Friday, February 24, 2012

Kissing Bandit : Chapter 1

CHAPTER 1
(ATASHA ORELLANA POV)




“Uwaahh si mama! Wag ka naman umiyak! Daig ko pa mago-OFW kung humagulgol ka jan eh.”





“Eh ganun na din yun Atasha! Malalayo ka na saamin ng papa mo. Sino na lang magbabantay sa bebe namin.”





“Honey, sumama na rin kaya tayo sa kanya. Dun na lang din tayo sa Manila.”





“Papa naman eh! College na ako! Kaya ko nang maglaba, magluto, mag-aral mag-isa at maghanap ng part-time job! Kaya ko na sarili ko.”



Natigil lang sa pagda-drama ang mga magulang ko nang dumating na yung bus na sasakyan ko papuntang Manila. Dun kasi ako nag-enroll sa Tierra Madsen University. No.1 yun dito sa buong Pilipinas eh… joke lang! Malay ko kung pang-ilang rank yung TMU.




Basta ang alam ko, semi-private university yun na nangunguna sa mga courses na may kinalaman sa Arts. Eh gusto kong kuning major ay Film and Audiovisual Communication.





“Anak!!! Atasha!!! Drink lots of water, eat three times a day, don’t forget your multivitamins, always pray at night! Anak ko!!!” Grabe naman maka-eksena ‘tong si mama. Ano ba ako? Gradeschool?





“Pasasakayin niyo ba yung anak niyo o lalarga na kami!”




“Teka lang naman manong!!! Anak!!! Atasha!!!” Tapos sabay nila akong ni-hug at ni-kiss. Si mama sa left cheek at si papa sa right cheek. “Tawagan mo kami kapag nakarating ka na sa dorm mo ha. Tapos lagi mong in-on ang phone mo para lagi ka naming makausap.”





“Opo! Opo!”




Masyado akong bini-baby nina mama at papa. Kaya kahit pang-MMK yung  actingan namin dito, tinuloy na lang namin. Pero syempre hindi na namin tinagalan, naghuhurumintado na kasi yung ibang pasahero. Tapos yung bus driver, parang kating-kati na ulit mag-drive. Namimiss niya agad ang kumpare niyang manebela eh.





“Bye Ma!!! Bye Pa!!! Sa sulat na lang ha!!!”  Tapos pinagtinginan ako ng mga katabi kong pasahero sa loob ng bus. “Oh joke lang! Anong tingin niyo saamin low-tech? Text-text na lang tayo mama at papa! Magpaturo kayong mag-unli dun sa tindahan na pinalo-loadan natin!”




And off we go. Umandar na yung bus at maghihintay na lang ako ng four-five hours bago kami makarating sa Manila.





“Wow!!!” Six hours ang naging byahe dahil sa traffic! Mali pa calculation ko. Sobrang nakakapagod ang byahe at sakit pa ng pwet at balakang ko. Dalawang naglalakihang maleta kasi ang dala ko. Isama pa natin yung mabigat kong backpack na ang laman ay kilo-kilo ng shabu… syempre joke lang yun. Hindi ako drug pusher noh! Mabigat lang talaga yung backpack dahil sa mga gamit ko.




Pagbaba ko ng bus, nagtanong-tanong na ako ng direksyon. Ang bilin saakin ng mga kakakilala ko na matagal na sa Manila, wag daw akong magtatanong sa mga tindera. Minsan daw kasi bangag na sila sa usok ng kalsada, kung saan-saan ka na lang daw tinuturo. Minsan daw pati-tripan ka pa na ituro sa kabilang dako.





“Manong, saan po yung sakayan papuntang Tierra Madsen University?”




“Sakay ka lang ng jeep na yan! Magpababa ka sa driver at sabihin mo sa TMU ka.”




“Ay sige, salamat po manong.”





“Oy teka miss, piso mo.” Bakit? Pambili ng candy? “Ang isang tanong, may bayad na piso. Ganito dito ineng.”





“Ha? Bakit po?”




“Kapag sinagot ko yang tanong mo, dos na babayaran mo.” Negosyante naman si manong! Oh yan piso mo! Baka mamaya ipa-pulis pa niya ako kapag tinakasan ko siya!





















Sinunod ko nga yung sinabi ni manong businessman at nakarating naman ako agad sa TMU. Sa entrance pa lang ng school, napanganga na ako. Ang laki kasi ng building, ang ganda pa nung garden tapos may fountain pa sa gitna!





“Kuya guard, TMU po ba ‘to?”





“Ayan oh basahin mo… T----M----U…”




“Hindi manong ang nakasulat Tierra Madsen University.”




