Thursday, February 9, 2012

As a Man (FTV) - Chapter 2

CHAPTER 2
“…at least this time I truly believe its love”

 (Joon POV)



Panibagong araw na naman! Nagising ako sa mga bulong sa kabilang side nitong unit. Ang aga-aga, siguro nagta-type na naman si Wonnie dun sa laptop niya.



JOON: (Tumayo ako at bigla na lang akong nagsalita) GOOD MORNING… ANG INGAY-INGAY MO, NAGISING TULOY AKO.



WONNIE: HA…? (At yun lang ang nasabi niya nang marinig ang boses ko.)

Photobucket

Dumirecho ako agad sa CR pero habang naglalakad, natatawa pa rin ako sa pulang tape na nakalagay sa sahig namin. Yun yung nagsisilbing hati sa mga parte namin sa unit na ‘to, bukod sa mga nakaharang na gamit niya dun sa kamang tinutulugan niya.



Nilagay ito noon ni Wonnie para daw malaman namin ang limit ng isa’t isa. Minsan hindi ko rin malaman ang takbo ng utak ng babaeng yun! Nasa mukha ko ba ang magtake-advantage? O ang pagiging isang pervert? O maging isang rapist?



Pagpasok ko sa CR, itinaas ko yung toilet cover… at may nakita akong isang familiar na yellow post-it note. Madalas ko yung makita sa dingding na malapit sa kama ni Wonnie eh…

Photobucket

JOON: (Nung binasa ko yung nakasulat dun sa note…) “AFTER MONG GUMAMIT, WAG MONG KALIMUTANG IBABA ULIT ITONG TOILET SEAT.”



Pagkabasa ko nun, natawa na lang ako. After kong ilabas ang dapat kong ilabas, lumabas ako at sinilip ko siya… hindi nga ako nagkamali, nagla-laptop siya!

Photobucket

WONNIE: NAG-CR KA? GINAWA MO BA YUNG NILAGAY KONG…



JOON: OPO! PAKALAT-KALAT POST-IT NOTES DITO SA BAHAY HA… TAPOS KULANG NA LANG MAPUNO MO NA RIN YANG DINGDING MO.



WONNIE: (Tinawanan ko siya pero nagpahabol pa siya ng paliwanag) PARA LANG MAGING ORGANIZE AKO NOH! LALO PA NGAYON MALAPIT NA DEADLINE KO SA ISA KONG SINUSULAT NA LIBRO.

Photobucket

JOON: AH SINASABI MO BA SAAKIN YAN DAHIL KAILANGAN KO NA NAMANG TIISIN NA BUKAS ANG ILAW NG MAGDAMAG? (Nag-uusap kami habang binalikan ko yung kama ko. Nililigpit ko na kasi ito at maya-maya lang, pupunta na ulit ako sa Pool Center) KATULAD KAGABI, ANONG ORAS NA PERO NAKABUKAS PA RIN YUNG ILAW. PATI AKO NADADAMAY SA PAGPUPUYAT MO EH.



WONNIE: PSH! SO NAPUYAT KA NA NUN EH ANG HIMBING NA NG TULOG MO.



JOON: WOAH? PAANO MO NALAMAN? BAKIT SINISILIP MO AKO HABANG NATUTULOG AKO? (Pang-aasar ko sa kanya.) IBA NA YAN WONNIE HA! BAKA MALAMAN-LAMAN KO NA LANG, NA-FALL KA NA PALA SAAKIN.



Matagal siyang hindi nagsalita… na nauwi sa walang reaction! Hindi na niya ako pinansin at itinuon ang sarili sa laptop niya.



JOON: OY WONNIE! SILENCE MEANS YES! CRUSH MO NA AKO NOH? (Tuloy ko pa rin sa pang-aasar.) WAG KANG MAG-ALALA, OKAY LANG NAMAN NA MAGKAGUSTO KA SAKIN EH.



WONNIE: SIRA!!! (Bigla niya akong sinigawan) UMALIS KA NA NGA! MAGPRACTICE KA NA ULIT SA PAGSU-SWIMMING MO.



JOON: ANO BA YAN! NAGAGALIT KA AGAD. PARANG JOKE LANG NAMAN!



