Tuesday, February 14, 2012

Mine(FTV): the Final Chapter



 The Final Chapter
"Braced myself for the goodbye...then you took me by surprise...you are the best thing that ever been mine"
(Taylor POV)



2:30 in the morning na pero hindi pa rin umuuwi si Brit.Mabigat na ang kalooban ko.Nuubos na ang oras sa kakahintay sa kanya.Na uubos din ang pasensiya ko. Enexpect kong dadating siya kaninang alas siete. Inaasahan ko iyon dahil sinabi niyang uuwi siya ng maaga.Pero napako ang pangako niya. Nakakainis siya! napahiya ako sa sarili ko.Inuna niya pa ang trabaho kaysa sa 3rd year anniversary namin na minsan lang mangyayari sa buhay namin. Sana ako naman ang magsu-surprise sa kanya. Pero hindi na natupad dahil hindi siya dumating.Nagdududa ako tuloy.May iba ba siyang babae.Sisirain niya ba ang relasyon namin sa nalalapit naming kasal.Pambihira ka Brit! I hate you na! Rrrrr!

Halos mapaluha ako habang nililigpit ang ginamit na utensils sa dinner sana namin.Narinig ko bigla ang pagbukas ng pintuan sa sala.Si Brit na iyon sigurado.Hindi ako umimik.Hinayaan ko siyang pumunta dito.




Brit: Mahal ko.Im really sorry if im late.May-

Taylor: Sorry? iyon lang ba ang masasabi mo sa lahat ng oras na pinaghihintay mo ko.Ang sama mo kinalimutan mo ang anniversary natin.(Nakatalikod kong pahayag.)

Brit: Hindi.alam kong anniversary natin ito.Pero na delay ako dahil may emergency meeting kami.

Taylor: Talaga? (Hinarap ko siya.)E..e baka emergency meeting sa babae mo.

Brit: (nagalit yata siya.Tinapon niya ang coat.)Kahit kailan hindi ako nagsasalawahan sayo.Wala akong babae.Talagang nagkaroon lang kami ng meeting.

Taylor: Sinungaling! yan ang laging rason ng mga lalaking may kabit!

Brit: Hindi mo ako nauunawaan Taylor! wala akong babae! Bakit ganyan ka? hindi ka ba nagtitiwala sa akin? anong nangyayari sayo!?

Taylor: Naubos na ang pasensiya ko sa pagtitiwala sa yo! Wala kanang oras sa akin.Palagi yang trabaho mo ang inuuna mo!

Brit: Para din iyon sa atin iyon Taylor.Nag-iipon ako para sa kasal natin kaya wag mo akong pagdudahan na may ibang babae! Yan kasi ang pride mo pinaiiriral mo.Magisip ka muna bago ka magsalita. Kaya pala iniwan ng papa mo ang mama mo dahil sa ugali ninyo! Magkapareho kayong stupido!

Nasaktan ako sa sinabi niya. Parang hiniwala ng kutsilyo ang puso ko.Ouch.It hurts! Gusto ko siyang sipain.Saksakin.Bugbugin.Pero hindi ko kaya. Lumuha ako!




Linayasan ko siya! akala mo Hah! 

Ang sakit sakit na ng damdamin ko. Kasi pati si mama sinali niya.Pinagmukha niya sa akin na ang stupid ko.Makasarili ako. Hindi understanding.Ma-pride.Laging nagdududa.Hindi pasensiyosa.

Tumakbo ako ng tumakbo..Naalala ko tuloy ang childhood memories ko.Yong araw na nag-aaway si Mama at Papa.Ang araw na galit ako sa mundo! Yung araw na nasira ang buhay ko.Marahil tama si Brit.Mapride ako.Hindi ako nag-iisip.Sana inintindi ko siya.


Napatigil ako.Saka humikbi.Nalaman kong hinahabol niya pala ako.




(Brit POV)

Hinabol ko siya.Ang sama ko.Sinaktan ko siya.Oo.may kasalanan ako sa kanya dahil nalimutan kong anniversary namin ngayon sumama kasi ako sa kabarkada ko sa restaurant na dumalo sa birthday party ng ate niya. Hindi ako uminom at ni minsan hindi ako nambabae. Nagpadalos-dalos ako sa pagsasalita. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Hindi maaring mawala si Taylor.Mahal ko siya! Hindi ako mabubuhay kapag mawala siya.

Brit: Mahal ko- (hinawakan ko ang kamay niya subalit winawaksi niya iyon)Please forgive me.

Taylor: Bitawan mo ko! Layuan mo ako! 

