Monday, January 23, 2012

Goddesses' Karma : Chapter 1

[A/N: Sa totoo lang, hindi English o Tagalog ang language na ginagamit namin dito sa Caelum Utopia. Translation lang ang mga yan para maintindihan niyo.]



1: The Fallen Goddesses
(Princess POV)



Caelum Utopia. “Caelum” means ‘Sky’ and the word “Utopia” means ‘Ideal Kingdom.’  This is the Sky Kingdom. A place where all Gods and Goddesses dwell. This is where we stay.



Walang araw o gabi sa lugar na ito at lahat ng bagay ay naayon sa kagustuhan ng Great Gods and Goddesses dahil sila ang talagang pinaka makapangyarihan sa lahat.



Kami namang mga minor gods and deities, o mga nakababata at konti pa lang ang experience ay pumapasok pa sa tinatawag naming Caelum Ludus or ‘Sky School.’ May mga subject din kami dito at kabilang ako sa mga lesser Deities of Air.


Pagkatapos ng ilang pagsasanay sa mga kakayahan namin at pag-aaral tungkol sa mundo ng mga mortal, malaya na kaming gawin ang bagay na gustuhin namin. Maliban lang ang bumaba sa lupa at makisalamuha sa tao.



PRINCESS: YUN PALA YUN… (At aaminin ko, sobrang curious ako sa pamumuhay ng mga tao! Sa mga gawain at salita nila. Kaya nga patago ko minsan sinusubaybayan ang buhay ng mga mortal sa lupa by opening a circle na nagko-connect dito sa Utopia at sa Earth. At BAWAL yun sa tulad kong baguhan pa lang.)



QUEEN: PRINCESS!!! NASAAN NA BA YUN?



EMPRESS: BAKA LUMILIPAD NA NAMAN!



At ang dalawang josa na yun ang mga kaibigan ko. Si Queen, isang fire goddess at si Empress, isang water goddess.



PRINCESS: NANDITO AKO! (Patago ko silang tinawag at nang makita naman nila ako kaya agad nila akong pinuntahan.)



EMPRESS: HALA KA! NAGO-OBSERVE KA NA NAMAN SA EARTH!



QUEEN: AKALA MO SIYA HINDI KO NAHULING GINAGAWA YUN KANINA.



EMPRESS: IKAW RIN NAMAN HAH!



PRINCESS: SHEESH WAG KAYONG MAINGAY! HINDI KO NA SILA MAIINTINDIHAN! (Pinapanood ko kasi ang dalawang tao na nag-uusap.)


Nang matapos ko silang panoorin, sinigurado kong naisara ko yung connection circle at umalis naman kami agad para maglibut-libot na ulit.



QUEEN: OH SIGE NA! SABIHAN NA NG MGA BAGO NATING NALALAMAN SA MUNDO NG TAO! (At nagkumpol kaming magagandang Josa sa isang gilid.)


EMPRESS: AKO MAUUNA!!! ‘I MISS YOU.’


PRINCESS: AYMISYU?


EMPRESS: I MISS YOU!


QUEEN: OH ANONG IBIG SABIHIN NUN?


EMPRESS: SA NAPANOOD KONG MGA TAO KANINA, SINASABI MO YUN SA ISANG KAKILALA KAPAG MATAGAL KAYONG HINDI NAGKITA. TAPOS MAGYAYAKAPAN KAYO, AT YUN ANG GAGAWIN NIYONG BATIAN!


QUEEN & PRINCESS: WOW! (At ginawa namin  yun ni Queen) I MISS YOU!


Oo mga nilalang sa lupa! Kakaiba saamin ang mga salita ng tao! At dahil tatlo kaming mahilig talaga sa kakaiba at bawal, narito kami at nagtuturuan ng mga salitang nakukuha namin sa mga mortal.


QUEEN: OH AKO NAMAN! NAKAKITA AKO NG NAG-AAWAY, TAPOS YUNG ISA MAY SINIGAW… ‘FVCK YOU!!!’


PRINCESS: WOW! ANO IBIG SABIHIN NG ‘FVCK YOU!!!’?


QUEEN: EWAN… SIGURO PAG SOBRANG GALIT KA NA, YUN ANG DAPAT SABIHIN MO.