WONNIE: UMALIS KA NA KASI! HINDI AKO MAKAPAG-CONCENTRATE SA PAGSUSULAT EH! TWELVE CHAPTERS PA ‘TONG TINATAPOS KO!



JOON: OO NA! (Kinuha ko na ang mga gamit ko at palabas na ako… pero bago pa ako umalis, pinaringgan ko muna siya ulit.) PERO WONNIE… JOKES ARE HALF MEANT HA! UMAMIN KA LANG SAAKIN PAG GUSTO MO NA AKO.



WONNIE: LUMAYAS KA NA NGA!!!



At umalis na akong natatawa sa galit niyang boses. Napaka-cute lang talaga! Pagka-sarado ko sa pinto…



JOON: ANO BA ‘TONG GINAGAWA KO… (Napakamot na lang ako sa ulo ko at  naglakad na lang paalis.)



Pero seryoso naman ako sa sinabi ko eh. Kahit natatakot ako, gusto ko talagang subukan…



¤ ¤ ¤ ¤

 (Wonnie POV)



WONNIE: SIRA ULO TALAGA ANG LALAKING YUN! (Bulong ko habang pinapakiramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko.)



Matagal na rin kasi kaming nagsasama ngayon sa iisang unit! Wow sa term! Nagsasama talaga!



Hindi ko sigurado kung bakit siya palaging ganun saakin, kaya nga hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magustuhan siya. OO! Mukha ngang may gusto na ako kay Joon… pero natatakot ako na baka pag nalaman na talaga niya, baka mawala na lang din ang lahat.



~Flashback~


WONNIE: EH IKAW? BAKIT HINDI KA PA NAGKAKA-GIRLFRIEND?



JOON: BAKIT? SA GWAPO KO BANG ITO MAHIRAP BANG PANIWALAAN YUN?



WONNIE: GWAPO KA JAN! (Nagsasabi naman siya ng totoo dun.) BAKIT NGA WALA KA PANG GIRLFRIEND? BAKA NAMAN HINDI KA SA BABAE MAY GUSTO HA?



JOON: AT NGAYON NAMAN PINAGHIHINALAAN MO ANG PAGKALALAKI KO? (Bakit defensive?) BAKIT MASYADO KANG CURIOUS?



WONNIE: TINATANONG KO LANG. YUNG LOVELIFE KO NGA MADALAS MONG TANUNGIN EH.



JOON: KASI AYOKONG MA-PRESSURE. FROM MY PAST RELATIONSHIPS KASI, I EASILY get annoyed WITH the long calls. NAKAKAASAR DIN YUNG PARANG REQUIRED KAMI PALAGING MAG-CELEBRATE NG MONTHSARRIES TAPOS KAPAG KONTING BAGAY LANG, NAGTATAMPO NA AGAD. NAKAKASAWA! ALAM MO YUNG TIPONG NAKAKASAKAL NA SILA. NA PARANG SAAKIN NA LANG UMIIKOT ANG BUHAY NILA. AYOKO NG GANUN.



WONNIE: SO YOU CALL THEIR ‘EXPANDING LOVE, AN OBSESSION?’



JOON: ANO PA NGA BA? YUN LANG NAMAN YUN DIBA? (Tumayo siya dahil may pupuntahan na siya ulit) KAYA IKAW PAG NAGING GIRLFRIEND KITA, WAG KANG GAGAYA SA MGA BABAENG YUN HA.



WONNIE: ANG KAPAL MO TALAGA! FEELING MO NAMAN!



JOON: WUSHU! MAS LALO KANG NAGIGING CUTE PAG NAGAGALIT KA AT NAGDI-DENY PA! ALIS NA AKO HA!


~End of flashback~



*     *     *



Pagod na umuwi si Joon mula sa university niya at siguro dahil sa walang katapusan niyang training sa swimming.



Nahiga siya agad sa kama niya para magpahinga na agad.

Photobucket

Naisip ko tuloy na kasama ko nga siyang pinupuyat kapag matagal na nakabukas itong ilaw ng unit namin dahil sa non-stop kong pagsusulat dito sa laptop.



Na-guilty tuloy ako, lalo pa nung sinabi niya yun kaninang umaga kaya maaga kong pinatay yung ilaw. Puro dim lights na lang ang nakasindi ngayon kaya medyo madilim na.

