Thursday, December 8, 2011

Riot Love Game : Chapter 6


CHAPTER 6
(REGINE POV)


REGINE: (Para akong nag-blush! Pagkasabi kasi niya nun, parang nakakasilaw pa yung kagwapuhan niya!) Sheeessshhh… anyway… you should start working na din! Marami pang kailangang i-pack!


RAYCE: Don’t want to! Nakakatamad!


REGINE: Nakakatamad pala ha! (Chachansing sana ako sa paghila sa tenga niya para kaladkarin siya papunta sa room 312, kaso may bumunggo saakin mula sa likod.) Arawch naman oh!


Ayieeeehhh!!! Natumba tuloy ako sa dibdib ni Rayce… ke-bangong nilalang!!!


STUDENT: Ay sorry… (Tapos nag-glow yung mukha nung lalaki nung makita niya ako. May crush saakin ‘to panigurado! Haha, kapal!) Sorry Princess Regine. (Tapos nag-bow pa! Ahahaha!!! Talagang princess ha! Buti wala yung pin-up!!!)


RAYCE: Are you okay?


Napasarap yata ang pagtumba ko at pagsubsob ko kay Rayce, at nakalimutan kong nakakapit pa rin ako sa kanya. Anyway, umalis naman agad yung estudyante, nahiya yata saakin.


REGINE: So… sorry. (Kunyari nagpapagpag ako, pero actually nilalanghap- sarap ko lang ulit yung amoy niya.) Napapahamak ako pag kasama ka, tara na nga!


Isip-bata din ‘tong si Rayce, at padabog na sumunod saakin. Hay! Siguro naman din, sapat na ang oras na binigay ko kay Richelle para pagbigyan ang malalaswa niyang balak kay Rye. Kaso pagdating namin sa room…


RAYCE: Wow!!! Ang dami na palang katulong eh. Kailangan pa ba tayo dito? (Anong ginagawa ng buong basketball team dito? Richelle, ano naman ‘tong pakana mo!)


RICHELLE: Regina!!! (Lumapit siya saakin, sakto nang mapadugo ko ang nguso niya.) Ayos ba, matatapos na natin ‘toh agad!


REGINE: (Kinaladkad ko siya nang makapag-usap kami ng masinsinan) Bakit ka nagdala ng ibang lalaki, impaktita ka! Sinayang mo yung binigay kong moment ninyo ni Rye!


RICHELLE: Moment? Wala nang ginawa si Rye kundi ‘It’s time to pack ganito, pack ganyan, pack this, pack that, pack-syet!’ Packer siya sis!!! Palagi niya na lang akong inaaway! Kulang na lang, itong buong room ang i-pack namin!


REGINE: Bopols!!! Sana ginawa mo na lang! Kapag madali natin ‘tong matapos, sa Saturday na ulit natin sila makakasama dun na sa Baseco!


RICHELLE: What??? Ganun katagal? (Opo, ganun katagal! Wednesday pa lang ngayon, at sa Saturday pa ang feeding program.) Ummm, okay boys listen! Alis na kayo, hindi na namin kayo kailangan!


RYE: Hey? What did you just said? Why all of a sudden?


RICHELLE: Ummm… kase… wala pang ginagawang trabaho si Rayce, bigyan naman natin siya. (Changgalang bruhilda ‘to! Si Rayce agad ang nakita!)


RAYCE: Bakit ako!? If I know kararating mo pa lang din!


RICHELLE: At least may natulong na ako.


REGINE: Wait stop it!!! (Pammerz naman! Parang lumaki pa yung gulo sa sinabi ko! Ito naman si bespren, masyadong padalos-dalos.) Let’s just finish this na nga lang! (Pag-uwi naten Richelle, papakuskuos ko sayo ang toilet bowl naten gamit ang toothbrush! Ginugulo mo ang twist eh!)


JACK: Do you still need us?


DINO: Oo nga. Nandito kami para tumulong.


PAUL: Yeah… may problema ba Rhedj?


Uwaaahhh? Pati si Paul nandito? He’s still calling me Rhedj! Ang awkward naman! Ano bang pumasok sa isip mo Richelle at naisip mo ‘to?


REGINE: Wala… just go on! (Lumapit na lang ako sa ibang boxes para gawing busy ang sarili ko.)


Habang tahimik ako, naririnig kong nagbabangayan ang kambal, kasama si Richelle. Wow!!! Close na agad silang tatlo? Joke lang!!! Sinisermunan lang ulit nang walang humpay ni Rye sina Richelle at Rayce dahil sa pagiging late.


After two hours, natapos na naming lahat ng kailangang balutin.


RICHELLE: Thanks guys!!! Hulog talaga kayo ng langit!


DINO: Kanina lang bigla mo na kaming pinaalis eh.


RICHELLE: Ahiieee! (Pa-kyut pa!) Joke lang yun, kayo naman hindi mabiro.


JACK: Anyway, since tinulungan namin kayo, sumabay ka saamin mag-lunch ngayon.


RICHELLE: Ha? (Napatingin siya kay Rye. Tama ba kasing maghanap pa ng ibang lalaki sa harap ng crush mo! Napasubo ka ngayon!) Wag na, hindi pa ako nagugutom eh.