EMPRESS: ‘FVCK YOU’ KA PALA EH! KANINA PINAGHINTAY MO AKO DUN SA HALLWAY!


At syempre kaming mga ignoranteng josa, hagalpak na naman kakatawa.


EMPRESS: OH IKAW? ANO NALAMAN MO?


PRINCESS: (Napangiti ako at mahahalata sa mga josa ang nararamdaman nila dahil kumikintab kami kapag masaya, namumula kapag nahihiya, at nangingitim kapag nagagalit.) CRUSH!


QUEEN: CRUSH? AS IN DUROG? ANONG BAGO DUN?


PRINCESS: HINDI! CRUSH AS IN… (At napatingin ako sa isang direction… sa direction ni Eros.) AYAN NA ANG CRUSH KONG SI EROS.


QUEEN & EMPRESS: HA?


PRINCESS: CRUSH! PAGHANGA! THAT’S WHEN YOU LIKE SOMEONE!


Ang Eros na tinutukoy ko ay hindi yung Greek God of Love. Si Eros ay isang Earth God, at siya nga ang crush ko.


Pero bawal pa sa mga lesser goddesses na tulad namin ang makipagrelasyon dahil kabawasan daw yun ng kapangyarihan namin at maari pang guluhin nun ang focus namin.


EMPRESS: UY ANG LANDI! ‘CRUSH’ PALA TAWAG DUN HA!


Oh anong saya nitong ginagawa namin. Kaso may dumating na higher God na talagang namang kinatatakutan ng lahat.


SIBYL: PRINCESS! QUEEN! EMPRESS! (Oops! Nahuli na naman niya kami!)


EMPRESS: SIBYL! (Anong nang gagawin namin? Kailangan naming lusutan ‘to!) “I MISS YOU!” SAAN KA GALING?


SIBYL: ANONG “I MISS YOU!”? ITO NA ANG PANGATLONG BESES NA NAG-OPEN KAYO NG PINAGBABAWAL NA CONNECTION CIRCLE NA YUN HA! AKALA NIYO HINDI KO MALALAMAN?


QUEEN: FVCK YOU NAMAN SIBYL! BAKIT BA PAG LESSER GODDESS HINDI PWEDENG GAWIN YUN? MALALAKAS NAMAN NA KAMI!


SIBYL: FVCK YOU? ANO BANG PINAGSASABI NIYO HAH! TARA, SUMAMA KAYO SAAKIN SA JUDGMENT TEMPLE.


PRINCESS: (Uwaahh!!! Pinagtinginan tuloy kami nung iba! Pati si Eros nakatingin saamin! Nakakahiya!) SIBYL! WAG NAMAN NGAYON! NAKIKITA AKO NG CRUSH KO!


SIBYL: CRUSH??? ABA’T SUMUSOBRA NA KAYONG MGA JOSA HA! (Nangingitim na siya sa pagngingitngit!) TARA NA!


Syempre, dahil no match kami sa isang higher God na tulad ni Sibyl, dinala nga kami sa Judgment Temple. Laking tuwa namam namin nang simpleng detention lang ang nakuha namin! At laking bwiset naman ni Sibyl dahil yun lang ang parusa saamin.


Pinagbantay lang kami sa Dark Gates, at kabilin-bilinan saamin na wag naming bubuksan ang pintuan sa dulong gate. Hindi namin alam kung bakit, pero nakakaintriga! At ang mga nakakaintrigang bagay ay hindi namin pinalalagpas!


PRINCESS: ANO BA YAN! NAKAKAHIYA! NAKITA TULOY NI EROS NA NA-JUDGMENT TEMPLE NA NAMAN TAYO!


EMPRESS: PURO KA EROS! NI HINDI KA NAMAN PINAPANSIN NUN.


PRINCESS: AKALA MO LANG. PERO NAKIKITA KO SIYANG TUMITINGIN SAAKIN NOH! (Para kasing may kakaiba kaming connection.)


QUEEN: (Si Queen naman na borlogs na sa parusa namin, naglalaro na ng apoy! Literal yun!) HAY! ISANG DAANG ORAS TAYO DITO! NAKAKABAGOT NAMAN!