Photobucket

WONNIE: (Patuloy pa rin ako sa pagta-type kahit medyo madilim) NAWIWIWI NA AKO… (Tumayo na muna ako para bigyan na din ng break ang sarili ko kaso paglakad ko naman, natama ako sa paa nung lamesa) AAHHHH!!! (Ang lakas pa sana ng sigaw ko kaso nasilip ko si Joon na natutulog nga! Napatakip tuloy ako ng bibig ko.) AWW… AWW… ANG SAKIT… (Bulong ko.)

Photobucket

Paika-ika na lang akong naglakad papunta dun sa CR pero hindi ako gumagawa ng ingay para hindi magising si Joon.



Kinabukasan…



JOON: (Nagising na si Joon at nagunat-unat pa habang nakasilip saakin) GOOD MORNING.



Narinig ko siyang nagsalita pero hindi ko na lang sinagot. Bukas ko na ipapasa itong manuscript na ginagawa ko… pero napakadami ko pang kailangang tapusin! Ipoproof-read ko pa ito at ie-edit ko pa!



JOON: ANG SUPLADA NAMAN! WALANG PANSINAN?



Hindi ko pa rin siya pinansin. Kailangang mag-focus! Focus Wonnie!!!



JOON: HALA SIGE GANYANAN PALA HA! (Akala ko aalis na siya at titigil na sa pangungulit pero bumalik siya ulit.) HOY WONNIE! SABI KO GOOD MORNING!



WONNIE: ANO BA JOON! GOOD MORNING NA OKAY! WAG KA NANG MAKULIT.



JOON: AY GALIT? PUYAT KA NA NAMAN? HINDI MO BA NATAPOS YANG GINAGAWA MO?



WONNIE: HINDI… KASI NAKAKA-GUILTY KA KAHAPON! MAAGA KONG PINATAY YUNG ILAW PARA MAKATULOG KA NG MAAYOS. (Natahimik siya bigla) OY, PERO HINDI KITA SINISISI HA…



Nag-unat din ako sandali at ini-stretch ko yung mga kamay at paa ko.



JOON: OH… ANO YANG MALAKING PASA SA BINTI MO?



WONNIE: (Ay napansin pala niya.) KAGABI DIN ‘TO. NABUNGGO AKO DUN SA PAA NG LAMESA EH… CLUMSY MUCH LANG… HEHE…



JOON: AH… (Pagkasabi niya nun, hindi na siya ulit nangulit at umalis na.)



*     *     *



Inabot ulit ako ng gabi at sa kabutihang palad, natapos ko na ding i-type lahat ng chapters sa fictional story ko… Ang kaso, heto na ang pinaka masinsinang part sa lahat, ang pag-eedit.

Photobucket

Umuwi na rin si Joon at as usual pagod na naman siya. Hindi na rin niya ako kinulit dahil na-gets na yata talaga niya na ayokong magpa-istorbo.



TIME: 12:30PM



Pinatay ko na yung ilaw para makatulog nang matino si Joon… pero ito na rin ang simula ng kalbaryo ko.



WONNIE: “KONTI NA LANG, KONTI NA LANG ‘TO WONNIE…” (Binubulong ko habang hirap na hirap na nagta-type sa dilim…) “KAILANGAN MO ‘TONG MATAPOS NGAYON… KAILANGAN MO ‘TONG MATAPOS NGAYON… PERO KUNG MALIWANANG SANA, MAS MADALI KO ITONG MATATAPOS EH…”



Mukha naman ding sinagot ang mga bulong o dasal ko dahil biglang bumukas yung ilaw.

Photobucket

WONNIE: JOON? (Paano naman siya? Sinilip ko siya sa pwesto niya at…)



JOON: (Naka-Mr.Pogi pose pa siya!) WAFU KO NOH! (May suot na siyang eye mask ngayon) SIGE NA, GUMAWA KA NA ULIT PARA MATAPOS MO NA YAN.



WONNIE: (Napangiti ako sa ginawa niya…) THANKS JOON! PAG NAKUHA KO NA ANG UNA KONG SWELDO, ILLIBRE TALAGA KITA.



JOON: (Nagsasalita siya kahit nakahiga na siya) AYOKO NG LIBRE, GUSTO KO NG DATE PAG NAGING TAYO NA.