Tapos tinignan niya ako ng masama. Sinisigurado ko lang naman eh. Baka mamaya mansion lang pala 'to ng kung sinong mayaman eh. “Eh bakit nagtatanong ka pa? At saka sino ka ba ha? Papasok ka ba sa loob? Amin na mga maleta mo at iinspeksyunin ko!”





“Hindi kuya napadaan lang ako. Sa susunod na pasukan kasi, dito na rin ako mag-aaral! Naka-enroll na ako! Na-excite lang talaga akong makita ng personal itong university.” Ignorante na kung ignorante, pero hindi niyo naman ako masisisi. Kahit naman hindi pure probinsya yung pinanggalingan ko, iba pa rin sa lugar na ‘to. “Ay kuya guard, pwedeng magtanong?”





“Ano na naman? Dapat may bayad na ang mga tanong eh.”




Ay! Ganito ba talaga dito? Isang tanong, may piso dapat? Sige may barya pa naman ako sa bulsa eh. “Kuya saan po yung Isang Dipa Street? Nandun po kasi yung dorm na tutuluyan ko.”




“Ayan, nakikita mo yang bus stop na yan? Sakay ka lang jan. Sabihin mo sa kunduktor ibaba ka sa Isang Dipa Street. Yun na yon.”





“Ah sige salamat po ha.” Tapos inabutan ko na lang siya ng piso pampalubag loob.





















Hindi naman ako nahirapang hanapin yung dorm ko dun sa Isang Dipa Street. Mga isang oras lang naman akong palakad-lakad sa initan, tapos wala akong mapagtanungan kaya bara-bara kong hinanap yung building. Hindi naman siya ganun kahirap lalo pa at dalawang maleta ang bitbit mo at wag nating kalimutan yung backpack ko.



“Ha… ha… ha…” Humihingal effect ako ha. “Bakit wala naman pong sign dun sa labas na ito na pala yung Isang Dipa Dorm? Limang beses na akong pabalik-balik dito, ito lang pala yun.”




“Sadyang shy-type kasi ‘tong dorm namin. Nagtatago kapag may bagong tao sa harap ng bakuran.” Sige Manang, pilosopohin mo pa ako! Ngayon pa at pagod na pagod ako. “Teka, ikaw na ba yung Orellana?”





“Opo… Atasha Orellana po.” Tapos pinakita ko yung ID ko sa kanya.




Nung ma-confirm niya na ako nga si Atasha Orellana, nagsimula na siyang mag-lecture tungkol sa mga patakaran sa dorm niya. Kesyo bawal daw maingay lalo na sa gabi, tuwing Sabado lang pwedeng maglaba para tipid sa tubig, bawal magdala ng bisita sa loob ng kwarto nang walang paalam at kung anu-ano pang chuchu.





*ringgg… riiingggggg…*





Uy tumawag agad sina mama! “Hello ma… opo nandito na po ako sa dorm…”





Patuloy naman sa pagsasalita si manang kahit nakita nang may kausap ako sa phone.





“May mga makakaroomates ka pero…hnksjjixkks…”





“Opo ma… oo kararating ko lang din…”




“At hindi lang puro mga ba… ksnndkfllfjsnnaler…”




“Hello pa… opo nandito na nga po ako… opo pinapaliwang na nga po saakin nitong landlady…”




“Laokjsnnvclzpowjemqmqkksihjlsm…”




“Mah, usap na lang tayo mamaya, hindi ko na maintindihan yung kausap ko eh…”





“Rkksjsocppl… ng room 404.” Sakto nung pagpatay ko sa phone, natigil na rin sa pagsasalita si manang.





“Room 404?”





“Oo, heto yung susi mo. Yung higaan mo, ipaaakyat ko din agad pagdating ng mga tao ko. Kung may kailangan ka pa, puntahan mo lang ako dito sa reception.” Wow! Kung maka-reception, akala mo bongga!





“Ah… ano nga po palang itatawag ko sa inyo?”





“Mangkay. Aling Mangkay ang itawag mo saakin.”





“Sige po… salamat po Aling M~.”





“Mangkay sabi! Gamit ka lang ng elevator papunta sa floor mo. Safe naman yan.”





“Po?” Tapos napatingin ako sa elevator, oh first time ko lang din makakita ng ganun sa personal. Hindi ko pa alam kung paano gamitin yun. “Maghahagdan na lang po ako. Exercise po ulit! Nakulangan ako sa isang oras kong paglalakad kanina eh.”





“Eh sa fourth floor pa yung floor mo. Sigurado ka bang mage-exercise ka lang o hindi ka lang marunong gumamit ng elevator?”





“Pareho po.” Nahiya naman tuloy ako bigla kaya tinuloy ko na lang yung paghahagdan.





















