Monday, March 2, 2015

Can I Still Call You Mine? : Chapter 1


Minsan may mga tao tayong makilala…magiging parte ng buhay natin. Pwedeng maging kaaway..pwede rin namang kaibigan. Pwedeng pangmatagalan…pwede rin namang sandali lang. Pero alam mo kung ano ang masakit dun? Yung taong ibinigay para magkaroon ng malaking parte sa buhay natin pero agad din namang babawiin.

“Tell me Akira, have you ever been inlove?” usisa kay Akira ng kaibigan nyang si Allison. Papunta sila sa opisina ngayon.

“Love? Nakakain ba yun?” nakatawang sabi ni Akira.


“Eto naman ang seryoso ng tanong ko namimilosopo” sabi ni Allison at marahang hinampas pa ang balikat niya.

“Aray ah.. talagang may hampas factor pa?”

“Ikaw naman kasi eh” nakalabing sabi pa nito.

Tinawanan nalang ni Akira ang kaibigan. Wala siyang balak na patulan ang tanong nito.

It’s been three years na din magmula ng magtrabaho siya bilang writer dito sa Daydreamers Haven kaya naging kabiruan na niya ang mga kasamahang writer, editor at empleyado rito. Si Allison naman ay tulad niyang writer din doon. Actually, ito nga ang naghikayat sa kanya na mag-apply bilang writer kahit na Psychology Graduate siya.

“Hi Akira, magpapasa ka?” tanong ng secretary ng Daydreamers Haven na si Mae.

“Oo Mae…sa wakas naapruban din yung series na ginawa ko” nakangiting sabi niya rito.

“Really? That’s good to hear”

Isa nga pala siyang writer dito sa Daydreamers Haven. Pocketbook writer to be exact and as of now masaya naman siya sa trabaho niya. Bata palang kasi eh hilig na niya ang magsulat, kaya naman ng mabasa niya sa website nila na naghahanap sila ng writers eh agad niyang hinanap sa baul ang mga ginawa niyang story nung highschool at college.

Naaalala pa niya nung time na nagpasa siya sa kanila ng kwentong gawa niya..

“What’s your name again?” tanong nung nasa gitna.

“Akira po”

Tatlo pala ang magchecheck ng story kung makakapasa siya. Mukhang ang hirap pa naman nila i-please.

Yung nasa kanan, ang cute niya. Smiling face pa pero pakiramdam ni Akira the way she looked at her… kakaiba. Parang inaarok niya ang buong pagkatao mo..

Yung nasa gitna naman, maganda nga pero hindi naman ngumingiti. Parang ang sungit sungit niya.

Yung nasa kaliwa naman mukhang bored na bored na sa buhay niya.

Mukhang dun lang siya makakapasa sa smiling face eh.

“Well Akira.. actually hindi kami ang nagpoproof read ng story…pero nung medyo bored ako eh binasa ko yung sinubmit mong kwento. And I can say that it caught my interest” sabi nung babaeng palangiti.

Natuwa naman si Akira sa narinig.

“Talaga po” tuwang tuwang sabi niya.

“Yup. Kaya naman sinabi ko sa dalawang co-editors ko na basahin din ang story mo and nagustuhan din naman nila”

“Really? Wow thank you po”

“Pero since di ka naman pala graduate ng Mass Com or Journalism under observations ka pa” sabi nung babaeng mukhang masungit.

“Okay lang po. Maraming salamat po”

“Pwede na ba akong umuwe? Gusto ko na talagang matulog eh. Alam niyo bang 64 hours na akong walang tulog?” reklamo nung isang babaeng mukhang bored sa buhay.

“Sige na nga Queen.. lumayas ka na..at pwede ba maligo ka” pagtataboy nung babaeng masungit.

“Hindi pa naman ako mabaho ah” tanggi nito at inamoy pa ang sarili “Welcome to the Company Miss” bati pa nito sakin bago umalis. “Hindi na kita iseshake hands.. mabaho daw ako sabi ni Empress eh”

“Thank You po”

“Nagetethank you ka kasi mabaho ako?” nakakunot ang noong tanong nito.

“Naku hindi po. Nagtethank you po ako kasi winelcome niyo ako”

“Ahh mabuti na yung malinaw.. sige… ingat ka dyan kay Princess… buwakaw sa kwento yan… kaya dapat lagi kang may ready kapag hiningan ka niya… si Empress naman mukha lang laging menopause pero considerate naman yan sa deadline” bulong pa kay Akira nung “Queen” bago tuluyang lumabas sa silid.