PRINCESS: ITIGIL MO NA NGA YANG APOY MO! ANG INIT NA HA!


QUEEN: (Mapa-‘fvck you’ ko na ‘tong si  Queen eh, hindi pa rin tumigil! Sinadya pa niyang lakihan yung apoy.) LALALALALALA!


PRINCESS: QUEEN!!! (Napaka-init na! Uwaaahhh!)


EMPRESS: STOP THAT! (Syempre, dahil nga sisiw lang kay Empress na maglaro naman ng tubig, binasa niya si Queen para matigil ito! Effective naman.)


At ano pa nga bang aasahan mo sa apoy at tubig? Eh di syempre, gulo at usok! Naglalaban na nga ang dalawa at kapag hindi pa sila tumigil, madadagdagan yung oras ng parusa namin!


PRINCESS: INHALE, EXHALE, FOCUS! (Ito ang bagong amazing talent na natutunan ko! In-open ko ang palad ko at poof! Talsik yung dalawa! Sa kaliwa tumilapon si Queen at sa kanan napadpad si Empress!) UWAAAHHHH!!! I DID IT!


Alam kong hindi papatalo yung dalawa lalo pa at naperfect ko na yung wind-blow attack! Yan ang hirap kapag kami ang nagsama eh, puro gulo! Pero masaya naman kami sa isa’t isa! Madalas nga lang kapag bangag ang isa, mahahawa yung dalawa!


QUEEN: GUSTO NIYONG TUSTAHIN KO KAYO?


EMPRESS: GUSTO NIYONG LUNURIN KO KAYO?


PRINCESS: GUSTO NIYONG PAG-UMPUGIN KO KAYONG DALAWA? (Pffft! Ang weak nung akin!)


So dahil nga ganito lang talaga kami kabababaw, tinawanan na lang namin! Mahirap na baka kapag nagkapikunan, masira ang goddesshood namin! Naks! Goddesshood talaga! Pero solid ang samahan namin! Mahal na mahal namin ang isa’t isa noh!


PRINCESS… QUEEN… EMPRESS…


Napalingon kami bigla sa boses na narinig namin. Nanggagaling yun doon sa sa dulong gate na ibinilin saamin na wag bubuksan.


PRINCESS… QUEEN… EMPRESS…


Nakakapanghalina ang boses na tumatawag saamin. Paulit-ulit lang nitong tinatawag ang mga pangalan namin.


QUEEN: WHO’S THERE? SHOW YOURSELF!


MY QUEEN… COME… COME CLOSER…


Lalapit na sana kaming dalawa ni Queen, pero pinigilan kami ni Empress.


EMPRESS: WAG… HINDI MAGANDA ANG PAKIRAMDAM KO JAN.


MY EMPRESS… COME CLOSER…


Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa saamin ng boses na naririnig namin, pero isa lang ang masasabi ko. Walang sino man ang hindi mapapasunod sa kanya. Masyado itong nakakapukaw ng attention.


COME CLOSER… COME CLOSER MY DEAR GODDESSES…


PRINCESS: (Nang mapalapit na kaming tatlo) WHO ARE YOU?


I’ AM YOUR GREAT GOD NEFARIUS… COME CLOSER TO THIS GATE…


Great God? Ang makakausap at makakilala ng isang Great God ay malaking honor para sa mga tulad namin. Kaya kami napaluhod sa harap nung gate, at pareho kaming tatlo na parang nawawala na sa sarili.


I KNOW YOUR WISHES… I KNOW YOUR HOPES… I KNOW HOW MUCH YOU WANTED TO KNOW MORE ABOUT THE MORTAL WORLD…


Napangiti kaming lahat. Isa nga siyang Great God dahil alam niya ang saloobin namin.


AND I’M WILLING TO GRANT ALL YOUR WISHES… THEN THE THREE OF YOU COULD BECOME ONE OF US… YOU WILL BE GREAT GODDESSES…


Nanlaki ang mga mata namin. Lahat naman kami, ganun ang pangarap!


ALL YOU HAVE TO DO… IS TO OPEN THIS GATE FOR ME…


PRINCESS: NO WAIT… ANG BILIN SAATIN WAG DAW…


MY PRINCESS… OPEN THIS GATE FOR ME…


Napailing ako pero yung boses niya, hindi ko mapigilang sundin.