DINO: We won’t take no for an answer! Our treat naman eh.


RICHELLE: Pero… (Sabay bulong saakin) Sis anong gagawin ko? Samahan mo ako!


REGINE: Mag-isa ka! Kalandian mo yan eh.


PAUL: Kasama ka rin Rhedj ha!


REGINE: Ha? Bakit pati ako?


RICHELLE: Sige na sis, ayokong ako lang mag-isang babae.


REGINE: No… ayoko!


DINO: Sige na Regine! Sumama ka na. (Umakbay muna siya kay Richelle, tapos umakbay din siya saakin)


REGINE: Get-off me…


RICHELLE: Guys wag na lang… hindi talaga kami gutom eh.


JACK: Tara na! Minsan lang namin kayo makakasama mag-lunch eh.


Pinipilit na kaming isama ng buong team, at parang gusto na nila kaming buhatin para wala na kaming palag. Syeettttt!!! Kung makaakbay at makahawak sa mga kamay namin, feeling close na!!!


RAYCE: HEY! Sinabi na nilang ayaw nilang sumama diba?



RYE: Oo nga. Wag niyo na lang silang pilitin!


Wow!!! Knights in shining armor!!! Ang dalawang kambal, nagkasundo para iligtas kami! At ito ang winning moment jan, hinila ni Rye ang kamay ni Richelle… and guess what? Si Rayce naman ang humawak saakin palayo sa mga lalaki! Nakanang-swerte yan!

Hindi naman na din pumalag ang buong team kina Rayce at Rye. Ikaw ba naman pandilatan ng famous school celebrities, hindi ka ba matatakot.


PAUL: Sige… next time na lang Rhedj ha.


DINO: Oo nga. Alis na kami.


Pag-alis nila…


RYE: (Talking to Richelle) See what you did! Ipapahamak mo pa kayong dalawa ng kaibigan mo dahil jan sa mga ginagawa mo.


RAYCE: (Talking to me) Dapat kasi kapag sinabi mong hindi, say it like you mean it! Paano na lang pala kung wala kami, eh-di naisama na kayo!


RYE: (Still talking to Richelle) Kung ganyan ka palagi, iisipin ng ibang tao that you’re easy, na pwedeng dalhin kung saan-saan!


RAYCE: (Still talking to me) Kung ganyan ka palagi, iisipin ng ibang tao na pang-front mo lang yang mataray image mo!


RICHELLE: Sis, sumama na lang kaya tayo kina Dino?


REGINE: Oo nga, mukhang mas mabuti pa yun kesa dito.


RAYCE & RYE: NO!


Napatingin kami sa kanila. Kanina lang iniligtas nila kami, ngayon pinagagalitan na kami! Ang gulo naman ng mga mahal namin!


RICHELLE: Alright! Thanks for helping us, okay?


REGINE: And sorry for the trouble. This won’t happy again! (Alam kasi naming na malamang, yun lang lang gusto nilang marinig mula saamin.)


Natahimik sila sandali… tapos maya-maya…


RAYCE: Pero sigurado kayong hindi kayo nagugutom?


REGINE: What do you mean? (Anube!!! Gumaganun bigla! Aayain mo ba kaming mag-lunch? Go na!!! Kung sa’yo sasama ako kahit saan! Ahahaha!!!)


RAYCE: Nagugutom na ako eh…


RYE: Wala kang nang ginawa nagugutom ka pa? (Weh!!! Epal ng kakambal na ‘to! Konti na lang oh, mag-aaya na si Rayce!)


RAYCE: Eh di wag kang kumain kung ayaw mo!


RICHELLE: Ako na nagugutom na din talaga ako… natakot lang akong sumama kina Dino kanina.


REGINE: (Ayun oh! Pumaparaan na din si Richelle! Sige, sisigundahan ko yan!) Tara Richelle, kain na tayo. Ako din kanina pa ako nagugutom talaga.


RAYCE: Yun oh! Tara! Sama ako sainyo ha!


RYE: (Oh, eepal pa yata oh! Babangasan ko na ‘to eh! Sumama na lang kasi!) Pssshhh. Tara na nga.


RICHELLE: Sasama din pala! Let’s go! (At ang feeling close ng babaita, kumapit agad kay Rye! Ke landi!!! Ahahahahaha!!! Kakainggit! Huhuhu!!! Sana magawa ko rin yan kay Rayce ko!)


RYE: Ano ba! (Tinanggal niya ang kamay ni Richelle sa braso niya.)


RICHELLE: Sungit!!!


RAYCE: Saan tayo kakain Princess? (Umakbay naman siya saakin. This is it! Nikikilig ako! Parehong-pareho sila ni Richelle, feeling close na agad! Ahahaha!!! Love it!!!)


REGINE: Ano ba! (A*UDSHFF@UG>USFUJX!!! Ang tukmol ko din eh! Tinanggal ko din ang kamay sa balikat ko! Ampupu!!! Bakit pareho kami ni Rye? Kasalanan ‘to ng reflex namin!!!)


RAYCE: Sus! Sungit!


END OF CHAPTER 6

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^