Napatingin naman siya sa tinuro nung babae. Yung babaeng palangiti pala ang Princess. At yung masungit ang Empress. Well mukhang mag-eenjoy siya dito. Sana tumagal siya. Mukhang mga abnormal ang mga magiging boss niya eh.

Princess….Empress…Queen…

Mga Royalty pa pala yata ang mga boss niya. Sa pagkakaalam nga niya itong tatlo ito rin ang may ari ng buong kumpanyang iyon.

***

“Hoy Akira saan na lumipad ang utak mo?” marahang hampas kay Akira ni Allison.

“Nakakarami ka na Aly ah.. sasaktan na kita”

“Eh kasi naman nakarating na yata sa Mars yang utak mo eh.. kanina ka pa tinatawag ni Mae”

“Sorry naman” sabi ni Akira at nilapitan na si Mae para kunin ang tsekeng kabayaran sa kwentong ipinasa niya.

“Libre mo ako” ungot ni Allison kay Akira. “Kape”

“Kape na naman? Hoy Aly… ilang tasa ba ng kape ang tinitira mo sa loob ng isang araw ah? Lima?”

“Grabe ka naman… tatlo lang”

“Tatlo lang? Nila-lang mo pa yun ah. No wonder balak ng tubuan ng bubuyog yang mga mata mo. Ang kapal na ng eyebags mo eh”

“Eh kasi naman si Ms. Empress eh… minamadali na ako dun sa script na ginagawa ko. Kasalanan ko ba kung wala akong inspirasyong magsulat ngayon?”

“Hindi. Pero kasalanan mo kapag napending ang shooting ng pelikula dahil wala pang script ang kwento”

Napili kasing maging script writer sa isang TV network si Allison kaya naman ganun nalang ang pressure na nararamdaman nito. Buti pa si Akira paeasy easy lang ang buhay.hehe.

“Bigyan mo nga ako ng inspirasyon sis”

“Ako pa talaga ang hiningan mo ng inspirasyon ah. Magkape ka nalang. Libre kita”

“Good”

***

Sa isang coffee shop malapit sa Daydreamers Haven sila napadpad ni Allison. Madalas naman talaga silang tumambay dito para magkape lalo na kapag bagong sweldo. Bukod sa malapit lang sa office eh madami pang gwapo.

Katulad na lamang ng kaharap nila ngayon.

“Hello beautiful girls” bati ng may-ari ng coffee shop na si Chad.

“Hi Chad bati rito ni Allison. Siya naman ay hindi ito binigyang pansin.

“Naku mukhang may topak na naman si Aki” pang-aasar ni Chad sa kanya.

Hindi na lang niya pinansin ang pang-aasar nito. Wala siyang balak patulan ang pang-aasar ni Chad sa kanya. Natawa naman si Allison sa kanila.

“Huwag mo nang asarin iyan si Akira Chad at baka magbago pa ang isip niyan ay hindi ako ilibre.” Nakatawang sabi ni Allison bago bumaling sa cashier. “Isang hot brewed coffee sakin saka isang slice ng blueberry cheesecake. Si Akira magbabayad” order ni Allison sa cashier.

“Hoy! Usapan natin kape lang ang ililibre ko sayo” reklamo ni Akira sa kaibigan.

“Kuripot ka talaga. Isama mo na yung cheesecake”

Wala nang nagawa pa si Akira kundi bayaran ang inorder ni Allison.

“Ang gwapo ni Chad noh?” sabi ni Allison maya maya nang nakaupo na sila.

“Hmm.. pwede na” sagot niya habang nakatingin sa laptop niya. Libre wifi naman doon sa coffee shop eh.

“Alam mo Akira… hindi ko alam kung bulag ka ba o sadyang walang pakialam sa lalaki.”

“Hindi ko lang type si Chad

“Eh ano ba ang type mo sa isang lalaki?”

“Matangkad, maputi, suplado at tahimik…at syempre gwapo”

“Matangkad, maputi at gwapo naman si Chad ah. Maganda pa ang katawan”

“Well hindi siya suplado at tahimik kaya hindi siya pasok sa ideal guy ko”

“Abnormal ka nga” naiiling na sabi nalang ni Allison.

“Nagsalita ang hindi abnormal” nakatawang sagot niya.

“Mas abnormal ka. Pangalawa lang ako”

Hindi nalang pinatulan ni Akira ang pang-aasar ni Allison. Wala rin siyang mapapalang matino kapag pinatulan niya ito.


*** 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^