Sunday, May 15, 2016

Resurrection Academy : Chapter Six

RESURRECTION ACADEMY
by : Hannah Jewel




5:44. Eto yung oras na sinabi ng headmaster na magigising yung babae, este, lalake pala. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito ang itsura ng lalake na ito. Katulad nila Justine, Trevon, at Chester, may itsura din ito. Ang kakaibahan nga lang ay kung gagawin mo siyang babae, magiging maganda din siya.





"Kuya?" 



Napataas ang kilay ko. May kapatid si Justine? Kung totoo ang sinasabi ni Trevon na Lost Souls nga lahat kami na nasa Academy na ito, ibig sabihin patay na rin itong tao na nasa harapan namin?
Napailing na lang ako.


Kawawang mga magulang. Nawalan ng dalawang anak. May mga itsura pa man din.





Napailing ulit ako. Kung ano-anong pumapasok sa utak ko ngayon. Epekto siguro ito ng hindi ko pagtulog buong magdamag.





"May kapatid ka Justine?" tanong ko sa kanya habang nakatingin kay —-





"Sino ka?" walang ka emo-emosyon na tanong ni Justine sa kanya. Kumunot-noo naman ang lalake na tinatawag na kuya si Justine at napabuntong-hininga. "Jean Luke Hanford, that's my name."





Tumango si Justine ngunit wala pa ring mababakasan na emosyon sa mukha niya. "Forgive me if I can't remember you. It's nice having someone I used to know here." 



Nagtitigan sila matapos itong sabihin ni Justine kay Jean... Or should I call him Luke? Para bang nag-uusap sila gamit lang ang mga mata nila.


Nakalimutan ata nila na bukod sa kanilang dalawa ay nandito pa kaming tatlo ni Trevon at Chester.





"Ehem." 





Napatingin kaming lahat kay Trevon. Mabuti naman at naisipan niyang gawin ito. Kung nagtagal pa ang titigan ng dalawang magkapatid ay hindi na ako magdadalawang-isip pa na umalis sa kwartong ito. Wala akong panahon para sa mga ganito. Kailangan kong alamin kung bakit ako nandito. Kung bakit (kahit na nagdududa pa rin ako kung totoo nga ang sinabi ni Trevon tungkol doon) hindi ako matahimik na kaluluwa. 





"Well? Shall we start the tour?"









—-







Hindi ko pa rin alam kung bakit tila napaka-espesyal naman ata ng lalake na tino-tour namin ngayon dahil apat-apat pa kami na tour guide niya. 


Samantalang ako, unang araw pa lang ay sobrang sama na ng impression ko sa mga tao (o kaluluwa. Wala akong pakialam) at sa school na ito.





Hindi ako nagsasalita buong oras na naglalakad kami habang si Trevon, as usual, ay dada naman ng dada. Parang siya nga lang ata ang seryoso tungkol sa tour guide na ito eh. Bahala na siya. Ano bang alam ko sa school na ito? Isang araw pa nga lang akong nandito. 





Pinagmamasdan ko ang dalawang magkapatid. Parang may nabubuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kung hindi lang Devil Class Student itong si Justine ay magdududa na ako kung totoong hindi niya talaga matandaan si Luke, or Jean, whatever. As if I really care.



Tiningnan ko naman si Chester. Katulad ko, tahimik rin siya. Pero nagsasalita rin siya kapag kailangan o kung may itatanong si Trevon sa kaniya.


Habang dada naman ng dada si Trevon ay pinag-iisipan ko kung ano bang trip ni Headmaster Suho ngayon. Pero kahit naman kahapon na nakita ko ang Headmaster ay ang lakas na ata ng trip niya sa buhay. Bakit pinagsama niya kaming Devil Class at Angel Class Students para i-tour guide ang isang bagong salta na 'anghel'?





Tumigil ako sa paglalakad at ang unang nakapansin sa pagtigil ko ay si Luke. "Bakit ka tumigil... Lyra?" nagtaka naman ako sa sinabi niya. Sasagutin ko na sana siya pero bigla-bigla namag sumingit si Justine sa amin. "Hindi Lyra ang pangalan niya, Jean. She's Alexis Lux." nakita ko ang pagtingin ng masama ni Luke kay Justine pero agad din iyong nawala nang itinuon nito ang atensyon sa akin.





"Pasensya na. May kamukha ka kasi noong nabubuhay ako." nakangiti niyang paliwanag sa akin. Binigyan ko lang siya ng wirdong tingin at muling inisip kung ano ang dahilan kung bakit ako tumigil.



Nakatingin naman sa akin si Chester at Trevon na parehas ding tumigil nang mapansin nilang tumigil kaming tatlo ni Justine at Luke. Inirapan ko na lamang sila at mabilis akong naglakad para maunahan silang lahat.


Bahala sila dyan! Naiinis na ako sa kanila!





—-



Iniwan ko silang apat at dumiretso ako sa cafeteria ng school. Ngayon ko lang napansin ang isang magandang babae sa may counter at tila excited na excited siya sa kung ano man ang mangyayari ngayon. Napapansin ko rin ang mga usok na nanggagaling sa likod ng counter at nakita ko ang tatlong halos hindi makandaugagang mga nagluluto na isang babae at dalawang lalake. Nagtaka ako dahil wala naman sila kahapon nang pumunta ako dito kasama si Trevon.