After hundred years… I mean steps pala, nakarating na rin ako sa 4th floor. Nanginginig na yung tuhod ko at parang nagkapaltos na yata ang paa ko kakalakad kanina.




Hinanap ko agad yung room 404 at sa dulong hallway pa yun. Hindi naman ganun kalayo eh. Nung nasa harap na ako pintuan kaya syempre nakahinga na ako ng malalim.





Ito na yung bago kong titirahan! And most especially, makakapagpahinga na ako!!! Hinawakan ko na yung doorknob habang hinahagilap ko yung susi sa bulsa ko pero napihit ko yung doorknob at bigla na ‘tong bumukas.




“Ay hindi naman pala naka-lock… bukas pa yung ilaw…” At nung in-open ko ng malaki yung pinto, nagulat ako na may tao na pala sa loob.





Isang magandang babae na nakasuot ng napaka-cute na cow-design hoodie at nakasalampak siya sa sahig habang nagbabasa ng magazine. Nanlaki lang ang mga singkit pero mapupungay niyang mga mata. “Ah… eh… hi!” May roommate na pala ako?





Slightly open yung bibig niya at wala lang nasabi nung binati ko siya. Anyway, ipinasok ko na agad yung mga maleta ko at nakatitig lang saakin si Ate Ganda. Ang ganda niya lang talaga kasi! Ngayon nakatitig na lang siya saakin.


“May mga makakaroomates ka pero…hnksjjixkks…” Pero heto na! May nauna na pala saakin dito!





Nakatingin pa rin saakin si Ate Ganda kaya nginitian ko na lang siya. Ano ka ba Atasha, kaibiganin mo si Ate Ganda! Makakasama mo na siya from now on eh!





“Hi! Ako nga pala si Atasha. First time ko lang dito sa Manila.”




“…”




“Anong pangalan mo?”





“…”




“Marunong ka naman magsalita noh?”




“…”




“Ah… eh… hehe…” Siguro de-baterya ‘tong babaeng ‘to. Low-bat lang siya. “Um… bagong roommate mo ako! Sana magkasundo tayo! Hayaan mo, hindi naman ako makalat eh. Madali lang din akong pakisamahan.  I promise you, hindi ka magkaka-problema saakin.”




“…”





Ayaw niya talagang magsalita! Ganun ba ako ka-haggard na parang distracted siya sa pagmumukha ko? Nakatitig lang kasi siya saakin, tapos sa mga gamit ko, tapos saakin ulit.





Dahan-dahan siyang tumayo kaya nalaman kong matangkad na babae siya. Bagay siyang maging model! Tapos naupo siya sa kama niya nang hindi inaalis ang tingin saakin. May bago pala siyang expression, nakasalubong kilay niya na parang nagtataka.





“Hmmm… anyway, dito na lang ako sa side na ‘to. Hinihintay ko pa yung higaan na sinabi ni Aling Mangkay eh…”




“…”




Baka shy type din si Ate Ganda tulad nitong building kaya ayaw niyang magsalita. Anyway, sumalampak na lang din ako sa sahig at sinimulan nang buklatin ang maleta ko.




Inuna ko yung mga damit ko, tapos yung mga underwear ko, tapos lahat ng mga maiisip niyong gamit na pambabae. Kung makapag-observe naman si Ate Ganda, nakaka-conscious!





Kailangan maging ka-close ko siya! Bilin nga saakin ng mga magulang ko, makipagkaibigan ako agad sa mga makakasama ko sa dorm para naman hindi ako malungkot at para may malapitan ako.



“Aah… ano sa tingin mo ang mas cute na sando? Itong pink? O itong purple?”





“…” Tinuro niya yung pink. Wow! At least may hand gestures na!





“Tingin ko nga mas cute yung pink. Um… saan ako pwedeng magpalit?”





“…” Tinuro niya yung pintuan sa bandang kaliwa.





“Aah… magbibihis lang ako ha. Pawis na pawis na kasi ako dahil sa byahe ko kanina.” Tatayo na sana ako… pero naisip kong tinatamad na pala ako. Nananakit pa nga kasi yung mga legs ko. “Um… tutal tayong dalawa naman dito, pwede bang dito na lang ako magbihis? Wala namang kaso sayo yun noh?”




“…”




Kung hihintayin ko pa siyang sumagot, siguro habang buhay na akong manggigitata sa pawis kaya hindi ko na siya hinintay.




Una kong tinanggal yung suot kong t-shirt so naka-bra na lang ako. Pinunasan ko yung buo kong katawan ng tuyong bimpo.




Napansin ko namang napatakip ng ilong at bibig si Ate Ganda nang nakataas ang kilay at nakatingin pa rin saakin.




