Tuesday, April 14, 2015

Japanese Siomai


Aegyo's Note: Bilang suporta sa DDH Challenge, kahit hindi ako pwedeng sumali ay magpo-post pa rin ako ng aking Most Embarrassing Drabble!



Japanese Siomai
Drabble by AegyoDayDreamer


Paborito ko ang Japanese Siomai. Iyon ‘yung siomai na binalutan ng itim na nori seaweed sheet kaya mas masarap.

Habang nagpapakabusog, biglang dumating si crush. Nagpaganda muna ako bago ko siya inaya na samahan ako, at kinilig ako dahil pumayag siya. Pork siomai ang kanyang binili at nang ibahagi niya saakin ‘to, napasabi na lang ako na,  “Okay lang, busog na ako!” Sabay ngiti ng malaki!

Napatitig siya bigla sa kagandahan ko. Lumapit pa siya saakin, yumuko at sabay bulong, “Rhedj, may tinga ka sa ngipin.”

Simula noon, hindi na ako kumain ng ganung klaseng siomai.



13 comments:

  1. JAPANESE SIOMAI PA MORE INAY!!! Kaya check check din.

    ReplyDelete
  2. HAHAH ano ka ngayon ate A.. HAHAHAH lande pa more! HAHAHAHA

    ReplyDelete
  3. HAHAH ano ka ngayon ate A.. HAHAHAH lande pa more! HAHAHAHA

    ReplyDelete
  4. Dapat ate sinabi mo bagong style ng braces yun. Hahaha.

    ReplyDelete
  5. Dapat ate sinabi mo bagong style ng braces yun. Hahaha.

    ReplyDelete
  6. ahahahahahahahaha. :D infairness mabait si kras ha

    ReplyDelete
  7. nagka lock jaw ata ako ng bigla akong matawa! hahaha.. ate aegyo! ngiti pa more!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^