Brit: Taylor,kung ano man ang nasaabi ko.Hindi iyon totoo.Napaka gago ko.Ayaw kong saktan ka.Please patawirin mo na ako.

Taylor: Galit ako sayo! Pare-pareho kayong mga lalaki! mga sinungaling! 

Brit: Mahal ko.Please. Patawarin mo na ako.Kalimutan na natin iyon.Nadala ako sa galit ko.


Taylor: Sana hindi nalang kita nakilala.Sana hindi nalang ako umiibig sayo.Dahil ayokong masaktan ng ganito.


Hinawakan ko ang mukha niya.


Taylor: brit..ayoko na.


Brit:Taylor,I'll never leave you alone.Hindi ako mabubuhay ng wala ka.Patawarin mo ako,please. Mahal na mahal kita Taylor.


Humikbi siya.


Taylor: I'm sorry brit.Nagkamali ako.Napaka-oa ko.Sorry.na-realize ko na hindi ko kayang mawala ka.Kasi mahal na mahal din kita.


Brit:(Ngumiti ako at niyapos siya.)Mahal ko...


Muling nagFlashback ang good memories namin.Yong araw na masayang-masaya kami. Yong namamasayal kami sa dalampasigan na magkahawak kamay.Ang pagtutulongan at pagkukulitan namin habang hinahakot ang gamit niya.Ang mga lambingan namin.Ang mga pagkakataon na ayaw kong lumipas.Hindi ako makapaniwala.Pinatawad niya ako. Pinapangako ko Taylor,ikaw lang at wala ng iba pa. Mamahalin kita habambuhay.










"And everytime i look at you,it's like a first time,
I fell inlove with a careless man careful daughter
she is the best thing that ever been mine."


(Taylor POV)

Dumating na ang araw na pinakakahintay.Ang espesyal na araw na minsan lang mangyayari sa buhay ko. Ang kasal namin ni Brit! Ito ang pinakamasyang araw sa talambuhay ko! ang araw na ayaw kong lumipas. Sa pag-aaway na iyon ay lalong tumibay ang aming pagsasama.Mali ang pananaw ko sa pagibig. Hindi ito kukupas hanggat may tiwala at paguunawaan kayo sa isa't isa. Marahil isa iyong leksyon upang matutu sa maling ginagawa. At iyong pag-iwan ng mga magulang ko sa akin ay hindi na iyon mangyayari sa mga magiging anak namin. Magsasama kami sa hirap man o sa ginhawa.Ganyan ang buhay it makes love look hard sabi pa ng isang kanta.Upang labanan iyon kailangan kapwa kaming matibay sa hamon ng buhay.




Sa paglipas ng panahon nagkaroon kami ng dalawang anak. Si Albie ang panganay at si Mico ang bunso. Wala na akong mahihiling pa sa regalong natanggap ko mula sa Maykapal.Masigla ang pamilya ko. Ang saya-saya namin!! 


Bumalik kami sa Infinity beach kung saan ng kaunawaan kami ni Brit. At isa iyon sa instrumento sa paghandog niya ng tadhana sa akin. Nagtanpisaw kami.Nagkulitan at naghabulan.







"Do you belive it? Were gonna make it now,
i can see it
i can see it now!"


Naalala ko muli ang unang araw naming pagkikita sa restaurant. Iba ang kinang ng mga mata niya.Hindi ko akalain na siya pala ang prince charming ko! I love you Brit! 




The best thing that ever been MINE!!!




-The End-



P.S. sorry kong hindi masyadong maganda ang story huh..ito pa lang kasi ang kauna-unahang story na natapos ko sa buong buhay ko! Pero salamat  dahil sinusubukan niyong basahin ang story ko! Isa na itong karangalan sa akin na ibahagi ang talento ko. Maraming salamat po. God Bless You!! 

Abangan ang Dusk Eternity..ito ang novel ko dito.




Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!

Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

4 comments:

  1. uwaah sis!!! natuwa ako sa katapusan!
    nakangiti lang ako habang binabasa! ayiiehhh! congrats sayo sis, natapos na din ang ftv mo! >__<

    PS. nagulat naman ako first finished story mo pala 'to! magaling ka kaya! at may igagaling ka pa sis kaya keep writing! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aehehe...salamat sa sis!! mino-motivate mo talaga ako!! Thank you ng marami..

      Delete
  2. nice!!!!!! ang swit ng ktapusan ate!!!! feeling q pinpnood q lng ult ung mv! nice!!!! aabngn q p nxt stories mu! i luv it!

    ReplyDelete
  3. ang gnda!!!!! kkilig ng katapusan!!!! brit!!!! >///<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^