IT'S BEEN FOUR YEARS simula nang sumali ako dito sa blog ni ate Aegyo. Nakakamiss din pala. Isa sa mga nakatulong sa pagsusulat ko yung blog na 'to. Nakakamiss yung mga panahon na nagkakainteract tayo na iba't-ibang mga writers. Nakakamiss yung DDH Fam, promise.
Ang rami ng nangyari throughout these four years. Hindi na ako yung pinakabatang writer dito na sobrang immature and jeje yung mga pinagsusulat na stories. Ang bilis ng panahon. Parang dati lang excited na excited ako laging magsulat dito (kaso tamad). Parang dati lang ako yung 12 years old na medyo pabibo dito sa blog ni Among Tunay (yes naman! I still remember our nicknames para sa bawat members ng DDH Fam). Four years na ang nakalipas, 16 years old na ako. May pagkaimmature pa rin sometimes pero nandoon yung hint ng pagkamature.
Honestly, gusto kong bumalik sa dati. Dati kasi, nagkakaroon ako ng inspiration para magsulat dahil sa mga interactions natin sa bawat isa. Pero ngayon, as in, wala talaga. Walang-wala. Naaalala ko pa yung mga stories na ginagawa natin para sa isa't-isa. Nakakamiss talaga.
Sana makausap ko ulit kayo guys. I miss you all so, so much.
ang lunnngkkooot! nkakamiss kayong lahat. ung mga kwento para sa isat-isa. ung inaabangan mu mga update ng ibang writers. asan na kau.? :(
ReplyDeleteActive pa kaya ito? nakaka miss.. :( 😢
ReplyDelete