Tuesday, February 14, 2012

My First Love, True Love and Forever Love: Chapter 7

CHAPTER 7
(Sabina “Saab” Bernardo)


Saab: nandito na po ako Yaya!

Yaya: Oh Sabina, mag-pahinga ka na muna habang inaayos ko yung meryenda mo anak.

Saab: Ya, si Mama saka si Papa?

Yaya: ‘nak alam mo naman ang sagot sa tanong mo eh.

Saab: testing lang Ya, baka kasi biglang maiba yung isasagot mo. Hahaha!

Ano pa nga bang aasahan kong isasagot ni Yaya sa walang kamatayan kong tanong sa kanya? Syempre pa, NASA OFFICE PA RIN, MAMAYA PA DAW SILA UUWI.

Saab: Yaya, naaalala mo ba si Ryuji?

Yaya: yung kalaro mo dati, yung makulit at maharot na laging kumakain dito?

Saab: opo, sya nga po Yaya.

Yaya: bakit mo naman naitanong?

Saab: nasaan na kaya sya ‘Ya? Sabi ko dati kay Rina nung lumipat tayo dito, bantayan nya yung kumag na yon. Saka sabi ko rin sa kanya sabihin nya sa akin kung saan na ba nakatira si Ryuji.

Yaya: susmaryosep ka talagang bata ka! Eh sinabi na ba ni Rina kung nasaan na yung si Ryuji?

Saab: hindi pa po eh, sana mamaya dalawin nya ako sa panaginip. Hahaha!!!

Yaya: naku ka talagang bata ka, saksakan ka pa rin ng pilya!

Saab: excuse me Yaya, ang bait ko na kaya!

Yaya: oh sya sige, mabait ka na.

Saab: yaya naman eh, maniwala ka naman kapag sinasabi kong mabait na ako!

Maid1: Mam Saab may tawag po kayo, Menchie daw po.

Saab: sige na Ya, pa-ayos na po nung snack ko.

Yaya: oo na, pagkatapos mong makipag-usap jan magbihis ka na!

Saab: opo! Hello Menchie!

Menchie: oh bruha, anung nangyari sayo, anung nangyare sa pag e-emote mo sa rooftop?
Saab: ayun dati pa rin.

Menchie: hindi ka pa rin ba makapag-move on dun sa playmate mo nung bata ka pa? May picture ka ba nun? Ipakita mo naman kasi sa akin ng mahusgahan!

Saab: meron, kaya lang syempre iba na sigurado ang itchura nya kasi binata na sya.

Menchie: pupunta ako jan sa inyo mamaya ah, ipakita mo sa akin ang picture nya.

Saab: agad-agad? Hindi ba pwedeng ipagpa-bukas mo na lang? hahaha!

Menchie: pasensya ka, excited ako. Kung pogi iyang Ryu na yan, kung sino unang maka-hanap sa ating dalawa sa kanya na lang.

Saab: neknek mo girl!

Menchie: ano ba kasi ang full name nyang Ryu na yan? Malay mo school mate lang pala natin sya!

Saab: Ryuji Takano Francisco. May kilala ka sa university na ganyang pangalan?

Menchie: Ryuji meron, team captain ng basketball team. Hindi ko nga lang alam kung Francisco ba ang surname nya. Pero madali lang yan girl, pwede naman nating i-search ang pangalan nya eh.

Saab: hay nako, bruha ka talaga! Oo nga pala, sa tingin ko dapat na talaga nating mag-out of the box.

Menchie: bakit mo naman biglang naisip yan?

Saab: eh kasi hindi ko na matiis yung ginagawa sa atin nila Ken eh, lalo na yung Jodie na yon!

Menchie: sabagay! Pag-usapan na lang natin yan bukas sa sacred place mo. Baka kasi mamaya hindi pa keri ni Nica at ni Andrea yang binabalak mo.

Saab: sabagay! Sige, pag-usapan na lang natin yan bukas! Oo nga pala, bakit ka ba napatawag?

Menchie: wala lang, I just want to make sure na naka-uwi ka pa!

Saab: naks naman, ang sweet naman ng bestfreind ko! Kaya sayo ako eh!

Menchie: bruha! Sige na, kumain ka na ng snack mo at magbihis!

Saab: bye bru!

Yaya: magbihis ka na!

Saab: opo ya. Ya, dating gawi pa din yung snack ko?

Yaya: oo, may reklamo ka na naman?

Saab: ya, wala ka ba talagang balak matuto na mag-bake? Kahit cookies lang?

Yaya: Hanggang ngayon ba naman Sabina issue mo pa rin ang hindi ko pagka-tuto na ag-bake ng cookies.

Saab: eh kasi naman Yaya, nakakasawa na yung pinapakain mo sa akin na choco cookies eh!

Yaya: try na lang natin yung ibang brand.

Saab: yaya naman eeeehhhhh!!!

Yaya: eh di wag…magbihis ka na nga! Nami-miss mo ba yung kalaro mo na si Ryuji anak?

Saab: opo eh, wala kasi akong kakulitan. Wala na rin akong naasar, wala na akong kalaro.

Yaya: ang tanda-tanda mo na kalaro pa hanap mo.

Saab: eh yaya, kung ang tanda-tanda ko na, ano pa tawag sayo? Hahaha!!! Joke lang Yaya!!! Akyat na ako sa kwarto ko!!! bleh!!!

Yaya: naku Sabina, magtino ka lang!!! Puro ka kalokohan!!!

2 comments:

  1. ano ba yan sabina, nakakatakot ka yang wish mo kay rina ha! baka mamaya dumalaw na talaga yan! hindi lang sa panaginip!

    ano ba yan, bakit may pa-horror epek itong chapter na 'to! ahahaha!!!

    anyway, hayaan mo sabina, sabi ng author ng kwento mo sa chapter 9 daw magkikita na kayo... stay put ka lang jan!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^