MY GODDESSES… OPEN THIS GATE FOR ME… AND YOUR WISHES WILL BE GRANTED, AND THE THREE OF YOU WILL JOIN THE GREATS… OPEN THIS GATE… OPEN IT NOW…


At sinimulan itong itulak ni Queen, tinulungan siya ni Empress at sumunod din ako. Kahit tatlo na kami, hirap na hirap pa rin kaming buksan yung gate… pero hindi kami sumuko… buong lakas namin yung tinulak at nang tuluyan na itong bumukas…


SIBYL: WHAT ARE YOU DOING!!!


Narinig namin ang malakas na sigaw ni Sibyl, at ilang sandali pa nabalot ng dilim ang buong paligid. May mga nakakatakot na bagay at nilalang ang lumabas mula sa kwartong iyon.

Hindi na namin nagawa pang isarado ang pintuan, at tuluyan nang nakawala ang mga masasamang elemento na yun.


SIBYL: WHAT HAVE YOU DONE!!! (Napaluhod niyang sinabi at nanlulumo pa.)


Nanginginig kaming tatlo, hindi namin alam kung anong gagawin namin! At hindi rin namin alam kung ano ang magiging epekto nun sa mundo namin at mundo ng mga mortal.


ALAM NIYO BA KUNG ANONG GINAWA NIYO?


Nakatayo na kaming muli sa Judgment Temple but this time, kaharap na namin ang mga Great Gods and Goddesses. Pinapanood rin kami ng lahat ng lesser gods..


PINAKAWALAN NIYO SI NEFARIUS AT ANG MGA KAMPON NIYA… SI NEFARIUS NA SIYANG PINAKAMASAMA, PINAKA-KASUKLAMSUKLAM AT HIGIT SA LAHAT, PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT NA KATULAD NIYA…


QUEEN: KASALANAN KO PO! AKO PO ANG UNANG NAGBUKAS NG PINTUAN.


EMPRESS: HINDI! AKO PO ANG MAY KASALANAN!


PRINCESS: KASALANAN KO PO…  (At alam kong iniisip nilang dalawa na ayaw nilang mapahamak ang isa saamin.) AKO PO ANG TUNAY NA MAY KASALANAN.


KASALANAN NIYONG TATLO… AT NGAYON, KAILANGAN NIYONG TANGGAPIN ANG KAPARUSAHANG NARARAPAT SA INYO…


Sa sobrang bigat ng kasalanan namin, pwedeng kamatayan ang ihatol saamin. Pwedeng ring makulong habang-buhay sa kawalan at marami pang ibang nakakatakot na bagay na hindi ko na kaya pang isipin. Natatakot ako… natatakot ako sa pwedeng mangyari saaming magkakaibigan.


Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay nila at ganun din kahigpit ang hawak nila. Nang makapag-usap na ang lahat tungkol sa magiging hatol nila saamin, tahimik lang namin itong pinakikinggan.


ALL THREE OF YOU WILL BE CASTED TO EARTH… FALL LIKE LIGHTNING FROM THE SKY… AND FROM BEING A DEITY, THE THREE OF YOU WILL BE CURSED TO BECOME MORTALS…


Naluha kaming tatlo, kahit kasi masyado kaming fascinated sa mundong yun at sa mga mortal, alam namin ang hirap, sakit, lungkot at masasama pang bagay na pwede naming maranasan doon.


BUT… YOU WILL BE GIVEN A MISSION… YOU HAVE TO CHASE AND KILL ALL THOSE EVIL SPIRITS… AND FIGHT BACK THE EVIL NEFARIUS… ONLY THEN SHALL WE ALLOW THE THREE OF YOU TO COME BACK AS GODDESSES HERE AT CAELUM UTOPIA…


Kami? Lalabanan si Nefarius at ang mga kampon niya? Paano namin gagawin yun kung kahit mga Josa na kami, hindi namin sila nagawang pigilan! Paano namin gagawin yun kung ipapatapon nila kami sa lupa, at magiging ordinaryong tao lang?


Ayokong bumaba sa lupa… pero kailangan naming harapin ang parusa namin! Unang nahulog si Queen at narinig kong isinigaw niya ang mga pangalan namin.


