HAPLOS
Haplos ng iyong kamay ay kay lambing
Tumatagos hanggang sa aking puso
Pag-aalaga mo 'y walang kapantay
Dito ka sana hanggang dulo
Di na mabilang ilang sakit ang naipadama ko
Pero pagkailangan agad kang tumatakbo
Sa pilig mo ako 'y ligtas
Pagmamahal mo kailan man di kukupas
Tinig mo noon pa ma 'y kinapapanabikan
Pagdating mo ay kinasasbikan
'Wag sanang pagsawaan
Pag mamahal na sa akin ay pinararamdam
Ipanapangako ko, kung ako naman ang kailangan
Agad kitang pupuntahan
Babawi sa lahat ng sakripisyo
Ikaw Ina ang natatangin mahal ko.
Nakakatouch naman ito Bebe Mae. Iba talaga ang haplos ng isang ina.
ReplyDeleteFor you yan mamee J! Ang swerte ni Baby Josa because of you .. mwah :*
Delete