Thursday, February 9, 2012

My First Love, True Love and Forever Love : Chapter 3

CHAPTER 3
(Ryuji Francisco)


Nakita ko yung isang batang babae sa tapat ng bahay namin, pabalik-balik sya gamit yung laruan na may dalawang gulong tapos may handle na kasing-taas lang ng bewang nya tapos puma-padyak sya para umandar, ano bang tawag sa laruan nya na yon? Mapuntahan nga sya.

Ryuji: Mommy, lalabas lang po ako sandali.

Yukiko: saan ka na naman pupunta, kaka-galing mo lang sa labas diba?

Ryuji: makikipag-kaibigan lang po ako dun sa kapitbahay natin, naglalaro po kasi sya jan sa labas eh. Promise Mommy, hindi ako magiging makulet, hindi ko papa-iyakin yung girl.

Yukiko: ok, be nice ha.

Tumakbo na agad ako palabas ng bahay namin, pero pagkalabas ko, hindi ko na sya makita. Saan na sya nagpunta? Nakaka-inis naman oh, makikipag-friends pa naman ako sa kanya tapos umalis agad sya. Teka, sino yung umiiyak, may batang multo ba? Yun kaya yung sinasabi ni Mommy na nasagasaan na bata?

Saab: uwaaaaahhhh!!! Yaya!!! Yaya help me, dumudugo yung tuhod ko… Yaya, baka labasan na to ng carabao. Yayaaaaaaaaa!!!! Uwaaaaahhhh!!!

Ryuji: hello, wag ka ng umiyak. Masakit ba?

Saab: nakita mo na ngang dumudugo tapos tatanungin mo pa ako kung masakit. Ikaw kaya magka-sugat! Uwaaaahhhh!!! Yaya!!!

Ang sungit naman ng bata na to, kaya siguro wala syang kaibigan.

Ryuji: sandali lang, tatawagin ko lang si Mommy para malinis nya yang sugat mo, baka kasi labasan na nga yan ng carabao.

Saab: uwaaaahhhh!!! Yaya!!! Sasabihin ko sa kakambal ko na nasa heaven, sabihin kay God na wag kang tatanggapin dun kasi bad ka!!!

Ryuji: bad ba yun eh tutulungan na nga kita, tatawagin ko pa nga si Mommy para linisin yang sugat mo.

Saab: uwaaaaah… Yaya, masakit yung sugat ko, baka maubusan na ako ng dugo. Hindi pa ako pwede mapunta sa langit, nag-promise pa ako kay Rina na aalagaan ko pa kayo ni Mama at Papa.

Ryuji: grabe ka naman bata, nagkasugat ka lang naman. Kasalanan mo naman yan eh, tatanga-tanga ka kasi eh! Sandali lang, tatawagin ko lang Mommy ko. wag kang aalis jan ah.

Tumakbo ako pabalik ng loob ng bahay namin habang tinatawag ko si Mommy.

Ryuji: Mommy!!! Mommy!!!

Yukiko: oh Ryuji, bakit ba sumisigaw ka jan? May nangyari ba?

Ryuji: yun po kasing batang naglalaro sa tapat natin nagtumba tapos meron po syang malaking sugat sa tuhod. Mommy tulungan mo sya, iyak kasi sya ng iyak.

Yukiko: ganun ba? Wait for me here ok, I’ll just get our first aid kid.

Hindi ko na hinintay si Mommy, lumabas na ulit agad ako baka kasi wala na dun yung batang babae na napaka-sungit. Pgakalabas ko, nakita ko na umiiyak pa rin sya at wala pa rin yung Yaya nya.

Ryuji: konting tiis na lang ha, palabas na ang Mommy ko, gagamutin nya yang sugat mo.

Saab: salamat…

Ryuji: ano nga pala ang pangalan mo, saka saan ka ba nakatira?

Saab: ako si Sabina, jan lang ako nakatira malapit dito, yung kulay white na bahay na yon, yun yung bahay namin. Ikaw, anong pangalan mo?

Ryuji: wow, ang laki naman pala ng bahay nyo. Ako naman si Ryuji.

Yukiko: nasaan na yung--- sya ba yung sinasabi mo anak?

Ryuji: opo Mommy. Linisin mo na po yung sugat nya, baka daw po kasi maubusan sya ng dugo.

Yukiko: tara muna sa loob para malinis natin ng tubig yang sugat mo.

Saab: hi-hindi po ako maka-tayo eh, masakit po kasi.

Yukiko: ganun ba? Sandali, Ryuji hawakan mo tong kit at bubuhatin ko na lang sya.

Ryuji: sige po.