QUEEN: AHHHHHHHHHH!!!


EMPRESS & PRINCESS: QUEEN!!! (Napaatras kami pareho.)


Wala kaming nagawa! Masyadong mabilis ang pangyayari!  Pero sunod na bumagsak si Empress at narinig ko rin ang iyak at sigaw niya.


PRINCESS: EMPRESS!!


At dahil alam kong ako na ang susunod na babagsak kaya pinilit kong lumipad paitaas. Natatakot ako sa mangyayari saakin, ayokong bumagsak!


Pero kusa na lang akong nanghihina, parang unti-unting nawawala ang kapangyarihan ko at nararamdaman kong babagsak na rin ako.


Napapikit ako, hindi ako susuko, pero wala akong magawa. Ngunit bago pa man ako tuluyang bumagsak, may humawak saakin… si… si Eros…


EROS: PRINCESS… (Ito ang unang beses na nagkausap kami at tinawag niya ang pangalan ko. Nakakahiya naman! Bakit sa ganitong eksena pa kami unang nag-usap!)


PRINCESS: EROS TULUNGAN MO AKO… (Pero alam kong wala siyang magagawa. Unti-unti akong bumibigat… unti-unti akong nabibitawan ni Eros.)


SIBYL: EROS!!! ANONG GINAGAWA MO!!! BITAWAN MO SIYA!!!


At hindi ko rin alam kung bakit ito ginagawa ni Eros dahil alam niyang pagsuway ito sa utos ng Great Gods at pwede niya itong ikapahamak.


Nagkatitigan kami at ayokong isama siya sa kasalanang ginawa ko.


PRINCESS: CRUSH KITA EROS… (Nasabi ko rin sa wakas kahit baka hindi niya yun naintindihan. Sinabi ko na dahil hindi ko na rin alam kung kelan kami ulit magkikita… o magkikita pa ba kaya kami ulit?) LET GO NOW…


EROS: (At naiiyak ako sa naaawa niyang titig. Pero bago pa man niya ako bitawan, may ibinulong siya saakin) I’LL LOOK AFTER YOU… I PROMISE.


Nagtaka ako kung anong ibig niyang sabihin dun at ilang sandali pa, nagkabitaw na ang mga kamay namin at tuluyan akong bumagsak mula sa Caelum Utopia, papunta sa lupa.


PRINCESS: AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!


Ganito rin ba kalakas ang sigaw nina… sino nga ba sila? Teka… ba… bakit ako nahuhulog?


PRINCESS: AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!


Ikamamatay ko ang pagbagsak sa lupa! Anong nangyayari? Paano ako napunta sa ganitong situation?


*buuuuuuuuuggggggggggggggggggg*


At napakalakas ng impact ng pagbagsak ko!!! Ramdam ko ang sakit sa buong katawan ko pero… buhay ako… humahangos lang. Para akong hindi makahinga sa lugar kung nasaan ako ngayon. Puro puno! At puro putik na ang katawan ko! Gubat?


Wala na rin akong saplot sa katawan pero may nakasulat sa palad ko na hindi ko pa maintindihan. Mahapdi yun, mas mahapdi pa sa buo kong katawan. Pinilit kong tumayo kahit na nanginginig pa ako.


PRINCESS: HAH… (Hanggang ngayon naghahabol pa rin ako ng hininga.)


Naglakad ako nang hindi alam kung saan ako tutungo. Patumba-tumba ako, nahihilo, nasusuka, nasasaktan. At sa paglalakad ko, nag-iba bigla yung paligid na inaapakan ko…


PRINCESS: KALSADA?


At nakatayo na nga ako sa gitna ng kalsada, kung saan may paparating pang sasakyan. Akala ko mabubundol pa nila ako, pero natumba na ako agad. At mas sumakit pa lalo ang katawan ko. Nanlalabo ang mga mata ko pero kitang-kita ko na isang mag-anak ang lumabas mula sa magandang kotse.


MRS. ANDREA: OH MY GOD!


DYLAN: SYET! BAKIT SIYA NAKAHUBAD? (Nahihiya pero nakatingin siya! But then he took off his jacket at isinuot yun saakin)


ANDREA: WHAT DO YOU THINK HAPPENED TO HER?


