag factor kasi ang pagiging tahimik at suplado nito. Baka kapag nakilala niya si Jen ay matype-an niya bigla.

May history pa naman kami nyan ng pagkakaroon ng gusto sa isang babae.

Kaya naman hanggat di ko pa girlfriend si Jen ay di ko hahayaang makilala niya ang mga kulugong ito.

KENETH : tol!!! Yung kapatid mo tawag ka!

Napatingin ako sa labas ng bintanang tinuro sakin ni Keneth.

Nakita ko ngang kumakaway sakin ang kapatid kong si Yuuki. Agad ko itong kinawayan at pinapasok sa loob ng classroom.

YUUKI : Hi kuya Ran, hi Sanji, hi Keneth pangit!!!

KENETH : papatulan ko na yang kapatid mo Ian.

Dinilaan lang ito ni Yuuki. May pagka-isip bata din ito minsan at lagi niyang kaasaran si Keneth. Pinapatulan din naman kasi ni Keneth eh.

Sa mga kaibigan ko tanging si Ran lang ang ginagalang nito at tinatawag na kuya.

Mukha daw kasing kagalang-galang si Ran kesa sa dalawa.

IAN : Oh? Anong sadya mo sakin?

First year college student si Yuuki dito din sa university. Sobrang close naming dalawa at spoiled siya sakin. Dalawa lang kasi kaming magkapatid.

YUUKI : Tatanong ko sana kung pwede ka bang mainterview nung writer namin. Para ifeature sa newspaper ng school.

Masscom student si Yuuki at kasali siya sa school paper.

Wait…masscom? Masscom din si Jen ah..pero sophomore na sya kaya baka di sila magkakilala.

IAN : alam mo namang ayoko maibroadcast sa buong scholl eh. Ngayon pa nga lang namumublema na ako eh. What more pa kaya kapag na-feature pa ako sa dyaryo niyo.

YUUKI : Naks!!! Yabang ah..neweiz sige sabihin ko nalang sa editor namin na ayaw mo.okay GTG kuya..may klase pa ako. (at humalik sya sa pisngi ko bago umalis)

Hinalikan din niya sina Ran at Sanji at binelatan naman si Keneth.

KENETH : Kutong-lupa talaga yang kapatid mo Ian. Sarap tirisin.

IAN : pagpasensyahan mo na..mas matanda ka dun.

SANJI : Kras kasi ni Ken yang kapatid mo eh.

KENETH : Kras??? Tirisin ko pa yun eh.

Nagtawanan nalang kaming tatlo hanggang sa dumating na ang professor namin.



12 comments:

  1. 1st! nakikipag-unahan saken si lhadyuuki sa pag-comment eh! >__< LOL

    basa mode!

    ReplyDelete
  2. uwaaaahhhh! pwede bang shift na ako ng lalaki! si ran na lang pala saken! ahahaha!!!

    RAN!!! pero kras ko pa din si sanji! ;)

    ReplyDelete
  3. weh! at 3 comment na 'to sis!!! natutuwa ako kina yuuki at keneth! ahahahaha...

    si ran!!!! ran!!!!!

    pero for the 2nd thought, ikaw na ngang bahala kung sinong ibibigay mo sakeng lalaki...

    basta either sanji or ran lang talaga! :D

    ReplyDelete
  4. yiii at kinikilig aq kay yuuki at keneth! aso't pusa turn into lovebirds din yan!!!! kilig-kilig!!!!

    aq ang bet q s mga lalaking yan ay si ran din! kso naunahan na aq ni ate aegyo!
    so si keneth... kaso ult naunahan na aq ni yuuki!
    nde nmn pde si ian kasi cla n ni jen!

    so wla ng choice kundi angkinin si sanji! hahahahaha!!! aq n bhla s fansclub nia.

    ReplyDelete
  5. hahahaha...ang dami kong tawa dito kay KPOP oh...hahaha..

    kay Sanji ka na nga lang..hehehe..

    bawal na si Ran eh..lagot ka kay aegyo..

    syempre si ian kay jen lang yun,

    ikaw ang presidente ng fans club ni sanji..haha

    ReplyDelete
  6. ayy.. naunahan ako ni ate aegyo...T^T hu hu hu..RAN!!!!!
    >//<
    akin si ran AegyoDayDreamer...sayo na lng c keneth panget..XP
    ...............
    WAITING IN NEXT CHAPTER....xD

    ReplyDelete
  7. XD..XD...XD....EXCITED NA AKO......>///<

    ReplyDelete
  8. hahaha,,,naku yuuki...hindi papayag yang si aegyo na agawan mo siya ng lalaki...alam mo bang halos iblackmail at takutin na ako nyan noon para lang ibigay sa kanya si lance (after all) katakot takot na death threats ang natanggap ko..hahaha.. *peace*

    ReplyDelete
  9. ....hahaha,,,,,,wala pa chapter 5 ?T^T

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^