“Ay… teka… nangamoy pawis ba? Hindi naman ganun kabaho, ano ka ba!”





Kinurap niya lang ang mga mata niya bilang sagot.




Bibilisan ko na nga lang ang pagbibihis Atasha! Sunod kong hinubad yung pantalon ko so naka-panty na lang ako ngayon tapos alam niyo yung feeling na sobrang presko kasi ang lamig na sa pakiramdam! Hindi ako nahihiya kasi pareho naman kaming girl ni Ate Ganda.





Sinubukan ko pang i-massage sandali yung nananakit kong binti bago magbihis ulit.





Hindi ko na lang din pinansin si Ate Ganda sa mga reactions niya. Imposible namang tomboy siya kaya ganun na lang niya ako titigan. Siguro naku-culture shock lang siya! Naks! Siya ‘tong laki sa Manila siya pa ‘tong na-culture shock eh noh.





*click… click… click…*





Ha…? Ano yung tunog na yun?





*click… click… click…*





Parang…




“Woi! Bakit mo naman ako kinukuhanan ng picture!!!” Nagmadali ako agad mag-shorts at magsuot ng sando sabay lapit sa kanya. “Oy roommate! Ikaw ha! Grabe ka man-trip! Naka bra at panty lang ako nun.”





“…” With a smirk.




“Woi ikaw ha. Anong gagawin mo dun. Baka ipost mo yun kung saan-saan ha.”





“Pam-blackmail.”




“Ha?” Woah! Nagsalita na siya pero…





“I said gagamitin ko yung pictures pam-blackmail…”




Pam-blackmail? At teka lang naman ha!!! Bakit ang lalim ng boses niya?




Bakit parang boses… “Kaya mo ba ayaw magsalita kasi ganyan pala ang boses mo? Boses lalaki ka kasi eh.”




Natawa siya bigla at ngayon ay tumayo siya sa harap ko. Natingala pa ako sa kanya at nakayuko naman siya saakin. Napaatras tuloy ako habang natitigan ko nang malapitan ang maganda niyang mukha.




“Bakit nagbihis ka agad? Sayang naman hindi mo tinuloy.”





Si Ate Ganda bagong shave… (* _*)





Si Ate Ganda may adam’s apple… (O_o)





Si Ate Ganda boses lalaki… (o_O)





Si Ate Ganda walang boobs… (O_O)





Si Ate Ganda…










La... Lalaki si Ate Ganda??? (X_X)

Sinong mag-aakalang mukha yang babae kanina!!! X(

“Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”





“At hindi lang puro mga ba… ksnndkfllfjsnnaler…” At hindi lang puro mga babae ang nakatira sa dorm na ‘to!





“Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!” At naka-bra at panty lang ako  sa harapan niya kanina!!!



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 1




10 comments:

  1. uwahahahaha!! pinakamalang babae si Laris..hahahahha!! hahahha!! kaloka ka!! atasha!! nag hubad ka talaga sa harapan..niya..pambihira ka..idol na kita!! hehehehe =D

    ReplyDelete
  2. OH MY GOD!!!

    grabe ung 1st meeting nla!!!! un pla kya naghubad c atasha s hrap dhil akla nia si ate ganda ay ate!!!!

    lol!!!! ang gnda-gnda nmn ng nangyri d2! laughtrip aq! shoooottt!!!!!
    gulung-gulong!!!! kktuwa si laris!!!!!!! at kulit dn ni atasha!!!!


    nxt n agd ate!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. inspired much ako sa story na 'to dahil mahal na mahal ko si laris eh... yung totoong tao ha!

      Delete
  3. nde aq ang 1st! peo ok lang!

    ang epic ng first chapter, ito na ang pinaka nkklokang cmula na nbsa q!

    naiiyak aq s kktwa! peo kinikilig aq bkit gnun. ito nmn kasing c laris, nde mn lng nagsalita, panay ".........."

    kya pla manyak ang term sau ni atasha e...


    si ate ganda walang boobs! hahahahahhhhhahahahahah!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayiiieeehh!!! :D
      hayaan, lalo kang iiyak sa mga susunod na chapters...
      iiyak nga kakatawa! ^_-

      Delete
  4. hahaha! pinakamakulit na first chapter!
    kakatuwa naman 'to!

    ReplyDelete
  5. whahaha .. ang kulit .. haha ..
    grabeh ah . talagang may pictures pa ha ..

    ReplyDelete
  6. Bwiset si Ate Ganda, nagiging GREEN kaya eto, GREEN na rin ako. HHAHA

    ReplyDelete
  7. Ang kulit! Hahahaha! Naku mapapalitan na yata sina Eli at Sam sa puso ko wahahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^