Umupo ako sa isang table at tumingin ako sa orasan sa pader ng cafeteria. 





7:28 am.





Hindi ko napansin na magdadalawang oras na rin pala simula ng i-tour namin ang 'anghel' na iyon. Pero nagtataka pa rin ako dahil parang may piyesta dahil sa kilos ng mga tao dito sa cafeteria. 



Sa kyuryusidad ko ay napilitan kong lumapit sa babaeng nasa may counter. 


"Miss..."



"It's Mrs. Psyche, Miss Lux." nakangiti niyang pagco-correct sa akin.


Kumunot naman ang noo ko at hindi ko maiwasang hindi itaas ang kilay ko. Mrs? Sa ganda at sa bata ng itsura niyang 'yan? Ang weird talaga ng school na ito. Naalala ko si Mrs. d'Mon dahil parehas na parehas ang case nila. Mga matatanda na mukhang bata. At paano niya nga paa nalaman ang binigay sa akin na pangalan ni Mrs. d'Mon?





"Uhhh... Ok? Pwede ko bang tanungin kung anong meron ngayon? Hindi naman siguro ako namamalikmata pero bakit ngayon ko lang kayo nakita dito? Wala naman kayo kahapon ah?"





Nakangiti pa rin siya, which is weird. Naiilang tuloy ako at bigla kong naalala si Headmaster Suho. Pareho silang mukhang tanga dahil sa ngiti nilang parang engot.



"Alexis! Lux Alexis!" napatiim-baga na lamang ako dahil sa boses na iyon. Hindi na ako magtataka kung bigla-bigla ko na lang makikita ang apat na mga lalakeng iyon. Lalong-lalo na si Trevon na parang may nilagay ata na megaphone sa bunganga niya dahil sa sobrang lakas ng boses niya. Buti pa si Justine, sobrang tahimik. Pati na rin pala si Chester kahit sobrang naiinis pa rin ako hanggang ngayon dahil sa ginawa niya kahapon. 
Tulad nga noong sinabi ko, bigla-bigla nalang lumitaw na parang kabute si Trevon sa harapan ko. Hindi ko nga alam kung nag teleport na lang ba siya papunta sa harapan ko o kung ano. Hindi na siguro akon mahihirapang maniwala kung bigla-bigla ko na lang malalaman na mayroon palang mga kapangyarihan o kung ano-anong mahika na nag e-exist ang mga tao dito. Kung ang mga ligaw na kaluluwa nga ay nakakapag-aral pa, ano pa kaya ang magkaroon ng kapangyarihan? The first is much weirder than the latter, I tell you.
"Alexis! Thank God, at nahanap ka na rin namin!" 
"Siya lang," narinig kong bulong ni Chester. Napaikot na lamang ako ng mata, "Sumunod lang kami sa kanya." 
Sa halip na pansinin ko ang apat na mga lalake na sumulpot na lang ay muli kong hinarap si Mrs, Psyche na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa na siya. Bakit, porket may asawa, ibig sabihin matanda na?  Umiling na lamang ako. Kung ano-ano pa ang naiisip ko. And yet napadalawang-isip ako sa naisip ko.
Itinuon ko na lang muli ang atensyon ko kay Mrs. Psyche na ngayon ay mukhang na-starstruck ngayon. Kumunot ang noo ko. Anong meron? "Nyeta naman oh." bulong ko. Napansin ko naman ang parang bagbalik sa wisyo ni Mrs. Psyche dahil sa narinig niyang mura na galing sa akin. Hindi ko pa akalain na maririnig niya pa yung binulong ko eh sobrang hina lang naman ng mga iyon.
"Miss Lux, need I tell you that cussing here in Resurrection Academy is considered a major offense? You could be in the Hell Room from just saying words like that." major offense? Sinong may sabi? Hindi na lamang ako umimik. Ba't walang nakasulat non sa Handbook? "Still, you're just a new student so I will not tell this to Headmaster Junmyeon. Consider this as a warning. Well, I think kanina mo pa gustong hintayin ang sagot ko sa tanong mo kanina." pagkasabi niya non ay napatingin siya sa direksyon nila Trevon. Kita ko ang pagka-mezmerize sa mata niya. "But first, answer this. Why are you with the Cavaliers?"
"Cavaliers?" tanong ko.
"Yes, the four guys behind you, they are known here as the Cavaliers. They are the Legion of Honor here on Resurrection Academy. Composed of 2 Angel and 2 Devil Class Students, sila ang tumatayong Student Council dito sa Resurrection Academy. And they are the very reason kung bakit ngayon mo lang kami nakita ngayon dito at kung bakit tila nagkakagulo kami. Today is the final celebration for the much awaited last Angel Class Cavalier. Pupunta dito ang mga Angel Class Student at Devil Class Student at exactly 9:00 am mamaya para i-celebrate ang pagdating ng last Cavalier." 


Napanganga ako sa sinabi ni Mrs. Psyche. Seriously? These four guys? I'm okay with Justine being part of this Cavalier thing... pero si Chester and Trevon? No way. And was she talking about Luke being the final member of the Cavaliers?





And all I can say to Mrs. Psyche about her revelation was "Woah." 




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^