Ang bait talaga ng Mommy ko, isipin mo, binuhat nya yung masungit na bata na yon! Nang makapasok na kami sa loob, nilinis agad ni Mommy yung sugat ni Sabina. Ang haba naman ng Sabina, Inah na lang ang itatawag ko sa kanya. Habang nililinis ni Mommy yung sugat nya umiiyak sya kasi kailangan lagyan ng alcohol yung sugat nya, para daw hindi na labasan ng carabao sabi ni Mommy.

Yukiko: oh ayan, malinis na at hindi na dumudugo, hindi na yan lalabasan ng carabao. Ano nga pala ang pangalan mo?

Saab: Sabina po, salamat po. Uuwi na po ako, baka po kasi nag-aalala na si Yaya.

Yukiko: ipapahatid na kita sa anak ko, baka kasi masakit pa yang tuhod mo. Ryuji, ihatid mo na si Sabina sa kanila.

Ryuji: opo Ma. Mommy, alam mo ba ang laki ng bahay nila Inah, tapos malapit lang din dito.

Yukiko: talaga? Oh sige na Ryuji, ihatid mo na yang kaibigan mo at baka hinahanap na sya ng Yaya nya.

Saab: maraming salamat po.

Ryuji: tara na Inah, ihahatid na kita sa inyo.

Saab: yung laruan ko, nasaan na?

Ryuji: ay, oo nga pala. Sandali kuhanin ko muna, grabe ka naman kasi, ka-babae mo, tapos laruan na pang-lalake ang ginagamit mo.

Saab: eh bakit ka nagagalit, hindi ko naman inagaw sayo yang laruan na yan? Kapag ba babae hindi na pwedeng maglaro ng mga laruan na pang-lalake?

Ryuji: ang pilosopo mo talaga, kaya ka nasusugatan eh.

Saab: wag mo na nga lang akong ihatid kung sesermonan mo lang ako. Para ka ring si Mama at Papa ko, lagi na lang akong pinapagalitan! Jan ka na nga! Hmp!

Ryuji: sandali lang Inah, hintayin mo ako. Papagalitan ako ni Mommy kapag hindi kita hinatid sa inyo.

Saab: ok lang, para pareho tayong mapa-galitan. Bleh!!!

Ryuji: sandali lang, hintayin mo ako. Wag kang tumakbo, baka madapa ka na namang lampa ka.

Saab: sinong lampa? Gusto mo suntukan na lang tayo eh.

Ryuji: hindi naman ako bakla, bakit kita papatulan?

Saab: wag mo akong tatawagin na lampa, susuntukin talaga kita.

Ryuji: tara na kasi, ihahatid na kita sa inyo.

Saab: wag na, ok na ako dito, ayan naman na yung bahay namin.

Ryuji: sige, hihintayin na lang kita na makapasok sa loob, tapos uuwi na rin ako.

Saab: ok, sige. Babay. Oo nga pala, paki-sabi ulit sa Mommy mo na madaming thank you. Babay.

Ryuji: sige, sasabihin ko! Babay na din!

Nakaka-inis naman sya eh, gusto ko ngang makipag-kaibigan sa kanya lagi naman nya akong inaaway, lagi nya akong sinusungitan.

Sino kaya si Rina, bakit nasa heaven na sya? Saka bakit sya nag-promise dun sa Rina na yun na aalagaan nya ang Yaya at ang parents nya? Sayang, umalis kasi agad sya eh, hindi ko tuloy naitanong sa kanya. Di bale, may bukas pa naman.



5 comments:

  1. mauna na ako dito! ahahaha!!! basa mode muna! :D

    ReplyDelete
  2. ahahaha, ikaw na ang magkasugat na lalabasan ng carabao, howmaygad!!!

    super laughtrip ako dun! LMAO

    mga bata pa lang sila kinikilig na ako, ano ba naman yan sis! ahahahahaha!!! >___<

    at mabuti naman si saab nga yung si inah! ahahahaha... :D

    ReplyDelete
  3. hay s wkas ngkaupdate din d2!

    favorite ko din yung carabao! dati nung bata aq ang pnakot nman saamin pag ngkksugat kami ay tutubuan daw ng kabute ung sugat! o kaya iinuman daw ng aswang ung dugo!

    buti d2 carabao lang ang lalabs! ahhhhahahhhhahahaahhah!!!!!!!

    ryuji!!!!

    ReplyDelete
  4. ang lkas maghamon ni saab n susuntukin daw si ryuji peo konting sugat lng kung makangawa e! hahaha. may carabao pa llbas jan! haha.......


    -anew_beh

    ReplyDelete
  5. ♥♥♥hahahah...

    nkktuwa lng ang mga batang ito! kya pla jan ngcmula ang lhat e. ~~~♥♥♥

    sn magkita n cla ult n mga teenagers n! kun jan plng masungit n c saab, ano p kya kpg dlga na xah! >///<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^