Friday, January 27, 2012

Parang Kailan Lang [POEM]

(Credit goes to the owner of this photo)


Parang kailan lang
Nasisilayan ko pa ang matamis mong ngiti
Namamasdan ko pa ang nagkikislapan mong mata
Ngunit biglang naglaho na parang bula


Hindi ko pala namalayan
Na nauubos din ang mga pagkakataon
Na tila buhangin sa aking palad
Na unti-unting nauubos at di na kayang pigilan


Pero sa bawat pagkakataong iyon
Ay aking pinahahalagahan
Sapagkat minsan lang iyon nangyayari
At minsan lang kita makakasama

Kaya't sa paglisan mo
Mananatilika pa rin sa puso ko
Dahil  mahal kita,kaibigan ko
Salamat sa Poon dahil hinandog ka Niya!


Malayang tula by Phoebe Ann

4 comments:

  1. nice po ate! i'm kpop, regular d2 sa blog ni ate aegyo! gling mo po sa poems!

    ReplyDelete
  2. sis ang galing mo! alam mo bang frustrated writer ako ng poems. mahilig nga akong magsulat pero hindi kasi kaya ng pwoers ko ang malalalim na salita. yung makata style! galing!


    P.S. ni-edit ko na siya sis, gamit ka po ng jumpbreak next time para hindi lahat ng content, nakalitaw sa main page ntin. para iclick nung readers ung mismong post mo! ^___^

    ReplyDelete
  3. aixxxtt,,ok sis..salamat sa pag appreciate ng gawa ko..nahihiya tuloy ako..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^