Photobucket

WONNIE: ANO? (Tama ba yung narinig ko?)



JOON: MAG-SULAT KA NA DUN! BAKA PAG-INULIT KO PA NA MAY BALAK NA AKONG LIGAWAN KA KAPAG HINDI KA NA BUSY, LALO KANG HINDI MAKAPAG-CONCENTRATE…



WONNIE: OKAY… (Babalik na sana ako ulit sa harap ng laptop ko nang ma-realize ko lang ulit yung sinabi niya…) ANO? LILIGAWAN MO AKO???



Sinilip ko siya ulit pero hindi na siya nagsalita. Nakangiti na lang siya habang may nakatakip pa sa mga mata niya.



WONNIE: HOY JOON! WAG KA NGANG MAN-TRIP! SERYOSO KA BA? (Para akong kinikilig na hindi ko matuloy! Baka lang kasi joke lang ulit yun!)



JOON: (Bigla niyang itinaas yung eye mask niya kaya nakikita ko yung isang mata niya na nakatitig saakin.) KAPAG HINDI KA NA BUSY, MALALAMAN MONG SERYOSO AKO. KAYA TAPUSIN MO NA YAN AT NANG MAKAPAGSIMULA NA AKO BUKAS NA BUKAS DIN. (Kumindat pa siya saakin sabay takip na ulit sa mga mata niya at may nakakabaliw pa siyang ngiti sa mukha niya!) GOOD NIGHT WONNIE!



Owemji! Ito na!!! Kinikilig na talaga ako!!!

Photobucket

Mas lalo akong na-inspire na matapos na ito agad!!!


ALL IMAGES IN THIS CHAPTER ARE SCREENSHOT AND EDITED BY AEGYODAYDREAMER
PLEASE DO NOT TAKE WITHOUT PERMISSION!!!

End of Chapter 2






Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!


Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.





10 comments:

  1. ahyiie..nakakakilig talaga!!! hahahaha!! iloveit♥ ♥

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sis! aabangan ko din yung ftv mo... >___<

      Delete
  2. ahhhhhhhhh!!!!!! joon!!!!! npka mo!!! grbe sbrang kilig aq dito sis!!

    "BAKA PAG-INULIT KO PA NA MAY BALAK NA AKONG LIGAWAN KA KAPAG HINDI KA NA BUSY, LALO KANG HINDI MAKAPAG-CONCENTRATE…".... ayn inult p rinnia at ksma aq s nde nkpgconcentrate s kilig! hhhhahhahaahaahh!!!!

    nxt!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din, hindi nakapag-concentrate nung sinusulat ko yan! biruin mo ako na writer, kinkilig din sa ginagawa ko... ahaha, baliw lang! LMAO

      Delete
    2. kainggit much tlga ang tlent niong mga writers e. ang lwak ng imagination nyu! aq nmn, nppa-imagine n dn dhil sainyo! gnda-gnda tlga! 4ever fan mu tlga aq ate!

      Delete
  3. shusususushuuu!!!!

    nkangit lng aq all over! nppmhal n 2loy aq kay jihu! hahahahahhhahh! mka junpyo kc aq dti nung pinapanood q boys ovr flowers!

    dhil 2loy s kwento n 2, nppmahl n aq s knya!!!!

    i supr like thiz!!!!

    next, next, next, next, next, next, next, next, next, next!!!
    wg n ptagalin ang chpter 3!


    -anew_beh

    ReplyDelete
    Replies
    1. next na talaga yun, wag kayong mag-alala...
      subaybayan niyo lang! ;)

      Delete
  4. ito ang pinafavorite ko sa lahat ng chapters!
    nakakakilig lang si joon dito!

    ReplyDelete
  5. oMygoSh!!! sobrNg nkKainLove nMaN si joOn!!! ngpParamdAm n kAy woNnie,,, kKiLig!!!

    ReplyDelete
  6. Ang cute ang nung post-it!!! hahahaha. Nasa may toilet bowl!!! Tapos ang cute din ni Woonie dun sa pagpigil niya ng sakit! Mwahehehe. At NAKAKAKILIG! Kainis naman oh!!! Iba rin talaga kapag nagkakaroon ng inspiration sa pagsusulat! Homaygas lang Unnie!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^