MR. PETER: HONEY, HINDI KAYA NA-RAPE SIYA?


DYLAN: LET'S NOT THINK THAT WAY DAD! WE HAVE TO TAKE HER TO THE HOSPITAL! (At naramdaman kong binuhat niya ako.) LET’S GO! (At tuluyan akong nawalan ng malay.)


Namulat ako at malabo pa rin ang paningin ko. May mga taong nasa paligid ko at nasisilaw ako sa itinututok nilang ilaw sa mga mata ko. At nawalan ako muli ng malay.


Gaano katagal na kaya akong nakapikit. Gaano katagal na kaya akong natutulog? May nakikita akong imahe ng isang lalaki at napapangiti ako. Kaso napapalitan yun ng isang imahe ng demonyo, nakakatakot! At sa katapusan ng panaginip ko, may dalawang babae at gustung-gusto ko silang yakapin…


PRINCESS: HMM… (Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nasa isang kwarto na ako. May kung anu-anong nakaturok saakin, at may benda ang buo kong katawan.)


DYLAN: CALL THE DOCTOR! SHE’S AWAKE!


PRINCESS: (Buong lakas kong ibinuka ang bibig ko para makapagsalita.) NASAAN AKO? SINO KAYO?


DYLAN: NASA OSPITAL KA NGAYON? AND I’M DYLAN.


PRINCESS: SI… (Nananakit ang ulo ko… at naluluha na ako.) SINO AKO?


DYLAN: CAN'T YOU REMEMBER? (Sandali siyang natahimik) YOU'RE PRINCESS BETHANY LANE... YOU'RE MY GIRLFRIEND. 


Nagpakita sila ng proof that I'am the girl they are talking about. Birth certificate, ID's, pictures and stuff! May mga nag-flash nga sa isip ko na childhood memories. And yes, I' am Princess Bethany.


But the question still remains, what happened to me that time? Did I really fell from the sky, survived and found myself naked? At ano yung parang scene na naalala ko, pero nakalimutan ko lang ulit?


End of Chapter 1



14 comments:

  1. Xander says:

    first commentor ako dito tsaka sa PF !!!
    pabasa na lang ng koment ko sa PF yun din kasi koment ko dito eh..

    Great job !! kudos for you Ate Regine ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. uwaaahhh!!! xander nabasa ko na yung comment mo sa PF... ahahaha...

      Delete
  2. uy grbeng 1st chapter! kaya pla fallen goddesses at may karma pa! grbe pla ginwa nio eh! kakaintriga ung last part, so mortal na sila at bumlik na ung alaala ni princess bethany lane... ooh i love d name pala!


    at kulti niung mga josa! ung sabihan ng mortal language! haha! 'FVCK You' sabi ni queen! hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. si nefarius ang may kasalanan! ahahaha... nakow sana matuwa si queen sa sinabi niya sa chapter na to... ahahaha....

      Delete
  3. hahahaha..naloka ako dun sis...medyo curious and may tanong pm ko nalang sayo..haha...

    naku po paano ko susundan itech???hahaha..

    post mo na sa PF mag-iisip na ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. hayaan mo sis, masasagot din natin ang mga katanungan na yan! ;)

      Delete
  4. ay ganda ng nngyari! an dami na agd question s sarili q! galing mu po miz aegyo!

    1. ano nga kya nngyari kay princess bkit nia nklimutan?
    2. nasan n cna queen at empress?
    3. so may mortal life na si princess?
    4. eros or dylan? ayiiiehhhh!

    -anew_beh

    ReplyDelete
    Replies
    1. masasagot din yang mga tanong na yan anew... sa takdang panahon! ahahaha!:D

      Delete
    2. isa pa din pala yun sa tanong ko sis... si eros o dylan? ahahaha... XD

      Delete
    3. si eros! hahaha, para kakaiba... hindi ka pang-mortal ate... nice!

      -anew_beh

      Delete
  5. uu nga noh, salawahan ka talaga ate aegyo! hahahaha!!! ang god na si eros? o ang mortal na si dylan! kaso boyfriend mo na si dylan! pati 2loy aq nde q alm kun cno bet q! hahaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^