Liham ko po!
By: IMysteriousDarkAngel
Pinagawa kami ng liham para sa taong mahalaga samin. Nagbigay
ng halimbawa ang guro para mapadali ang paggawa namin.
Makalipas ang ilang minuto wala pa akong nagagawa.
Kaya sinundan ko na lang ung halimbawa sa pisara.
Nagtataka ako sa reaksyon ng aming guro habang binabasa
ang liham. Hindi ko malaman kung bakit nakangiti ito. Nagsalita sya na kinikilig
pa dahil may nabasa itong liham na ginawa namin.
Inalala ko ang ginawa ko at naalala ko ang sinulat
kong “Mahal kong Oliver”. Hindi ko namalayan na pati “Mahal kong” nagaya ko pa.
Pero hindi talaga iyon ang ilalagay ko.