Thursday, February 23, 2012

Kissing Bandit : Introducing Atasha


(LARIS HOWFER POV)


Ang kulit nung bagong salta dito sa dorm namin. Maganda pa naman, kaso halatang galing lang ng probinsya dahil sa baduy niyang ayos...  at isa pa, parang hindi pa yata siya nakakakita ng mga gwapong nilalang na tulad ko.




Paano kaya siya napadpad dito? Eh pinakatatago-tago ‘tong dorm ni Aling Mangkay. (Kaya nga ako nandito kasi ang gandang hideout ng tinitirahan ko ngayon.)



Malamang sa malamang, isa lang rin siya sa mga babaeng patay na patay saakin dun sa university na pinapasukan ko. Balita ko kasi, pareho din kami ng papasukan. Conincidence? I don't think so. Sinadya niya yun! Ang gwapo ko kasi!



Pero hindi ako dapat maging kampante dahil baka mamaya ipagkalat pa niya sa mga fans ko na pareho kami ng tinitirahang building, malilintikan ako nito!




“Okay sige, pumikit ka na. Ibibigay ko na sayo yang pinaka-aasam mong first kiss basta umalis ka na dito sa dorm ni Aling Mangkay.”


“Nagda-drugs ka ba o talagang may sayad lang yang utak mo? Bakit ko ibibigay sayo ang first kiss ko, aber?”


“Diba kaya mo nga ako kinukulit at binubwiset dahil  tulad ng iba, pangarap mo din na isang Laris Howfer ang magbigay ng first kiss mo.”


“Una sa lahat, hindi kita kinukulit. Pangalawa, ikaw ang nambu-bwiset at pangatlo, hindi ko pinangarap na mahalikan ka! Sino ka ba? Alien ka ba na pinatalsik sa planeta niyo dahil ang lakas na ng saltik mo?”


“Galit ka ba o ganyan ka lang talaga magsalita? Lumalaki butas ng ilong mo eh.”


“DIE LARIS HOWFER!!! DIE!!!”



Tapos pinilit niya akong sipain, hambalusin, sapukin at bigwasan pero nailagan ko lang lahat ng yun. Dinadaan pa sa pananakit, gusto lang akong chansingan! Tsk!

Nung naisip niyang wala na siyang magawa, padabog na lang siyang nag-walkout.



“Adik din yung babaeng yun ha.”



Naghuhubad-hubad siya sa harap ko nung unang dating niya tapos ngayon mag-iinarte siya. Anak ng kumunoy! Anong tactic naman kaya gusto niyang gamitin para makuha ako? Mga babae talaga! Ano pa man yun, hindi ako papayag na mahulog sa bitag ng teaser na yun.



“Sige lang… kilala yata ako as the Kissing Bandit. Humanda ka saaking babae ka.”

Humanda ka Atasha Orellana!!!






(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)







6 comments:

  1. Naghuhubad-hubad siya sa harap ko nung unang dating niya tapos ngayon mag-iinarte siya.-- ano daw? bkit naghubad si atasha? hahahahahahhhhaha!!!

    ang kulit n2!!!! anung nangyri dun ha!!!!!
    waaah ang gwapo nmn tlga ni laris s poster! sarap ikiss! hahahhhahahahaa!!!


    ay gnda rin pla ng last pic ni atasha d2... probinsyana pla ha!


    chapter update n po miz aegyo!!!!!

    ReplyDelete
  2. bakit nghubad si atasha s hrap ni laris! hahahahahahh, intro p lng kinikilig n aq!!!!!!!!! update n agd ate!!!! pls!!!!!

    ReplyDelete
  3. i love it! love war ang dating sa dalawang ito! :))

    ReplyDelete
  4. Wahahaha. Ang gonda ng style sa intro. *u* Basa-basa lang.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^